Keilani’s POVMatapos ang tanghalian, hindi ko siya pinalampas ng pagkakataong mahirapan ulit. Dahil nasa bahay ko siya at nakiusap pa para magtago, naisip kong sulitin ang araw na ito. Habang lumalapit siya sa akin at nagdididikit, sasamantalahin kong makaganti ng paunti-unti."Celestia," tawag ko sa kanya habang nagpapahinga siya sa sofa. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, halatang pagod na siya sa paghuhugas ng pinggan. Basa-basa pa nga ang suot niyang damit. At mukhang ngayon palang siya magpapahinga."What now, Keilani?" tanong niya na halatang wala na siyang gana."Magmerienda naman tayo. Gusto ko ng pizza," sabi ko sa kaniya—sabay ngiti nang matamis. Sa mga ngiti kong ‘to ay mauuto ko siya."Pizza?!" tanong niya habang napapailing. "Seriously? You don’t just make pizza from scratch! Ang hirap kaya niyan!"Tumawa ako, nagpapakitang parang wala lang sa akin. "Eh ‘di bumili ka ng dough. The rest, kaya mo na ‘yan. Alam kong magaling ka diyan, Celestia."Napabuntong-hininga siya. "
Keilani’s POVPag-upo ko sa driver's seat ng kotse ko, hinilot ko muna ang sentido ko. Masyado akong naging abala buong araw sa pagti-trip kay Celestia, pero sulit naman dahil natapos na rin ang kunwaring pakikitungo kay Celestia. Sa wakas, makakalabas na rin ako sa gulo ng araw na ‘to.Huminga ako nang malalim, sinuri ang rearview mirror at saka pinaandar ang sasakyan. Paalis na ako ng bahay namin ni Braxton, patungo sa condo ko—isang lugar kung saan walang sino mang makakagambala sa mga plano ko.Simula nung malaman kong buntis na ako, dahan-dahan na ako magmaneho ng sasakyan. ‘Yun din ang bilin sa akin si Sylas.Pagdating ko sa building ng condo ko, nagulat ako nang makita kong may ibang naka-park sa parking area ko. Pero nang mapansin kong kotse ‘yun ng kapitbahay ko, naisip ko na sa space na lang din niya mag-park kasi mukhang umuwi na naman ito ng lasing. Babae siya at palaging lasing kung umuwi kaya minsan ay nagkakamali siya ng pagpa-park ng kotse niya.Pagbukas ko pa lang ng
Keilani’s POVTotoo ngang dinala ako ni Sylas sa mga exclusive shop na tanging mga mayayaman lang ang karaniwang nakakapasok. Nang dumating kami sa unang boutique, agad akong bumungad sa isang lugar na parang palabas sa pelikula—malalaking chandelier, glass display cases at mga staff na naka-black suit na mukhang laging handa sa kahit anong utos."Let's start here," sabi ni Sylas habang binuksan ng isang staff ang pintuan para sa amin.Naka-disguise kami pareho. Ako, naka-loose sweater at cap, habang siya ay naka-black hoodie at sunglasses. Napakahalaga raw na hindi kami makilala ng mga tao, lalo na’t may mga mata ang media kahit saan.Una naming pinuntahan ang section para sa mga maternity wear. Halos mabali ang leeg ko sa pagtitingin-tingin sa mga presyo. Isang simpleng dress na maluwag para sa lumalaking tiyan ko ang tiningnan ko, pero nang makita ko ang tag price, muntik na akong umurong."Seriously, this is too much," sabi ko nang pabulong habang hawak-hawak ang dress."Stop look
Keilani’s POVHindi ko inakala na dadating ako sa ganitong punto…ang pagkakaroon ng sitwasyon kung saan kailangang ipaglaban hindi lang ang pangalan ko, kundi pati na rin ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang coffee shop na itinayo ko mula sa wala ay tila nagiging laruan na lang para sa mga taong gusto akong pabagsakin. O mas magandang sabihin na gustong agawin ang coffee shop ko ng taong wala namang naging ambag sa buhay ko.At dahil kailangan ko ng tauhan, kailangan ko na ring isagawa ang matinding plano na kagabi ko lang naisip. Kailangan ko nang magmadali kasi malapit na akong umalis ng Pilipinas.At ngayon, naisip ko na kailangan ko nang hawakan sa leeg si Celestia—ang bestfriend ko na matagal ko nang pinagkakatiwalaan—ay nasa harap ko, sa loob ng office room ng coffee shop. Hindi ko alam kung saan hahantong ang pag-uusap na ito, pero isa lang ang sigurado, hindi ako puwedeng magpatalo dahil may plano na ako.“Keilani, bakit mo ako pinapunta dito?” tanong niya habang pinipilit ngumit
