"No please. Just tell Devina na pupuntahan ko siya. And paki sabi na din sa Doctor na gawin nila ang lahat ma-save lang ang bata. I will pay it." Ani ni Albert. Sabay nag paalam na kay Dona.Agad namang tinawag ni Albert ang kaniyang ina upang sabihin ang kalagayan ngayon ni Devina at bata. Kaya hindi din naiwasan ni aling Belen ang mapaluha. Agad naman niyang niligpit ang ibang gamit at damit ng anak sa isang maleta.Wala pang kalahating oras ay nag paalam na si Albert sa ina. "Please pray for my baby ma." Halata sa mata nito ang labis-labis na kaba."Sige anak. Basta balitaan mo ako huh." Sabay yakap sa anak.Tumango na lamang si Albert saka agad na ding nag paalam.Hindi na niya dinala ang kanyang sasakyan d
"Hindi mo na mahal si Melisa dahil may magkakapamilya na tayo hindi ba. At tayo na ang titira sa Dream House na ibinigay mo sa kanya. Para naman mas matutuwa ang mga anak natin." Maarting sabi niya sa binata.Biglang sumalubong ang dalawang kilay ni Albert sa narinig mula kay Devina. "Labas na muna dito sa problema natin si Melisa. Ang importante magkasama tayong apat." Mahinahong sagot ni Albert. Sinabayan ng ngiti upang hindi magduda si Devina dito."Basta pag magkikita na kayo nu'n. Aatakihin ko siya kapag lapitan ka niya." Sabay taas ng isang kilay niya.Pinipigilan nalang ni Albert ang kanyang inis kay Devina. Ako ang makakalaban mo Devina kapag saktan mo si Melisa. Sa ngayon hahayaan muna kitang magsalita tungkol sa kanya hanggat hindi kapa nanganganak. Sagot na lamang ng isip niya.
HINDI inaasahan ni Melisa ang naging balita sa kanya ng kanyang pinsan na si Roxan. Nasa ICU sila noong isang linggo pa. Dahil nagkaroon ng komplikasyon sa puso ang kanyang ina. Na kapatid ng nanay ni Melisa. Nasa Saint Gabriel Hospital sa Quezon City sila naka confined pero ire-reffer sila sa isang surgeon doon sa Saint Luke upang maagapan agad. Mamayang gabi pa daw sila pwedeng lumipat dahil hindi agad-agad madali ang pag process ng kanilang record sa pag transfer sa kabilang Hospital."Sige, hintayin mo ako diyan ate. Magkikita din sana kami ngayon ni Albert. Pwede akong magpasama sa kanya. Basta i-text mo lang ang room number niyo." Agad niyang tugon.Masaya namang nagpaalam si Roxan kay Melisa. Kahit papaano ay may dadamay sa kanya lalo na't si Melisa iyon.Dumako muna siya sa isang nurse station upang kumuha ulit
Hindi malaman ni Albert kung namamalikmata lang ito dahil sa pagod at puyat niya o sadyang si Melisa nga talaga. Kinurap pa niya ng ilang beses ang kanyang mga mata ngunit mukha pa din ni Melisa ang nakikita niya. Mukha na may umaagos na mga luha. Nanlamig ang kanyang buong leeg kung bakit nakapunta dito si Melisa. Si Paulo agad ang kanyang nahinalaan kung bakit alam ng dalaga kung saan siya naroroon."Melisa." Mahina niyang tawag.Sa mga oras na 'yun parang gustong mapasigaw si Melisa sa kanyang nakita. Lalo na't nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na mukha ni Devina. Saglit pa niyang tiningnan ang umbok ng tiyan nito kaya mas lalo siyan
HAPON na ngunit wala pa ring balak bumangon si Melisa sa pagkakahiga sa kama. Nalipasan na siya ng gutom mula almusal hanggang tanghalian. Kaya ganu'n nalang ang pag-aalala ni Roxan para sa kanyang pinsan. Kahit tanungin niya'y hindi din ito sumasagot. "Hindi kita pwedeng iwanan ng ganyan Melisa. babalik na ako maya-maya doon kila mama. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ka pa nakakain diyan. Sige na kahit ilang subo lang." Naka ilang ulit na niya itong yayain ngunit nanatili pa din siyang walang kibo. Wala siyang sinisi sa nangyari maliban kay Albert. Mahirap kasi talaga ang subrang bait kaya na-aabuso din."Ate." Tawag ni Melisa kay Roxan.Agad tumindig siya upang lapitan ang dalaga. "Ano 'yun Melisa?" Tanong na nito."Uuwi po ako mamaya sa San Diego. Doon muna ako kila inay." Mahinang tugon ni Melisa."Eh paano 'yan wala kang makakasama sa iyong pag byahe. Baka kasi maisipan mong tumalon sa eroplano." Sagot ni Roxan na may halong kaba para sa pinsan.Umiling ng ilang ulit si Melisa
Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w
At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang
MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi