Share

Chapter 1

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2023-04-11 14:48:06

"Pagpasensiyahan mo na anak yan lang ang naipadala namin ng papa mo. Na- peste kasi ang pananim sa bukid..." parang pinipiga ang puso ko dahil sa sinabi ni Mama. Mahirap talaga ang buhay sa bukid, minsan sinuswerte sa pananim, minsan din hindi. "Hayaan mo kapag---"

"Ma salamat po, malaking tulong na po ito sa akin.. wag na po kayong mag alala" putol  ko kay Mama. Hindi niya naman na kailangang magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko ang hirap ng buhay namin. Kaya nga nagsisikap ako sa aking pag-aaral para ako naman ang tutulong sa kanila balang araw. 

"Mahina ang ani ngayon anak. Sinusumpong din minsan si papa mo ng kanyang rayuma. Ayaw naman niyang tulungan ko siya sa bukid. Hayaan mo sa susunod na buwan pagsisikapan namin ng papa mo na makapagpadala sayo pandagdag sa gastusin mo habang nag aaral ka...."

"Mama, okay lang po ako, wag kayong mag alala sa akin dito. May pera pa naman po ako galing sa sahod ko sa café na aking pinatatrabahuan at saka mama wag na kayong magpadala next month, ipambili niyo na lang po ng gamot ni papa." 

Mas kailangan nila ng pera ngayon. Hindi pwedeng tipirin ni Papa ang sarili niya. Mahirap na at baka lalo lang lala ang kanyang iniindang sakit. Alam ko pa naman si Papa, kapag kaya pa nito, kinakaya niya talaga wag lang makagastos. 

"O siya, mag-ingat ka dyan anak ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kung may problema ka tawagan mo kami agad ni Papa. I love you  Ava ganda namin. Mahal na mahal ka namin ni papa."

"I love you too, Ma. Lahat na 'to ay para sa inyo."

Di ko maiwasang malungkot pagkatapos makausapsi Mama. Kung sana may sapat lang kaming pera hindi ko na kailangan pang lumayo sa kanila para tuparin ang pangarap ko. Sana may katuwang si Mama sa pag-aalaga kay Papa kapag nagkakasakit ito. Pero wala eh, mahirap talaga ang buhay. Kailangan kong magdoble sikap, kailangan ko munang tiisin na malayo sa kanila. Kailangan ko itong gawin para sa pamilya. 

Life is really tough, mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aaral. Kailangan mong balansehin ang oras mo. Kung pwede nga lang gawin araw ang gabi ginawa ko na. 

Ang hirap talaga maging mahirap. Kung hindi ka kikilos wala kang mararating sa buhay. Walang tutulong sayo kundi ang sarili mo. Maswerte na nga ako at mapagmahal ang mga magulang ko. 

Batid ko kung  gaano kahirap ang trabaho ni Papa sa bukid. Kaya nagsisikap akong balang araw mapapatigil ko siya doon. Sa ngayon, wala akong magawa kundi ang pagbutihin ang aking pag-aaral. Ito ang magiging susi ko para tuparin ang mga pangarap namin ng mga magulang ko.

I am now in my 3rd year as Accountancy student. I am top of our class. I maintained my grades kasi ayaw kong mawala ang aking scholarship. Yun na lang ang tanging pag asa ko para maiahon ang pamilya sa kahirapan. Kung makapagtapos ako ng pag aaral mas madali sa aking makahanap ng trabaho. 

For now, I need to juggle work and school in order to meet my needs. Kailangan kong kumita ng extrang pera para pambayad sa renta ng tinitirhan ko at para na rin sa iba pang mga kailangan ko sa school. 

Nagpapart-time ako sa café malapit sa university na pinapasukan ko. Minsan nagtu-tutor ako at minsan gumagawa ng mga project ng ibang studyante for extra income. Pinapasok ko ang anumang pwedeng pagkakakitaan basta sa marangal lang na paraan. 

" Di bale, isang taon na lang self magtatapos na tayo. Hmm konting tiis na lang po. " kausap ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang café. Maagang natapos ang klase ko ngayon kaya dritso na ako sa trabaho.

"Besh mabuti maaga ka ngayon ang daming poging customer oh."  sabay nguso ni Daphne sa table kun saan may isang grupo ng mga kalalakihan.

Daphne is my besfriend, parehas kaming galing probinsya na sumubok ng aming kapalaran dito sa Maynila. Siya ang kasa-kasama ko sa aking mga lakad. Parehas kaming dalawa galing sa hirap.