Sylas’ POVAng hapunan sa bahay ng pamilya ni Davina ay hindi kailanman naging masaya para sa akin. Lagi itong parang interrogation. Hindi naman talaga ako komportable sa kanila, lalo na’t puro yabang lang ang umiiral sa pamilyang ‘to.Habang kumakain kami, si Mr. Veron—ang ama ni Davina—ay biglang nagtanong, at parang wala siyang pakialam kung nakakabastos na. Sabi ko nga, ganito sa kanila, yabangan.“Why haven’t you had kids yet? It’s been years since you got married,” sabi niya, habang nakatingin sa akin. Kung makatingin pa ito ay parang nakakasura . Nakangisi palagi hindi naman magandang lalaki.Huminto ako sa pagkuha ng pagkain, ramdam ko agad ang bigat ng tanong niya. Tiningnan ko si Davina, na kunwaring abala sa pagkain niya. Hindi na ako nagulat—palagi naman niya akong iniiwan sa ganitong mga sitwasyon. Pero this time, dapat magkaroon na sila ng alam tungkol kay Davina.“Well,” sabi ko nang dahan-dahan, inilapag ang aking tinidor, “we don’t have kids because Davina can’t.”Pag
Keilani's POVHindi ko talaga gustong pumunta sa bahay namin ni Braxton. Kung tutuusin, mas gusto kong manatili sa coffee shop at harapin ang mga ginagawa ko rito. Pero nang tumawag siya habang lunch time, mahirap itong tanggihan dahil baka makahalata siya na umiiwas na talaga muna ako sa kaniya dahil buntis na ako.“Keilani,” sabi ni Braxton sa kabilang linya. “My mom and Beatrice prepared lunch for us. They want us to eat together.”Napatingin ako sa wall clock sa opisina ng coffee shop. Alas dose y medya pa lang. Nasa gitna pa naman ako ng pagtikim ng bagong pastry na inihanda ng isa sa mga bakers namin. Napabuntong-hininga ako bago sumagot.“I don’t think I can go right now. I have work.”“You can spare an hour. They’ve been preparing since this morning,” sagot niya na parang nangunsensya pa.Napailing na lang ako. Kung hindi ko ito pagbigyan, siguradong hahaba ang usapan. At para saan? Para lang makasama ang mama niya at si Beatrice na dati namang mahilig akong i-bash at awayin k
Keilani POVNaguguluhan ako kung bakit biglang nag-text si Davina, humihiling na makipagkita sa akin ngayong tanghali. Nung mabuntis na ako ay parang tamad na tamad na akong maglalabas at kumilos. Nakakatamad maglakabas.Nang sinabi niyang tungkol kay Braxton ang pag-uusapan namin ay nakuha niya ang atensyon ko. kaya kahit may kutob akong hindi maganda, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong pumayag. May isang bahagi sa akin na gustong malaman kung anong gustong sabihin ni Davina.Dinampot ko ang tasa sa table ko at inubos ko ma ang laman ng kape na iniinom ko. Inubos ko na rin ang slice cake na nasa platito ko at pagkatapos ay nag-ayos at naghanda na ako para umalis.Habang inaayos ko ang bag ko sa counter ng coffee shop, naramdaman kong may lumapit sa akin. Si Celestia. May hawak siyang tray ng coffee cups at pastry, sayang-saya na naman siya sa pa-free taste kapag may mga bagong menu kami na ilalabas kasi lahat ng staff ko ay may karapatang tikman iyon para magbigay ng comment
