ISA
Kassel POV
Sumisipol-sipol ako at nakapamulsa habang naglalakad papunta sa trabaho. Nakangising kinakawayan ko ang mga alagad
ko na nasa tabi-tabi lang."Hoy, Kasel! Bilisan mo at tumulong ka na dito!" sigaw ng matanda at mataba kong amo na si Ate Loy. Maitim rin siya kaya para siyang nasunog na lechon. Hahaha. Natawa ako do'n, ah?
"Ate Loy, Kassel po at hindi Kasel. Sosyalan nyo naman po. Antagal ko na dito, ganyan pa rin ang pagbigkas nyo sa pangalan ko," kamot ang ulong sabi ko. Pinandilatan nya ako ng mata. Lalo tuloy nakadagdag sa kapangitan nya. Haha.
"Sus! Pareho lang naman 'yon. Puro ka reklamo! Hala! Doon ka sa kusina. Maghugas ka ng mga pinggan. Bilis!" utos nya ng pasigaw kaya napanguso ako at dumiretso na sa kusina. Psh. Totoo naman ang sinabi ko.
"Hoy, Kassel. Inaway mo na naman yung mataba—este matanda. Buti nalang hanggang ngayon hindi ka pa sinasante," sabi ni Ate Karol, katrabaho ko. Nginisihan ko nalang siya. Nasa isang karinderya ako nagtatrabaho. Minsan taga-hugas, minsan naman waitress. Depende nalang kung saan ako ilalagay ni Ate Loy. Hindi pa ako nakakalahati sa paghuhugas nang tawagin na ako ng tabachoy kung amo.
"Kasel! Pumunta ka dito, may iuutos ako."
Agad akong pumunta doon para hindi na mabulyawan pa. Ang ingay pa naman nya. Mahihiya ang paring nagmimisa sa haba ng sermon nya.
"Oh," aniya sabay abot ng papel at barya, "Bilhin mo ang lahat ng nasa listahan na 'yan. Kapag may kulang kahit isa, ibibitin kita patiwarik. Naiintindihan mo?" dugtong nya at pinandilatan ulit ako na mga malalaki nyang mata. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Agad akong pumunta sa palengke at binili lahaaaaaat-lahat ng nasa listahin. Baka ibitin pa ako patiwarik kapag may kulang. Pero alam ko namang hindi gagawin 'yon ni Ate Loy. Lab na lab kaya ako 'non. Hehehe.
Pasipol-sipol ulit ako habang naglalakad nang may nakita akong matandang lalaki na hino-holdap. Agad akong kumaripas ng takbo at mahigpit na hinawakan ang supot ng pinamili ko papunta sa pwesto nila.
"Psst!" sitsit ko kaya napatingin sila sa akin.
"Hoy! Bitawan mo yang matanda na 'yan!" sigaw ko pagkalapit ko sa kanila. Napansin ko ang itsura ng matanda. Kulubot na ang mukha nito at puti na ang kanyang buhok. Butas-butas na rin ang kanyang damit. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kulay ginto nyang relo at singsing. Muli kong ibinalik ang tingin sa holdaper.
"Ikaw!"turo ko holdaper, "Bitawan mo siya! Wala kang awa. Ang tanda-tanda na niyan
nanakawan mo pa. Wala kang puso! Ang saging lang talaga ang may puso! Ang saging lang! Hindi ka naawa sa matandanggurangna'to. Halata na ngangpulubi, nanakawan mo pa!" madrama kong sigaw kaya napakamot sa ulo ang holdaper."Ang ingay
n'yo naman, boss.Nilait mo pa si lolo. Balato mo nalang 'to sa'kin. Ito lang naman eh," aniya at tinuro pa ang relo ni Tatang kaya pinandilatan ko siya gamit ang magaganda kong mata."Hoy! Wala ka talagang awa, hinayupak ka. Umalis ka dito. Doon ka mangholdap sa ibang lugar. Wag dito sa teritoryo ko, kaya alis! Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.
"Eh, boss, lahat naman teritoryo mo. Ikaw kaya ang reyna ng Baranggay
Mabuti, Hindi Mapagsamantala At Magalang pa 101 Street. Kahit nga doon sa kabilangbaranggay," pangangatwiran nya. Napangiwi tuloy ako ng banggitin nya ang buong pangalan ng lugar namin. Hindi kasi bagay sa mga tao dito. Kuta pa naman 'to ng mga kawatan—este mabuting mamamayan."Aba! May reklamo ka? Ito o," initsa ko sa kanya ang isang daan, "Yan. Pang-kain mo. Tipirin mo 'yan tapos
umalis ka na dito. Baka gusto mo nito?" ani ko at umakto pang susuntukin siya kaya umiling siya at kumaripas na ng takbo. Napabuntong-hininga nalang ako at nilapitan yung matanda."Ayos ka lang, Tatang?" tanong ko sa kanya at iginiya siya para umupo sa malapit na bens. Kung hindi n'yo alam ang bens, english yan ng upuan sa parke. Oh diba? Ang galing ko.
"Ayos lang ako, ineng. Salamat sa pagtulong mo."
"Kayo naman po kasi, ano
kasingpumasok sa isip nyo para magsuot ng relo at singsing? Takaw-atensyon kaya 'yan sa mga holdaper. Dito pa talaga kayo napunta. Alam nyo namangmaramingholdaper dito, pasalamat kayo at nakita ko kayo. Nga pala, saan ba galing 'yan? NakuTatang ha, saan n'yo naman ninakaw 'yan? Naku, naku, naku. Ibalikn'yo na po 'yan. Masama 'hong magnakaw, Tatang," mahabang litanya ko at umiiling-iling pa. Natawa naman itong matanda katabi ko."Grabe ka naman, hija. Kanina mo pa ako nilalait. Hindi ko naman ninakaw ang mga ito. Pagmamay-ari ko ito, ineng," natatawang ani nya.
"Weh? Wag n'yo po akong pinagloloko, Tatang."
Natawa ulit siya. "Taga-saan ka ba, hija? Nasaan ang mga magulang mo? Anong pangalan mo? Saan ang bahay n'yo? May mga kapatid ka ba? O, nag-iisang
anak ka? Ilang taon ka na? Nag-aaral ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Tatang kaya itinapat ko ang palad ko sa kanyang mukha."Hep! Iziii! Isa-isa lang po sa pagtatanong. Ang rami naman ng katanungan
n'yo, Tatang. Hindi naman halatangkuryoskayo sa akin, no?"Kumunot ang kulubot na noo ng matanda. "Kuryos? Baka curious ang ibig mong sabihin, ija. Anyway, maaari mo bang sagutin ang mga tanong ko?"
"Okay," kibit-balikat kong pagpayag kahit kataka-taka ang mga tanong nitong matandang 'to. "Una, taga-dito lang po ako at ulilang
lubos na. Ang bahay ko po ay ang buongbaranggay. Kahitsaangkalye, sa abandonadong bahay, sa karinderya o kahit na saan basta may matutulugan. Oks lang naman po sa'kin. Ang pangalan ko ay Kassel, labing-pitongtaonggulang at nag-iisanganak. Nag-aaral sa isang publikongeskwelahan na malapit lang dito. Naniniwala sa kasabihang, 'Life is better if you have money.' O, ha, english 'yon. And I, thank you!" ngiti-ngiting sabi ko at kumaway-kaway pa na parang nasa isang contest."Hija," tawag sa akin ni Tatang at nakitang seryoso ito kaya naglinya ang mga labi ko, "Gusto mo bang ampunin kita? Wala na akong anak at wala ring apo. Wala akong kasama sa bahay at nakakausap na kaya akong patawanin ng ganito. Nalulungkot ang isang matandang
tulad ko."Napahalakhak ako sa sinabi ng matanda. Ampunin? Hahaha. Nakakatawa naman itong sa Tatang. Butas-butas na nga ang damit nya tapos mag-aampon pa siya? Galeng!