"Ang gwapo ng mga Koya dzai, murag mga meee-mee lami kaayo na ba. Hmp! Patilawa ko kol beh!" [Ang pogi ng mga Kuya Day, parang ang yu-yummy niyang ba. Patikim naman Kuya.]

Mahina kong kinurot ang tagiliran niya. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig nito. Mabuti nalang at kami lang yung bisaya dito sa café kundi nakakahiya.

Ewan ko ba,  sa mga kaedaran kaedaran kong babae, halos mahilig sa mga pogi. Samantalang ako, waley. Hindi ako mahilig sa ganyan, parang ni minsan di pa ako nagkaka-crush yung tipong gwapong-gwapo talaga. 

Home-school- part time lang ang ganap ko sa buhay pero mabuti na rin yun para iwas sakit sa ulo. Madalas ko pa namang nakikita sa mga kaklase ko kapag naghihiwalay sa mgaboyfriend nila, sobrang miserable na. Yung iba bumabagsak pa talaga sa klase,mas masaklap pa yung tumitigil talaga sa pag-aaral. 

"Sige na Dzai, magbihis ka na para e-rampa na natin yang beauty mo dito sa café."

Mabilis akong nagpalit ng uniporme at tsaka nagsimulang magtrabaho. Tatlong taon na din akong nagtatrabaho dito sa café. Mabait ang may ari nito, parang kamag-anak ang turing sa aming mga staff nila. Minsan nakakapag advance pa kami. Mataas din ang pasahod sa amin at kumpleto sa benipisyo.

Malaking tulong ito sa aking pag aaral. Dito ko kinukuha ang pambayad sa renta at pangkain ko sa araw- araw.

Walking distance lang sa apartment namin at University. Swerte na kasi hindi na ako gagastos ng pamasahe.

"Besh...besh... bilis ihatid mo ito sa table ni Sir Pogi.." tawag sa akin ni Daphne na kinikilig pa. Tinuro niya ang table nung lalaking may kausap na babae. 

" Bakit ako?" tanong ko sa kanya, nakataas kilaykong tanong kay Daphne. Hindi naman kasi ako nagsiserve dahil sa kaha ako naka assign ngayon. 

"Sige ba,Besh! Ano ka ba? Chance mo na yan baka mapansin ka pa ni Sir pogi"  sabay tawa nito pero inirapan ko lang siya. May kausap na yung tao baka sabunot pa ang matanggap ko doon. 

"Bessy sa ganda kong to di ko na kelangan magpapansin noh? Kaya kung ako ikaw ihatid mo na yan bago pa tayo mapagalitan."

I'm tall, 5'8" ang height na namana ko kay papa. Yung nga lang hindi  ko namana pati ang kulay niya. I am morena at slim type ang body figure ko,  pangmodel sabi ng iba. Thanks God sa genes ni Mama, namana ko ito sa kanya. Itim ang mahaba kong buhok na may natural na kulot sa dulo.

Madaming kumukuha asa aking maging modela, may nag-ooffer din sa aking sumali sa mga beauty pageant pero hindi ako mahilig sa ganun. Wala doon ang forte ko. 

Di lang isang beses ang may nag offer sa akin na gawin akong modelo. Pero lahat tinanghihan ko, natatakot ako na baka mawalan na akong ng oras sa pag-aaral ko. Gusto kong makapagpatapos ng pag aaral dahil ito ang pangarap namin ng mga magulang ko.

 At tsaka nahihiya akong ibalandra ang beauty ko dahil hindi naman ako ganun kagandahan. Nagkataon lang na matangkad ako at kakaiba ang kulay sa mga kaedaran ko ngayon. 

"Kaya di ka nagkaka- boyfriend eh." mahinang bulong ni Daphne bago niya kinuha ang tray nung order nung sinasabi niyang customer.  

" Bessy ang pag-ibig hindi yan hinahanap kusa yang dumadating. Tsaka hello ang bata ko pa kaya noh? I just turned 19 kaya wala pa sa isip ko yang boyfriend boyfriend thing-y na yan?" sabay ikot ng mata. " Sige na ihatid mo na yan dun sa customer, maya mapagalitan ka pa eh kasalanan ko pa."

Mabilis din naming kinuha ni Daphne ang tray at hinatid sa table ng sinasabi nitong pogi. Sinundan ko siya ng tingin, humahampas pa ang balakang ni Daphne. Sadyang inartehan talaga ang paglakad. Iniwas ko ang tingin kay Daphne  para tingnan ang lalaking sinasabi nito pero hindi ko inaasahang nakatingin dinpala ito sa akin...ng nakakunot ang kilay?

Hala bakit parang galit si Kuya? 

