Sorry na kung palaging maikli at kakaunti ang update, naging exlusive author na po kasi ako ni Goonovel kaya may mga inasikaso lang. Pero, dont worry, babawi na ako. Saka, ano ba kayo, malapit naman namang matapos ito, oo,matatapos na ang season 1 kasi may season 2 pa hahahaha! Announce ko lang, may isa pa akong book na bago, need magbukas ng new book para sa contract e, pero dont worry, hindi naman natin pababayaan itong KAKAIBANG TIKIM, pero promote ko na rin kasi baka magustuhan niyo rin ang kuwento nila Zain at Tahlia. ang title niya ay For Rent: Groom For The Billionaire. Baka trip niyo rin basahin, pa-save na lang sa library ninyo. Pero, may update pa akong dalawa ngayong dito sa kakaibang tikim kaya pa-wait na lang po. salamat, mahal ko kayo, guys!
Keilani POV Lumabas kami ni Sylas sa likod ng mansiyon at doon namin nasilayan ang napakaraming punong namumunga sa gilid ng hacienda. Kahit na kararating palang namin ngayong araw, ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang lugar sa labas. Sa ilalim ng dapithapon, nagliliwanag ang mga prutas sa ilalim ng ginintuang sinag ng araw. May mga puno ng lemon, orange, fig, at peach—lahat ng ito ay malalago at hitik sa bunga. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga prutas na parang inaanyayahan kaming pitasin sila. "Looks like we found something fun to do," sabi ko habang lumilinga kay Sylas. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mga puno. "Yeah, since my grandmother practically kidnapped our daughter, might as well have fun ourselves." Napatawa ako sa sinabi niya. Totoo naman. Simula nang dumating kami rito, halos hindi na namin nakasama si Keilys. Parang ang bilis niyang naging malapit sa ng lola ni Sylas, at hindi ko alam kung matutuwa ako o magtatampo. Pero ngayon, imbes na isipi
Keilani POVSa loob ng isang linggong Pag-stay namin sa Italy, wala kaming ibang ginawa ni Sylas kundi ang gumala at tuklasin ang kagandahan ng bansang ito para naman masulit namin ang Italy, nandito na rin naman kami, e ‘di gumala na kami nang gumala.Sa bawat araw, iba’t ibang lugar ang aming pinuntahan, at sa kabila ng saya, may kaunting kirot sa puso ko sa tuwing iniiwan namin si Keilys sa kanyang lola kapag gagala kami. Ngunit hindi ko hinayaan ang lungkot na iyon na sirain ang aming paggagala kasi naisip ko na kung kasama man sa galaan si Keilys, hindi rin kami mag-e-enjoy ni Sylas kasi sobrang alagain pa sa ngayon ang anak namin. Kapag lumaki siya, saka na lang namin siya igagala rito sa Italy, tutal ay may hacienda naman ang lola niya rito, tiyak na paglaki niya ay makakagala at makakagala pa rin siya rito sa Italy.Unang araw ng paggala namin ni Sylas, pinuntahan na namin ang Rome. Siyempre, hindi puwedeng hindi namin bisitahin ang Colosseum. Habang nakatayo kami sa harap nit
Keilani POVSa huling araw namin sa Italy, nagpaorganisa ng engrandeng despedida sa amin ang lola ni Sylas. Hindi ako makapaniwala kung gaano siya kasaya sa amin ni Sylas, lalo na kay Keilys na apo niya sa tuhod.Sobrang saya rin ng mga staff sa hacienda. Para bang kahit isang linggo lang kami rito, naging parte na rin kami ng pamilya nila.Sa labas ay napakabongga rin.Ang buong garden ay puno ng eleganteng dekorasyon, may mahahabang lamesa na natatakpan ng mamahaling linen, nakapalamuti ang mga kandila at bulaklak sa gitna, at isang mini stage sa harapan kung saan may tumutugtog na live band. Parang isang mala-fairytale na dinner party.Napalingon ako kay Sylas na nakatayo sa tabi ko habang hawak si Keilys. Suot niya ang itim na suit na perfect na bumagay sa tindig niyang parang hari sa lupain nilang ito. Napangiti tuloy ako."Are you happy?" tanong niya habang nakatingin sa akin."I'm more than happy," sagot ko.“Mabuti naman, kasi habang buhay na kitang pasasayahin, hindi lang sa
Keilani POVHalos dalawang buwan na rin mula nang bumalik kami sa Pilipinas. Sa panahong iyon, marami nang nangyari. Si Sylas, muli nang humarap sa publiko bilang CEO ulit ng Merritt AeroWorks, habang abala sa pagharap sa mga business partners at investors. Samantalang ako, nananatili lang muna sa mansiyon, tahimik pero hindi naman patulog-tulog.Yung dating company ni Sylas ay binigay na niya sa isang loyal niyang tauhan, maliit lang kasi iyon at hindi naman dapat nang pag-aksayahan ng oras. Sa loob ng dalawang buwang ito, walang nakakaalam ng tunay kong ginagawa. Wala silang ideya na ang dating Keilani na tahimik at nagtatago noon ay nagbabagong-anyo sa likod ng mga saradong pinto. Hindi nila alam na ang pagbabalik ko sa Pilipinas ay hindi lang basta simpleng pagbabalik.Ito ay isang pagbabalik na may pasabog.Ang ang pasabog na iyon ay ang pag-upo ko bilang bagong CEO ng Merritt Luxury Motor Company. Bagong company na ginawa ni Sylas para ipahawak sa akin.Hindi ko rin lubos maisi
Keilani POVNakatayo ako sa harap ng isang napakalaking gusali, nakatingala, habang unti-unting nilalamon ng isip ko ang katotohanang ito na ang magiging opisyal na kumpanya ko.Nasa harap na ako ngayong ng Merritt Luxury Motor Company na binigay sa akin ni Sylas.Dalawang buwan ko na itong pinag-aaralan sa loob ng mansiyon, pero ngayon lang ako talagang nakapunta dito—sa pisikal na anyo nito kasi kakatapos lang gawin nung nakaraang araw. Iba pala kapag personal mong nakikita ang isang bagay na magiging bahagi ng buhay mo habang buhay."Speechless?" bulong ni Sylas sa tabi ko na nakangiti habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.Napakurap-kurap ako bago dahan-dahang bumuntong-hininga."This is... huge," sagot ko na hindi pa rin makapaniwala."Of course, it is. You’re the CEO of a luxury motor company, Keilani. You didn’t expect it to be small, did you?" Tumawa siya nang mahina bago inakbayan ako at inalalayan papasok sa loob.Wala pang tao sa loob, siyempre. Hindi pa ito nag-o-operate. P
Keilani POVPagkatapos ng tour sa manufacturing area, bumalik kami sa main building at nagtungo sa isang private elevator. Grabe, ang gara pati elevator."This leads to your office," sabi ni Sylas bago niya pindutin ang button ng top floor.Dumaan muna kami sa meeting room kung saan gaganapin ang mga malalaking board meetings. Malaki ang conference table, may high-tech na projector, at may floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng breathtaking na view ng city skyline."This is where you’ll have meetings with executives, partners, and investors," paliwanag ni Sylas.Tumango ako habang ninanamnam ang bawat impormasyon na sinasabi niya. At habang nakikita ko ang lahat at nakikinig kay Sylas, kinikilig talaga ako.Pagpasok namin sa opisina ng CEO, para akong napako sa kinatatayuan ko.Ang opisina ko...syet!Napakalawak. Napakalinis. Napaka-elegante.May malaking glass desk sa gitna, may sariling seating area at isang bookshelf na puno ng business books at decorative pieces. May maliit na
Keilani POVSimula pa lang ng araw, ramdam ko na agad ang bigat ng responsibilidad sa balikat ko. Totoo na ba talaga ito?Ang buong Merritt Luxury Motor Company ay nasa huling yugto na bago ang grand opening at ang isa sa pinakamahalagang hakbang sa prosesong ito ay ang pagbuo ng team ko, ang pagpili ng mga taong magpapatakbo ng kumpanyang ito kasama ko.“Keilani, today is crucial.”Napalingon ako kay Sylas, na ngayon ay nakatayo sa tabi ko habang hawak ang isang makapal na file ng mga aplikante. Suot niya ang kanyang usual corporate attire, isang well-tailored navy blue suit—at ang seryosong ekspresyon niya ay nagsasabing hindi biro ang araw na ito kaya kailangan kong galingan."You have to be hands-on in choosing your people," dagdag niya. "From top executives down to the factory workers. Your team will define the success of your company."Napabuntong-hininga ako. Hindi ko inakala na darating ang araw na ako mismo ang magpapasya kung sino ang tatanggapin sa isang multinasyunal na ku
