Vernice Point Of View Sa ilang araw na nakasamā ko sa iisang bubong si Sir. Zac ay malaki ang ipinagbago ko na halos hindi ko na yata makilala ang aking sarili. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nagiging abnormal ang tibôk ng puso. Hindi ko rin alam kung paano siyang pakikitunguhan dahil nawawala ako sa huwisyo kapag kinakausap ako nito. Nakakatakot din na tumingin ng diretso sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko ay nababasa niya ang nilalaman ng isip ko.Sinubukan ko na rin ang lahat para mawala ang kakaibang pakiramdam na ito, ngunit kahit pa sumiping ako sa kapwa ko babae ay para pa ring walang silbi dahil sa tuwing lumalapit sa akin si Zac ay nagugulo na naman ng presensya nito ang sistema ko. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Zac na palihim kong sinusulyapan ang kanyang katawan na wari mo ay pinagnanasaan ko na ito.Kung paano kong pagnasaan ang isang magandang babae ay mas matindi pa roon ang naramdaman ko para sa kanya kaya pilit kong inilalayo ang aking sarili kay sir. Zac d
Pabagsak na binuksan ni Vernice ang pintuan na siyang ikinagulat ng dalawang taong nagtatalik. “V-Vernice?” Nauutal na sambit ni Marjorie na halos magkulay suka na ang mukha nito, natataranta na hinila nito ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. Mabilis na lumapit si Vernice sa kama at walang salita na sinuntok nito ang n*******d na si Alex. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding galit at ang tanging nasa isip lang niya ay patayin ang lalaking nagtangkang humalay sa kanya at umagaw sa pinakamamahal niyang babae.Pinaibabawan niya si Alex at wala siyang pakialam kahit pa nakikita niya ang pagkalalaki nito. Walang habas niya itong sinuntok sa mukha hanggang sa naramdaman niya ang bawat talsik ng dugo nito sa kanyang mukha.Sinikap na gumanti ng suntok si Alex ngunit hindi na iniinda ni Vernice ang sakit ng suntok nito dahil mas iniinda niya ang matinding sakit na idinulot ng pagtataksil sa kanya ni Marjorie.“Vernice! Pakiusap, tama na!” Umiiyak na sigaw ni Marjorie ha
Nanatiling nakatitig sa isa't-isa ang dalawa hanggang sa umangat ang mga paa ni Vernice mula sa sahig dahil binuhat siya ni Zac. Imbes na tumutol ay yumakap ang mga braso nito sa leeg ng binata bago ibinaon ang luhaan niyang mukha sa pagitan ng leeg ni Zac.Buhat ni Zac si Vernice na pang bridal style ng lumabas sila ng bar at walang pakialam sa atensyon na nakukuha nila mula sa mga tao sa kanilang paligid. Habang lulan sila ng sasakyan ay tahimik na umiiyak si Vernice sa balikat ni Zac, dahil sa pinaghalong emosyon at matinding kalasingan ay hindi maawat ang dalaga sa kanyang pagtangis. Labis na pagkahabag ang nararamdaman ni Zac para sa kanyang fiancee, hindi niya ito kayang makita na nasasaktan habang patuloy na sinisisi ang sarili sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Mahigpit niya itong niyakap habang masuyong hinahagod ang likod nito.Vernice Point of view Dahil sa labis na pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nasa loob na pala kami ng kwarto ni Zac at natagpuan ko na lang ang ak
Vernice Point of view “Nagising ako na masakit ang buong katawan lalo na ang aking ulo ko, mukhang marami yata akong nainom kagabi at wala akong maalala sa mga nangyari. Dahil tinatamad pa akong bumangon ay nanatiling nakapikit ang aking mga mata, nagbago ako ng posisyon at niyakap ko ang unan sa aking tabi. Nagulat ako ng gumanti ito ng yakap bago kinabig ang aking katawan saka mabilis na inangat nito ang kaliwa kong hita at ipinatong sa kanyang baywang. Sa pagmulat ng aking mga mata ay kasabay ng pagbaon ng isang bagay sa aking kaselanan. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang mukha ni Sir. Zac, bigla akong napabalikwas ng bangon ngunit mabilis ako nitong kinabig at sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na siya. “Ano ba, umalis ka nga d’yan!” Galit kong sigaw sa kanya, nakalimutan ko na ang sakit ng aking katawan dahil sa matinding galit ko sa kanya. Bumwelo ako upang itulak ito ngunit bigla akong natigilan ng isubo niya sa kanyang bibig ang dulo ng k
Vernice Point of view “Hi, babe.” Bati ko sa isang magandang babae habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mapula kong mga labi. “Oh, hi, who are you? You’re so cute.” Natutuwang sagot sa akin ng dalaga kaya naman lalong naningkit ang aking mga mata ng tumawa ako, nakita ko na amaze ito ng lumitaw ang dalawang beloy ko sa magkabilang pisngi.“I’m Vern.” Ani ko sa klasikong boses upang lalo itong maimpress sa akin, hindi lang lugar ang maganda sa bansang Europe pati ang mga babae dito ay maganda sa aking paningin. “Oh, hi Vern, I’m Trisha, and it’s my pleasure to meet the most gorgeous person like you. Malamabing niyang sagot bago siya kumindat sa akin. Pakiramdam ko ay nahulog na yata ang puso ko, kung sakaling maging girlfriend ko ito siguradong kaiinggitan ako ng lahat dahil naka jackpot ako.“Vernice!” Galit na tawag sa akin ni Zac kaya naudlot ang akma kong paghawak sana sa kamay ng dalaga at halos sabay pa kaming napalingon nito sa direksyon ni Zac.“Tsk, kahit kailan t
Vernice Point of view “Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan pa talaga na couple shirt ang suot natin?” Nagmamaktol kong tanong habang hila-hila ni Zac ang aking kanang kamay.“It’s our last night here in Europe so let’s enjoy this night.” Nakangiting sagot ni Zac na tila walang pakialam sa nakasimangot kong mukha at sa walang humpay na kakareklamo ko. Tinatamad kasi ako na lumabas ngayon at gusto kong matulog kaso mapilit ang isang ‘to kaya wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito at hindi ko alam kung saan kami pupunta.Nawala ang inis ko ng tumambad sa akin ang malawak na karagatan at ng mga oras na ito ay nagtatakip silim na kaya nagsabog ang kulay kahel sa buong kalangitan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya natural na romantic ang dating ng buong paligid.Literal na umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha, ito kasi ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang paglubog ng araw mula dito sa dalampasigan. “Do you like it?” Masuyong tanong sa akin ni Zac habang pare
“”What a face? Hmmm…” naglalambing na tanong ni Zac ng makita niya na malungkot si Vernice habang nakatanâw mula sa himpapawid. Kasalukuyan silang lulan ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Lumingon sa kanya ang nobya saka nang-aasar na ngumiti.“Iniisip ko ngayon sa pagbabalik natin sa Pilipinas ay kung ano ang iisipin ng mga tao sa ating dalawa at kung sino ang bakla sa atin?” Anya bago nag taas-baba ang kaliwang kilay. “It doesn’t matter, Sweetie, because the important thing is me and you.” Nakangiting sagot ni Zac bago ginagap ang palad ng dalaga.“Tsk, it’s weird, because until now ay hindi ko pa rin matanggap na pumatol ako sayo.” Namamangha na pahayag ni Vernice bago tumingin sa mukha ng kanyang nobyo.“Hm, maybe because I’m handsome? Kaya patay na patay ka sa akin?.” May pagmamayabang na litanya ni Zac bago nito hinalikan ang kamay ni Vernice. “Hell, NO!” Mariing tutol ng dalaga na siyang ikanatawa ng malakas ni Zac, hindi maikakaila ang matinding kasiyahan sa mukha nito sa t
“Three thirty na ng hapon at kasalukuyan kaming nakatambay sa tindahan ni aling Chona. Bakit ganun? Maingay naman ang buong paligid dahil sa mga tunog ng sasakyan at sigawan ng mga tao. Ngunit, bakit pakiramdam ko’y napakatahimik pa rin parang walang buhay ang maghapon ko.“Huh!” muli ko na namang narinig ang malalim na buntong hininga ni Josh kasalukuyan itong nakaupo sa aking tabi na tila wala sa kanyang sarili. Well, pareho lang kami dahil halos nagpa-paligsahan kaming dalawa sa pagpapakawala ng mabigat na buntong hininga habang nakatingin sa kawalan.Tulad ko ay may kinakaharap din siyang problema dahil iniwan na siya ng kanyang ka live in partner. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng trabaho habang ako naman ay namomroblema kung ano ang kailangan kong gawin para tuluyang mawala sa buhay ko si Zac.Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa kakaiwas ko sa kanya at hindi ko rin sinasagot ang mga tawag nito hanggang sa nalowbat na lang ang cellphone ko. Nagyaya si Josh
Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang
“Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol