TATLO
Kassel POV
"Miss Kassel, nandito na po tayo."
Isang boses at maraming katok ang nagpagising sa akin. Napahikab ako at nag-inat. Takte, napahaba pa ang tulog ko.
"Miss Kassel."
Napatingin ako sa pinto ng limosen at nakita ang isa sa mga nagsundo sa akin ay kumakatok. Nagmadali naman akong lumabas at nahihiyang ngumiti sa kanila.
"Nandito na po tayo. Welcome.... sa Casa Salvador," nakangiting ani nito kaya inilibot ko ang paningin at napanganga sa nakita.
Dapak!
Mansyon ba ito o kaharian?! Ba't ang laki? Napatingin ako sa gate at nakita na ngayo'y kasintaas na ng hintuturo ko ito. Ang lawak pa ng paligid! May estatwa pa sa gitna na naglalabas ng tubig. Ano ngang tawag d'on? Ah, pawnteyn. Sa magkabilang gilid naman ay maraming nakahilerang mga iba't-iba klase ng bulaklak. May rose pa! Bumalik ang tingin ko sa bahay... uh, mansyon pala. O, palasyo? Ay, ewan!
"Ang ganda," manghang sabi ko. Iginiya ako nila kuyang nakaitim, papasok. Bumukas naman ang isang malaking pinto na para bang higante ang nakatira dito. Sinalubong kami ng mga nakayukong mga kasambahay na nakahilera sa magkabilang gilid. Omaygas! Parang ang peymus-peymus
ko na."Ah... eh... hello po sa inyong lahat. Hehehe," bati ko sa kanila pero wala man lang sumagot. Nagkibit-balikat nalang ako at mas lalong namangha sa nakita. Ang daming mga pinting. May malaking shandelir
din at iba't-iba pang mga muwebles at dekorasyon. Kaso... kaso ang tahimik. Parang walang katao-katao. Ang lungkot ng paligid. Binulungan ko si kuyang nakaitim na nasa kaliwa ko."Kuya, ganito po ba dito palagi? Walang kaingay-ingay?"
Tumango siya. "Oo. Wala naman kasing kasama ang Don dito maliban sa mga kasambahay at mga guards," sagot nito. Naalala ko tuloy yung dalawang beses kong pagtanggi kay Tatang. Nakokonsensya ako. Isang malakas na buntong-hininga ang inilabas ko hanggang sa napatigil kami sa isang kulay itim na pintuan. Kumatok si Kuyang nakaitim sa kanan ko at bumukas naman ang pinto. Bumungad sa akin ang isang malaking shandelir
sa bandang gitna sa itaas. May mga libro rin sa paligid. Nasa unahan naman ay may mahabang lamesa na may mga gamit. May maliit rin na parang ilaw na nakatutok sa lamesa. Lumusot ang paningin ko sa upuang nakatalikod. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid.Malaki nga, wala namang ka buhay-buhay.
"Sir, nandito na po siya," ani ni kuyang nasa kanan ko. Unti-unting umikot ang nakatalikod na upuan paharap sa amin. Hindi na ako nagulat pa nang makita kung sino ang nakaupo dito. Biglang yumuko ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko. Eh? Yuyuko rin ba ako? Wag na nga lang.
"Hija! Mabuti naman at sumama ka!" masayang sabi ng matanda. Tipid na ngumiti lang ako.
"Kilala mo na ba itong mga lalaking nagsundo
sa'yo?" tanong nya sabay turo sa dalawang lalaki kaya umiling ako."He," turo sa kanan ko, "—is Karim. 4-year older than you. While him," turo naman sa kaliwa ko, "—is Alonzo. Karim's younger brother. 2-year younger than you. They are just some of my butlers-in-training. Their family served mine for the last 60 years. Ang iba ay makikilala mo rin if... if and only if, papayag ka na," sabi niya na may malaking ngiti. Ngumuso ako. Palihim kong tinignan ang dalawang butlers kuno. Si Karim pala yung lalaking lumuhod sa karinderya. Nahiya tuloy ako.
"You two can leave now," biglang sabi ni Tatang na sinunod naman nung dalawang lalaki. Nagpaalam ako sa kanila at nagpasalamat. Itinuro ni Tatang ang upuan sa harapan n'ya kaya dumiretso ako doon at umupo.
