Share

Chapter 5

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-04-14 14:58:18

Napapadalas ang pag-aya sa akin ni Boss na kumain sa labas pero ni isa wala akong pinagsabihan.Kahit si Jana, hindi ko nababanggit sa kanya kasi nahihiya ako at baka isipin niyang assuming ako.  Parang balewala lang din naman siguro yun dahil wala naman kaming ibang napag-uusapan ni Boss. 

Sobrang awkward nga kasi tahimik lang siya. Palagi lang nakatitig sa akin, wala namang sinasabi. Ako lang yung nagsasalita, nagkukwento ng kung ano-ano sa kanya. Tango at tipid na ngiti lang din naman ang binibigay niya sa akin.

Hanggang doon lang dahil pagkatapos naming kumain hinahatid niya na ako pauwi sa bahay. Hindi rin naman siya nagte-text.  Ganun lang talaga. So wala namang big deal diba? It's just a normal employee-employer relationship lang naman ata? 

 Ayoko din bigyan ng ibang kahulugan dahil baka ganun din siya kay Miss Belle at sa iba pang mga dumaang secretary sa kanya. Wala namang espesyal sa akin kung tutuusin para magpi-feeling espesyal ako dahil sinasama niya akong magdinner at hinahatid pa pauwi. 

"Day, may nakita akong damit na babagay sayo. I'm sure you will look good on that."

Sabado ngayon at wala kaming work  kaya  nandito kami sa mall ni Jana.Kagabi pa ito excited dahil nakapagsahod na kami. Napag-usapan namin kagabi na mamili kami ngayon ng damit na maari kong gamitin pang-opisina. Yung mga mura lang pipiliin ko. Ang iba doon na ako sa ukay-ukay bibili. Sumama lang ako kay Jana dahil nag-insist siya.

Dalawang pares ng formal office dress ang nabili ko. Sakto lang ang haba ng damit pero dahil medyo may katangkaran ako, medyo umangat ito ng isang pulgada sa tuhod ko. Alanganin pa akong bilhin dahil above the knee pero sabi ni Jana ayos lang. 

Pagkatapos naming namili ng damit ni Jana, lumipat naman kami sa mga sapatos at sandal na maaring ipares. Pumili na din kami ng mga lipstick. Nagtataka pa nga ako nung una kay Jana dahil mas madami yung mga pinamili niya sa akin. Pinigilan ko pa siya dahil akala ko nagtitipid siya pero sabi niya ngayon lang daw siya nakabili para sa sarili niya dahil lagi niyang inuuna ang pamilya niya. 

"Masaya din pala ang magshopping. Ganito siguro ang feeling ng mga mayayaman ano?" tanong ko kay Jana. Napansin ko pang bahagya itong natigilin pero mabilis din naman tumango sa akin. 

"Sinabi mo  pa day! Hindi tayo makaka-realte dahil poor tayo, poor mga slapsoil." saka kami nag-apir at nagtawanan dalawa. 

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jana tungkol sa mga pinamili namin ng may nabunggo ako. Sa sobrang daldal namin ni Jana hindi ko napansin na may nakasalubong na pala ako. Mabuti nalang nahawakan niya ang bewang ko bilang suporta dahil kung hindi baka bumagsak na ako sa sahig. 

"Careful, Miss beautiful."mahinang usal niya.

Pag-angat ko na aking paningin seryosong mukha ng lalaki ang aking nabungaran. Halos perpekto ang hugis ng kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang mga labi at kulay abo...wait, yes! Kulay abo din ang ang kanyang mata.

 Natulala pa ako saglit,  kung di pa ako kinalabit ni Jana baka di pa ako gumalaw. Napaayos ako ng tayo at bahagyang lumayo sa kanya.

"S-sorry po, sorry po, Sir,  pasensiya na po di ko kayo napansin. " Natatarantang hingi ko ng paumanhin  sa kanya. Kinakabahan pa ako at baka magalit ito sa akin pero bigla siyang ngumiti na parang natutuwa pa siya sa aking naging reaksiyon.

"Ouch!"Biglang hawak niya sa kanyang dibdib na parang may kung anong masakit.

Lumapit ako sa kanya at kinapa-kapa ko ang kanyang dibdib.

"A-ano p-pong nangyayari sayo? S-saan po ang m-masakit? Dadalhin po ba namin kayo sa hospital?" di ko napansin na hawak niya pala ang kamay ko na nasa kanyang dibdib.

Paglingon ko sa paligid para sana humingi ng tulong ng napansing kong madami na pala ang nakatingin sa amin na parang natutuwa.

"Dito, dito tsaka dito..." hawak ang kamay ko, diniin niya ito kung saan-saang parte ng dibdib niya. "Hindi ako makahinga, Miss beautiful. Kailangan ko ng CPR."