Tumingin ako sa aking likuran baka sakaling nagkamali lang siya pero wala naman akong nakita doon. 

"Shit!" mahina kong mura.  Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya, lalo pang naging masungit ang mukha nito ngayon. Sa akin talaga siya nakatingin at magkasalubong yung kilay niya. 

"Baka nag-away sila ng kasama niyang maganda kaya mukhang galit?" Pero bakit sa akin siya nagsusungit. Nakita ko pang pinitik nung babae ang mga daliri sa harap niya kaya napakurap ito. 

 Bahala nga siya!

Wala akong kasalanan sa kanya at di ko rin siya kilala.

Hindi ko na lang pinansin ang mga titig ng lalaki sa akin kahit na feeling ko tumatagos ito sa akin. Matagal bago nawala ang pakiramdamn kong ganun pero deadma nalang. Sakto ring biglang dumami ang mga customer. Naging busy ako sa counter. Sa muling paglingon ko sa pwesto nila, wala na sila doon ng kasama niya. 

Pagod akong naupo sa locker room pagkatapos ng shift ko. Kanina pa tapos ang shift ni Daphne pero hinintay niya ako para sabay na kaming umuwi sa boarding house namin.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga kaya napalingon ako sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip niya. 

"May problema ba?" tanong ko. Hindi ako sanay na ganito ang nakikita ko sa kanya. Mas sanay akong dinadaldal niya ako at kung ano-anong kalokohan ang mga sinasabi niya sa akin. 

"B-Baka hanggang ngayong sem na lang ako makapag-aral dito." Narinig ko ang bahagyang pagkabasag ng boses niya. Kahit ako, naramdaman ko rin ang paninikip ng aking dibdib. Lumipat ako ng upo sa tabi niya. Marahan kong inabot ang kamay niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. 

Alam ko kung gaano kagusto ni Daphne ang makapagtapos ng pag-aaral pero kagaya ko mahirap lang din sila. 

"Nakausap ko si Nanay kanina, pinapauwi muna nila ako. Hindi na kasi talaga kaya, Besh, kulang talaga eh. Siguro uuwi muna ako sa atin, mag-iipon muna ako. Tsaka kailangan rin muna ni nanay ng tulong sa maliit naming karinderya. Sayang naman kung isasa, kahit papano ang laking tulong nung karenderia para sa amin sa araw-araw. Siguro dun ko na lang din ipagpatuloy ang pag-aaral kung medyo nakakaluwag na kami." malungkot na sabi ni Daphne. Pilit niya pang pinipigilan ang luha pero may nakatakas na dito, pati ako ay naiiyak na rin. 

Ngayon palang nalulungkot na ako. Si Daphne ang kasama kong nangarap at lumuwas dito sa Maynila. Siya ang karamay ko sa mga panahong nagigipit ako, siya yung palaging andyan kapag nalulungkot ako. Kaming dalawa lang ang palaging magkasangga, pero ngayon uuwi na siya.

"W-wag kang m-malungkot." ilang beses itong kumurap para pigilan ang luha. Napalabi ako at yumakap sa kanya para itago ang pag-uunahan ng mga luha ko. Hindi ko maiwang hindi malungkot dahil si Daphne lang ang lagi kong kasama. Siya lang din ang tinuturing kong tunay na kaibigan.

" Kahit nasa probinsiya ako magtetext din naman ako sayo promise!" Sabay haplos niya sa likod ko. Lalo akong naiyak sa ginawa niya. Daphne is not only my bestfriend, she's like a sister to me.

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo. Wag kang magtitiwala basta kanino. Alam mo naman hindi natin alam kung sino ang totoo at hindi dito. Sa panahon ngayon marami na ang mapangpanggap. "

"Mami-miss kita, Daph. Mami- miss ko yung gala natin, mga usapang walang kabuluhan at mga kalokohan mo. Kasi ikaw lang ang nag-iisang bessy ko..." lalo pa akong yumakap sa kanya. "Ikaw lang yung handang makipag-away para sa akin, ikaw yung nagpapasaya sa akin pag nalulungkot ako, kaya kahit malayo man tayo sa isa't isa ikaw pa rin ang bessy ko ha? Isang taon na lang magtatapos na ako Daph at kapag dumating ang araw na yun ako naman ang tutulong sayo."

"Basta mag-ingat ka dito sa Manila. Tandaan mo na kahit ang pinaka magandang uri ng ahas ay nagpapalit pa rin ng balat. Wag kang basta-basta magtiwala sa mga tao sa paligid mo."

Mabilis na natapos ang last semester at umuwi na nga si Daphne sa kanilang probinsiya. Di ko maiwasang malungkot lalo't ako na lang mag-isa sa inuupahan naming apartment ni Daphne.

Ngayon mapipilitan akong maghanap ng kasama para may kahati ako sa bayad. Malaki din ang matitipid ko kung may kahati ako sa renta. 

Kailangan kong mag-ipon kasi last year ko na sa college, magsisimula na akong mag ojt. Kailangan ko ng pera para pambili ng mga bagong damit at sapatos para mukha din akong presentable. Halos kasi lahat ng damit ko ay luma na. Sapat lang kasi ang padala ng mga magulang ko at ang sahod ko naman ay sapat din para sa mga gastusin sa araw-araw. Mabuti nga at hanggang ngayon scholar pa rin ako.

"Isang taon...isang taon na lang...kaya natin to self!" kausap ko ang aking sarili "... wag kang bibitaw lalaban tayo. Magtatapos ako, pagkatapos maghahanap ako ng magandang trabaho. Gagawa tayo ng bahay at lilibutin natin ang buong mundo. "O bakit? Bawal bang mangarap? Mas maganda yung may pangarap sa buhay kesa wala diba? 

Pero bago pa mapurnada ang mga pangarap ko kailangan ko ng bilisan ang kilos ko dahil ngayon ang unang araw ng on the job training ko. 

Kagabi palang inayos ko na ang damit na susuotin ko para ngayon. Nagluto na rin ako ng babaunin kong pagkain, adobong manok na may nilagang itlog at kanin. Nagdala na rin ako ng sarili kong tumbler para sa tubig. Kailangan kong magtipid. Malaking kompanya ang napasukan ko, alam kong may canteen man doon hindi ko afford bumili. 

Maaga din akong nagising kanina dahil kailangan kong makahanda ng maaga. Sinadya kong agahan dahil ayokong ma-late sa unang araw ko lalo't magji-jeep lang ako. Ilang minuto din ang ginugol ko sa byahe. First day ng ojt ko kaya dama ko ang kaba sa aking dibdib lalo na nung nasa harapan na ako ng Valderama Construction and Land Development Corp.

"Good morning po Kuya." bati ko sa guard na malayo palang ay naka smile na sa akin. Mukhang mabait si manong guard.

"Magandang umaga din ma'am. Ano pong atin?" Tanong nya sa akin.

"Ah kuya Ava nlng po. Ava po yung pangalan ko, ako po yung mag-o-OJT dito sa inyo. First day ko po ngayon." Nanatili lang itong nakangiti sa akin. Mukhang mabait talaga. "Tanong ko lang po sana kung andito na po ba ang Head ng HR?"

Nakangiting tumango si kuya sabay turo sa akin sa reception. Siya na daw bahalang mag assist sa akin sa loob. Nagpasalamat ako kay manong guard at tsaka lumapit na sa receptionist.

Kahit pangalawang beses ko ng makapunta dito di ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Para akong nasa lobby ng five-star hotel. Nung unang punta ko dito, pagpasa ng application para sa OJT ko ay nagmamadali kasi ako dahil may pasok pa ako sa café kaya di ko masyadong napansin ang ganda ng design sa loob.

"Get out of the way!"   Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid hindi ko man lang napasin na nakaharang na pala ako.  Napako ako sa kinatatyuan ko at bigla parang hindi ako makagalaw sa sobrang kaba. Paglingon ko sa paligid lahat ng empleyado nakatingin sa akin. 

Oh no!  It's my first day today, anong kapalpakan ba ang nagawa ko? At bakit siya naninigaw. 

"I said get out of the way! Can't you understand?" ulit nito sa akin and this time dama ko na ang galit sa boses niya. 

Dali dali akong tumabi at yumuko.. "Sorry po S-sir" usal ko ng nakayuko. Hiyang hiya ako sa mga tao sa palibot halos lahat sila nagbubulungan. Para akong naiiyak pero pilit kong pinigilan. Hindi ako pwedeng mahina. 

