Ala-sais na ng gabi. Handa na ang kanilang hapunan. Naka set na ang mga plato at kubyertos sa lamesa. Pinagmasdan muna ni Albert kung ang pa ang kulang. Minsan lang niya ito magawa kapag wala doon ang ina sa bahay. Isa pa exercise niya na din iyon. Matagal tagal na din kasing hindi siya nakapagluto dahil sa sunod-sunod ang kaniyang project. At nag kataon lang na huling gabi nalang na pananatili iyon ni Devina sa kanilang bahay. Salamat at mapapanatag na ang diwa niya bago dumating ang kanyang mahal na kaibigan. Kumuha ito ng mga sari-saring prutas upang gawing shake. Then nilagyan niya ang bawat baso.Lumabas muna ng bahay si Albert upang hintayin ang ina nito.Mistulang parang walang naririnig si Dona sa mga pinagsasabi ni Devina. Kung anu-ano na kasi ang mga lumalabas sa bibig nito. Kaya nag focus nalang siya sa panunuod sa cellphone.Ngunit bigla it
Ngunit ramdam niya ang dahan-dahang pagyakap sa kanyang dibdib. "Devina?" Sambit niya."I love you Albert. Isang halik ang ginawad nito sa mga labi ni Albert. Samantalang malaya ang kamay niyang hinahaplos ang mga bisig nito. "Let's do it." Pabulong pa niyang sabi.Nagpumiglas agad si Albert sa ginawa nito. Ngunit dahan-dahan niyang inilayo ang kanyang mga labi nito sa kanya. "Devina, you know naman hindi ba? Buntis ka ohh." Madahan niyang sabi.Ngunit parang wala itong narinig. Pilit pa rin niyang inaabot ang labi ng binata. Mailalarawan itong parang lagok na lagok sa alak. Mabilis pa niyang tinanggal sa pagkakatali ang suot nitong robe. Kaya bumungad sa kanya ang hubad na katawan ni Devina. Hindi pa naman din gaanong kalakihan ang kanyang tiyan kaya parang hindi ito halatang nagdadalang tao.
Agad napatigil sa paglalakad si Melisa nang marinig ang familiar na boses na iyon. Ayaw niyang maniwala sa narinig, ngunit himala namang hindi 'yun totoo."Ako na ang magdadala nito." Sabay bitbit sa maleta ni Melisa."Anthony?!" Hindi niya maintindihan kung imahinasyon niya lang iyon o talagang katotohanan nga. Nilapitan pa niya ng bahagya ang binata upang titigan ng mabuti."Sige lapit pa hahalikan na talaga kita." Pambibiro pa ni Anthony sa dalaga.Napa artas nalang tuloy si Melisa ng sabihin iyon ni Anthony. Kaya doon niya napagtanto na hindi iyon panaginip. "Anthony naman eh. Ang pangit mo kausap." Patampo pa ni Melisa dito.Ngumiti nalang din si Anthony dahil naramdaman n
"No please. Just tell Devina na pupuntahan ko siya. And paki sabi na din sa Doctor na gawin nila ang lahat ma-save lang ang bata. I will pay it." Ani ni Albert. Sabay nag paalam na kay Dona.Agad namang tinawag ni Albert ang kaniyang ina upang sabihin ang kalagayan ngayon ni Devina at bata. Kaya hindi din naiwasan ni aling Belen ang mapaluha. Agad naman niyang niligpit ang ibang gamit at damit ng anak sa isang maleta.Wala pang kalahating oras ay nag paalam na si Albert sa ina. "Please pray for my baby ma." Halata sa mata nito ang labis-labis na kaba."Sige anak. Basta balitaan mo ako huh." Sabay yakap sa anak.Tumango na lamang si Albert saka agad na ding nag paalam.Hindi na niya dinala ang kanyang sasakyan d
"Hindi mo na mahal si Melisa dahil may magkakapamilya na tayo hindi ba. At tayo na ang titira sa Dream House na ibinigay mo sa kanya. Para naman mas matutuwa ang mga anak natin." Maarting sabi niya sa binata.Biglang sumalubong ang dalawang kilay ni Albert sa narinig mula kay Devina. "Labas na muna dito sa problema natin si Melisa. Ang importante magkasama tayong apat." Mahinahong sagot ni Albert. Sinabayan ng ngiti upang hindi magduda si Devina dito."Basta pag magkikita na kayo nu'n. Aatakihin ko siya kapag lapitan ka niya." Sabay taas ng isang kilay niya.Pinipigilan nalang ni Albert ang kanyang inis kay Devina. Ako ang makakalaban mo Devina kapag saktan mo si Melisa. Sa ngayon hahayaan muna kitang magsalita tungkol sa kanya hanggat hindi kapa nanganganak. Sagot na lamang ng isip niya.
HINDI inaasahan ni Melisa ang naging balita sa kanya ng kanyang pinsan na si Roxan. Nasa ICU sila noong isang linggo pa. Dahil nagkaroon ng komplikasyon sa puso ang kanyang ina. Na kapatid ng nanay ni Melisa. Nasa Saint Gabriel Hospital sa Quezon City sila naka confined pero ire-reffer sila sa isang surgeon doon sa Saint Luke upang maagapan agad. Mamayang gabi pa daw sila pwedeng lumipat dahil hindi agad-agad madali ang pag process ng kanilang record sa pag transfer sa kabilang Hospital."Sige, hintayin mo ako diyan ate. Magkikita din sana kami ngayon ni Albert. Pwede akong magpasama sa kanya. Basta i-text mo lang ang room number niyo." Agad niyang tugon.Masaya namang nagpaalam si Roxan kay Melisa. Kahit papaano ay may dadamay sa kanya lalo na't si Melisa iyon.Dumako muna siya sa isang nurse station upang kumuha ulit
Hindi malaman ni Albert kung namamalikmata lang ito dahil sa pagod at puyat niya o sadyang si Melisa nga talaga. Kinurap pa niya ng ilang beses ang kanyang mga mata ngunit mukha pa din ni Melisa ang nakikita niya. Mukha na may umaagos na mga luha. Nanlamig ang kanyang buong leeg kung bakit nakapunta dito si Melisa. Si Paulo agad ang kanyang nahinalaan kung bakit alam ng dalaga kung saan siya naroroon."Melisa." Mahina niyang tawag.Sa mga oras na 'yun parang gustong mapasigaw si Melisa sa kanyang nakita. Lalo na't nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na mukha ni Devina. Saglit pa niyang tiningnan ang umbok ng tiyan nito kaya mas lalo siyan
HAPON na ngunit wala pa ring balak bumangon si Melisa sa pagkakahiga sa kama. Nalipasan na siya ng gutom mula almusal hanggang tanghalian. Kaya ganu'n nalang ang pag-aalala ni Roxan para sa kanyang pinsan. Kahit tanungin niya'y hindi din ito sumasagot. "Hindi kita pwedeng iwanan ng ganyan Melisa. babalik na ako maya-maya doon kila mama. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ka pa nakakain diyan. Sige na kahit ilang subo lang." Naka ilang ulit na niya itong yayain ngunit nanatili pa din siyang walang kibo. Wala siyang sinisi sa nangyari maliban kay Albert. Mahirap kasi talaga ang subrang bait kaya na-aabuso din."Ate." Tawag ni Melisa kay Roxan.Agad tumindig siya upang lapitan ang dalaga. "Ano 'yun Melisa?" Tanong na nito."Uuwi po ako mamaya sa San Diego. Doon muna ako kila inay." Mahinang tugon ni Melisa."Eh paano 'yan wala kang makakasama sa iyong pag byahe. Baka kasi maisipan mong tumalon sa eroplano." Sagot ni Roxan na may halong kaba para sa pinsan.Umiling ng ilang ulit si Melisa
Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi
Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n
Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando
NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si
Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang
"So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera
MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi
At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang
Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w