"Po? Hala di ko alam paano gawin yun. Dalhin ka nalang namin sa ospital, Sir."

Pero bigla siyang tumawa ng malakas na parang baliw. Maluha-luha na nga siya sa kakatawa hawak niya pa ang kanyang tiyan. Pati din ang kaibigan ko nakikitawa pa sa kanya.

Hinampas ko siya sa kanyang braso saka pa ito tumigil. 

"Sorry it's just a joke." Nakingising sabi ng lalaki sa akin. 

"Hindi po kayo nakakatuwa" nakanguso kong sabi sa kanya. "Para po akong mahihimatay sa kaba."

"I'm sorry... but you're so cute though. By the way I'm Derick" pagpapakilala niya sa 'kin. "and you are?" iinilahad niya ang kamay niya pero bago ko pa ito matanggap biglang may dumaan sa gitna namin. Hindi man lang nag-excuse. Ang lawak-lawak ng dadaanan sa gitna pa talaga namin. Aawayin ko na sana ito pero bigla itong nagsalita. 

"Vin Derick, let's go" tinig na pamilyar sa akin. Pagtingin ko sa lalaking nagsalita ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ang masungit na mukha ng Boss namin. Magkasalubong ang kilay nito at mukhang galit sa akin. 

Pero bakit siya magagalit? Kanila ba ang mall na 'to at bawal ba kaming pumunta dito?

"Hello Si--" babati sana ako sa kanya pero bago ko pa magawa yun masungit niya lang akong tiningnan saka na para bang di niya ako kilala,  saka umalis na.

"See you around Miss beautiful, got to go" mabilis na paalam ng lalaki at sumunod na kay Boss "Hintayin mo ako, Kuya!" tawag niya.

Wait, what? K- kuya? Did he just call my Boss Kuya? Ibig sabihin kapatid siya ni B-boss? Yung lalaking palagi niyang pinapagalitan? 

Dun ko lang natanto na magkahawig nga pala sila ni Boss. Parehas kulay abo ang mata nila. Medyo matapang lang ang mukha ni Boss compared sa kanya. Siya yung kapatid ni Boss na binanggit ni Miss Belle sa akin. Nakauwi na pala siya.

Kaya siguro ito palaging napapagalitan ni Boss dahil parang opposite yung pag-uugali nila. Sobrang playful naman yung kapatid ni Boss na muntik pa akong magpanic kanina sa biro niya.

"OMG Day! Ikaw na jud! Daug na ka! Nahuman na ang linya, gihuman jud nimo Day!"sabay hampas ni Jana sa akin. Si Jana yung tipo ng kaibigan na mahilig manakit, nanghahampas at naghihila ng buhok lalo na kapag kinikilig ito. Kaso minsan napapalakas na, masakit na din. 

"Anong meron sayo Day at halos lahat ng mga pogi napapansin ka? Pakiskis sa kuko bi!"

"Anong pinagsasabi mo Jana? Muntik na nga akong atakihin sa puso kanina eh."

"Sus Day! Kahit atakihin pa ako sa puso okay lang sa 'kin mahimas ko lang yung kapatid ni Boss" kinikilig niyang sabi na ikina shock ko naman. Himas? At talagang himas pa ang term na ginamit niya. Parang ang sagwa naman pakinggan nung himas. 

"At saka Day ito pa grabe makatingin si Boss sa inyo kanina. Mukhang gustong-gusto nang manapak eh. Yung mga ganung tingin Day alam ko na ang ibig sabihin nun." may pa kindat kindat pa siya. Parang uminit yung mukha ko sa sinabi niya. 

" Ano sa palagay mo Day? Nagseselos kaya si Boss? Feeling to talaga Day may gusto yan si Boss sayo eh sekreto lang."

"Huy Jana!" tinakpan ko ang kanyang bibig ang lakas-lakas ng boses niya na akala nya siguro nasa apartment lang kami. 

" Kilabutan ka nga! Kung anu-anong naiisip mo eh. Nakakahiya baka may makarinig pa sa atin dito maya isumbong pa tayo kay Boss. Tara na nga gutom lang yan" hinila ko na siya papuntang food court.

As usual, the next day maaga kaming naghanda ni Jana para pumasok at iwas traffic na din. Nagbaon na din kami ng pananghalian. Kelangan magtipid uli kasi malayo pa ang sahod at saka ang sahod ko sa susunod na buwan ay gagamitin ko para sa mga pangagailangan ko sa school.

Isang buwan na lang at matatapos na din ako sa aking OJT. Yun nga lang baka hindi na ako makabalik sa Accounting Department kasi nagpaalam daw si Miss Belle kay Boss na mag- eextend ng leave para alagaan ang mama niya. Kaya ang natitirang araw ko ay igugol ko bilang secretary ni Boss.

Sinabi din naman sa akin ng Head ng HR na ni-recommend ako ni Sir Ethan. So incase na interesado akong magtrabho sa kanila pagkagraduate ko ay may slot nang bakante para sa akin.

Sobrang saya ko nung ipinaalam sa akin ang balitang yun. Pati mga dati kong kasamahan sa Accounting Department ay masaya din para sa akin.In just a short span of time, I found new friends and family in them.

I'm busy writing my Boss schedule when I notice that someone is looking at me. Yun pala si Boss ay nakatayo sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.

" Do you have something to do later after work?" tanong niya sa mababang boses, nanatiling seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"W-wala po Sir." shocks bakit ba ako nauutal. "Why po?"

"I want to invite you for dinner."

I was stunned. Ano daw dinner? Like kaming dalawa magdi-dinner?

 "If it's okay with you."

I don't know what to say di agad na proseso ng utak ko na in-invite ako ni Boss magdinner. I mean, anong klaseng dinner ba eh hindi naman ito ang unang beses na magdi-dinner kami sakali. We've done this before. Bakit ngayon pa siya nagpapaalam?

Magsasalita na sana ako pero bago ko pa magawa yun, biglang may dumating na tatlong lalaki.  Naka black suit silang lahat na parang galing sa isang business meeting. Halos magkasingtangkad at parang mga modelong naglakad palapit sa amin.

"Hey Dude!" bati kay Boss nung naka man-bun at medyo maangas sa kanila. Habang ang dalawa ay tumango lang at nakipagkamay na.

Agad kong iniwas ang tingin sa kanila at nagkunwaring may ginagawa ako. Hanggang sa may narinig akong tumikhim. Pag-angat ko ng ulo nakatingin na pala silang apat sa akin. Si Boss at yung isang lalaking moreno ay seryoso ang mulha pero yung naka man-bun at yung may dimples ay may nakapaskil na ngiti sa mukha. 

"Hi! You're new?"  I'm Simone, Hendrick's friend, you are?" sabay hakbang palapit sa akin pero bago pa siya makalapit hinarang na siya ni Boss.

"Don't you dare, Dela Vega." sabi ni Boss sa mababang boses pero dama ko ang babala doon. Mabilis namang umatras yung tinawag niyang Dela Vega at ngumiti nalang sa akin. 

"Kung ayaw mong umabot kay Belle Marie ang pinaggagawa mo umayos ka." sabat naman nung isa.

Si Miss Belle ba ang tinutukoy niya? Hindi ko alam pero napansin ko ang biglang paglungkot nang mukha nung lalaking may dimples.

"Hi! I'm William and this one here is Nate" Pakilala nung naka man-bun sa sarili niya at tinuro yung kasama niyang moreno na tumango lang sa akin. Hindi na rin ito lumapit dahil nakaharang pa rin si Boss  sa gawi ko. 

Tahimik lang akong nakatayo at nakamasid sa kanilang apat. Ni hindi ko nagawang sumagot sa kanila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil bigla parang natakot ako sa uri ng tinging pinukol ni Boss sa akin. 

Isa pa ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong mga lalaki. Naka business suit pero parang mga modelo. Iba-iba ang mga dating. Ang lalakas ng mga appeal, nakaka-intimidate.

 Madami din namang gwapo sa univeristy pero silang apat ay kakaiba,  mukhang mga matured na. Siguro dahil na rin sa edad ng mga ito compared dun sa mga nag-aaral pa. Pero syempre bias ako sa Boss ko, sa kanilang apat siya yung pinaka ma-appeal para sa akin. 

"Kaya pala bawal kaming umakyat dito sa opisina mo kasi ano." yung naka man-bun, mahina niya pang siniko ang amo ko. 

"Oo nga! May tinatago ka pala Valderama huh? Kelan pa to?" dagdag naman nung may dimples. 

"Kelan ka pa dito Miss? Ano nga pala pangalan mo?" yung naka man-bun ulit.  Kagaya ni Sir Ethan mukhang makukulit din itong dalawa. Yung isa lang ang tahimik at nanatiling seryoso ang mukha. 

"Ikaw ba yung dating kasama ni Dominguez? Kaya pala."

Anong kaya pala?

"Shut up Brute! Get inside!" Striktong sabi ni Boss sa mga kaibigan nito. Tinapaunan niya ako ng makahulugang tingin na lagi niyang binibigay sa akin sa tuwing mga kaedaran niya yung ka-meeting niya kaya gets ko na. 

Ava behave or else. Yun ang ibig sabihin ng masungit kong amo. As if naman may nilalabag ako dito sa opisina niya.

"Bye Miss Maganda. Ingat ka dito ha, may nangangagat dito."

"Fuck, Guerrero!" binatukan siya ni Boss pero tinawanan niya lang ito. 