Keilani POVPagkatapos ng matinding proseso ng hiring, wala na akong oras para magpahinga. Ngayon naman, nakatutok ako sa susunod na magaganap. Ang paghahanda naman para sa grand opening ng Merritt Luxury Motor Company.Hindi ito basta simpleng opening lang. Kailangang mag-iwan ito ng mark sa mga tao. Kailangang maging engrande, makapangyarihan at hindi malilimutan ng industriya.At higit sa lahat, ito ang magiging unang hakbang ng pagbabalik ko sa eksena ko rito sa Pilipinas.Nakatayo ako sa harap ng malaking desk sa CEO office ko habang nakatutok sa laptop habang pinakikinggan ang PR team ko."Ma’am Keilani, we need to invite top-tier media outlets," sabi ng head ng marketing team ko."Yes," sagot ko at saka nagtaas ng kilay. "I don't want small-time blogs covering this. We need the biggest networks, the most influential journalists."Pinindot ko ang speakerphone at tinawagan ang isang kilalang PR agency dito sa Pilipinas.“Hello, shis is Keilani Merritt. I want an exclusive media c
Sylas POVNasa terrace ako ng mansiyon habang hawak ang isang basong whiskey. Sa harapan ko, tanaw ko ang maliwanag na buwan. Maliwanag ito, tila ba nanonood din sa akin. Tahimik ang paligid. Tahimik ang gabi. Pero ang isipan ko, kanina pa talaga hindi mapakali.“They crossed the line,” bulong ko sa sarili. “Now, I’ll have to remind them who I am.”Matagal ko nang isinara ang madilim na bahagi ng buhay ko dati. Nang pakasalan ko si Keilani, nang isilang si Keilys, pinili kong iwan ang lahat. Ang mga kasunduan sa dilim, ang mga utos na may kasamang dugo, ang mga gabi ng pag-aabang at pagtugis sa mga kumakalaban sa akin. Inilihim ko ang lahat sa kaniya. Sa kanila. Hindi dahil sa takot kundi dahil ayokong madungisan ang katahimikang pinili ko para sa amin.Pero hindi lahat ng katahimikan ay panghabambuhay pala. At hindi lahat ng tao, marunong rumespeto.Nang marinig ko ang banta ni Beatrice, una kong inisip na baka dala lang ng galit. Pero mukhang hindi kasi kadugo niya si Braxton, kung
Keilani POVSabi ni Sylas, huwag na raw akong pumunta sa lamay ng mama ni Braxton, gulo lang daw tiyak ang mangyayari. Tama naman siya, sure na ‘yon, pero kung hindi ako pupunta at magpapakita, baka mas maniwala ang mga taong malapit kina Beatrice na ako ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Gusto kong ipakita sa kanila na malinis ang loob ko. Na hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang mama nila. Gusto kong ipamukha sa kanila na sila ang dahilan ng mga hindi magandang nangyayari sa buhay nila.Ilang beses ko pang pinilit na payagan ako ni Sylas, hanggang sa magbigay siya gn kundisyon, payag siya basta may kasama akong bodyguard at kasama ko rin daw si Celestia. Para na lang payagan ako, pumayag na rin ako.“Are you ready?” tanong ni Celestia habang nasa tabi ko. Suot niya ang isang simpleng itim na bestida, gaya ko. Nandito na kami ngayon sa gilid ng simbahan kung saan may burulan.“Let’s just get this over with.” Bahala na, alam kong may mangyayari talaga pero tutuloy ako. Magpapa
Keilani POVNamuo ang tawa ng anak kong si Keilys sa sala habang pinapalabas sa TV ang commercial ng Merritt Luxury Motor Company ko. Kitang-kita ang saya sa mukha niya, litaw na litaw ang maliliit na dimples niya sa magkabilang pisngi habang sabay niyang itinuro ang screen kung saan naka-feature ako at ang asawa kong si Sylas.“Mama!” sigaw niya habang palakpak nang palakpak.Ramdam ko ang gigil niya sa tuwa. Nakaupo siya sa tabi ko habang kinakain ang ice cream niya.“Yes, baby. That’s Mama,” sabi ko habang kinikiliti siya sa tagiliran. “And that’s Daddy Sylas, too. We’re both in the commercial. Cool, right?”Tumawa lang si Keilys at yumakap sa akin. Hinalikan ko siya sa ulo habang ginulo ang buhok niya. Wala akong ibang plano sa araw na ito kundi ang magpahinga at makipag-bonding sa anak ko. Si Sylas ay nasa opisina, busy sa meetings para sa expansion ng company na hawak niya, pero ako, wala akong dapat intindihin. Lahat ng kailangan ay maayos na. Panatag na ako sa lahat ng kailang
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d