My days as Mr. Valderama's secretary went well. There are times na pinapasama niya ako sa meeting niya outside the office. Di ko akalaing ma survive ko yung first week ko working with him knowing that Boss is so strict, but in fairness mabait din naman si Boss never niya pa akong nabulyawan na ipinagpasalamat ko rin.
Never kasi akong sinigawan ng mga magulang ko. Mahal na mahal ako nina papa at mama kasi ako lang daw ang nag-iisa nilang prinsesa. Kaya in return naging mabait din akong anak sa kanila.
Nung araw na isinaman ako ni Boss tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya. Di din naman ako kinakausap ni Boss kung hindi related sa trabaho, unlike Sir Ethan na nangangamusta kung ano ng nangyayari sa buhay ko at sa aking pag-aaral. Minsan nga naabutan pa kami ni Boss na nagtatawanan ni Sir Ethan.
Ewan ko ba dun kay Sir Ethan simula ng naging temporary secretary ako ni Boss araw -araw din atang binubulabog niya si Boss sa opisina nito. At di maiwasan na makipag-usap ako sa kanya kasi dumadaan muna siya sa pwesto ko bago pupunta kay Boss.
At everytime na nakikipag-usap ako kay Sir Ethan mukhang iritado si Boss. At ito namang si Sir Ethan lalong iniinis si Boss. Parang may mga sekreto silang tinginan ni Boss na silang dalawa lang ang nakakaintindi. Kaya bago pa mag beast mode si Boss tatawa-tawa ng umaalis si Sir Ethan. Nawewirduhan tuloy ako sa kanilang dalawa.
Last week nagpaalam ako kay Boss na sasaglit muna ako sa school to submit some of my requirements at para narin makapag-enroll for the next school year. This will be my last year. Sa wakas magtatapos na din ako. Board exam naman ang aking kailangang ipasa para tuluyan ko ng maabot ang mga pangarap namin ng mga magulang ko.
After kung maasikaso ang lahat sa school bumalik din naman ako sa work at baka isipin pa ni Boss na inaabuso ko ang kabaitan niya. Kahit papano, unti-unting nagbago ang paningin ko kay Boss. He may be strict and professional when it comes to work but he's a good man.
He's a loving brother to his siblings and a good son to his parents. I have not met any of them but sometimes I can hear Boss talking to them and I can say that he really loves them. Lalo na yung bunso nila, the way boss call her princess I can feel his love for his sister.
Kahit naman dun sa pangalawa nila, kahit pinapagalitan niya ito, sa huli si Boss pa rin ang talo. He always gives in to his siblings. Mukha lang talaga siyang masungit at strikto but deep inside he's a brother with a soft heart.
Pagdating ko sa opisina nagmamadali akong pumunta sa pwesto ko. Hindi na ako pumuntang washroom para mag-ayos, dito nalang sa table ko. Pinaraanan ko ng kamay ang formal dress na suot ko. Nagpabango ako at inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at liptint dahil nahulas ito pagsakay ko ng jeep papunta dito. Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa glass wall, nang makuntento saka pa ako sumulyap sa opisina ni Boss.
Napansin kong nakabukas konti ang pintuan ng opisina niya. Naglakad ako papunta doon. Kakatok na sana ako para ipaalam sa kanya na nakabalik na ako pero napahinto ako ng narinig ko ang ungol galing sa loob.
Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla akong kinabahan. Idinikit ko ang tenga sa pintuan para pakinggan ulit at baka nagkamali lang ako ng dinig pero may umuungol talaga sa loob.
"Diosko po!" Abot-abot na ang kaba ko at baka may nangyaring masama na kay Boss at ako pa ang mapagbintangan.
Baka sa sobrang pagod ay nakatulog ito at binabangungot na sa loob. Kung ano ano na ang aking naisip. Gusto kung tumawag ng tulong pero nataranta na ako at baka kung ano pang mangyari kay Boss sa loob kung matagalan pa.
Nagmamadali akong bumalik sa mesa ko. Agad kong de-nial ang number ni Sir Ethan sa landline.
"Sir!"
"Av? You're back? Akala ko ba nasa school ka." narinig ko ang pagmura niya. " Don't come inside his office."
"Yun po ang tinawag ko Sir Ethan. Kakarating ko lang galing sa school. I was about to come inside his office but I heard something. Please help me, call an ambulance please, kasi si Sir Hendrick binabangungot."
"What?! No! Don't come inside his office."
"May umuungol po sa silid niya Sir. Baka kung ano ang mangyari sa kanya. Kailangan ko siyang tulungan. Hindi pa po ako pumapasok kasi tinawagan muna kita. Pero Sir, hindi ko na ito papahabain pa, please I need your help. Puntahan ko muna si Sir Hendrick."
"No! Ava, I'm telling you don't come ins--"
"Sir I have to go. Bye!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nagpapanic akong bumalik sa opisina ni Boss, dali-dali kung binuksan ang pinto para tulungan sana siya pero para akong tinuklaw ng ahas sa aking nakita.
May babaeng nakapulupot at nakakandong kay Boss habang nakababa na ang strap ng damit nito. Tumaas ang skirt ng dress ng babae kaya kitang-kita dito sa pwesto ko ang mga kamay ni Boss na humihimas dun sa mapuputing hita ng babae.
They are kissing each other intently na parang sabik na sabik sa isa't isa at dahil nakaharap sa akin si Boss nakita niya agad ako, nagtama agad ang aming paningin. Kitang kita niya ang panlalaki ng aking mata at ang bunganga kung nakanganga dahil sa aking pagkabigla.
Pakiramdaman ko lahat ng dugo ko sa aking katawan ay umakyat sa aking mukha. Uminit ang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya.
Mabilis na naitulak ni Boss ang babae palayo sa kanya. Muntik pa itong mahulog.
"Oh shit! What's wrong with you?" inis na sigaw ng babae pagkakita niya sa akin. Tumayo na din ito at inayos ang kanyang damit. She's also tall siguro magkasingtangkad kami. Sexy at maputi. Pamilyar sa akin ang mukha niya di ko lang maalala.
"Fix yourself and leave!" sabi ni Boss sa babae na mukhang ikinagulat pa nito.
"Okay darling, maybe next time?" malanding sagot nito na may pahabol pag himas sa dibdib ni Boss.
"You know me, I don't fuck the same person twice!" diretsong sabi ni Boss na ikinapula ng mukha ng babae.
"But were not yet--" apila pa sana niya pero pinutol na iyon ni Boss.
"Leave now!" bulyaw ni Boss dito. Lumingon ang babae sa akin at mukhang susugurin ako. Siguro nabitin kung ano man ang ginagawa nila ni Boss at ako ang sinisisi which is totoo naman kung di ako pumasok e di sana di sila naistorbo sa kung anumang ginagawa nila.
"But Babe--"
Ayaw ko nang marinig kung ano pa ang pag uusapan nila kaya sumingit na ako sa kanila.
"I'm sorry." yun lang ang nasabi ko at tumalikod na ako sa sobrang hiya. Sa sobrang pagmamadali ko napalakas pa ata ang pagkasara ko ng pinto. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba. Feeling ko parang sasabog ito.
First time kung makakita ng ganung eksena sa tanang buhay ko. Anong yung nakita ko?At bakit kelangan makakita ako ng ganung eksena dito?
What the hell! What the hell! Napamura ako sa aking isipan. Ahhh... You're so stupid Ava Margaux! Kun di ka ba naman tangang pumasok ng di kumakatok. I felt so stupid. Isa yun sa bilin sa akin ni Miss Belle na huwag pumasok sa opisina ni Boss ng di kumakatok.
Shit! Sobrang nakakahiya! Hindi ko na alam ngayon paano ako titingin sa mga mata ni Boss na hindi ko maiisip yung nakita ko.
What have I done? Ano yun?
Di ako mapakali sa pwesto ko, kagat ko ang aking labi sa sobrang kaba. Bakit ba kasi hindi nila sinirado yung pinto. Kaya ba ayaw akong papasukin ni Sir Ethan sa office niya.
Hindi ko tuloy alam ang aking gagawin. Lahat ata ng dugo ko umakyat sa aking ulo, parang nag-numb ito. Ang mga kamay ko ay nagpapawis.
Kung alam ko lang sana na ganitong tagpo ang maabutan ko dito sa opisina sana pala di na lang ako bumalik.
Biglang bumukas ang pinto. Lumabas na ang babae, kalat pa ang lipstick nito at magulo pa ang buhok. Tiningnan niya pa ako at saka inirapan bago diritsong pumasok sa elevator.
Ilang minuto lang at tumunog ang intercom dito sa harap ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sagutin ko o hindi. Pero sinagot ko din naman. Boss ko ang tumatawag, sa ayaw at sa gusto ko magkikita at mag-uusap din naman kaming dalawa.
"S-sir?"
"Miss Clemente come to my office now." Malamig nitong sabi sa kabilang linya. Seryoso ang kanyang boses na lalong nagpakaba sa akin.
Nanghihina pa ang mga paa ko. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o tatakbo na lang palabas. Pero sa huli pinili ko paring puntahan si Boss.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses, ng marinig ko ang sagot niya saka pa ako pumasok.
Gaga ka Ava! Dapat ganyan ang ginawa mo kanina!
Nakayuko akong pumasok , nahihiya akong iangat ang aking ulo. Takot akong salubungin ang mga mata ni Boss pero kahit di pa ako tumingin para akong sinusunog sa intensidad ng tinging pinukol niya sa akin.
"Look at me." he commanded.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko sa kanya. Pagtingin ko kay Boss nakaupo pa rin ito sa pwesto niya habang may hawak na alak sa isang kamay. Medyo magulo pa ang buhok at nakabukas ang unang tatlong butones ng polo niya at wala na ang suot na neck tie.
Marahan akong humakbang palapit sa harapan ng table niya. Habang palapit ako sa kanya feeling ko lalabas na yung puso ko sa aking dibdib sa labis na pagwawala. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nakakatakot salubungin ang kulay abo niyang mga mata.
Bigla siyang tumayo. Seryoso ang mga mata at hindi inaalis ang tingin sa akin. Pigil hininga ako at halos manigas na lalo na nung naglakad ito at pumunta sa likod ko. Hindi ako makalingon at ayaw kong lumingon.
Feeling ko ilang dangkal lang ang pagitan namin. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at ramdam ko ang init na nagmula sa kanyang katawan sa sobrang lapit.
Nanatili akong nakayuko pero napakapit ako sa mesa niya.Feeling ko mahihimatay ako sa epekto ng paglapit ni Boss sa akin. Wala na akong takas sa kanya.
Baka ibuhos niya lahat ng galit niya sa akin dahil naudlot ang ginagawa nila ng babae.
"Margaux." paos niyang bulong. Ito ang unang pagkakataong tinawag ako ni Boss gamit ang pangalan ko. Ramdam ko ang pagtayo ng balhibo ko sa batok dahil sa lamig at lalim na boses ni Boss. Parang ang lapit na bunganga niya sa tenga ko ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
Ang bango ng kaniyang hininga pinaghalong amoy ng mint at alak. Kahit matangkad ako at naka heels pa mas matangkad parin si Boss sa akin. Kaya feeling ko medyo nakadukwang siya akin pagbulong niya.
Lalong pinagpawisan ang kamay ko sa kaba. Napahigpit ang kapit ko sa mesa pero ayaw kung ipahalata na natataranta na ako sa sobrang lapit niya.
"S-sir?" nanginig pa ang boses ko.
Mahabang katahimikan pero kahit hindi siya nagsasalita dama ko talaga na sobrang lapit niya sa akin. Ang mainit niyang hininga at humahangin sa leeg ko dahil naka-ponytail ang buhok ko.
"Why did you come inside?" His voice is so cold that I felt my throat dried up.
"P-po?" Ilang beses pa akong lumunok para may lumabas na boses sa akin. Sobrang kaba ko na talaga. Pakiramdam ko kaunti nalang at manginginig na ako dagdagan pa ng distansya namin sa isa't isa.
Ito ang unang beses na may lalaking lumapit sa akin ng ganito kalapit. Feeling ko nawawalan ako ng hangin at di ako makahinga.
" Why did you come in without knocking?" at maingat niyang hinawakan ang balikat ko paharap sa kanya. Nanigas ako, pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko ay huminto sa pagdaloy.
Sa sobrang kaba dahil ang lapit ng mukha niya sa akin napasandal ako sa mesa na mukhang mas lalong pumabor sa kanya. Lalo niya pang nilapit ang mukha sa akin na halos maduling na ako sa sobrang lapit niya.
Hinawakan niya ang aking baba para pumantay ang mata ko sa kanya. Nakita ko ang mapanlarong ngiti na pinipigilan niya pero ako hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero pati ang kamay ko hindi ko maiangat, wala akong lakas.
Abot langit ang pagsisi ko ngayon kung bakit di ako kumatok kanina. Bakit ba kasi pumasok ako agad ng di man lang kumakatok? Ilang beses na binilin yun sa akin ni Miss Belle.
"Why did you do that, Margaux. Tell me." tanong niya pero sa pagkakataong ito biglang nagbago yung boses niya, naging malambing. Wala na akong maramdamang galit doon hindi gaya kanina.
"Sorry Sir akala ko kasi binabangungot kayo kanina dinig ko kasi sa labas na may umuungol. Kaya sa sobrang kaba ko di na ako kumatok at pumasok na lang ako bigla natakot kasi baka kung may nagyaring masama sa 'yo". Alam ko sa mga sandaling to kulay ube na ang mukha ko sa labis na kahihiyan.
"Hindi ko po sinasadyang i-istorbohin kayo ng g-girlfriendmo." Dagdag paliwanag ko sa kanya. Masyadong mahina ang boses ko na feeling ko ako lang ang nakakarinig.
Ngunit imbes na magalait parang natuwa pa siya sa paliwanag ko. May sumilay na ngiti sa labi niya, which somehow make me feel relieve. Bumalik na siya sa pwesto niya kaya tumayo na ako ng maayos.
"Okay."
Dun pa ko ako nakahinga ng maayos. Baka sa susunod na lalapit siya sa akin ng ganun kalapit, hihimatayin na talaga ako.
"But next time don't do it again, Margaux. Ayaw ko nang nabibitin. You wouldn't like it if I do" tumalikod siya at uminom ng alak. "Pwede ka ng bumalik sa pwesto mo."
Yun lang at lumakad na ako palabas ng opisina ni Boss pero bago pa ako makalabas tinawag niya ako.
"Margaux."
Huminto ako at tumingin sa kanya. This time, nakaharap na siya ulit sa akin. Seryoso pa rin ang mukha pero medyo maaliwas na ito ngayon.
"You're cute. Thanks for your concern." At sa unang pagkakataon ngumiti ito sa akin.
Tumalikod na ako at lumabas. Pulang pula ang mukha ko. Di ko alam pero biglang may pumitik sa puso ko. First time ko nakaramdam ng ganito. Kahit simpleng papuri lang galing kay Boss pero feeling ko sobrang tuwa ng puso ko.
This is not the first time that someone appreciated my beauty. At saka "cute" naman ang sinabi niya parang pambata lang.
Seriously? Cute? Sabagay bata pa naman talaga ako. Siguro para kay Sir cute ako tingnan, pero sa mga nagkakagusto sa akin sa university, beautiful at pretty ako para sa kanila.
Madami din naman ang nagpaparamdam sa akin sa school. Yung iba mga studyante ang iba naman mga professional na, yung mga kumuha ng masters degree nila. Pero ni isa wala akong pinatulan, priority ko ngayon ang aking pag-aaral. Pinangako ko kina papa at mama na magtatapos ako sa aking pag-aaral at tutuparin ko yun.
Lage kong sinasabi sa kanila na hindi ang pakikipagrelasyon ang pinunta ko dito sa Maynila kundi ang pag-aaral. Minsan may makukulit pa rin na ayaw tumigil. May nagpapadala ng mga bulaklak at tsokolate. Kaya nung andito pa si Daphne sa Manila tuwang tuwa siya pag may nagbibigay sa akin ng mga tsokolate kasi binibigay ko sa kanya.
Bago ang uwian tumawag sa akin si Jana at nagsabing mauna na akong umuwi may dadaanan pa daw siya. Di na ako nagtanong kung saan pa kasi mukhang nagmamadai ang bruha.
Tumawag ako kay Boss sa intercom kasi nahihiya parin akong makita siya para magtanong kung may kailangan pa ba siya. Sinabi niyang wala na daw. Magpapaalam na sana akong umuwi sa kanya pero nauna na itong magsabing hintayin ko siya at bago pa ako makatanong kung bakit naibaba niya na ang intercom.
Wala akong choice kundi ang hintayin si Boss. Siya nalang talaga ang hinihintay ko dahil nakaayos na ang mga gamit ko. Hindi rin naman nagtagal nakita kong lumabas na ito sa opisina niya. Agad akong tumayo.
Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. Nakaayos na dress shirt niya at maayos na rin ang pagkakasuklay ng kanyang buhok. Back to being fresh again kahit pauwi na. Hindi lang fresh sobrang bango pa.
"Let's go."
Ha? Akala ko ba wala na siyang kailangan sa akin? Bakit maypa let's go?
Magtatanong pa sana ako pero bago ko pa nagawa yun, inabot niya na ang bag ko at siya na ang nagdala nito.
"I'm hungry. We'll eat first before I'll drop you home."
Again?
Napapadalas ang pag-aya sa akin ni Boss na kumain sa labas pero ni isa wala akong pinagsabihan.Kahit si Jana, hindi ko nababanggit sa kanya kasi nahihiya ako at baka isipin niyang assuming ako. Parang balewala lang din naman siguro yun dahil wala naman kaming ibang napag-uusapan ni Boss. Sobrang awkward nga kasi tahimik lang siya. Palagi lang nakatitig sa akin, wala namang sinasabi. Ako lang yung nagsasalita, nagkukwento ng kung ano-ano sa kanya. Tango at tipid na ngiti lang din naman ang binibigay niya sa akin.Hanggang doon lang dahil pagkatapos naming kumain hinahatid niya na ako pauwi sa bahay. Hindi rin naman siya nagte-text. Ganun lang talaga. So wala namang big deal diba? It's just a normal employee-employer relationship lang naman ata? Ayoko din bigyan ng ibang kahulugan dahil baka ganun din siya kay Miss Belle at sa iba pang mga dumaang secretary sa kanya. Wala namang espesyal sa akin kung tutuusin para magpi-feeling espesyal ako dahil sinasama niya akong magdinner at hi
Sinuklay ko muna ang aking buhok at ipinusod. Di na ko nakapagpalit ng damit sa sobrang pagmamadali. Naka pambahay lang ako, sando at shorts. Paglabas ko ng apartment nasa gate na si Boss naghihintay sa akin.Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Nakapagpalit na siya ng damit. White fitted shirt ang soot niya na nakahulma sa kanyang magandang katawan, nakapantalon ng maong at puting sneakers. Bakit kaya naparito si Boss? May naiwan ba akong trabaho sa opisina?Ngumiti ako sa kanya pero seryoso lang ang mukha niya at mukhang naiinip na. Kanina pa kaya siya naghihintay sa labas? Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Sana nagpaalam na lang ako kanina sa kanya. Ayan tuloy napasugod pa siya rito ng wala sa oras."G-good evening po Sir." Bati ko. Hindi ito agad sumagot sa halip pinasadahan niya ng tingin ang suot kong damit. Tiningnan ko din ang sarili ko. Bigla tuloy akong na-conscious. Medyo fit pa naman sa katawan ko yung sando ko tsaka medyo maiksi din ang shorts na suot ko. "
I was left alone confused. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Boss. Totoo ba yun? Ang amo ko manliligaw sa akin? Sigurado ba siyang ako talaga ang liligawan niya sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kung tutuusin ni hindi ako nakakalahati sa mga yun. Mayayaman, magaganda, sopitikada at mas bagay sa estado nila. Samantalang ako, kabaliktaran ng lahat. Mahirap lang kami, ang maliit na lupang sinasakahan na mga magulang ko ay hindi pa amin. Hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ko pa pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang makatulong sa mga magulang ko. Nababasa ko lang to sa mga pocketbooks dati kaya mahirap para sa akin na maniwala sa mga sinabi niya. Pero inaamin ko, may kakaibang saya itong hatid sa puso ko. Ngayon lang din ako nakadama ng ganito. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa dami ng iniisip ko kagabi hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog
Kanina pa ako nakabalik dito sa aking pwesto pero hanggang ngayon lutang parin ako. Hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa. Buti na lang at isang meeting lang ang meron si Boss ngayong araw at kanina pa ito natapos.Tinawagan niya ako before lunch para sabihing sabay na kaming mananghalian. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako o hindi. Pero alam ko din naman na kahit ayaw ko, siya pa din naman ang masusunod. " He wont take no for an answer" nga diba?Ano ba kami? Ito na ba yung sinasabi niyang simula ng kanyang panliligaw? Ito na ba yung sinasabing niyang "be ready"? Na-eexcite ako pero di ko din maiwasang mag-alala. Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado niya. Baka isipin nilang nilalandi ko si Boss. Lalong nakakahiya kasi trainee pa lang naman ako, ni hindi pa nga ako tapos sa aking pag-aaral.Sa pagkakaalam ko he don't mix business with pleasure which I doub't sa dami ba naman magagandang empleyeda dito na halatang namang nagpapansin sa kanya, ni isa wala siyan
Two weeks na lang matatapos ko na ang training ko. Sa loob ng mga panahong nagsasanay ako sa kumpanya ni Boss ng dami-dami kung natutunan. I have my personal and professional growth. Masaya ako sa opurtunidad na binigay nila sa akin. Malaking tulong din na may sinasahod ako sa aking pagtatrabaho. Makakatulong ito sa pagbili ko ng mga gagamitin ko sa pasukan.Sabado ngayon pero kaylangan kong pumunta sa University para ipasa ang evaluation form para sa On-the-job training ko. Kaylangan ko ring makipagkita sa Dean ng aming departamento dahil pinatawag niya ako.Masaya kaming nag-uusap at nagkukwentuhan ng mga kakalase ko. Yung iba, binabahagi ang mga naranasan nila while doing their ojt sa ibang kumpanya. Ang ingay-ingay tuloy dito sa loob ng room. Gano'n paman masaya kaming lahat sa mga panibagong karanasan namin sa buhay. Additional knowledge, experiences and wisdom to help us in the future."Miss Clemente pinapatawag ka na ni Dean sa kanyang opisina" tawag ng isang studyante sa akin
Warning: SPG"Good morning, Babe." Bakas ang kasiyahan sa tono ng boses ni Boss.Hindi ako agad nakasagot sa kanyang pagbati. Nakatulala ako sa kanyang gwapong mukha. He was standing near the gate at katatapos ko lang maglinis dito sa labas ng apartment.I never thought that he'll come this early. Ang usapan namin kagabi mamamasyal kami ngayong araw. Susulitin namin ang isang linggong natitira bago siya aalis papuntang ibang bansa. Ang sabi niya susunduin niya ako bandang alas dyes ng umaga, pero alas syete pa lang nandito na siya. S-sir..." nalilitong tawag ko sa kanya at mabilis na humakbang para mapagbuksan siya ng gate. Hindi na ako nahiya kung amoy pawis pa ako. Biglang nawala ang kasiyahan sa mata niya kanina at biglang kumunot ang kanyang noo."What did you just call me?" taas ang isang kilay na tanong niya sa akin"A-ahmm, S-sir po?" ulit ko na lalong nag pakunot sa kanyang noo."And why did you call me that?" Tila hindi niya nagustuhan yung sagot ko."Sanay po kasi akong
Warning: SPGNagising ako na may mumunting halik ang dumadampi sa aking mukha. When I opened my eyes I saw Hendrick's mesmerizing gray eyes staring at me passionately. Mga matang kailanman ay di ko pagsasawaan." H-hi Babe. Anong oras na?" I greeted him sweetly and give him a light kiss. Nakaidlip ako kanina matapos ng mainit nag tagpo sa pagitan naming dalawa. Hindi ito sumagot sa tanong ko, sa halip nilapit nito ang mukha sa akin. "You're making me hard Babe.." he murmured.Namula ang pisngi ko sa kanyang sinabi pero iba naman ang reaksiyon ng aking katawan. I feel hot inside with just simple words coming from him. This man is really dangerous. Dangerous in bed. Parang walang kapaguran.I lost count kung ilang beses kaming nagsiping kanina. Natigil lang ito nung sinabi ko sa kanyang inaantok na ako. "Are you not tired Babe? Katatapos lang natin ah... at saka it still hurt down there po..." nakanguso kong sabi sa kanya." I will never get tired when it comes to you Babe. I can
Limang araw na ang lumipas mula ng gabing sinampal ako ni Jana. Hanggang ngayon walang pa rin akong maisip na dahilan bakit niya nagawa sa akin yun. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na siya nakausap ulit. Ilang araw palang ang lumipas marami na ang nagbago. Ang daming gumugulo sa utak ko. Una yung dahilan ng pagsampal ni Jana sa akin at pangalawa hindi ko makontak si Hendrick simula ng umalis ito. Ang sabi niya lang nung Lunes pumunta siyang Cebu may emergency sa isang branch ng negosyo nila doon at kailangan niyang personal na asikasuhin.Hindi ko pa sana malalaman kung hindi ko siya tinawagan para kumustahin, mabilis lang ang naging usapan namin kasi sabi niya may kakausapin pa daw siyang business partner. Apat na araw nang hindi siya nagparamdam sa akin, nag-aalala na ako, hindi ko na rin makontak yung cellphone niya. Hindi ko rin natanong sa kanya kung babalik pa ba siya dito o didiritso na siyang America. Sana man lang nakapag-usap muna kami bago siya pumuntang C
That night I cannot sleep. The little boys' eyes keep flashing in my mind. I can see my small self in him. There's something in his eyes that everytime it flashes to my brain something it reached to my heart. Parang may humahaplos sa puso ko sa tuwing naalala ko ang mga mata nung batang lalaki. I called the owner and requested for the footage that day. To my surprise, I saw how Derick intentionally hide them. Dun na ako naghinala. The next day I called him, ayaw pa sanang akong kitain pero wala siyang nagawa nang tinakot ko siyang pabagsakin ko ang negosyo niya. I already had a haunch that his hiding something from me. "I swear Kuya-" another strong punch landed on his face. Wala akong pakialam kung masira ang buong mukha niya. Galit na galit ako sa kanya dahil halatang nagsisinungaling siya sa akin. "Tell me Vin Derick! You don't want me mad, I'm warning you." Akmang susuntukin ko ito ng bigla itong umamin sa akin. "Yes! They are your twins!" I felt like a bombed just exploded t
Van's POV"Kuya you're not listening to me. Kanina pa ako nagsasalita dito kung saan-saan ka naman nakatingin. Sino ba kasi tinitingnan mo dyan?" Pagrereklamo ni Veronica sa akin. Lumingon ito sa tinitingna ko pero mabuti nalang at nakatalikod yung babae sa amin ngayon.Andito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa University na pinapasukan niya. Kanina ko pa gustong umalis pero ayaw ko namang iwan ang bunso namin. Minsan lang ito naglalambing sa akin. "Just finish your food Chrystelle and we'll go. Stop looking around." seryoso kong saway sa kanya. "Are you looking at that girl in the counter? She's pretty right? You want me to ask her name?" I glared at her but her smiles became wider. This brat really knows how to annoy me."Oh kalma Kuya. Ayan ka na naman eh, nagsusungit ka na naman. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend kasi ang sungit-sungit mo."Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi niya. Who said I need a girlfriend? I can have many girls as many as I want. Hindi ko na kailan
I was busy fixing my dress when Hendrick hug me from behind. He is brushing his lips on my cheek and then continue sniffing my neck. At ako namang buntis, naramdaman kong nag-iba agad ang reaction ng katawan ko.Ito siguro ang sinasabi nilang kapag nabubuntis ay naging mahilig. I blushed at that thought. Nakakahiya baka sabihin pa nitong nabuntis lang ako nagiging perv na."I love you, Margaux." he breathes. "Hey." saway ko dito at baka kung saan naman mapunta ang pahalik halik nito sa akin."I love you so much, Babe." Ihiniharap niya ako sa kanya at masuyong pinatakan ng halik ang noo, pababa sa mata, sa ilong at sa labi ko. "Thank you, Babe, for accepting me again in your life." His beautiful pair of gray eyes are glistening. How I love looking at his gray eyes. Laking pasalamat ko pa noong ipinanganak ko ang kambal dahil sa kanya nagmana ang mga mata nito.Today is the schedule for my check-up. It's been week nang madischarge kami sa hospital. After nang check -up namin. Dadaanan
"Shhh wag ka maingay Jill, baka magising si Mama.""Mama gising na po ikaw.""Daddy, stop kissing my Mama."Nagising ako dahil nakarinig ako ng mga mumunting tinig sa paligid. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil may bisig na mahigpit na nakayakap sa akin. Pagbaling ko sa aking tabi nakita ko si Hendrick na nakayakap sa aking tiyan.Inilibot ko ang aking paningin at halos maluha ako ng tumambad sa akin ang mukha ng aking mga anak. Nakatititg ang mga ito sa akin at nagsimula ng mamumuo ang luha sa mga mata. Oh God, my babies..."M-mama." Amara's voice cracked. Her lips trembled and she started crying. "Don't cry please, kasi naiiyak din si Mama." I said trying to stop my tears.Nakita kong humikbi si Amara at sinubukan pa itong patahanin ng kapatid niya kaya pinalapit ko na ito sa akin."Come babies..." Iniangat ko ang aking kamay na walang swero.Bahagya pang hinarang ni Hendrick ang kanyang kamay sa aking tiyan dahil nag-uunahan ang kambal sa paglapit sa akin.Pero dah
"Wag!" Malakas kong sigaw. Wala akong maramdaman na kahit ano, pakiramdam ko ay namamanhid ang aking buong katawan. Iminulat ko ang aking mga mata pero pakiramdam ko nahihilo at nanghihina pa ang katawan ko.Agad akong dinaluhan ni Hendrick. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Call the doctor, Vin Derick!"Nagising ako dahil napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Billy. Nakikita ko ang malademonyo niyang ngisi. Naririnig ko ang nakakatatot niyang tawa. Nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot na baka nandyan lang siya sa paligid. Ramdam kong pinagpawisan ako at nanginginig ang aking katawan. My heart began beating abnormally.Pakiramdam ko bigla nalang papasok si Billy at pagbabarilin kami. "Calm down, Babe. I'm here... I'm here. Hindi ko na hahayaang masaktan kayo ulit." I was shaking in fear. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Hendrick. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa amin ng mga bata. Ang mga anak ko. Naalala ko ang takot sa mukh
Warning: May contain sensitive topics. Please be aware.____________________________"Vonn, Amara, whatever happened, always remember mama loves you very much okay?"I'm trying my best not to be weak in front of my kids para hindi sila lalong matakot. Isiniksik ko silang dalawa sa likod ko, trying to cover them para hindil nila makita ang pagmumukha ni Billy, who's now hugging his daughter. Naawa akong tumingin sa anak niya dahil halatang nanghihina na ito.Hindi ako makapaniwala na maging ganito si Billy dahil noong mga panahong nag o-ojt pa ako maayos naman ito. Mabait ito sa aming lahat at magaling din makisama. Umabot pa nga sa puntong tinutukso ito ni Jana sa akin. Ano bang nagyari sa kanya? Ang huling kita ko dito ay nung panahong gusto kong kausapin si Jana tungkol sa nangyari sa amin pero hindi ko na siya naabutan dahil nag-resign na siya. Naalala kong hindi din ako kinibo ni Billy at tanging si Jake lang ang nakipag-usap sa akin noon. Sa tagal naming magkasama ni Jana sa ii
Nagising akong nakahiga sa kama. Medyo nahihilo pa ako kaya dahan-dahan akong bumangon. Inilibot ko ang aking tingin para malamang nasa loob pala ako nang sarili kong silid dito sa mansyon nila. Tumingin ako sa orasan dalawang oras na ang lumipas.Bumukas ang silid at ang nag-alalang mukha ng ina ni Hendrick ang bumungad sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.Ang mga anak ko. Nawawala ang mga anak ko. Yun ang huli kong narinig kay Jam. Naramdaman kong namamawis ang aking noo at nagsimula ng manginig ang aking katawan. Nag-uunahan na namang bumagsak ang mga luha ko.Niyakap ako ng mommy niya at tahimik na din itong umiiyak."T-tita nasaan na ang mga anak ko?" lumakas na ang pag-iiyak ko. Pinapakalma niya ako pero siya umiyak din siya. Tita, ang kambal. Hindi ko kakayanin kung mawala sa aking ang kambal.""Shh...tahan na anak. Hinahanap na sila ni Hendrick. Naireport na din ito sa mga pulis."Sinubukan kong bumaba ng kama pero biglang nanlabo ang akin
Pagkapasok ko pa lang sa garahe ng mansion ng mga Valderama nakita kung patakbong sumalubong si Derick sa sasakyan ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Siguro natawagan na ito ng Kuya niya kaya ganito. I was crying my heart out inside my car. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. I love him so much but why I always have to end up in pain? Bakit lagi niya na lang akong sinasaktan? Bakit kailangan niya itong gawin sa akin?"Ganda, open the door please." Dinig ko ang pagkatok at pagsigaw ni Derick mula sa labas ng kotse ko. Hindi ko siya binuksan at nanatili akong nakayukyok sa manibela at patuloy na umiiyak.Gusto kong ibuhos ang lahat ng sakit na aking nadarama ngayon. Bakit hindi niya sinabi sa akin noon pa ang tungkol dito? Kaya pala minsan late na siyang umuuwi. Siguro pinupuntahan niya ang anak nila. Kaya pala may mga panahong, nakatulala siya dahil siguro sa problema niya sa bata.Sana sinabi niya sa akin sa simula pa lang, maiintindihan ko naman siya.Pilitin kong intind
My heart is so happy that I couldn't ask for more because finally buo na din ang pamilya ko. Watching my kids laughing with their father makes my heart go wild. Sino ba ang mag-aakala na ang isang Hendrick Valderama ay marunong naman palang tumawa. Ang buong akala kasi ng karamihan pagsusungit lang ang alam nito. Kaya nga binansagan ko pa ito dati na arrogant boss. I remembered my first encounter with him sininghalan ako nito sa tapat ng elevator, first day ko nun sa kumpanya nila. Akala ko nga hindi ko matatapos ang ojt ko sa kanila dati dahil terror ang boss ko."Babe come here." sabay tapik nito sa space sa tabi niya."I know that look." ganti ko sa kanya. Wala na ata itong ibang gawin kapag nandito sa bahay kundi ang dumikit sa akin. Kung makalingkis ito sa akin para itong sawa. Ako ang nahihiya sa mga magulang at kapatid niya.I didn't expect na mahilig itong mag pda , sobrang clingy nito sa akin at walang pinipiling lugar. Yung palaging masungit at striktong Hendrick Valderama