"Hindi lang pala basta nangangat, nangangain pa! Rawr!" 

Nagtatawanang pumasok ang tatlo sa opisina ni Boss. Nagtutulakan pa eh akala mo mga batang naglalaro lang sa park. Hindi bumagay ang kakulitan nila sa mga suot nila.

Nang kami na lang dalawa ang naiwan mataman itong tumingin sa mukha ko. Inabot niya pa ang damit ko at inayos ang sa bandang dibdib ko. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Hindi ko man lang napansin na medyo bumaba na pala ito. 

"Stay here and don't smile at them" Yun lang saka tumalikod na ito sa akin. 

Ano daw? "don't smile at them" di ko nga nagawang ngumiti kanina. Ang OA naman nitong amo ko. Pati sa mga kaibigan niya bawal pa rin akong ngumiti? Ano yun? Bakit ang sobrang strikto naman ata nun. Ganun din kaya siya kay Miss Belle?

Ilang minuto lang, dumating din si Sir Ethan. "Hi Av! Andyan na ang mga makukulit?" Tumango ako sa kanya sabay turo sa room ni Boss. 

"Mga friends namin yun. Mga kulang sa buwan nung pinanganak kaya medyo may saltik." sabi niya saka tumatawang nagpaalam sa akin. 

So ito pala ang mga kaibigan ni Boss. Totoo pala yung sinasabi ni Jana na mga hot at malakas ang appeal. Hindi lang yun halata ding mga may sinabi sa buhay gaya ni Sir Ethan. 

Ang sabi ni Jana sa akin, kilala niya daw ang mga ito at lahat daw single at ready to mingle pa. Pero sa tingin ko yung mga pormahang yun hindi yun napipirme sa isa lang. Duda ako sa parteng yun.

Si Boss at yung nagngangalang Nate ang tipong tahimik at strikto. Habang si Sir Ethan naman at saka yung dalawa pa na sina William at Simone ang tipong palabiro at maloko.

Pagdating ng uwian hindi ko na hinintay si Boss. Nahihiya din kasi akong disturbohin sila ng mga kaibigan niya. Mukhang nagkakatuwaan pa naman sila sa loob ng opisina nito. First time ding bumisita ng mga kaibigan niya simula ng pumalit ako kay Miss belle dito maliban kay Sir Ethan na araw-araw na nang-gugulo kay Boss.

Umuwi akong mag-isa dahil sinabi ni Jana na may pupuntahan pa siya. Napapadalas ngayon ang labas ni Jana pero di ko na lang din inuusisa. Magkukwento din naman yun sa akin kapag gusto na niya.

Pagdating ko sa boarding house namin ni Jana agad akong naglinis ng bahay. Masyadong makalat ang bahay, kung saan-saan nakakrating yung mga gamit ni Jana. Ang mga sandals at shoes niya naiiwan kung saan niya ito hinuhubad. Hindi niya man lang magawang ilagay sa shoe rack. 

Mabait si Jana bilang kaibigan pero napansin ko na hindi ito sanay sa mga gawaing bahay. Kahit nga sa pagluto ng pagkain namin hindi siya marunong. Hindi rin tumutulong sa paghugas ng pinggan. Hindi naman sa binibilangan ko siya pero sana may kusa din siyang kumilos pero wala talaga. Kahit yung towel na pampatuyo niya sa buhok, hindi niya magawang ibilad. Iniiwan niya lang kung saan niya ito maiwan.

Kung hindi ko alam ang kwento niya iisipin kong mayaman siya. Kasi kami ni Daphne dati, nagtutulungan kami sa pagligpit dito sa tinitirhan namin. Maliit lang naman ito, hindi naman ganun kadami ang kailangan iligpit. 

Katatapos ko lang magbihis nang tumunog ang cellphone ko. Unregistered yung number kaya di ko sinagot nakaugalian ko na kasing di sumagot pag may tumatawag sa akin na hindi nakarehistro. 

Iniwan ko ang aking cellphone sa kwarto bago ako lumabas para makapagluto na ng aking hapunan. Nagsaing muna ako, pagkatapos hinanda ko na ang mga sangkap para sa lulutuin kong adobo. Dinamihan ko na, sakaling umuwi si Jana at kakain mamaya pagdating niya.

Naluto ko na ang adobo at luto na rin ang kanin. Bago ako kakain kinuha ko muna ang cellphone ko sa kwarto para e-etext si Jana kung anong oras siya uuwi mamaya.

Napansin ko ang daming miscall  nung number kanina. Bago pa ako makagpagtype ng text ko kay Jana ay tumawag na naman ulit. Nagdadalawang isip pa ako kung sagutin ko ba o hindi  pero sa huli sinagot ko na rin baka kasi sina papa at mama at may emergency.

"H-hello s-sino to?" 