"Tatang, hindi naman po sa nilalait kita ah? Pero, matanda na po kayo at hindi sapat ang kinikita ko sa karinderya para sa ating
dalawa. Hindi rin po kita maaalagan ng maayos dahil may trabaho ako. Bibili pa po ako ng mga gamotn'yo na alam kong ang mahal-mahal. Wag nalang po," pagtanggi ko at napakamot sa ulo."Paano kung sabihin kong pa-aaralin kita? At hindi mo na kailangang
magtrabaho pa? Papayag ka?" pangungumbinsi ni Tatang kaya napabuntong-hininga ako."Kung totoo lang sana po 'yan, edi gora ako. Kaso, hindi naman. Masakit
umasa, Tatang," mahinahong sabi ko at tumayo na."Aalis na po ako. May trabaho pa po ako eh. Umuwi na po kayo. Wag kayong mag-alala dahil hindi na kayo babalikan nung holdaper na 'yon. Sige, una na ako, Tatang." sumaludo ako sa kanya at umalis na.
Narinig ko pang tinawag nya ako kaya kumaway nalang ako ng hindi siya hinaharap."Kasel! Ba't ngayon ka lang?! Gaano ba kalayo ang palengke at ang tagal mong dumating? Saan ka na naman nagpupupunta, ha? Ang tagal-tagal mong bata ka! Saan ka na naman nagsusu-suot at inabot ka ng ganitong oras?! Mabuti sana kung...."
mahabang sermon ni Ate Loy. Ang raming satsat. Parang armalite ang bunganga ng tabatchoy na'to. Haaays."Ate Loy, ang dugo
n'yo po baka tumaas. Hinay-hinay po sa pagsigaw. Kayo po, baka himatayin kayo. Wala na ang pinakamagandangtindera at tagaluto dito sa karinderya. Diba mga kasama? Diba?" pambobola ko at dinamay pa ang mga kumakain. Mabuti nalang at tumango-tango naman sila. Hilaw akong ngumiti kay Ate Loy nang makitang unti-unti na siyang humihinahon."Oh, nasaan na yung sukli? Sobra yung ibinigay ko sa'yo, Kasel," sabi nya at naglahad ng kamay. Naalala ko tuloy yung isang daan na ibinigay ko sa holdaper. Patay. Sukli pala 'yon. Kaya pala nagtaka ako nung may pera ako sa bulsa. Peke akong natawa.
"Sukli? Wala naman po, Ate Loy. Tamang-tama nga lang yung pera na binigay nyo eh. Saktong-sakto sa inutos nyo. 'Lam n'yo na, nagmamahal na ang bilihin ngayon kaya wala ng sukling
natira. Naghihirap na naman kasi ang Pilipinas. Marami na naman kasingnakukuha ang mga kurakot na opisyal. Kaya ayun. He-he-he," pagrarason ko. Lumaki na naman ang mga mata nya at parang sisigaw na kaya hinimas-himas ko ang malalaki at maiitim nyang braso."Easy lang, Ate. Ang ganda-ganda n'yo ngayon ah? Lalo kayong
gumaganda araw-araw sa paningin naming lahat. Mas lalo pa kayongsumexy. Hehehe. Ibang-iba ang kurbada natin ngayon, Ate Loy. Oo nga pala! Sa kusina lang po ako at ako'ymaghuhugas na ng mga pinggan. Alam kong kanina pa nila ako hinihintay at siguradongsabik na sabik na sila sa akin," ani ko at kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Rinig-rinig ko mula dito ang sigaw ni tabachoy—este Ate Loy. Uy, rhyme! Hahaha."Kaseeeeeeeeeeeeeeeeel!!"
