Share

Ika tatlumpu’t pitong kabanata

Ang lahat ay natamik at halos iisang tao na nagyuko ng kani-kanilang mga ulo ng marinig nila ang taguktok ng isang tungkod mula sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Mula sa salas ay tahimik na nakatayo si Elsa sa tabi ng kanyang asawa na si Aiguo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon dahil ito ang unang pagkakataon na makikilala niya ang magulang ng kanyang asawa.

Napuntan ang lahat ng atensyon sa punong hagdan ng lumitaw ang isang kagalang-galang na matandang lalaki na nasa edad sitenta'y singko. Hawak sa kanang kamay nito ang isang mamahaling tungkod na may nakaukit na isang gintong dragon. Kapansin-pansin mula sa kanyang kaliwang kamay ang isang malaking bato ng emerald na nakasuot sa palasingsingan nito, halatang hindi biro ang halaga ng isang ‘yun. Madaling malalaman kung anong klaseng ugali mayroon si Mr. Yuay dahil sa mabagsik at istrikto nitong awra.

“Wǒ de érzi, Aiguo, Jùlí wǒmen shàng cì jiànmiàn yǐ jīngguòle hěnjiǔ.(My son, Aiguo, matagal na rin ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status