"I'm outside." sagot sa kabilang linya, yung lang naputol na.

Dali-dali akong sumilip sa labas ng bintana pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang lalaking nakatayo sa tabi ng kanyang magarang sasakyan. Diritso at masungit ang mukhang nakatingin sa akin.  

"I'm dead." bulong ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Comments (13)
goodnovel comment avatar
Belen Vidal
next po pls
goodnovel comment avatar
fe dizon
pa unlock pls
goodnovel comment avatar
Altea Gilda
pa unlock po pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 6

    Sinuklay ko muna ang aking buhok at ipinusod. Di na ko nakapagpalit ng damit sa sobrang pagmamadali. Naka pambahay lang ako, sando at shorts. Paglabas ko ng apartment nasa gate na si Boss naghihintay sa akin.Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Nakapagpalit na siya ng damit. White fitted shirt ang soot niya na nakahulma sa kanyang magandang katawan, nakapantalon ng maong at puting sneakers. Bakit kaya naparito si Boss? May naiwan ba akong trabaho sa opisina?Ngumiti ako sa kanya pero seryoso lang ang mukha niya at mukhang naiinip na. Kanina pa kaya siya naghihintay sa labas? Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Sana nagpaalam na lang ako kanina sa kanya. Ayan tuloy napasugod pa siya rito ng wala sa oras."G-good evening po Sir." Bati ko. Hindi ito agad sumagot sa halip pinasadahan niya ng tingin ang suot kong damit. Tiningnan ko din ang sarili ko. Bigla tuloy akong na-conscious. Medyo fit pa naman sa katawan ko yung sando ko tsaka medyo maiksi din ang shorts na suot ko. "

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 7

    I was left alone confused. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Boss. Totoo ba yun? Ang amo ko manliligaw sa akin? Sigurado ba siyang ako talaga ang liligawan niya sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kung tutuusin ni hindi ako nakakalahati sa mga yun. Mayayaman, magaganda, sopitikada at mas bagay sa estado nila. Samantalang ako, kabaliktaran ng lahat. Mahirap lang kami, ang maliit na lupang sinasakahan na mga magulang ko ay hindi pa amin. Hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ko pa pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang makatulong sa mga magulang ko. Nababasa ko lang to sa mga pocketbooks dati kaya mahirap para sa akin na maniwala sa mga sinabi niya. Pero inaamin ko, may kakaibang saya itong hatid sa puso ko. Ngayon lang din ako nakadama ng ganito. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa dami ng iniisip ko kagabi hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 8

    Kanina pa ako nakabalik dito sa aking pwesto pero hanggang ngayon lutang parin ako. Hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa. Buti na lang at isang meeting lang ang meron si Boss ngayong araw at kanina pa ito natapos.Tinawagan niya ako before lunch para sabihing sabay na kaming mananghalian. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako o hindi. Pero alam ko din naman na kahit ayaw ko, siya pa din naman ang masusunod. " He wont take no for an answer" nga diba?Ano ba kami? Ito na ba yung sinasabi niyang simula ng kanyang panliligaw? Ito na ba yung sinasabing niyang "be ready"? Na-eexcite ako pero di ko din maiwasang mag-alala. Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado niya. Baka isipin nilang nilalandi ko si Boss. Lalong nakakahiya kasi trainee pa lang naman ako, ni hindi pa nga ako tapos sa aking pag-aaral.Sa pagkakaalam ko he don't mix business with pleasure which I doub't sa dami ba naman magagandang empleyeda dito na halatang namang nagpapansin sa kanya, ni isa wala siyan

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 9

    Two weeks na lang matatapos ko na ang training ko. Sa loob ng mga panahong nagsasanay ako sa kumpanya ni Boss ng dami-dami kung natutunan. I have my personal and professional growth. Masaya ako sa opurtunidad na binigay nila sa akin. Malaking tulong din na may sinasahod ako sa aking pagtatrabaho. Makakatulong ito sa pagbili ko ng mga gagamitin ko sa pasukan.Sabado ngayon pero kaylangan kong pumunta sa University para ipasa ang evaluation form para sa On-the-job training ko. Kaylangan ko ring makipagkita sa Dean ng aming departamento dahil pinatawag niya ako.Masaya kaming nag-uusap at nagkukwentuhan ng mga kakalase ko. Yung iba, binabahagi ang mga naranasan nila while doing their ojt sa ibang kumpanya. Ang ingay-ingay tuloy dito sa loob ng room. Gano'n paman masaya kaming lahat sa mga panibagong karanasan namin sa buhay. Additional knowledge, experiences and wisdom to help us in the future."Miss Clemente pinapatawag ka na ni Dean sa kanyang opisina" tawag ng isang studyante sa akin

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 10

    Warning: SPG"Good morning, Babe." Bakas ang kasiyahan sa tono ng boses ni Boss.Hindi ako agad nakasagot sa kanyang pagbati. Nakatulala ako sa kanyang gwapong mukha. He was standing near the gate at katatapos ko lang maglinis dito sa labas ng apartment.I never thought that he'll come this early. Ang usapan namin kagabi mamamasyal kami ngayong araw. Susulitin namin ang isang linggong natitira bago siya aalis papuntang ibang bansa. Ang sabi niya susunduin niya ako bandang alas dyes ng umaga, pero alas syete pa lang nandito na siya. S-sir..." nalilitong tawag ko sa kanya at mabilis na humakbang para mapagbuksan siya ng gate. Hindi na ako nahiya kung amoy pawis pa ako. Biglang nawala ang kasiyahan sa mata niya kanina at biglang kumunot ang kanyang noo."What did you just call me?" taas ang isang kilay na tanong niya sa akin"A-ahmm, S-sir po?" ulit ko na lalong nag pakunot sa kanyang noo."And why did you call me that?" Tila hindi niya nagustuhan yung sagot ko."Sanay po kasi akong

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 11

    Warning: SPGNagising ako na may mumunting halik ang dumadampi sa aking mukha. When I opened my eyes I saw Hendrick's mesmerizing gray eyes staring at me passionately. Mga matang kailanman ay di ko pagsasawaan." H-hi Babe. Anong oras na?" I greeted him sweetly and give him a light kiss. Nakaidlip ako kanina matapos ng mainit nag tagpo sa pagitan naming dalawa. Hindi ito sumagot sa tanong ko, sa halip nilapit nito ang mukha sa akin. "You're making me hard Babe.." he murmured.Namula ang pisngi ko sa kanyang sinabi pero iba naman ang reaksiyon ng aking katawan. I feel hot inside with just simple words coming from him. This man is really dangerous. Dangerous in bed. Parang walang kapaguran.I lost count kung ilang beses kaming nagsiping kanina. Natigil lang ito nung sinabi ko sa kanyang inaantok na ako. "Are you not tired Babe? Katatapos lang natin ah... at saka it still hurt down there po..." nakanguso kong sabi sa kanya." I will never get tired when it comes to you Babe. I can

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 12

    Limang araw na ang lumipas mula ng gabing sinampal ako ni Jana. Hanggang ngayon walang pa rin akong maisip na dahilan bakit niya nagawa sa akin yun. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na siya nakausap ulit. Ilang araw palang ang lumipas marami na ang nagbago. Ang daming gumugulo sa utak ko. Una yung dahilan ng pagsampal ni Jana sa akin at pangalawa hindi ko makontak si Hendrick simula ng umalis ito. Ang sabi niya lang nung Lunes pumunta siyang Cebu may emergency sa isang branch ng negosyo nila doon at kailangan niyang personal na asikasuhin.Hindi ko pa sana malalaman kung hindi ko siya tinawagan para kumustahin, mabilis lang ang naging usapan namin kasi sabi niya may kakausapin pa daw siyang business partner. Apat na araw nang hindi siya nagparamdam sa akin, nag-aalala na ako, hindi ko na rin makontak yung cellphone niya. Hindi ko rin natanong sa kanya kung babalik pa ba siya dito o didiritso na siyang America. Sana man lang nakapag-usap muna kami bago siya pumuntang C

    Last Updated : 2023-04-14
  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 13

    Days passed pero patuloy pa rin akong umaasa na sana isang araw pagkagising ko nasa labas na siya ng apartment naghihintay sa akin. Na sana isang araw nasa labas siya ng gate ng University at nag-aabang. Na sana isang araw tumawag siya at ipaliwanag kong bakit hindi niya man lang nakuhang sagutin ang mga mensahe ko. Na sana ...isang araw maramdaman niyang ako pa rin ang nasa puso nbiya. Sana...puro na lang sana...Araw-araw akong umiiyak sa tuwing naiisip ko siya. Why does some lessons have to learned the hard way? Kelangan ba talagang masaktan bago matuto?Why life is so unfair?Naging mabuti naman akong anak. Naging mabutin naman akong kaibigan at higit sa lahat naging mabuti naman akong tao.Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ako magtitiis bago mawala ang sakit dito sa puso ko?Andito ako ngayon sa ilalim ng puno sa likurang bahagi nga University. Wala masyadong taong pumupunta dito kaya malaya kong maibuhos ang mga luha ko.It's more than a month after nung nata

    Last Updated : 2023-04-14

Latest chapter

  • Keeping The Billionaire's Twins   Epilogue Part 2

    That night I cannot sleep. The little boys' eyes keep flashing in my mind. I can see my small self in him. There's something in his eyes that everytime it flashes to my brain something it reached to my heart. Parang may humahaplos sa puso ko sa tuwing naalala ko ang mga mata nung batang lalaki. I called the owner and requested for the footage that day. To my surprise, I saw how Derick intentionally hide them. Dun na ako naghinala. The next day I called him, ayaw pa sanang akong kitain pero wala siyang nagawa nang tinakot ko siyang pabagsakin ko ang negosyo niya. I already had a haunch that his hiding something from me. "I swear Kuya-" another strong punch landed on his face. Wala akong pakialam kung masira ang buong mukha niya. Galit na galit ako sa kanya dahil halatang nagsisinungaling siya sa akin. "Tell me Vin Derick! You don't want me mad, I'm warning you." Akmang susuntukin ko ito ng bigla itong umamin sa akin. "Yes! They are your twins!" I felt like a bombed just exploded t

  • Keeping The Billionaire's Twins   Epilogue Part 1

    Van's POV"Kuya you're not listening to me. Kanina pa ako nagsasalita dito kung saan-saan ka naman nakatingin. Sino ba kasi tinitingnan mo dyan?" Pagrereklamo ni Veronica sa akin. Lumingon ito sa tinitingna ko pero mabuti nalang at nakatalikod yung babae sa amin ngayon.Andito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa University na pinapasukan niya. Kanina ko pa gustong umalis pero ayaw ko namang iwan ang bunso namin. Minsan lang ito naglalambing sa akin. "Just finish your food Chrystelle and we'll go. Stop looking around." seryoso kong saway sa kanya. "Are you looking at that girl in the counter? She's pretty right? You want me to ask her name?" I glared at her but her smiles became wider. This brat really knows how to annoy me."Oh kalma Kuya. Ayan ka na naman eh, nagsusungit ka na naman. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend kasi ang sungit-sungit mo."Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi niya. Who said I need a girlfriend? I can have many girls as many as I want. Hindi ko na kailan

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 40

    I was busy fixing my dress when Hendrick hug me from behind. He is brushing his lips on my cheek and then continue sniffing my neck. At ako namang buntis, naramdaman kong nag-iba agad ang reaction ng katawan ko.Ito siguro ang sinasabi nilang kapag nabubuntis ay naging mahilig. I blushed at that thought. Nakakahiya baka sabihin pa nitong nabuntis lang ako nagiging perv na."I love you, Margaux." he breathes. "Hey." saway ko dito at baka kung saan naman mapunta ang pahalik halik nito sa akin."I love you so much, Babe." Ihiniharap niya ako sa kanya at masuyong pinatakan ng halik ang noo, pababa sa mata, sa ilong at sa labi ko. "Thank you, Babe, for accepting me again in your life." His beautiful pair of gray eyes are glistening. How I love looking at his gray eyes. Laking pasalamat ko pa noong ipinanganak ko ang kambal dahil sa kanya nagmana ang mga mata nito.Today is the schedule for my check-up. It's been week nang madischarge kami sa hospital. After nang check -up namin. Dadaanan

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 39

    "Shhh wag ka maingay Jill, baka magising si Mama.""Mama gising na po ikaw.""Daddy, stop kissing my Mama."Nagising ako dahil nakarinig ako ng mga mumunting tinig sa paligid. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil may bisig na mahigpit na nakayakap sa akin. Pagbaling ko sa aking tabi nakita ko si Hendrick na nakayakap sa aking tiyan.Inilibot ko ang aking paningin at halos maluha ako ng tumambad sa akin ang mukha ng aking mga anak. Nakatititg ang mga ito sa akin at nagsimula ng mamumuo ang luha sa mga mata. Oh God, my babies..."M-mama." Amara's voice cracked. Her lips trembled and she started crying. "Don't cry please, kasi naiiyak din si Mama." I said trying to stop my tears.Nakita kong humikbi si Amara at sinubukan pa itong patahanin ng kapatid niya kaya pinalapit ko na ito sa akin."Come babies..." Iniangat ko ang aking kamay na walang swero.Bahagya pang hinarang ni Hendrick ang kanyang kamay sa aking tiyan dahil nag-uunahan ang kambal sa paglapit sa akin.Pero dah

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 38

    "Wag!" Malakas kong sigaw. Wala akong maramdaman na kahit ano, pakiramdam ko ay namamanhid ang aking buong katawan. Iminulat ko ang aking mga mata pero pakiramdam ko nahihilo at nanghihina pa ang katawan ko.Agad akong dinaluhan ni Hendrick. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Call the doctor, Vin Derick!"Nagising ako dahil napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Billy. Nakikita ko ang malademonyo niyang ngisi. Naririnig ko ang nakakatatot niyang tawa. Nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot na baka nandyan lang siya sa paligid. Ramdam kong pinagpawisan ako at nanginginig ang aking katawan. My heart began beating abnormally.Pakiramdam ko bigla nalang papasok si Billy at pagbabarilin kami. "Calm down, Babe. I'm here... I'm here. Hindi ko na hahayaang masaktan kayo ulit." I was shaking in fear. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Hendrick. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa amin ng mga bata. Ang mga anak ko. Naalala ko ang takot sa mukh

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 37

    Warning: May contain sensitive topics. Please be aware.____________________________"Vonn, Amara, whatever happened, always remember mama loves you very much okay?"I'm trying my best not to be weak in front of my kids para hindi sila lalong matakot. Isiniksik ko silang dalawa sa likod ko, trying to cover them para hindil nila makita ang pagmumukha ni Billy, who's now hugging his daughter. Naawa akong tumingin sa anak niya dahil halatang nanghihina na ito.Hindi ako makapaniwala na maging ganito si Billy dahil noong mga panahong nag o-ojt pa ako maayos naman ito. Mabait ito sa aming lahat at magaling din makisama. Umabot pa nga sa puntong tinutukso ito ni Jana sa akin. Ano bang nagyari sa kanya? Ang huling kita ko dito ay nung panahong gusto kong kausapin si Jana tungkol sa nangyari sa amin pero hindi ko na siya naabutan dahil nag-resign na siya. Naalala kong hindi din ako kinibo ni Billy at tanging si Jake lang ang nakipag-usap sa akin noon. Sa tagal naming magkasama ni Jana sa ii

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 36

    Nagising akong nakahiga sa kama. Medyo nahihilo pa ako kaya dahan-dahan akong bumangon. Inilibot ko ang aking tingin para malamang nasa loob pala ako nang sarili kong silid dito sa mansyon nila. Tumingin ako sa orasan dalawang oras na ang lumipas.Bumukas ang silid at ang nag-alalang mukha ng ina ni Hendrick ang bumungad sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.Ang mga anak ko. Nawawala ang mga anak ko. Yun ang huli kong narinig kay Jam. Naramdaman kong namamawis ang aking noo at nagsimula ng manginig ang aking katawan. Nag-uunahan na namang bumagsak ang mga luha ko.Niyakap ako ng mommy niya at tahimik na din itong umiiyak."T-tita nasaan na ang mga anak ko?" lumakas na ang pag-iiyak ko. Pinapakalma niya ako pero siya umiyak din siya. Tita, ang kambal. Hindi ko kakayanin kung mawala sa aking ang kambal.""Shh...tahan na anak. Hinahanap na sila ni Hendrick. Naireport na din ito sa mga pulis."Sinubukan kong bumaba ng kama pero biglang nanlabo ang akin

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 35

    Pagkapasok ko pa lang sa garahe ng mansion ng mga Valderama nakita kung patakbong sumalubong si Derick sa sasakyan ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Siguro natawagan na ito ng Kuya niya kaya ganito. I was crying my heart out inside my car. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. I love him so much but why I always have to end up in pain? Bakit lagi niya na lang akong sinasaktan? Bakit kailangan niya itong gawin sa akin?"Ganda, open the door please." Dinig ko ang pagkatok at pagsigaw ni Derick mula sa labas ng kotse ko. Hindi ko siya binuksan at nanatili akong nakayukyok sa manibela at patuloy na umiiyak.Gusto kong ibuhos ang lahat ng sakit na aking nadarama ngayon. Bakit hindi niya sinabi sa akin noon pa ang tungkol dito? Kaya pala minsan late na siyang umuuwi. Siguro pinupuntahan niya ang anak nila. Kaya pala may mga panahong, nakatulala siya dahil siguro sa problema niya sa bata.Sana sinabi niya sa akin sa simula pa lang, maiintindihan ko naman siya.Pilitin kong intind

  • Keeping The Billionaire's Twins   Chapter 34

    My heart is so happy that I couldn't ask for more because finally buo na din ang pamilya ko. Watching my kids laughing with their father makes my heart go wild. Sino ba ang mag-aakala na ang isang Hendrick Valderama ay marunong naman palang tumawa. Ang buong akala kasi ng karamihan pagsusungit lang ang alam nito. Kaya nga binansagan ko pa ito dati na arrogant boss. I remembered my first encounter with him sininghalan ako nito sa tapat ng elevator, first day ko nun sa kumpanya nila. Akala ko nga hindi ko matatapos ang ojt ko sa kanila dati dahil terror ang boss ko."Babe come here." sabay tapik nito sa space sa tabi niya."I know that look." ganti ko sa kanya. Wala na ata itong ibang gawin kapag nandito sa bahay kundi ang dumikit sa akin. Kung makalingkis ito sa akin para itong sawa. Ako ang nahihiya sa mga magulang at kapatid niya.I didn't expect na mahilig itong mag pda , sobrang clingy nito sa akin at walang pinipiling lugar. Yung palaging masungit at striktong Hendrick Valderama

DMCA.com Protection Status