Home / Romance / Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2] / Ika Dalawampung kabanata

Share

Ika Dalawampung kabanata

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2023-10-30 20:16:25

Vernice Point of view

“Kararating ko lang galing trabaho at pagod na pagod ako, hindi lang ang katawan ko kundi maging ang utak ko. Dahil sa pagreresolba sa nawawalang halaga mula sa kita ng kumpanya at konting kembot na lang ay matatapos ko na ang lahat. Lalo na at natuklasan na kung kaninong account pumapasok ang mga outgoing transaction na illegal na ginagawa ng mga ilang empleyado na involve sa case na ‘to.

Naudlot ang pag dukot ko ng susi mula sa bulsa ng aking pantalon ng makarinig ako ng mga kaluskos na nagmumula sa loob ng bahay.

Pagpihit ko sa seradura ng pintuan ay hindi ito nakalock kaya tama ang hinala ko na may tao sa loob ng bahay. Impossible naman na si Marjorie ang dumating gayung masyado pang maaga. Nakausap ko kasi ito kanina sa phone at nagpaalam sa akin na malilate daw siya ng uwi.

Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking harapan si Alex na mag-isang nag-iinom sa may sala’s. Bigla itong lumingon sa akin at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin ngunit h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika Dalawampu’t isang kabanata

    Marjorie’s Point of view“Pagpasok ko sa loob ng bahay ay wala akong nadatnang tao sa sala’s. Ang tanging naabutan ko lang ay ang sapatos ni Vernice na nasa sahig tanda na nakauwi na ito ng bahay at ang isang bote ng malaking Whiskey na malapit ng maubos. Ang labis kong pinagtataka ay kung bakit nakakalat sa sala’s ang mga gamit ni Vernice dahil kilala ko itong masinop sa gamit at madalas nga ay ako pa ang sinisermunan nito sa oras na makita niyang nakakalat ang mga gamit ko. Nahinto ako sa paghakbang ng makarinig ako ng mga ungol na nagmumula sa loob ng kwarto. Hindi lang ito basta ungol kundi isang ungol na tila nasasarapan, parang may sariling utak ang mga paa ko at habang papalapit ako sa nakaawang na pintuan ay ibayong kabâ ang nararamdaman ko hanggang sa matapat ako sa pintuan ng kwarto at isang hindi inaasahang eksena ang naabutan ko sa loob ng kwarto namin ni Vernice.Pakiramdam ko ay parang sinipa ng kabayo ang dibdib ko ng tumambad sa aking harapan si Vernice at si Alex na

    Huling Na-update : 2023-10-30
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t dalawang kabanata

    Hindi namalayan ni Vernice ang pag-bukas ng pintuan ng opisina maging ang pagpasok ni Zac. Nailapag na’t lahat ng binata ang kanyang attache case sa ibabaw ng table ay hindi pa rin gumagalaw ang dalaga mula sa kanyang kinauupuan at nanatili lang itong tulala sa kawalan ng hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata. Dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanya kagabi, ang kamuntikan na pagkakagahasa sa kanya ni Alex.Nag-aalala na lumapit si Zac sa dalaga dahil batid niya na may problema ito, isang hakbang na lang ang kanilang pagitan ng mapakô siya sa kanyang kinatatayuan. Dinagsa ng matinding takot ang dibdib ng binata habang nakatitig sa dibdib ni Vernice dahil hindi maayos ang pagkakasara ng suot nitong polo kaya malaya niyang nakikita ang isang marka sa dibdib nito. Hindi siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng markang iyon. Nagdilim ang mukha ni Zac at mahigpit na naikuyom ang kanyang mga kamay, sa isang iglap ay tinawid niya ang kani

    Huling Na-update : 2023-10-31
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t tatlong kabanata

    “Babe…” Naiiyak na sambit ni Marjorie bago ako nito niyakap mula sa likuran saka isinandig niya ang ulo sa aking likod. “Baka pwedeng kahit hindi ka na sumama sa business trip na ‘yan? Kakausapin ko si sir Hilton.” Nagsusumamo na wika ni Marjorie habang hinahaplos niya ako sa dibdib kaya naipikit ko ang aking mga mata. Parang gusto ko ng pagbigyan ang kahilingan nito ngunit mabuti na rin ang lumayo muna ako pansamantala upang makarecover sa mga nangyari sa akin. Dahil kasi sa ginawa ni Alex ay nasira ang self confidence ko, pakiramdam ko maging ako ay naguguluhan na sa sarili ko. Maganda na rin ang naging desisyon ni Sir. Zac, makakatulong din ito para mabuo kong muli ang aking sarili.“Babe, nag-usap na tayo tungkol dito di ba? Hayaan mo muna akong lumayo pansamantala dahil hindi biro ang ginawa sa akin ng pinsan mo.” Seryoso kong pahayag, nakadama ako ng awa ng makita kong pumatak ang mga luha nito kaya niyakap ko siya ng mahigpit. “Isang buwan lang, Babe, promise babalik din ako

    Huling Na-update : 2023-10-31
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t apat na kabanata

    “Hi, Vern.” Nakangiting bati sa kanya ng isang empleyada, kasalukuyan pa lang siyang papasok sa entrance ng lobby nang kumpanya. Isang matamis na ngiti ang naging tugon niya dito kaya lalong lumapad ang ngiti ng babae. Hindi maikakaila ng mga mata nito ang labis na paghanga para sa kanya. Halos kilala na siya ng lahat sa kumpanya at kung maraming humahanga sa kanya ay marami rin ang mga taong lihim na naiinggit dahil sa special treatment na natatanggap niya mula sa kumpanya.Ipinagsawalang kibo na lang niya ang lahat dahil ginagawa lang naman niya ang kanyang trabaho.“You know, nagdala ako ng maraming baon, pwede bang sabay tayong mag lunch mamaya?” Malambing na saad ng dalaga kaya naman natutuwang sumang-ayon si Vernice upang pagbigyan ang munting kahilingan ng kanyang tagahanga.“Oh, thank you, sure later sabay tayo.” Maginoo naman niyang sagot kaya biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga na hindi nalalayo sa kanya ang edad.“Really? Oh my, thank you! May kasabay na rin ako sa pagka

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t limang kabanata

    “Oh, Iho, ang aga-aga nakasimangot ka, may problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Mommy, napangiti ako ng makita ko ang maganda nitong mukha. Sa totoo lang ay kung titingnan ang aking ina ay para ko lang din siyang kapatid.“Mom, nasaan si Daddy?” Tanong ko sa kanya bago humalik sa noo nito at sabay kaming umupo sa may sala’s.“Maagang umalis ang daddy mo, nagkaroon kasi ng emergency sa isa sa mga branch natin. Bakit ang aga mo yata ngayon dito? Wala ka bang balak na pumasok sa opisina mo?” Nagtataka niyang tanong sa akin, dahil kilala ako ng lahat bilang isang workaholic pero ngayon ay nandito ako sa bahay ng mga magulang ko at nagsasayang ng oras.“Gusto ko lang magpahinga kahit konting oras lang, Mom.” Ani ko habang tinitingnan ang laman ng aking cellphone baka sakaling may nakaligtaan akong mahahalagang mensahe mula sa mga kliyente ko.“Mom, paano ka nga pala niligawan ni daddy?” Curious kong tanong, napansin ko na biglang namula ang magkabilang pisngi ni Mommy halatang nah

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t anim na kabanata

    Vernice Point Of View Sa ilang araw na nakasamā ko sa iisang bubong si Sir. Zac ay malaki ang ipinagbago ko na halos hindi ko na yata makilala ang aking sarili. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nagiging abnormal ang tibôk ng puso. Hindi ko rin alam kung paano siyang pakikitunguhan dahil nawawala ako sa huwisyo kapag kinakausap ako nito. Nakakatakot din na tumingin ng diretso sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko ay nababasa niya ang nilalaman ng isip ko.Sinubukan ko na rin ang lahat para mawala ang kakaibang pakiramdam na ito, ngunit kahit pa sumiping ako sa kapwa ko babae ay para pa ring walang silbi dahil sa tuwing lumalapit sa akin si Zac ay nagugulo na naman ng presensya nito ang sistema ko. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Zac na palihim kong sinusulyapan ang kanyang katawan na wari mo ay pinagnanasaan ko na ito.Kung paano kong pagnasaan ang isang magandang babae ay mas matindi pa roon ang naramdaman ko para sa kanya kaya pilit kong inilalayo ang aking sarili kay sir. Zac d

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t pitong kabanata

    Pabagsak na binuksan ni Vernice ang pintuan na siyang ikinagulat ng dalawang taong nagtatalik. “V-Vernice?” Nauutal na sambit ni Marjorie na halos magkulay suka na ang mukha nito, natataranta na hinila nito ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. Mabilis na lumapit si Vernice sa kama at walang salita na sinuntok nito ang n*******d na si Alex. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding galit at ang tanging nasa isip lang niya ay patayin ang lalaking nagtangkang humalay sa kanya at umagaw sa pinakamamahal niyang babae.Pinaibabawan niya si Alex at wala siyang pakialam kahit pa nakikita niya ang pagkalalaki nito. Walang habas niya itong sinuntok sa mukha hanggang sa naramdaman niya ang bawat talsik ng dugo nito sa kanyang mukha.Sinikap na gumanti ng suntok si Alex ngunit hindi na iniinda ni Vernice ang sakit ng suntok nito dahil mas iniinda niya ang matinding sakit na idinulot ng pagtataksil sa kanya ni Marjorie.“Vernice! Pakiusap, tama na!” Umiiyak na sigaw ni Marjorie ha

    Huling Na-update : 2023-11-03
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika dalawampu’t walong kabanata

    Nanatiling nakatitig sa isa't-isa ang dalawa hanggang sa umangat ang mga paa ni Vernice mula sa sahig dahil binuhat siya ni Zac. Imbes na tumutol ay yumakap ang mga braso nito sa leeg ng binata bago ibinaon ang luhaan niyang mukha sa pagitan ng leeg ni Zac.Buhat ni Zac si Vernice na pang bridal style ng lumabas sila ng bar at walang pakialam sa atensyon na nakukuha nila mula sa mga tao sa kanilang paligid. Habang lulan sila ng sasakyan ay tahimik na umiiyak si Vernice sa balikat ni Zac, dahil sa pinaghalong emosyon at matinding kalasingan ay hindi maawat ang dalaga sa kanyang pagtangis. Labis na pagkahabag ang nararamdaman ni Zac para sa kanyang fiancee, hindi niya ito kayang makita na nasasaktan habang patuloy na sinisisi ang sarili sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Mahigpit niya itong niyakap habang masuyong hinahagod ang likod nito.Vernice Point of view Dahil sa labis na pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nasa loob na pala kami ng kwarto ni Zac at natagpuan ko na lang ang ak

    Huling Na-update : 2023-11-04

Pinakabagong kabanata

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Special chapter- Book 3 (Pasilip)

    Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t dalawang kabanata

    Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t isang kabanata

    Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpung kabanata

    “Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t siyam na kabanata

    Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t walong kabanata

    “Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t pitong kabanata

    “Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t anim na kabanata

    Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t limang kabanata

    Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol

DMCA.com Protection Status