Vernice Point of view “Sabay kaming bumbumaba ng sasakyan ni Zac ngunit nanatiling may espasyo sa pagitan naming dalawa. Tulad ng inaasahan ko ay hindi nga ako nito hinayaang makaalis kaya ang ending ay magkasama kaming pumasok sa opisina. Ayoko ko na malaman ng ibang tao ang tungkol sa relasyon namin kaya nanatili kaming civil sa harap ng kanyang mga empleyado. Para na rin maiwasan ang anumang isyu tungkol sa amin lalo na at hindi basta-bastang tao si Zac. Mabuti na nga lang at sumang-ayon ito sa nais kong mangyari kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Para lang kaming ordinaryong mag-amo sa harap ng kanyang mga empleyado ngunit pagpasok sa loob ng opisina nito ay bigla niya akong kinabig sa baywang at mapusok na hinalikan sa labi. Hinawakan pa niya ang batok ko upang palalimin ang halik na aming pinagsasaluhan.Masasabi ko na masyado siyang agresibo pagdating sa sex. Maya-maya ay pinadapâ niya ako sa ibabaw ng kanyang lamesa, mabilis ko namang tinanggal mula sa pagkakalock ang a
“Sweetheart!” Nakangiti kong tawag kay Vernice pagpasok ko sa loob ng opisina. Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan habang nasa kalagitnaan ng meeting na para bang labag sa kalooban ko ang iwan ito. Iniisip ko kasi na baka mainip ito sa paghihintay sa akin lalo na at inabot ng tatlong oras ang pakikipagnegosasyon ko mula sa isang bigating kliyente. “Vernice!” Muling tawag ko sa pangalan ng aking fiancee na para bang akala mo ay nakikipaglaro ng tagutaguan dito ngunit ni kaluskos ay wala akong narinig.Lumapit na ako sa pintuan ng banyo, “tok! tok! tok!” “Sweethearth!” Anya pagkatapos ng tatlong katok na ginawa ko ngunit wala pa ring sumasagot kaya binuksan ko na ang pintuan ng banyo.Katahimikan, iyan ang sumalubong sa akin, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngunit mas pinili ko ang maging kalmado. Bumalik ako sa aking table at dinampot ang cellphone saka idinayal ang numero ni Vernice. Noong mga panahon na tinataguan ako nito ay ring lang ng ring ang kanyang cellp
Ang lahat ay natamik at halos iisang tao na nagyuko ng kani-kanilang mga ulo ng marinig nila ang taguktok ng isang tungkod mula sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Mula sa salas ay tahimik na nakatayo si Elsa sa tabi ng kanyang asawa na si Aiguo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon dahil ito ang unang pagkakataon na makikilala niya ang magulang ng kanyang asawa.Napuntan ang lahat ng atensyon sa punong hagdan ng lumitaw ang isang kagalang-galang na matandang lalaki na nasa edad sitenta'y singko. Hawak sa kanang kamay nito ang isang mamahaling tungkod na may nakaukit na isang gintong dragon. Kapansin-pansin mula sa kanyang kaliwang kamay ang isang malaking bato ng emerald na nakasuot sa palasingsingan nito, halatang hindi biro ang halaga ng isang ‘yun. Madaling malalaman kung anong klaseng ugali mayroon si Mr. Yuay dahil sa mabagsik at istrikto nitong awra. “Wǒ de érzi, Aiguo, Jùlí wǒmen shàng cì jiànmiàn yǐ jīngguòle hěnjiǔ.(My son, Aiguo, matagal na rin ng
China….Labis na nagkakagulo ang lahat sa loob ng kumpanya ng Liang Shang Company dahil nagpatawag ng urgent meeting ang management. Mula sa kanyang opisina ay malungkot na nakatayo si Aiguo sa tapat ng glass wall habang nakatanaw sa ibaba ng building na mayroong walumpong palapag. Ito ang kumpanya na pag-aari ng kanyang mga magulang na dapat sana ay ipapamana sa kanya ng ama ngunit ngayong araw ay nanganganib na itong mawala sa kanila. Isang mabigat na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan bago inisang lagôk ang lamang alak ng hawak niyang maliit baso. Labis siyang naguguluhan sa mga nangyayari sa kanyang buhay at hindi niya malaman kung paano a-ayusin ang lahat ng problema na kinakaharap ng kanyang pamilya.Mula sa malayo ay biglang lumitaw ang magandang mukha ng kanyang anak na si Vernice kasunod ang mukha ng yumao niyang asawa. Napatiim bagâng siya saka mahigpit na naikuyom ang mga kamay dahil sa samu’t-saring damdamin na lumulukôb mula sa kanyang puso.Walong buwan ang mab
Zac’s Point of view Masusi kong sinisipat ng tingin ang lahat ng bagay sa paligid ko mula sa mga empleyado maging ang bawat departamento ng kumpanya na aking madaanan. Sa likod ng katanyagân ng kumpanyang Liang Shang dito sa China ay walang nakakaalam na pag-aari ko na ang lahat ng ito.Simula ng lokohin ako ni Vernice ay kinausap ko ang aking ama at inakô ang lahat ng responsibilidad para tuluyang ibagsak ang pamilya ng babaeng iyon. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nakikitang gumagapang sa hirap hanggang sa kusang magpakita sa akin si Vernice.“You know how to escape into this game, Mr. Zhōu?” Maya-maya’y tanong ko sa ama ni Vernice ng nasa loob na kami ng opisina nito habang isa-isa kong pinagmamasdan ang lahat ng mamahaling paintings na nakadikit sa pader. Ang hinuha ko ay mga collection ito ng lolo ni Vernice at hindi biro ang halaga ng bawat paintings na nasa aking harapan. Pumihit ako paharap kay Mr. Aiguo at sumalubong sa akin ang seryoso nitong mukha. Hindi nakaligtas
“Mommy!” Ang matinis na boses ng isang batang babae ang bumulabog sa tahimik na lugar na kanilang kinaroroonan habang ang batang lalaki ay mabilis na naitakíp ang kanyang mga kamay sa magkabila nitong tainga na wari mo ay naririndi dahil sa malakas na sigaw saka mariin na pinikit ang kanyang mga mata. Dahil ayaw niyang makita ang pagbagsak ng kapatid mula sa mataas na puno na inakyat nito.“Shit! Hmp…” naibulalas ko ng wala sa oras bago mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ng kambal. Pakiramdam ko ng mga oras na ito ay parang mahuhulog na rin yata pati ang puso ko dahil sa matinding takot. “Hmp!” Isang daîng ang nanulas sa bibig ko ng bumagsak sa mga bisig ko ang makulit na si Zevi. Pagkatapos ko itong masalo ay pabagsak na napaupo ako sa damuhan kaya nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking balakang.“Mom, are you okay? Does it hurt? I’m sorry mommy.” Naluluha na tanong ng aking anak marahil ay natakot ito ng makita ang expression ng mukha ko. “Mommy is fine, Sweetie, you don’t need
Halos mapuno ng mga tao ang malawak na playground ng pribadong eskwelahan na pinapasukan nina Zevi at Zach dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ang family day. Mula sa isang bench ay tahimik na nakaupo ang kambal habang malungkot na pinagmamasdan ang kanilang mga kaklase na masayang nakikipaglaro sa kanilang mga tatay."Zach, why didn't we tell mommy about the family day?” Malungkot na tanong ni Zevi sa kanyang kapatid habang pinapanood ang isa niyang kaklase na naglalambing sa ama nito.“Last night, I saw mommy was so busy and looks tired, so I don’t want to disturb her.” Sagot ni Zach habang masusing pinag-aaralan ang lahat ng mga bagay na bago sa kanyang paningin.“Hey, Zach, where’s your Mom? You don’t have a daddy?” Imbes na sagutin ang tanong ng kanyang kaklase ay tahimik na tumayo si Zach saka dinampot ang kaliwang kamay ng kakambal niyang si Zevi. Batid nila na nagtatanong lang ito upang ipamukha sa kanila na wala silang ama kaya nais ni Zach na umiwas na lamang sa gulo dahil iyo
“Hello, Sweetie, bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa malambing na tinig bago dinukot ang puting panyo mula sa aking bulsa saka maingat na pinunasan ang mga luha nito sa magkabilang pisngi. Natigilan ako sa ginawa ng bata dahil imbes na sumagot ay mahigpit ako nitong niyakap sa leeg.“Daddy, I miss you so much… I waited for you for a long time, why did you come home now?” Ani nito sa garalgal na tinig habang patuloy na umiiyak sa pagitan ng aking leeg. Wala sa sarili na niyakap ko ito ng mahigpit at ng mga oras na ito ay parang gusto kong umiyak. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at dinama ang kakaibang pakiramdam habang nasa mga bisig ko ang batang ito.“Zevi! I told you he is not our daddy! Why are you stubborn! Let go of my sister!" Galit na sabi ng isang batang lalaki sa aking harapan na ngayon ko lang napansin. Natulala ako ng matitigan ko ang mukha nito dahil parang nakikita ko ang aking kabataan mula sa kanya. Lumapit ito sa amin at pilit na hinila palayo sa akin ang kapatid