"I don't need stupid people in this building. Move!"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ah grabe ang mahihing boss mo Ava ang sungit
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
welcome sa good novel Hendrick and Ava
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 2

    Hiyang -hiya ako sa mga empleyadong nakatingin sa akin. Mabuti nalang at mabait yung receptionist at ito na mismo ang lumapit sa akin. "It's okay, Ava. Masasanay ka rin." Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan three weeks na pala akong nagte-training. Mababait ang mga kasamahan ko sa Accounting Department. They treat me as their younger colleague kahit OJT palang ako. Hanga sila sa aking determinasyong matuto at saka madali lang daw akong turuan.Bilib din ang boss ko na si Sir Ethan, lalo na nung nalaman niyang scholar ako sa uninversity. Sir Ethan is the type of boss na palangiti at hindi strikto. Yung boss na tipong hindi ka matatakot pero andun pa rin yung respeto pagdating sa trabaho.One day narinig kong usap-usapan ng mga kasamahan ko na barkada pala ni Big Boss si Sir Ethan. College buddies daw sila, mga hunk daw na magka-tropa. Puro hot, sikat at may kaya sa buhay. Mayaman din daw ang pamilya ni Sir Ethan yun nga lang mas pinili nito magtrabaho sa kumpanya ni

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 3

    Today is my first day as Mr. Valderma's secretary. Sadyang maaga akong pumasok ayaw ko kasi mapagalitan sa first day ko.Biglaan ang pag-uwi ni Miss Belle kasi sinugod daw sa ospital ang tatay niya. Dati palang family driver nila Boss ang papa ni Miss Belle kaya parang wala lang sa kanya kung tinutupak si Boss. Kabisado na niya ang ugali ng amo namin.Always daw talaga beast mode si Boss kaya parang normal na kay Miss Belle ang mood nito. Iniintindi niya nalang din dahil sa dami ng responsibilad na nakaatang sa balikat nito. Si Boss ang panganay sa kanilang magkakapatid. Sa kanya pinagkatiwala ng Daddy nila halos lahat ng negosyo nila. Bago umalis si Miss Belle sinigurado nitong naituro niya sa akin ang mga dapat at di dapat kong gawin. Naintindihan ko naman lahat. Strikto si Boss pagdating sa trabaho na niintindihan ko naman dahil siya ang pinaka-amo ng lahat. Hindi pwedeng magkamali.Kabilin bilinan din ni Miss Belle na huwag magpapasok kahit sino kung walang appointment kay Boss,

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 4

    My days as Mr. Valderama's secretary went well. There are times na pinapasama niya ako sa meeting niya outside the office. Di ko akalaing ma survive ko yung first week ko working with him knowing that Boss is so strict, but in fairness mabait din naman si Boss never niya pa akong nabulyawan na ipinagpasalamat ko rin.Never kasi akong sinigawan ng mga magulang ko. Mahal na mahal ako nina papa at mama kasi ako lang daw ang nag-iisa nilang prinsesa. Kaya in return naging mabait din akong anak sa kanila.Nung araw na isinaman ako ni Boss tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya. Di din naman ako kinakausap ni Boss kung hindi related sa trabaho, unlike Sir Ethan na nangangamusta kung ano ng nangyayari sa buhay ko at sa aking pag-aaral. Minsan nga naabutan pa kami ni Boss na nagtatawanan ni Sir Ethan.Ewan ko ba dun kay Sir Ethan simula ng naging temporary secretary ako ni Boss araw -araw din atang binubulabog niya si Boss sa opisina nito. At di maiwasan na makipag-usap ako sa kanya kasi d

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 5

    Napapadalas ang pag-aya sa akin ni Boss na kumain sa labas pero ni isa wala akong pinagsabihan.Kahit si Jana, hindi ko nababanggit sa kanya kasi nahihiya ako at baka isipin niyang assuming ako. Parang balewala lang din naman siguro yun dahil wala naman kaming ibang napag-uusapan ni Boss. Sobrang awkward nga kasi tahimik lang siya. Palagi lang nakatitig sa akin, wala namang sinasabi. Ako lang yung nagsasalita, nagkukwento ng kung ano-ano sa kanya. Tango at tipid na ngiti lang din naman ang binibigay niya sa akin.Hanggang doon lang dahil pagkatapos naming kumain hinahatid niya na ako pauwi sa bahay. Hindi rin naman siya nagte-text. Ganun lang talaga. So wala namang big deal diba? It's just a normal employee-employer relationship lang naman ata? Ayoko din bigyan ng ibang kahulugan dahil baka ganun din siya kay Miss Belle at sa iba pang mga dumaang secretary sa kanya. Wala namang espesyal sa akin kung tutuusin para magpi-feeling espesyal ako dahil sinasama niya akong magdinner at hi

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 6

    Sinuklay ko muna ang aking buhok at ipinusod. Di na ko nakapagpalit ng damit sa sobrang pagmamadali. Naka pambahay lang ako, sando at shorts. Paglabas ko ng apartment nasa gate na si Boss naghihintay sa akin.Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Nakapagpalit na siya ng damit. White fitted shirt ang soot niya na nakahulma sa kanyang magandang katawan, nakapantalon ng maong at puting sneakers. Bakit kaya naparito si Boss? May naiwan ba akong trabaho sa opisina?Ngumiti ako sa kanya pero seryoso lang ang mukha niya at mukhang naiinip na. Kanina pa kaya siya naghihintay sa labas? Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Sana nagpaalam na lang ako kanina sa kanya. Ayan tuloy napasugod pa siya rito ng wala sa oras."G-good evening po Sir." Bati ko. Hindi ito agad sumagot sa halip pinasadahan niya ng tingin ang suot kong damit. Tiningnan ko din ang sarili ko. Bigla tuloy akong na-conscious. Medyo fit pa naman sa katawan ko yung sando ko tsaka medyo maiksi din ang shorts na suot ko. "

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 7

    I was left alone confused. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Boss. Totoo ba yun? Ang amo ko manliligaw sa akin? Sigurado ba siyang ako talaga ang liligawan niya sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kung tutuusin ni hindi ako nakakalahati sa mga yun. Mayayaman, magaganda, sopitikada at mas bagay sa estado nila. Samantalang ako, kabaliktaran ng lahat. Mahirap lang kami, ang maliit na lupang sinasakahan na mga magulang ko ay hindi pa amin. Hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ko pa pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang makatulong sa mga magulang ko. Nababasa ko lang to sa mga pocketbooks dati kaya mahirap para sa akin na maniwala sa mga sinabi niya. Pero inaamin ko, may kakaibang saya itong hatid sa puso ko. Ngayon lang din ako nakadama ng ganito. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa dami ng iniisip ko kagabi hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 8

    Kanina pa ako nakabalik dito sa aking pwesto pero hanggang ngayon lutang parin ako. Hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa. Buti na lang at isang meeting lang ang meron si Boss ngayong araw at kanina pa ito natapos.Tinawagan niya ako before lunch para sabihing sabay na kaming mananghalian. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako o hindi. Pero alam ko din naman na kahit ayaw ko, siya pa din naman ang masusunod. " He wont take no for an answer" nga diba?Ano ba kami? Ito na ba yung sinasabi niyang simula ng kanyang panliligaw? Ito na ba yung sinasabing niyang "be ready"? Na-eexcite ako pero di ko din maiwasang mag-alala. Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado niya. Baka isipin nilang nilalandi ko si Boss. Lalong nakakahiya kasi trainee pa lang naman ako, ni hindi pa nga ako tapos sa aking pag-aaral.Sa pagkakaalam ko he don't mix business with pleasure which I doub't sa dami ba naman magagandang empleyeda dito na halatang namang nagpapansin sa kanya, ni isa wala siyan

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 9

    Two weeks na lang matatapos ko na ang training ko. Sa loob ng mga panahong nagsasanay ako sa kumpanya ni Boss ng dami-dami kung natutunan. I have my personal and professional growth. Masaya ako sa opurtunidad na binigay nila sa akin. Malaking tulong din na may sinasahod ako sa aking pagtatrabaho. Makakatulong ito sa pagbili ko ng mga gagamitin ko sa pasukan.Sabado ngayon pero kaylangan kong pumunta sa University para ipasa ang evaluation form para sa On-the-job training ko. Kaylangan ko ring makipagkita sa Dean ng aming departamento dahil pinatawag niya ako.Masaya kaming nag-uusap at nagkukwentuhan ng mga kakalase ko. Yung iba, binabahagi ang mga naranasan nila while doing their ojt sa ibang kumpanya. Ang ingay-ingay tuloy dito sa loob ng room. Gano'n paman masaya kaming lahat sa mga panibagong karanasan namin sa buhay. Additional knowledge, experiences and wisdom to help us in the future."Miss Clemente pinapatawag ka na ni Dean sa kanyang opisina" tawag ng isang studyante sa akin

    Huling Na-update : 2023-04-14

Pinakabagong kabanata

  • Keeping The Billionaire's Twins   Epilogue Part 2

    That night I cannot sleep. The little boys' eyes keep flashing in my mind. I can see my small self in him. There's something in his eyes that everytime it flashes to my brain something it reached to my heart. Parang may humahaplos sa puso ko sa tuwing naalala ko ang mga mata nung batang lalaki. I called the owner and requested for the footage that day. To my surprise, I saw how Derick intentionally hide them. Dun na ako naghinala. The next day I called him, ayaw pa sanang akong kitain pero wala siyang nagawa nang tinakot ko siyang pabagsakin ko ang negosyo niya. I already had a haunch that his hiding something from me. "I swear Kuya-" another strong punch landed on his face. Wala akong pakialam kung masira ang buong mukha niya. Galit na galit ako sa kanya dahil halatang nagsisinungaling siya sa akin. "Tell me Vin Derick! You don't want me mad, I'm warning you." Akmang susuntukin ko ito ng bigla itong umamin sa akin. "Yes! They are your twins!" I felt like a bombed just exploded t

  • Keeping The Billionaire's Twins   Epilogue Part 1

    Van's POV"Kuya you're not listening to me. Kanina pa ako nagsasalita dito kung saan-saan ka naman nakatingin. Sino ba kasi tinitingnan mo dyan?" Pagrereklamo ni Veronica sa akin. Lumingon ito sa tinitingna ko pero mabuti nalang at nakatalikod yung babae sa amin ngayon.Andito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa University na pinapasukan niya. Kanina ko pa gustong umalis pero ayaw ko namang iwan ang bunso namin. Minsan lang ito naglalambing sa akin. "Just finish your food Chrystelle and we'll go. Stop looking around." seryoso kong saway sa kanya. "Are you looking at that girl in the counter? She's pretty right? You want me to ask her name?" I glared at her but her smiles became wider. This brat really knows how to annoy me."Oh kalma Kuya. Ayan ka na naman eh, nagsusungit ka na naman. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend kasi ang sungit-sungit mo."Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi niya. Who said I need a girlfriend? I can have many girls as many as I want. Hindi ko na kailan

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 40

    I was busy fixing my dress when Hendrick hug me from behind. He is brushing his lips on my cheek and then continue sniffing my neck. At ako namang buntis, naramdaman kong nag-iba agad ang reaction ng katawan ko.Ito siguro ang sinasabi nilang kapag nabubuntis ay naging mahilig. I blushed at that thought. Nakakahiya baka sabihin pa nitong nabuntis lang ako nagiging perv na."I love you, Margaux." he breathes. "Hey." saway ko dito at baka kung saan naman mapunta ang pahalik halik nito sa akin."I love you so much, Babe." Ihiniharap niya ako sa kanya at masuyong pinatakan ng halik ang noo, pababa sa mata, sa ilong at sa labi ko. "Thank you, Babe, for accepting me again in your life." His beautiful pair of gray eyes are glistening. How I love looking at his gray eyes. Laking pasalamat ko pa noong ipinanganak ko ang kambal dahil sa kanya nagmana ang mga mata nito.Today is the schedule for my check-up. It's been week nang madischarge kami sa hospital. After nang check -up namin. Dadaanan

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 39

    "Shhh wag ka maingay Jill, baka magising si Mama.""Mama gising na po ikaw.""Daddy, stop kissing my Mama."Nagising ako dahil nakarinig ako ng mga mumunting tinig sa paligid. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil may bisig na mahigpit na nakayakap sa akin. Pagbaling ko sa aking tabi nakita ko si Hendrick na nakayakap sa aking tiyan.Inilibot ko ang aking paningin at halos maluha ako ng tumambad sa akin ang mukha ng aking mga anak. Nakatititg ang mga ito sa akin at nagsimula ng mamumuo ang luha sa mga mata. Oh God, my babies..."M-mama." Amara's voice cracked. Her lips trembled and she started crying. "Don't cry please, kasi naiiyak din si Mama." I said trying to stop my tears.Nakita kong humikbi si Amara at sinubukan pa itong patahanin ng kapatid niya kaya pinalapit ko na ito sa akin."Come babies..." Iniangat ko ang aking kamay na walang swero.Bahagya pang hinarang ni Hendrick ang kanyang kamay sa aking tiyan dahil nag-uunahan ang kambal sa paglapit sa akin.Pero dah

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 38

    "Wag!" Malakas kong sigaw. Wala akong maramdaman na kahit ano, pakiramdam ko ay namamanhid ang aking buong katawan. Iminulat ko ang aking mga mata pero pakiramdam ko nahihilo at nanghihina pa ang katawan ko.Agad akong dinaluhan ni Hendrick. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Call the doctor, Vin Derick!"Nagising ako dahil napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Billy. Nakikita ko ang malademonyo niyang ngisi. Naririnig ko ang nakakatatot niyang tawa. Nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot na baka nandyan lang siya sa paligid. Ramdam kong pinagpawisan ako at nanginginig ang aking katawan. My heart began beating abnormally.Pakiramdam ko bigla nalang papasok si Billy at pagbabarilin kami. "Calm down, Babe. I'm here... I'm here. Hindi ko na hahayaang masaktan kayo ulit." I was shaking in fear. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Hendrick. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa amin ng mga bata. Ang mga anak ko. Naalala ko ang takot sa mukh

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 37

    Warning: May contain sensitive topics. Please be aware.____________________________"Vonn, Amara, whatever happened, always remember mama loves you very much okay?"I'm trying my best not to be weak in front of my kids para hindi sila lalong matakot. Isiniksik ko silang dalawa sa likod ko, trying to cover them para hindil nila makita ang pagmumukha ni Billy, who's now hugging his daughter. Naawa akong tumingin sa anak niya dahil halatang nanghihina na ito.Hindi ako makapaniwala na maging ganito si Billy dahil noong mga panahong nag o-ojt pa ako maayos naman ito. Mabait ito sa aming lahat at magaling din makisama. Umabot pa nga sa puntong tinutukso ito ni Jana sa akin. Ano bang nagyari sa kanya? Ang huling kita ko dito ay nung panahong gusto kong kausapin si Jana tungkol sa nangyari sa amin pero hindi ko na siya naabutan dahil nag-resign na siya. Naalala kong hindi din ako kinibo ni Billy at tanging si Jake lang ang nakipag-usap sa akin noon. Sa tagal naming magkasama ni Jana sa ii

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 36

    Nagising akong nakahiga sa kama. Medyo nahihilo pa ako kaya dahan-dahan akong bumangon. Inilibot ko ang aking tingin para malamang nasa loob pala ako nang sarili kong silid dito sa mansyon nila. Tumingin ako sa orasan dalawang oras na ang lumipas.Bumukas ang silid at ang nag-alalang mukha ng ina ni Hendrick ang bumungad sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.Ang mga anak ko. Nawawala ang mga anak ko. Yun ang huli kong narinig kay Jam. Naramdaman kong namamawis ang aking noo at nagsimula ng manginig ang aking katawan. Nag-uunahan na namang bumagsak ang mga luha ko.Niyakap ako ng mommy niya at tahimik na din itong umiiyak."T-tita nasaan na ang mga anak ko?" lumakas na ang pag-iiyak ko. Pinapakalma niya ako pero siya umiyak din siya. Tita, ang kambal. Hindi ko kakayanin kung mawala sa aking ang kambal.""Shh...tahan na anak. Hinahanap na sila ni Hendrick. Naireport na din ito sa mga pulis."Sinubukan kong bumaba ng kama pero biglang nanlabo ang akin

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 35

    Pagkapasok ko pa lang sa garahe ng mansion ng mga Valderama nakita kung patakbong sumalubong si Derick sa sasakyan ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Siguro natawagan na ito ng Kuya niya kaya ganito. I was crying my heart out inside my car. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. I love him so much but why I always have to end up in pain? Bakit lagi niya na lang akong sinasaktan? Bakit kailangan niya itong gawin sa akin?"Ganda, open the door please." Dinig ko ang pagkatok at pagsigaw ni Derick mula sa labas ng kotse ko. Hindi ko siya binuksan at nanatili akong nakayukyok sa manibela at patuloy na umiiyak.Gusto kong ibuhos ang lahat ng sakit na aking nadarama ngayon. Bakit hindi niya sinabi sa akin noon pa ang tungkol dito? Kaya pala minsan late na siyang umuuwi. Siguro pinupuntahan niya ang anak nila. Kaya pala may mga panahong, nakatulala siya dahil siguro sa problema niya sa bata.Sana sinabi niya sa akin sa simula pa lang, maiintindihan ko naman siya.Pilitin kong intind

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 34

    My heart is so happy that I couldn't ask for more because finally buo na din ang pamilya ko. Watching my kids laughing with their father makes my heart go wild. Sino ba ang mag-aakala na ang isang Hendrick Valderama ay marunong naman palang tumawa. Ang buong akala kasi ng karamihan pagsusungit lang ang alam nito. Kaya nga binansagan ko pa ito dati na arrogant boss. I remembered my first encounter with him sininghalan ako nito sa tapat ng elevator, first day ko nun sa kumpanya nila. Akala ko nga hindi ko matatapos ang ojt ko sa kanila dati dahil terror ang boss ko."Babe come here." sabay tapik nito sa space sa tabi niya."I know that look." ganti ko sa kanya. Wala na ata itong ibang gawin kapag nandito sa bahay kundi ang dumikit sa akin. Kung makalingkis ito sa akin para itong sawa. Ako ang nahihiya sa mga magulang at kapatid niya.I didn't expect na mahilig itong mag pda , sobrang clingy nito sa akin at walang pinipiling lugar. Yung palaging masungit at striktong Hendrick Valderama

DMCA.com Protection Status