Keilani POVMabigat ang pakiramdam ng katawan ko nang unti-unti akong magkamalay. Hindi ko agad maipaliwanag kung nasaan ako, pero naramdaman kong parang buhat ako ng isang tao. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Sylas.Bakit niya ako buhat-buhat?“S-Sylas?” mahina kong tawag na halos hindi ko makilala ang sariling boses ko.Tumingin siya sa akin, at ramdam ko ang gulat sa mga mata niya. “You’re awake,” sabi niya. “Don’t move too much. We’re leaving the hospital.”Hospital? Napatingin ako sa paligid at nakita kong papasok na niya ako sa kotse niya. Nasa parking lot kami, at ang lamig ng simoy ng hangin ay sumasalubong sa balat ko. Noon ko lang napansin ang suot kong hospital gown.Bakit ako na-hospital?“Ano’ng nangyari?” tanong ko habang pilit inaalala ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang huli kong naalala ay ang mukha ni Davina, ang pagtakas ko sa restroom dahil sa hilo, at ang matinding sakit na naramdaman ko sa tiyan.Pinilit kong bumangon nang bahagya mu
Sylas POVNasa terrace ako ng mansiyon habang hawak ang isang basong whiskey. Sa harapan ko, tanaw ko ang maliwanag na buwan. Maliwanag ito, tila ba nanonood din sa akin. Tahimik ang paligid. Tahimik ang gabi. Pero ang isipan ko, kanina pa talaga hindi mapakali.“They crossed the line,” bulong ko sa sarili. “Now, I’ll have to remind them who I am.”Matagal ko nang isinara ang madilim na bahagi ng buhay ko dati. Nang pakasalan ko si Keilani, nang isilang si Keilys, pinili kong iwan ang lahat. Ang mga kasunduan sa dilim, ang mga utos na may kasamang dugo, ang mga gabi ng pag-aabang at pagtugis sa mga kumakalaban sa akin. Inilihim ko ang lahat sa kaniya. Sa kanila. Hindi dahil sa takot kundi dahil ayokong madungisan ang katahimikang pinili ko para sa amin.Pero hindi lahat ng katahimikan ay panghabambuhay pala. At hindi lahat ng tao, marunong rumespeto.Nang marinig ko ang banta ni Beatrice, una kong inisip na baka dala lang ng galit. Pero mukhang hindi kasi kadugo niya si Braxton, kung
Keilani POVSabi ni Sylas, huwag na raw akong pumunta sa lamay ng mama ni Braxton, gulo lang daw tiyak ang mangyayari. Tama naman siya, sure na ‘yon, pero kung hindi ako pupunta at magpapakita, baka mas maniwala ang mga taong malapit kina Beatrice na ako ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Gusto kong ipakita sa kanila na malinis ang loob ko. Na hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang mama nila. Gusto kong ipamukha sa kanila na sila ang dahilan ng mga hindi magandang nangyayari sa buhay nila.Ilang beses ko pang pinilit na payagan ako ni Sylas, hanggang sa magbigay siya gn kundisyon, payag siya basta may kasama akong bodyguard at kasama ko rin daw si Celestia. Para na lang payagan ako, pumayag na rin ako.“Are you ready?” tanong ni Celestia habang nasa tabi ko. Suot niya ang isang simpleng itim na bestida, gaya ko. Nandito na kami ngayon sa gilid ng simbahan kung saan may burulan.“Let’s just get this over with.” Bahala na, alam kong may mangyayari talaga pero tutuloy ako. Magpapa
Keilani POVNamuo ang tawa ng anak kong si Keilys sa sala habang pinapalabas sa TV ang commercial ng Merritt Luxury Motor Company ko. Kitang-kita ang saya sa mukha niya, litaw na litaw ang maliliit na dimples niya sa magkabilang pisngi habang sabay niyang itinuro ang screen kung saan naka-feature ako at ang asawa kong si Sylas.“Mama!” sigaw niya habang palakpak nang palakpak.Ramdam ko ang gigil niya sa tuwa. Nakaupo siya sa tabi ko habang kinakain ang ice cream niya.“Yes, baby. That’s Mama,” sabi ko habang kinikiliti siya sa tagiliran. “And that’s Daddy Sylas, too. We’re both in the commercial. Cool, right?”Tumawa lang si Keilys at yumakap sa akin. Hinalikan ko siya sa ulo habang ginulo ang buhok niya. Wala akong ibang plano sa araw na ito kundi ang magpahinga at makipag-bonding sa anak ko. Si Sylas ay nasa opisina, busy sa meetings para sa expansion ng company na hawak niya, pero ako, wala akong dapat intindihin. Lahat ng kailangan ay maayos na. Panatag na ako sa lahat ng kailang
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d