~*~*~*~*~*~*
Kassel pronounced as castle. While ang Kasel
ay kasintunog ng kahel. Gawin mo lang na s ang h.DALAWA Kassel POV "Ate,pabilipo ng isangbihonsandwich,"at inabot ko sa tindera ang bayad sabay abot nya sa in-order ko. Kinakain ko na ang aking miryenda habang papalabas sa canteen. "Boss!"sigaw ng isangalagadko habang humahangos na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Nakahawak siya sa kanyang tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga. Nang umayos ay tuwid siyang tumayo at ngumiti ng pagkalaki-laki na lalong ikinapangit nya. "Baka naman bosspwedengmakahi
TATLO Kassel POV "Miss Kassel,nanditona po tayo." Isang boses at maraming katok ang nagpagising sa akin. Napahikab ako at nag-inat. Takte, napahaba pa ang tulog ko. "Miss Kassel." Napatingin ako sa pinto nglimosen at nakita ang isa sa mga nagsundo sa akin ay kumakatok. Nagmadali naman akong lumabas at nahihiyang ngumiti sa kanila. "Nanditona po tayo. Welcome.... saCasa Salvador,"nakangiting ani nit
APATKASSEL POV"Kasel,tumulong-tulongka doon. Wag kangmagpaka-senyorita.Tumulongka sa mgagawaing-bahay at wagmagingmadumi. Wagburarasa mgagamitatsumunodka sa mgaiuutosdoon. Wag kangtamad,Kasel.&n
LIMAKASSELPOV"Kassel, apo,"rinigkongtawagsa akin niTatang. Yan!Yaaan!Baaaam!Nakng,nakatakas!Shemaaay! Wag kangtumakas, zombie.Papatayinpa kita!Grrrr."Haynaku,"Hulika! Oh, yeah!"
ANIMKASSELPOV"Anglakipalatalagangeskwelahang'to!Grabe. Hindi man langkumalahatianglaking dati kongi-skul.Tapos, anggagarapa ng mgasasakyandoon saparadahanat ang mgaestudyantepa,
PITOKASSELPOV"W-WHAT?! No, of course not!"Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin."Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya."Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko."To be honest,Kass, o
PITO KASSELPOV "W-WHAT?! No, of course not!" Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin. "Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya. "Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko. "To be honest,Kass
WALO KASSELPOV "Oh, ayan na. Tapos na mahal na reyna. Ngayon, maaari na bang umalis ang hampaslupang ito?"Nakangiti pa rin na tanong ko sabay turo sa sarili. Nakita kong kinuyom niya ang dalawang kamay pero pinilit pa ring maging kalmado. Sumeryoso ang kaniyang tingin. Humakbang ito papalapit sa akin at lumapit sa aking tainga. "Bitch. I will let this one slide but the next time you will mess with me, get ready to face my wrath. Also, don't flirt withNieve, especially withZayinor else I will really drag you to hell. You understand now, missy?"Babala niya at ngumiti ng makahulugan bago mataray na
LABING-WALOKASSEL POVLunes. Panibagong araw at papalapit na ang kaarawan ni Tatang pero... wala pa rin akong naiisip na regalo.Sinabunutan ko ang sariling buhok.“Argh!”“Hey, stop it! What are you doing ba?”Isang kamay ang pumigil sa akin. Iniangat ko ang tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Laine. Ibinaba ko ang dalawang kamay na nakahawak sa buhok ko at saka bumuntonghininga."Kasi naman, eh! Ngayong Sabado na ang kaarawan ni Ta—este ni Don Salvador... tapos wala pa akong regalo. Hmph!"Ngumuso ako at humalukipkip. Tinawanan niya ako at kinurot ang dalawa kong pisngi. Aray ko! Sinamaan ko siya ng tingin habang hinimas-himas ang tiyak kong namumula kong pisngi."You're so cute. Anyways, why don't you give him what he likes? Do you know anything?"Aniya kaya napaisip ako.Kung ano
LABING-PITO KASSELPOV Araw ng sabado. Isang linggo nalang bago ang birthday ni Tatang. Nakapag-usap na rin kami ni Mrs. Lestra, ang event organizer, tungkol sa mga mangyayari sa party. Natapos na ring ma-i-print ang invitation kaya ngayon... "Gosh! Bakit ba kayong lahat ang sumama? It's supposed to be me and Kassy-dear only, so why?!"Napuno na si Keyser at kinompronta na ang mga lalaki. Hindi ako magkandaugaga sa pagkontrol sa sitwasyon, lalo pa't pinagtitinginan na kami dito sa mall. Oo, nasa mall kami para bumili ng susuotin ko sa party. Si Keyser kasi ay nagpagawadawng damit isang sikatdawna designer sa ibang bansa. Grabe, iba talaga kapag mayaman.