"So hija, ngayong nakita mo na ang bahay ko, anong masasabi mo?" panimula n'ya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Ang tahimik po. Walang kabuhay-buhay. Oo, maganda nga at malaki, kaso ang lungkot. Katulad nitong kwartong 'to," at nilibot ang tingin, "malaki, maganda pero kitang-kita kung anong klaseng buhay ang meron sa mga tao dito—gloomy, stiff and unlively," seryoso kong saad. Seryoso ang ekspresyon ni Tatang nang biglang itong humalakhak na ikinataas ng kilay ko.
"Baliw na ang matandang 'to. Wala ng pag-asa, Kassel,"
bulong ko sa sarili."That's why I like you, Kassel. You are so straightforward and honest!" natutuwang sabi ng matanda. Agad kong tinakpan ang aking sarili gamit ang mga braso.
"Tatang, wag po! Masyado na kayong matanda. Pedopayl po 'yan," nagmamakaawang sabi ko na ikinataka naman niya. Kinuha n'ya ang kanyang tungkod at mahinang hinampas sa aking braso.
"Diyos ko, hija! Ano ba yang pinagsasasabi mo? Ang ibig kong sabihin sa 'like' ay gusto kita bilang apo ko," aniya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Anyways, gaya nga ng sinabi ko, dahil sa ugaling meron ka, alam kong kaya mong pasayahin ang buong bahay. Siyempre, pati na rin ang mga tao dito. And to be honest, ikaw lang ang nakapagsabi ng tatlong salitang 'yon sa akin ng harap-harapan. It hurts, yes but it's the truth. Simula kasi nung nawala ang anak ko ay nawalan na ako ng rason para maging masaya. My wife died long time ago then my daughter runaway because I did'nt accepted that she's going to marry a low class man." pinawi nya ang luhang kumawala sa kanyang mata. May rason naman pala kaya ganito kalungkot ang lugar tapos, pinagdiinan ko pa talaga kanina. Itong bibig ko rin kasi eh, walang preno.
"Sorry po, Tatang," nagsisising sabi ko at yumuko. Natawa naman siya.
"Ayos lang naman, hija. Ang galing mo ngang mag-english eh. Tapos nung nakaraan, mali-mali. Hindi ko alam kung sinadya mo ba 'yun o hindi, " puri nya na para namang hindi. Nilalait 'ata ako ng matandang 'to eh.
"Tsamba lang naman yun, Tatang. Nabasa ko lang," naka-irap na sabi ko.
"Ah, nga pala. Are you gonna accept my offer? If you're worrying about your family there, you can visit them anytime. I won't stop you, hija. But, once you accept my offer, you will transfer to Coll University," aniya na ikinanganga ko. Dahek? Cool University? Saan ba yun?
Napakamot ako sa ulo. "Eh, Tatang, saan ba yang Cool University at gusto mo akong diyan lumipat? Ayos naman do'n sa eskwelahan ko, ah,"
angal ko."Coll University, ija. I am one of the stockholders there. Kaya kitang ipasok doon kahit kalahati na ng taon. They offer all course and they have complete equipments and rooms. Kompleto rin sila sa mga sports. They have higher education there than in the public school that you currently attended, no offense meant, hija. Ano nga palang course mo?"
"STEM po. Sa college naman ay hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa ang Criminology. Dating pulis kasi ang tatay ko," sagot ko sa tanong niya. Sumandal siya sa kanyang upuan at tumango-tango.
"Nice choice. Pero mas maganda kung Business AD ang kukunin mo. Pwede kitang ipasok sa kumpanya ko after you will graduated," suhestiyon ni Tatang. Sumandal rin ako sa upuan at humalukipkip.
"Sabi ko nga po, pinag-iisipan ko pa. Pero sinasabi ko sa'yo, Tatang, ayokong kinokontrol ako sa mga bagay na napagdesisyunan ko na. Tinuruan ako ng magulang ko na panindigan ang mga desisyong gagawin ko," ani ko at halatang nagulat naman ang matanda sa sinabi ko.
"Oh. Okay. Wala naman kaso 'yon sa'kin. So, payag ka na ba, hija? Payag ka na bang ampunin kita?" alok niyang muli. Pero sa totoo lang, nagdadalawang-isip pa rin ako. Ayos naman kung papayag ako.
Adbanteyds:
1. Makakapag-aral ako sa isang private school.
—pero ayos lang naman din sa dati kong eskwelahan. Marami na akong kakilala doon.2. Hindi na ako mamomroblema pa sa gastusin sa kolehiyo.—Oo nga kaso pwede naman akong magtrabaho at marami na rin akong ipon. May pera din naman ako sa bangko na iniwan nila mama.3. May maayos na akong matitirhan.—Maayos naman ang pagtira ko sa abandonadong bahay. Dating bahay rin naman namin 'yon."Kassel?"
4. May makakasama na rin si Tatang dito. Sisigla na ulit ang bahay niya.
— Kaso, mami-miss ko ang mga tao sa baranggay namin. Lalo na ang amo kong tabachoy. S'ya pa naman ang nag-alaga sa akin sa loob ng tatlong taon.ARRRRGH! ANG HIRAP MAMILI!
"Kassel, hija?"
NAY, TAY, TULONG NAMAN OH. ANONG PIPILIIN KO? PAKIRAMDAM KO KASI, HINDI KO DAPAT IWAN NALANG SI TATANG. EWAN KO BA. SIGNS NAMAN D'YAN OH. KAPAG BIGLANG KUMIDLAT, IBIG SABIHIN, OO. KAPAG WALA, EDI HINDI. NAY, TAY.
Isang tulak sa noo ang nagpabalik sa diwa ko.
"Aray, naman. Makatulak ka naman, Tatang. Bakit ba?" naiinis na wika ko.
"Kanina pa kita tinatawag, bata ka. Ano bang nangyari sa'yo at tulala ka? Kailangan pa kitang sundutin nitong tungkod ko," nagtatakang ani niya.
Napakamot ako sa ulo. "Eh, ano po kasi.... nag-iisip ako kung ano bang de— Anakngpitongpu'tpitongputingtupa!"
Bigla akong napasigaw nang biglang kumulog ng napakalakas. Tengene. Wala namang binalita na uulan ah. Napatalon ako ng bahagya sa inuupan nang kumulog ulit. Naalala ko tuloy yung hiniling ko kanina.Ipinagdikit ko ang dalawang palad at pumikit. "Nay, Tay, gets ko na po. Okay na po," kinakabahang sabi.
"Hija? Anong pinagsasasabi mo riyan?" Aniya ni Tatang kaya hilaw na ngumiti nalang ako sa kanya.
"Ah... about po sa offer n'yo, tinatanggap ko na po. Basta po, malaya pa rin akong gawin ang kahit na anong gusto ko at wag nyo po akong pipilitin sa bagay na ayaw ko. Kung ayos lang sa inyo ang kondisyon ko edi magkakasundo po tayo, Tatang." paliwanag ko at ngumiti. Ngumiti naman ang matanda at pumalakpak.
"Mabuti naman! Salamat, hija. Gutom ka na ba? Malapit na ring mag-alas siete. Ipapahanda ko na rin ang magiging kwarto mo. Bukas na bukas rin ay bibili tayo ng mga gamit o kahit na anong gusto mo. Mga damit, sapatos, bags, accesories, and etc. Kahit na a—"
Pinutol ko ang sinasabi ni Tatang. Napatayo pa siya. "Ah, Tatang. Uuwi po muna sana ako. Kukunin ko pa yung mga gamit ko doon at magpapaalam na rin. Kung pwede? Babalik naman po ako bukas. Sinabi ko po kasing uuwi ako ngayon," nahihiyang pakiusap ko. Ang saya-saya niya kasi pagkatapos kong sabihin na payag na ako. Nakakakonsenya tuloy nang bigla siyang tumahimik at tumikhim.
"Oh. A-ah, ayos lang naman. Naiintindihan ko. Siyempre, pamilya mo pa rin sila. Pero pwede bang dito ka kumain? Para naman ay makasalo ko ang aking apo. Kung ayos lang naman sa iyo, hija," malumanay na sabi niya at ramdam na ramdam ko ang tinatago niyang lungkot kaya naman tumango ako.
"Oo naman po. Papalampasin ko ba naman ang makasalo ang nag-iisang Tatang ko? Siyempre naman, pwedeng-pwede. Pero, okay lang po ba kung magdala ako ng pagkain para sa baranggay? Tanda lang ng pamamaalam ko," nakangiting ani ko at tumango naman siya. Bumalik muli ang kanyang dating sigla. Sabay na kaming pumanhik sa dining table kuno daw. Sosyal talaga dito. Feel ko ang rits-rits ko na.
APATKASSEL POV"Kasel,tumulong-tulongka doon. Wag kangmagpaka-senyorita.Tumulongka sa mgagawaing-bahay at wagmagingmadumi. Wagburarasa mgagamitatsumunodka sa mgaiuutosdoon. Wag kangtamad,Kasel.&n
LIMAKASSELPOV"Kassel, apo,"rinigkongtawagsa akin niTatang. Yan!Yaaan!Baaaam!Nakng,nakatakas!Shemaaay! Wag kangtumakas, zombie.Papatayinpa kita!Grrrr."Haynaku,"Hulika! Oh, yeah!"
ANIMKASSELPOV"Anglakipalatalagangeskwelahang'to!Grabe. Hindi man langkumalahatianglaking dati kongi-skul.Tapos, anggagarapa ng mgasasakyandoon saparadahanat ang mgaestudyantepa,
PITOKASSELPOV"W-WHAT?! No, of course not!"Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin."Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya."Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko."To be honest,Kass, o
PITO KASSELPOV "W-WHAT?! No, of course not!" Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin. "Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah,"maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya. "Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?"Bulong ko. "To be honest,Kass
WALO KASSELPOV "Oh, ayan na. Tapos na mahal na reyna. Ngayon, maaari na bang umalis ang hampaslupang ito?"Nakangiti pa rin na tanong ko sabay turo sa sarili. Nakita kong kinuyom niya ang dalawang kamay pero pinilit pa ring maging kalmado. Sumeryoso ang kaniyang tingin. Humakbang ito papalapit sa akin at lumapit sa aking tainga. "Bitch. I will let this one slide but the next time you will mess with me, get ready to face my wrath. Also, don't flirt withNieve, especially withZayinor else I will really drag you to hell. You understand now, missy?"Babala niya at ngumiti ng makahulugan bago mataray na
SIYAM KASSELPOV "Hey,Kass,"tawag sa'kin ni Laine kaya nilingon ko siya,"Pwede mo ba akong samahan sa Cafeteria? Promise, saglit lang tayo dun,"nakangusong pakiusap niya. "Ha? Baka biglang pumasok ang susunod na guro natin. Saka, malapit na rin naman ang lunch break, ah? Hintayin nalang natin, Laine." "Please, Kassel. Hindi rin naman tayo magtatagal, eh. I just wanna see my crush. They're having their break right now and kung hihintayin pa natin ang lunch,"umiling-iling pa siya,"Hindi ko na siya maabutan p
SAMPUKASSELPOV"Kassel De Jesus!"Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat.Nahihilo na ako.Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.Hinilot ko ang sentido bago nagtanong."Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?"Medyo inis na tanong ko."Kasi naman po, ano.ZayinCarson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon l
LABING-WALOKASSEL POVLunes. Panibagong araw at papalapit na ang kaarawan ni Tatang pero... wala pa rin akong naiisip na regalo.Sinabunutan ko ang sariling buhok.“Argh!”“Hey, stop it! What are you doing ba?”Isang kamay ang pumigil sa akin. Iniangat ko ang tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Laine. Ibinaba ko ang dalawang kamay na nakahawak sa buhok ko at saka bumuntonghininga."Kasi naman, eh! Ngayong Sabado na ang kaarawan ni Ta—este ni Don Salvador... tapos wala pa akong regalo. Hmph!"Ngumuso ako at humalukipkip. Tinawanan niya ako at kinurot ang dalawa kong pisngi. Aray ko! Sinamaan ko siya ng tingin habang hinimas-himas ang tiyak kong namumula kong pisngi."You're so cute. Anyways, why don't you give him what he likes? Do you know anything?"Aniya kaya napaisip ako.Kung ano
LABING-PITO KASSELPOV Araw ng sabado. Isang linggo nalang bago ang birthday ni Tatang. Nakapag-usap na rin kami ni Mrs. Lestra, ang event organizer, tungkol sa mga mangyayari sa party. Natapos na ring ma-i-print ang invitation kaya ngayon... "Gosh! Bakit ba kayong lahat ang sumama? It's supposed to be me and Kassy-dear only, so why?!"Napuno na si Keyser at kinompronta na ang mga lalaki. Hindi ako magkandaugaga sa pagkontrol sa sitwasyon, lalo pa't pinagtitinginan na kami dito sa mall. Oo, nasa mall kami para bumili ng susuotin ko sa party. Si Keyser kasi ay nagpagawadawng damit isang sikatdawna designer sa ibang bansa. Grabe, iba talaga kapag mayaman.
LABING-ANIMKASSELPOV"Bakit kaya angdamingtao ngayon dito?"Naibulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasambahay na panay ang paroo't parito. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa strap ng bag saka dumiretso sa opisina ni Tatang.Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko si Tatang kasama ang nakatayong si Kuya Karim at Alonzo, na may kasama pang isang babaeng pormal ang ayos. Pareho silang tatlong nakatingin sa akin."Ano... Excuse me po? Nakakaistorbo po ba ako? Babalik na lang po ako mamaya. Hehe,"nahihiyang ani ako at akmang lalabas ulit ng magsalit
LABING-LIMAKASSEL POV"One Punch Man?!"Sa pagsigaw ko ay nahulog niya ang kaniyang hawak na cellphone kaya dali-dali ko itong sinalo. Hapo ko ang dibdib dahil sa nerbyos.Jusko, mukhang mamahalin pa naman ang cellphone na'to."What the fuck are you doing here?!"Sigaw niya at dahil nakayuko ako at sobrang lapit ng tainga ko sa kaniya ay parang biglang lumindol ang kaibuturan ng tainga ko. Agad kong tinakpan ang tainga at bahagyang lumayo sa kaniya."Sheesh! Ang ingay mo! Pwede bang wag kang sumigaw?"Inis na sabi ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.A
LABING-APATKASSEL POVIsang araw na naman ang lumipas...Ibinaba ko ang hawak na libro at muling tinignan ang taong kaharap."Bakit ka nga ulit nandito, Mr. Fajardo?"Ngumiti ito sabay baba rin sa librong binabasa."For the fifth time, Ms. De Jesus, I was assigned by Mrs. Treja to be your partner in this activity."Pinaningkitan ko siya ng mata."Ang ibig mo sigurong sabihin ay nagkusa kang maging kapareha ko. Na sa kamalas-malasan pa ay hindi tinutulan ni Mrs. Treja. Tch."At pasimpleng umismid. Bahagya siyang natawa. Hindi ko nalang siya pinansin at muling nagbasa. Ngunit kahit na anon
LABING-TATLOKASSEL POV"Bueno, shall we start the meeting then?"Tumikhim si Mrs. Patrimonio nang sabihin iyon ni Tatang. Umayos ito ng upo at nag-seryoso.Lumingon siya sa banda nina Cryielle."Mrs. Zaldarriaga is not here yet, Don Salvador. Maghintay mu—""No, Ma'am. My mother can't come. Nandito naman sina Tita Judy as my guardian. We can proceed na po,"sabat ni Cryielle at seryosong tumingin kay Mrs. Patrimonio. Tumango ang huli."Okay,"tumikhim siya ulit,"Pinatawag ko kayong lahat para pag-usapan a
LABING-DALAWAKASSELPOV"Laine,"tawag ko sa kaniya,"Pupuntaako sa Library ngayon, sasama ka ba?"Tanong ko.Nilingon niya ako at umiling."Pass na muna ako,Kass. I need to finish my report pa kasi. Minamadali na ako ni Miss Jae, eh,"aniya kaya ngumiti ako at tumango. Kumuha ako ng isang binder at ballpen sa bag saka nilisan na ang classroom. Patalon-talon akong naglakad sa hallway. Maganda kasi ang gising ko ngayon, kaya hindi ko na papansin ang weirdong mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko.Teka, ako yata yungwierdo.
LABING-ISAKASSEL POVIsang maaliwalas at mapayapang araw ang nadadama ko ngayon..."Look who's here,"nakataas ang kilay niyang kaguguhit lang ata, na saad niya.Kung hindi ko lang nakasalubong babaeng ito.Hays."Hello din sa'yo,Cryielle,"walang ganang tugon ko at tumigil sa paglalakad. Tinaasan niya lalo ako ng kilay,kung pwede nga iyon,saka humalukipkip."I hope you remember what I told you,dear.Never try to mess with me,"&
SAMPUKASSELPOV"Kassel De Jesus!"Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat.Nahihilo na ako.Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.Hinilot ko ang sentido bago nagtanong."Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?"Medyo inis na tanong ko."Kasi naman po, ano.ZayinCarson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon l