Share

GULO #5

Author: coleamythyst
last update Last Updated: 2021-08-12 19:12:42

LIMA

KASSEL POV

"Kassel, apo,"

rinig kong tawag sa akin ni Tatang. Yan! YaaanBaaaam!

NakngnakatakasShemaaay! Wag kang tumakas, zombie. Papatayin pa kita! Grrrr.

"Hay naku," Huli ka! Oh, yeah! "Hijaaalis ako ngayon at may kikitain akong mga important clients kaya hindi kita masasamahan ngayon para mamili ng mga gamit mo.

Kaya, Keyser, Hixton ang Nieve will be accompanying you today. The rest ay isasama ko."

BaaamHuli ka! Ayos talaga 'tong zombie catcher. Hehehe.

"Kassel, are you listening?"

rinig kong tanong ni Tatang kaya nagtaas ako ng tingin at nakita siyang

nakatutok sa akin. Eh?

"Po? Hehehe. Naglalaro po kasi ako, TatangAno nga ulit 'yun? 'Sensya na," napapahiyang tanong ko at napakamot sa ulo. Hinilot naman niya ang kaniyang

sentido.

"Tatanda ako ng maaga sa'yo, bata ka," bulong niya na rinig ko naman. Eh? Matanda na siya, hindi ba?

"As I was saying, sina Keyser, Hixton at Nieve ang sasama

sa'yo

papuntang mall dahil may lalakarin ako. The rest of the butlers ay isasama ko. Here," ibinigay niya sa akin ang isang kulay

itim na pitakaNagtataka man ay tinanggap ko ito. "Nandyan ang shopping card ko at 50 thousand cash para pambili mo so you can buy whatever you want. If kulang pa 'yan, just ask for money from Nieve dahil may ibinigay akong cheque sa kaniya worth of one million, in case of emergency. Now, do you understand?"

dugtong niya. Ako naman ay parang luluwa ang mata sa narinigBaka nabingi lang ako, eh . F-Fifty thousand? O-One m-million? Anakngpitongpu'tpitongputingtupa!

"S-sigurado po ba kayo? Hindi po ninyo ako jinojoki-joki?" hindi makapaniwala at laglag ang pangang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Why? Kulang pa ba 'yun? Teka, kukuha a-"

"Po?! Hindi na! Ayos na 'yun. Ayos na ayos na. Sobra-sobra na, Tatang kaya wag na. Dios mio, marimar!"

agarang

pagputol ko sa sinasabi niya at nasapo ang dibdib. Hindi ko na kakayanin kung may marinig pa ako.

"Uh, okay. Kung ganoon ay aalis na ako. Mag-iingat kayo," sabi niya at hinarap ang isa sa mga butlers. "Nieve, I want you to be in-charge in your group. Report to me from time-to-time about Kassel's doings. Do you understand?"

"Copy that, sir,"

sagot ni Nieve at sumaludoHanep ah. Ayos rin.

"O, sige. Aalis na ako," huling sabi ni Tatang saka siya umalis na kasama ang iba.

Muli kong naalala kung bakit ako napunta sa kahiya-hiyang sitwasyon ngayon. Nakayuko na ako't lahat-lahat, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na tinitignan ng lahat ng madadaanan naming tao DITO SA MALL! Kasi naman eh! Ang ganda't gagwapo ng mga kasama ko tapos ako? Nagmumukha nilang yaya. Simple lang naman ang suot nila, naka- T shirts at pantalon lang naman pero bakit mukha silang model ng mga damit? Haaaay.

"You okay, Kass?" tanong ni Keyser na nakakapit ngayon sa braso ko. Dahilan kaya kahit gusto kong magpahuli sa paglalakad ay hindi pwede dahil hinihila ako ng babaeng 'to. Nakasunod lang naman ang dalawang lalaki.

"Oo," mahinang sagot ko. Tumigil siya kaya awtomatiko rin akong napahinto at napatingin sa kaniya.

"Saan ba tayo first? Kanina pa tayo walk ng walk at walang destination. What ba ang first mong bibilhinKass?" conyo niyang tanong. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang tainga ko sa mga salita niya.

"Sa NBS muna tayo. Kailangan ko daw bumili ng bagong

gamit eh," sagot ko at tumango naman siya. Pagkatapos, hinila na naman niya ako at sa isang iglap lang ay nakapasok na kami sa National Bookstore.

"Okay! Now, pick ka na Kassel. Do you want single notebooks or a binder? I suggest you choose the binder. They are easy to bitbit kasi and not heavy rin sa bag. Okay, that's it! We are gonna buy a binder. What designs you want ba? Is it like this or this? Or maybe... " at nagpatuloy na siya sa pagsasalita. Siya na rin mismo ang namili ng designs ng binder, ng mga ballpens at iba pa. Umatras nalang ako at hinayaan siyang mamili ng lahat ng kakailangan ko para bukas.

"Uh, pasensya na kay Keyser ha? Adik lang talaga 'yan sa shopping. Kahit mga gamit pa 'yan. Pero wag kang mag-alala, Kassel, mabait at maaasahan 'yang si Keys. Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal niya," pagpapaumanhin ni Hixton at nakahawak pa sa batok.

Ngumiti ako. "Ano ka ba, ayos lang. Nakakatuwa nga eh. Wala kasi akong kapatid at kaibigang

babae na malapit sa edad ko kaya siguro

magaan ang loob ko sa kaniya. Kaya, wag kang humingi ng pasensya dahil wala ka namang

ginawang

kasalanan," sabi ko. Napatingin ako kay Nieve at seryoso lang itong nakatingin kay Keyser.

"Key, that's enough. It's already half of the school year and you're buying too much. Don't waste money. It's not ours," seryosong utos ni Nieve kay Keyser kaya napanguso ito.

"Okay, Kuya. I understand." ang nasabi nalang ng kapatid niya. Pero agad ring lumiwanag ang kanina'y malungkot niyang mukha nang mapatingin ito sa akin. "Kass, let's pay it na! Come on, join me," aniya kaya lumapit na ako. Dumiretso kami sa counter na walang pila. Habang kinukwenta ng cashier ang pinamili namin- ni Keyser ay parang hinimatayin ako sa mga presyo. 250 pesos para sa isang ballpenNakng, eh sa Disivoria nga murang-mura lang yan, ah.

"9,000 in total, maam. How would you like to pay, via card or cash?" aniya ng cashier. Anak ng tupa! Siyam na libo?! Para sa limang binder, 5 Fiber Castel, 3 pads of each paper, 2 sets ng lahat ng klase ng art tool at etchetera?! Haaay. Ano ba itong mga pinamili ni Keyser at parang malaginto ang presyo? Naman! Pagkatapos bayaran ay hinila na naman ako ni Keyser at syempre, kay Hixton ipinadala ang mga pinamili niya na gamit ko.

"Where naman tayo next? Your clothes na ba? Gee, I'm so excited! I will pick the best for you, Kassy-dear,"

halata ang pananabik sa mukha niya. Tama nga si Hixton. Adik si Keyser sa shopping.

"Mmmm,tumatangong sagot ko.

Tumigil kami sa harap ng isang store na may pangalang 'Gucci' . Nagpahila na naman ako kay Keyser papasok.

"Good Morning Ma'am, Sir. Welcome to Gucci," bati ng isang babae pagkapasok namin. Kaagad akong hinila ni Keyser sa may mga damit. Siya na rin ang kumuha at dinidikit sa katawan ko na parang sinusukat niya. Mabuti nalang at nand'yan siya kundi, paniguradong mga baduy ang mapipili ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid at alam ko na kaagad na mamahalin ang mga ito.

Iniwan ko si Keyser na patuloy pa rin sa pamimili nang may mahagip ang paningin ko na isang damit. Isa itong dress na kulay puti. Off shoulder ito at may mga bulaklak na disenyo na nakapalibot sa baywang nito. Maganda... at simple. Naalala ko si Nanay dahil may ganito rin siyang damit. Isinuot niya ito sa ika-labing anim na taon kong kaarawan. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko sa tuwing naaalala sina Nanay at Tatay. Magtatatlong taon na pala ang nakalipas simula nung maulila ako ng lubos. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang nangyari noon.

"Nanay! N-nanay!"

nauubong

wika ko habang

pilit na hagilapan si Nanay. Wala siya sa kwartoNasaan na siya?

" 'Nay! Nasaan ka?"

sigaw ko pa. Baka nasa labas na siya! Dali-dali akong lumabas sa nasusunog naming bahay sa abot ng aking makakayaMuntik pa akong hindi makalabas

nang may natumbang

kahoyNanay!

Kaagad kong inilibot ang tingin para hanapin si Nanay pero bigo ako. Kaagad akong lumapit sa isang bumbero.

"ManongManong, ang nanay ko nasa loob pa. Pakiusap

iligtas

n'yo siya! Pakiusap!" sigaw ko sa kaniya

habang

pilit akong hinihila ng kung sinuman. Mas lalo akong kumapit sa damit ng bumbero.

"Miss, doon ka na muna. Ililigtas namin ang mama mo kaya huwag ka ng manggugulo,"

pakiusap ng isang kasamahan niya. Tumatango naman ako.

"Opo, opo! Basta iligtas

n'yo lang ang Nanay ko. Pakiusap po, mga ManongIligtas

n'yo siya,"

huling sabi ko bago ako hinila

papunta sa ligtas na lugar.

"KaselAyos ka lang ba? May masakit ba sa'yoHalikaipatingin

natin sa doctor dito," nag-aalalang tanong ni Ate LoyTumango lang ako sa kanya dahil wala na akong lakas pa para magsalitaNanayNanaybumalik ka sa akin, pakiusap. Ikaw nalang ang meron ako.

"Kassy-dear, are you okay?"

Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa realidad. Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Ayos lang naman ako, Keyser. M-may naalala lang. Uh, bakit? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya. Nalipat ang kaniyang tingin sa damit na tinitignan ko kanina.

"Do you like that? We can buy it if you want since it's Lord Artius's money and he ordered us to buy what ever you want, Kass," aniya na nang ibalik sa akin ang tingin. Sa katulad niyang mayaman na lahat ng gusto ay sosyal, walang bahid ng panghuhusga at pandidiri sa kaniyang mga mata sa napili kong damit. Hindi nga ako nagkamaling ituring kang kaibigan, Keyser Danzerre.

Kumunot ang kaniyang noo. "Is there a problem, Kassy-dear? " Tanong niya kaya ngumiti ako at umiling. Ibinalik ko ang tingin sa damit at kinuha ito saka muling humarap sa kaniya.

"Pwede ba natin

itong

bilhin?" tanong ko sa kaniya.

"Of course! It is so maganda kaya ang I know na it is bagay to you. Simple yet beautiful," nakangiting sagot niya at kumindat. Napailing nalang ako sa pananalita niya. Kinuha niya ang damit at ibinigay sa taong nasa kaniya likuran na ngayon ko lang napansin. Gabundok na damit ang nakita ko at natatakpan na rin nito ang mukha ng taong nagdadala nito kaya hindi ko mawari kung sino. Nasa tabi nito sa Nieve kaya nasisiguro kung si Hixton ito. Kawawang Hixton, tuluyan na ngang inalipin ni Keyser. Tsk, tsk.

"The heck, Keyserielle?! Ako pa talaga ang ginawa mong tagabitbit. This is so heavy!" reklamo ni Hixton kaya napangiwi ako. Hindi ko makita ang reaksyon ni Keyser dahil nakatalikod ito sa akin.

"Wag ka ngang

magreklamoHix. You are so maingay," striktang sabi ni Keyser sa kaniya. Bago pa siyang may makuhang bagong damit ay nagsalita na ako.

"A-ah... E-eh... Siguro tama na 'yan. Baka nga hindi ko maisuot 'yan lahat dahil sa sobrang dami. Ayos na 'yan. Salamat, Keyser, sa pamimili para sa akin. Na-apresyeyet ko." nakangiting sabi ko sa kaniya nang humarap siya sa akin. Napahawak siya sa dulo ng kaniyang tuwid na buhok.

"Its appreciate, Kass. Anyway, you're welcome by the way. So, let's pay na this so we can eat na. I'm hungry na kasi. Come on, Hix, follow us to the counter," aniya sabay maarteng hawi sa kaniyang buhok. Naka-angkla na naman ang kanyang braso sa akin para mauna kaming maglakad. Maayos namang nailagay ni Hixton ang mga damit sa counter. Napansin ko ring hindi na nagulat ang cashier. Mukhang sanay na itong makakita ng ganitong senaryo.

"That would be 345,780 thousand pesos in total, ma'am. Would you like to pay in cash or card?" sabi ni Ateng cashier na muntik na ikatanggal ng mga tainga ko. T-Tama ba ang rinig ko? 345,780 thousand?! Anakng! Dios mio, marimar, Keyserielle! Kailan ba ako masasanay sa ganito? Mukhang hindi yata, ah.

"We'll pay in card. Here," sabay abot ni Keyser kay Ateng cashier ang ibinigay na shopping card ni Tatang. Sa wakas, matatapos na rin.

"SO, where na tayo next? We should pick a restaurant na," aniyang baling ni Keyser sa'kin pagkalabas namin ng shop, "What cuisine do you want? Japanese? Korean? Thai? Chinese? You pick, Kassy-dear." Dugtong niya na ikinabuntonghininga ko. Walang akong alam sa mga binanggit niya.

"Hays. Sa Jollibee nalang tayo. Yun lang ang alam ko eh," Buntonghininga kong saad sa kaniya. Nakita kong tumango siya pero ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay parang nalilito.

"Okay. So, uhm, what cuisine is that Jollibee is?" Tanong niya na ikinatampal ko sa aking noo. Masyado siyang inosente... at mayaman. Hindi nalang ako nagsalita at hinila nalang siya. Sigurado naman akong susunod yung mga lalaki. Tumigil ako sa harap ng bahay ng pulang bubuyog.

"Tenen! Welkam sa Jollibee, mga pips. Kung saan ninyo

matatagpuan ang pinakamura at pinakamasarap na fried chicken." Nakangiting pakilala ko sa kanila kay Jollibee. Tumango-tango naman silang tatlo. Ang kyut nila. Mukha silang mga bata. Nauna na akong pumasok sa kanila at naghanap ng lamesang kasya kaming apat. Nang makaupo ay pansin kong lumilinga-linga si Nieve na parang may hinahanap.

"Bakit, Nieve?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin ito sa akin.

"Why is the waiter still not here?" Tanong niya. Hays. Wala bang nakakakain sa kanila dito.

Tumayo ako na ikinatingin nilang lahat.

"Self-order kasi dito. Kaya ako na ang pupunta sa counter," bumaling ako sa katabi, "Keys, pwede mo ba akong samahan? Hindi ko kasi alam ang kakainin nila. Hindi rin naman pwedeng

tayong

apat ang pumunta doon. Ayos lang ba?" Nakangiting pakiusap ko na siyang tinanguan namang niya.

"Good Afternoon, ma'am. May I take your order please?" Nakangiting salubong ni Ateng counter sa amin.

"Isang Family Meal A po, isang Ube Macapuno Pie at tatlong Jolly Spaghetti with drinks po." Sabi ko sa napagkasunduan namin ni Keyser.

"That would be 1,024 in total, ma'am. Would you like to pay in card or cash?" Ani ni Ateng counter at ibinigay ni Keyser ang credit card ni Tatang. Ilan na kaya ang nabawas diyan?

"This is your table number, ma'am, and kindly wait for your order. Thank you." Sabi ulit ni Ateng saka ibinigay sa amin ang numerong 124. Pagkatapos ay bumalik na kaming dalawa sa aming lamesa.

"Let's just wait nalang to our orders to come," Ani Keyser pagkaupo namin. Tumango lang si Nieve.

"What did you order for me, Keys?" Tanong ni Hixton sa katabi ko. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Nakita kong umirap ang babae.

"Basta. I know naman you will anything I order, eh. You are so matakaw kaya. But, I ordered your fave Macapuno Pie. In exchange for agreeing being my alalay for today," Sagot niya na ikinangisi naman ng lalaki.

NATAPOS na rin kami at kakauwi lang namin. Pagod na pagod na ako ngayong araw. Palagi kasi akong hinihila ni Keyser papasok sa kahit na anong magustuhan niyang shop. Pabagsak akong humiga sa malambot at malaki kong kama. Naisip ko sina Ate Loy. Kamusta na kaya ang mataba kong amo? Sila Ate Karol? Eh, yung mga kawatan kong mga alagad? Nagnanakaw pa kaya sila? Lalo na ngayong wala na ako sa Baranggay

Mabuti, Hindi Mapagsamantala At Magalang pa 101 Street. Sino ba kasing hinayupak ang nagpangalan sa lugar na 'yun? Hays. Makatulong na nga.

"Tsk. Papasok na nga pala ako bukas sa Cool University sabi ni Tatang. Ano naman kayang

mangyayari sa akin dun? Matulog ka nga lang, KaselPuro ka tanong, eh, wala namang sasagot

niyan. Ewan ko rin sa'yoselp,Bulong ko sa sarili hanggang sa unti-unti ng bumubuhay ang talukap ko. G'nyt, selp.

Related chapters

  • Kassel De Jesus   GULO #6

    ANIMKASSELPOV"Anglakipalatalagangeskwelahang'to!Grabe. Hindi man langkumalahatianglaking dati kongi-skul.Tapos, anggagarapa ng mgasasakyandoon saparadahanat ang mgaestudyantepa,

    Last Updated : 2021-08-12
  • Kassel De Jesus   GULO #7

    PITOKASSELPOV"W-WHAT?! No, of course not!"Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin."Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya."Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko."To be honest,Kass, o

    Last Updated : 2021-11-04
  • Kassel De Jesus   GULO #7

    PITO KASSELPOV "W-WHAT?! No, of course not!" Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin. "Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya. "Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko. "To be honest,Kass

    Last Updated : 2021-11-04
  • Kassel De Jesus   GULO #8

    WALO KASSELPOV "Oh, ayan na. Tapos na mahal na reyna. Ngayon, maaari na bang umalis ang hampaslupang ito?"Nakangiti pa rin na tanong ko sabay turo sa sarili. Nakita kong kinuyom niya ang dalawang kamay pero pinilit pa ring maging kalmado. Sumeryoso ang kaniyang tingin. Humakbang ito papalapit sa akin at lumapit sa aking tainga. "Bitch. I will let this one slide but the next time you will mess with me, get ready to face my wrath. Also, don't flirt withNieve, especially withZayinor else I will really drag you to hell. You understand now, missy?"Babala niya at ngumiti ng makahulugan bago mataray na

    Last Updated : 2021-11-04
  • Kassel De Jesus   GULO #9

    SIYAM KASSELPOV "Hey,Kass,"tawag sa'kin ni Laine kaya nilingon ko siya,"Pwede mo ba akong samahan sa Cafeteria? Promise, saglit lang tayo dun,"nakangusong pakiusap niya. "Ha? Baka biglang pumasok ang susunod na guro natin. Saka, malapit na rin naman ang lunch break, ah? Hintayin nalang natin, Laine." "Please, Kassel. Hindi rin naman tayo magtatagal, eh. I just wanna see my crush. They're having their break right now and kung hihintayin pa natin ang lunch,"umiling-iling pa siya,"Hindi ko na siya maabutan p

    Last Updated : 2021-11-04
  • Kassel De Jesus   GULO #10

    SAMPUKASSELPOV"Kassel De Jesus!"Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat.Nahihilo na ako.Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.Hinilot ko ang sentido bago nagtanong."Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?"Medyo inis na tanong ko."Kasi naman po, ano.ZayinCarson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon l

    Last Updated : 2021-11-04
  • Kassel De Jesus   GULO #11

    LABING-ISAKASSEL POVIsang maaliwalas at mapayapang araw ang nadadama ko ngayon..."Look who's here,"nakataas ang kilay niyang kaguguhit lang ata, na saad niya.Kung hindi ko lang nakasalubong babaeng ito.Hays."Hello din sa'yo,Cryielle,"walang ganang tugon ko at tumigil sa paglalakad. Tinaasan niya lalo ako ng kilay,kung pwede nga iyon,saka humalukipkip."I hope you remember what I told you,dear.Never try to mess with me,"&

    Last Updated : 2021-11-14
  • Kassel De Jesus   GULO #12

    LABING-DALAWAKASSELPOV"Laine,"tawag ko sa kaniya,"Pupuntaako sa Library ngayon, sasama ka ba?"Tanong ko.Nilingon niya ako at umiling."Pass na muna ako,Kass. I need to finish my report pa kasi. Minamadali na ako ni Miss Jae, eh,"aniya kaya ngumiti ako at tumango. Kumuha ako ng isang binder at ballpen sa bag saka nilisan na ang classroom. Patalon-talon akong naglakad sa hallway. Maganda kasi ang gising ko ngayon, kaya hindi ko na papansin ang weirdong mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko.Teka, ako yata yungwierdo.

    Last Updated : 2021-11-14

Latest chapter

  • Kassel De Jesus   GULO #18

    LABING-WALOKASSEL POVLunes. Panibagong araw at papalapit na ang kaarawan ni Tatang pero... wala pa rin akong naiisip na regalo.Sinabunutan ko ang sariling buhok.“Argh!”“Hey, stop it! What are you doing ba?”Isang kamay ang pumigil sa akin. Iniangat ko ang tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Laine. Ibinaba ko ang dalawang kamay na nakahawak sa buhok ko at saka bumuntonghininga."Kasi naman, eh! Ngayong Sabado na ang kaarawan ni Ta—este ni Don Salvador... tapos wala pa akong regalo. Hmph!"Ngumuso ako at humalukipkip. Tinawanan niya ako at kinurot ang dalawa kong pisngi. Aray ko! Sinamaan ko siya ng tingin habang hinimas-himas ang tiyak kong namumula kong pisngi."You're so cute. Anyways, why don't you give him what he likes? Do you know anything?"Aniya kaya napaisip ako.Kung ano

  • Kassel De Jesus   GULO #17

    LABING-PITO KASSELPOV Araw ng sabado. Isang linggo nalang bago ang birthday ni Tatang. Nakapag-usap na rin kami ni Mrs. Lestra, ang event organizer, tungkol sa mga mangyayari sa party. Natapos na ring ma-i-print ang invitation kaya ngayon... "Gosh! Bakit ba kayong lahat ang sumama? It's supposed to be me and Kassy-dear only, so why?!"Napuno na si Keyser at kinompronta na ang mga lalaki. Hindi ako magkandaugaga sa pagkontrol sa sitwasyon, lalo pa't pinagtitinginan na kami dito sa mall. Oo, nasa mall kami para bumili ng susuotin ko sa party. Si Keyser kasi ay nagpagawadawng damit isang sikatdawna designer sa ibang bansa. Grabe, iba talaga kapag mayaman.

  • Kassel De Jesus   GULO #16

    LABING-ANIMKASSELPOV"Bakit kaya angdamingtao ngayon dito?"Naibulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasambahay na panay ang paroo't parito. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa strap ng bag saka dumiretso sa opisina ni Tatang.Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko si Tatang kasama ang nakatayong si Kuya Karim at Alonzo, na may kasama pang isang babaeng pormal ang ayos. Pareho silang tatlong nakatingin sa akin."Ano... Excuse me po? Nakakaistorbo po ba ako? Babalik na lang po ako mamaya. Hehe,"nahihiyang ani ako at akmang lalabas ulit ng magsalit

  • Kassel De Jesus   GULO #15

    LABING-LIMAKASSEL POV"One Punch Man?!"Sa pagsigaw ko ay nahulog niya ang kaniyang hawak na cellphone kaya dali-dali ko itong sinalo. Hapo ko ang dibdib dahil sa nerbyos.Jusko, mukhang mamahalin pa naman ang cellphone na'to."What the fuck are you doing here?!"Sigaw niya at dahil nakayuko ako at sobrang lapit ng tainga ko sa kaniya ay parang biglang lumindol ang kaibuturan ng tainga ko. Agad kong tinakpan ang tainga at bahagyang lumayo sa kaniya."Sheesh! Ang ingay mo! Pwede bang wag kang sumigaw?"Inis na sabi ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.A

  • Kassel De Jesus   GULO #14

    LABING-APATKASSEL POVIsang araw na naman ang lumipas...Ibinaba ko ang hawak na libro at muling tinignan ang taong kaharap."Bakit ka nga ulit nandito, Mr. Fajardo?"Ngumiti ito sabay baba rin sa librong binabasa."For the fifth time, Ms. De Jesus, I was assigned by Mrs. Treja to be your partner in this activity."Pinaningkitan ko siya ng mata."Ang ibig mo sigurong sabihin ay nagkusa kang maging kapareha ko. Na sa kamalas-malasan pa ay hindi tinutulan ni Mrs. Treja. Tch."At pasimpleng umismid. Bahagya siyang natawa. Hindi ko nalang siya pinansin at muling nagbasa. Ngunit kahit na anon

  • Kassel De Jesus   GULO #13

    LABING-TATLOKASSEL POV"Bueno, shall we start the meeting then?"Tumikhim si Mrs. Patrimonio nang sabihin iyon ni Tatang. Umayos ito ng upo at nag-seryoso.Lumingon siya sa banda nina Cryielle."Mrs. Zaldarriaga is not here yet, Don Salvador. Maghintay mu—""No, Ma'am. My mother can't come. Nandito naman sina Tita Judy as my guardian. We can proceed na po,"sabat ni Cryielle at seryosong tumingin kay Mrs. Patrimonio. Tumango ang huli."Okay,"tumikhim siya ulit,"Pinatawag ko kayong lahat para pag-usapan a

  • Kassel De Jesus   GULO #12

    LABING-DALAWAKASSELPOV"Laine,"tawag ko sa kaniya,"Pupuntaako sa Library ngayon, sasama ka ba?"Tanong ko.Nilingon niya ako at umiling."Pass na muna ako,Kass. I need to finish my report pa kasi. Minamadali na ako ni Miss Jae, eh,"aniya kaya ngumiti ako at tumango. Kumuha ako ng isang binder at ballpen sa bag saka nilisan na ang classroom. Patalon-talon akong naglakad sa hallway. Maganda kasi ang gising ko ngayon, kaya hindi ko na papansin ang weirdong mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko.Teka, ako yata yungwierdo.

  • Kassel De Jesus   GULO #11

    LABING-ISAKASSEL POVIsang maaliwalas at mapayapang araw ang nadadama ko ngayon..."Look who's here,"nakataas ang kilay niyang kaguguhit lang ata, na saad niya.Kung hindi ko lang nakasalubong babaeng ito.Hays."Hello din sa'yo,Cryielle,"walang ganang tugon ko at tumigil sa paglalakad. Tinaasan niya lalo ako ng kilay,kung pwede nga iyon,saka humalukipkip."I hope you remember what I told you,dear.Never try to mess with me,"&

  • Kassel De Jesus   GULO #10

    SAMPUKASSELPOV"Kassel De Jesus!"Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat.Nahihilo na ako.Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.Hinilot ko ang sentido bago nagtanong."Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?"Medyo inis na tanong ko."Kasi naman po, ano.ZayinCarson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon l

DMCA.com Protection Status