LABING-ANIMKASSELPOV"Bakit kaya angdamingtao ngayon dito?"Naibulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasambahay na panay ang paroo't parito. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa strap ng bag saka dumiretso sa opisina ni Tatang.Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko si Tatang kasama ang nakatayong si Kuya Karim at Alonzo, na may kasama pang isang babaeng pormal ang ayos. Pareho silang tatlong nakatingin sa akin."Ano... Excuse me po? Nakakaistorbo po ba ako? Babalik na lang po ako mamaya. Hehe,"nahihiyang ani ako at akmang lalabas ulit ng magsalit
LABING-LIMAKASSEL POV"One Punch Man?!"Sa pagsigaw ko ay nahulog niya ang kaniyang hawak na cellphone kaya dali-dali ko itong sinalo. Hapo ko ang dibdib dahil sa nerbyos.Jusko, mukhang mamahalin pa naman ang cellphone na'to."What the fuck are you doing here?!"Sigaw niya at dahil nakayuko ako at sobrang lapit ng tainga ko sa kaniya ay parang biglang lumindol ang kaibuturan ng tainga ko. Agad kong tinakpan ang tainga at bahagyang lumayo sa kaniya."Sheesh! Ang ingay mo! Pwede bang wag kang sumigaw?"Inis na sabi ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.A
LABING-APATKASSEL POVIsang araw na naman ang lumipas...Ibinaba ko ang hawak na libro at muling tinignan ang taong kaharap."Bakit ka nga ulit nandito, Mr. Fajardo?"Ngumiti ito sabay baba rin sa librong binabasa."For the fifth time, Ms. De Jesus, I was assigned by Mrs. Treja to be your partner in this activity."Pinaningkitan ko siya ng mata."Ang ibig mo sigurong sabihin ay nagkusa kang maging kapareha ko. Na sa kamalas-malasan pa ay hindi tinutulan ni Mrs. Treja. Tch."At pasimpleng umismid. Bahagya siyang natawa. Hindi ko nalang siya pinansin at muling nagbasa. Ngunit kahit na anon
LABING-TATLOKASSEL POV"Bueno, shall we start the meeting then?"Tumikhim si Mrs. Patrimonio nang sabihin iyon ni Tatang. Umayos ito ng upo at nag-seryoso.Lumingon siya sa banda nina Cryielle."Mrs. Zaldarriaga is not here yet, Don Salvador. Maghintay mu—""No, Ma'am. My mother can't come. Nandito naman sina Tita Judy as my guardian. We can proceed na po,"sabat ni Cryielle at seryosong tumingin kay Mrs. Patrimonio. Tumango ang huli."Okay,"tumikhim siya ulit,"Pinatawag ko kayong lahat para pag-usapan a
LABING-DALAWAKASSELPOV"Laine,"tawag ko sa kaniya,"Pupuntaako sa Library ngayon, sasama ka ba?"Tanong ko.Nilingon niya ako at umiling."Pass na muna ako,Kass. I need to finish my report pa kasi. Minamadali na ako ni Miss Jae, eh,"aniya kaya ngumiti ako at tumango. Kumuha ako ng isang binder at ballpen sa bag saka nilisan na ang classroom. Patalon-talon akong naglakad sa hallway. Maganda kasi ang gising ko ngayon, kaya hindi ko na papansin ang weirdong mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko.Teka, ako yata yungwierdo.
LABING-ISAKASSEL POVIsang maaliwalas at mapayapang araw ang nadadama ko ngayon..."Look who's here,"nakataas ang kilay niyang kaguguhit lang ata, na saad niya.Kung hindi ko lang nakasalubong babaeng ito.Hays."Hello din sa'yo,Cryielle,"walang ganang tugon ko at tumigil sa paglalakad. Tinaasan niya lalo ako ng kilay,kung pwede nga iyon,saka humalukipkip."I hope you remember what I told you,dear.Never try to mess with me,"&
SAMPUKASSELPOV"Kassel De Jesus!"Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat.Nahihilo na ako.Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.Hinilot ko ang sentido bago nagtanong."Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?"Medyo inis na tanong ko."Kasi naman po, ano.ZayinCarson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon l