Keilani’s POVLinggo ng umaga at tahimik ang coffee shop na pinapagawa ko. Wala ang mga tauhan ko dahil day off nila, at iniwan nila ang shop na hindi pa masyadong ayos. Ako na lang mag-isa ang naglilinis sa loob. Sa totoo lang, hindi ko na namalayan ang oras; kahit paano, gusto kong makita ang shop na malapit nang magbukas sa maayos na kalagayan.Bitbit ko ang walis, sinusuyod ang sahig para tanggalin ang alikabok at kalat. Amoy pintura pa ang lugar, halatang bagong gawa. Maya maya, pinunasan ko ang ilang mesa, habang napangiti. Konti na lang at magiging ganap na realidad na ang shop na ito, ang pangarap kong lugar kung saan makakatakas ako kahit papaano sa gulo ng buhay ko.Maya maya ay habang busy na busy ako ay nakatanggap ako ng email sa kalagitnaan ng paglilinis ko. Tumunog ang cellphone ko at nang makita kong si Sylas ang nagpadala, bahagyang lumalim ang hininga ko. Pagbukas ko ng email, litrato agad ang sumalubong sa akin. Nakita ko sina Braxton, Davina, at ang mga kapatid ni
Keilani’s POVPagdating ko sa bahay, alam kong wala si Braxton. Narinig ko pa sa kapitbahay namin kanina na maaga raw itong umalis para pumasok sa trabaho. Sa totoo lang, wala akong balak umuwi dito kung nandito siya. Mas gugustuhin kong tahimik ang paligid kaysa magulo ang utak ko dahil sa presensya niya.Pagpasok ko, dumiretso ako sa kuwarto para kumuha ng malilinis na damit. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng bahay. Sa kabila ng magagarang muwebles at malinis na espasyo, parang nakakulong pa rin ako.Pero tila parang napakabait ni Braxton ngayon kasi malinis ang bahay. Kahit wala ako rito ng madalas ay tila siya ang naglilinis ng lahat.Matapos kong maligo, nagbihis ako at tumuloy sa kusina para kumain ng tanghalian. Simple lang ang inihanda ko—isang sandwich at juice. Habang kumakain, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa shop kahapon. Tahimik na sana ang buhay ko kung hindi lang sumulpot si Braxton kahapon na pilit akong pinapauwi. Ilang beses niya akong pinupuntahan doon.
Keilani’s POVTatlong araw akong abala sa pag-aayos ng coffee shop ko. Halos wala akong tulog, pero sulit ang lahat ng hirap. Ngayong araw na ang grand opening, at habang tinitingnan ko ang maayos na dekorasyon, ang malinis na counter, at ang maaliwalas na ambiance ng shop, napangiti ako. Ito ang bunga ng lahat ng pinaghirapan ko.Halos one hundred thousand pesos na lang ang natira sa perang binigay sa akin ni Sylas. Hindi ko inaasahan na ganito na pala kamahal ang magtayo ng business.“Perfect na ‘to, Keilani,” sabi ni Celestia, habang naglalagay ng final touches sa centerpiece. Nilingon ko siya at kahit pagod na rin, kitang-kita sa mukha niya ang excitement.“Thanks, Celestia. Hindi ko ‘to magagawa kung wala ka,” sagot ko habang tinitingnan ang buong paligid.Nakaayos na rin ang stage para sa live band, at ilang minuto na lang, magsisimula na ang programa. Inimbitahan ko ang ilan sa mga sikat na vloggers dito sa town namin. Gusto kong maging memorable at maingay ang pagbubukas ng sh
Keilani’s POVHindi ko akalain na sa gitna ng abalang araw ko sa coffee shop ay magkakaroon ng eksena na ikakahiya ko. Kanina pa puno ang shop; maraming customers ang nagpapalipas ng oras habang ini-enjoy ang mga drinks at pastries namin. Tahimik ang paligid, hanggang sa biglang bumukas nang malakas ang pinto at bumungad ang galit na galit na mama ni Braxton.Unang tingin ko pa lang sa mukha at tingin niya, alam kong gulo ito. Siya pa naman ‘yung taong parang walang pinag-aralan.“Keilani! Ano bang ginawa mo kay Beatrice?!” Malakas ang boses niya, rinig hanggang sa dulo ng shop kaya nahiya talaga agad ako.Napatingin ang lahat ng customers. Ang ilan, halatang naguguluhan; ang iba naman ay nagbubulungan na. Napansin kong pati ang mga staff ko ay nagkatinginan. Kinailangan kong kumalma kahit ramdam ko ang init ng dugo ko.Lumapit ako sa kaniya habang pilit ang mga ngiti ko. “Ma, puwede po ba tayong mag-usap sa office?”Padabog siyang sumama sa akin, tapos tinitignan pa niya ang mga cus
Keilani’s POVNakangiti ako habang inaabot kay Braxton ang tasa ng kape. “Here you go, love. I made it just the way you like it,” sabi ko habang kunwaring sweet at maasikaso. Mag-uumpisa na ang pag-arte ko.“Thanks, Keilani,” sagot niya habang paniwalang-paniwala na okay na kami ulit.Walang alam si Braxton na bawat kilos ko ngayon ay parte ng plano ko. Kung dati, iniisip kong hiwalayan siya at tuluyan nang iwan ang buhay na ito, ngayon ay ibang-iba na ang layunin ko. Hindi ko hahayaan na matupad ang kagustuhan ng mama niya at ni Beatrice. Kung gusto nila akong mawala sa buhay ni Braxton, lalaban ako. Maninikis ako. At higit sa lahat, sisiguraduhin kong hindi sila magiging masaya.Habang papasok si Braxton sa opisina niya, niligpit ko ang tasa ng kape niya. Pinunasan ko ang mesa habang may ngiti pa rin sa labi, pero sa loob-loob ko, iba ang nararamdaman ko. Wala na akong pagmamahal na nararamdaman para sa kaniya, pero hindi ko ipapakita iyon.Ang bawat halik, yakap at simpleng pag-aal
Keilani’s POVTahimik ang gabi habang naglalakad ako pauwi. Hawak ko ang shoulder bag ko, mahigpit na nakayakap sa katawan ko para siguruhing hindi ito maagaw kung sakaling may masamang loob na dumaan. Walang tricycle na dumadaan sa daan, at mukhang malas ang gabing ito dahil pati streetlights ay tila nagtipid ng liwanag. Ang tanging ilaw ko lang ay ang madilim na liwanag ng buwan na tumagos sa maulap na kalangitan.Ginabi ako sa meeting ng mga staff ko. Pagod na pagod na ako at ramdam ko na ang sakit sa mga paa ko dahil sa buong araw na pagtatrabaho sa coffee shop. Pinaandar ko sa isip ko ang plano ko para bukas. Marami pang kailangang ayusin, pero kahit gaano kahirap, walang makakapigil sa akin. Iyon ang akala ko.Habang palapit ako sa may paradahan ng tricycle, napansin ko ang isang grupo ng mga tao na nakatayo sa gilid ng kalsada. Ang una kong naisip ay baka mga tambay lang, pero nang lumapit pa ako nang kaunti, nakilala ko ang boses na tumawa nang malakas.Buwisit! Si Beatrice.K
Keilani's POV Masyado nang tumatagak, gusto ko nang makuha ang condo at kotse na hinihiling ko kay Sylas. Ngayon, nakipagkita na ako kay Sylas. Alam ko namang may kapalit ang gusto ko, pero handa ako. Wala namang libre sa mundo, at kung ito ang paraan para maabot ko ang mga plano ko, bakit hindi? Habang nag-aayos ako sa salamin, napangiti ako. Minsan, naiisip ko kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Dati, kontento na ako sa simpleng buhay, pero ngayon, handa akong gamitin ang lahat ng meron ako para sa ambisyon ko. Lalo na ngayong alam kong hawak ko si Sylas sa mga daliri ko. Pagdating ko sa lugar ng usapan namin, naroon na siya. Isang mamahaling coffee shop ang pinili niya, at hindi ko na ikinagulat iyon. Typical Sylas—sosyal, malakas ang dating at laging may estilo. Nakaupo siya sa isang table sa dulo, suot ang paborito niyang navy blue na polo shirt na tila nagpapatingkad pa sa mapupungay niyang mata. Paglapit ko, ngumiti siya, ang klase ng ngiti na alam mong maraming i
Keilani's POVPagmulat pa lang ng mata ko kinabukasan, ang condo na agad ang naisip ko. Hindi ko maitago ang excitement ko, kahit pa pilit kong sinasabi sa sarili kong huwag masyadong magpadala at baka tuluyan ko na talagang iwanan si Braxton dito sa bahay namin. Pero sino ba naman ang hindi mae-excite sa ganitong pagkakataon? Mamahaling condo, fully furnished, at bigay pa ng isang billionaire na tulad ni Sylas.Agad akong nagbihis at nag-ayos. Gusto kong makita iyon nang maaga para masigurong maayos ang lahat. Isa pa, gusto kong maglaan ng oras para mag-enjoy sa bagong espasyo ko. Malapit lang naman ang condo mula sa coffee shop ko, kalahating oras lang ang biyahe. Sakto, makakapag-relax ako bago bumalik sa usual na routine ko.Mabuti na lang at umalis na si Braxton para pumasok sa trabaho. Back to normal life kami, parang walang nangyari, pero iyon ang akala ni Braxton.Pagkaligo at paggayak ko, sa coffee shop muna aki tumuloy. Ginawa ko muna ang mga dapat gawin sa office para puwed
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d
Keilani POV“A-ano ‘yun?” tanong ko naman.“Nung bago lang kayong kasal ni Braxton, naalala ko, may nabuntis siyang isang babae,” pag-aamin niya na kinagulat ko.“Talaga?” hindi na ako nagalit, wala naman na sa akin si Braxton. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko pa.Nahiya siya pero umamin pa rin siya. “Hindi ko sinabi sa iyo kasi…kasi iyon ang ginamit kong panakot kay Braxton para mapapayag siyang may mangyari sa amin palagi sa kama,” sabi niya kaya napailing ako.“Gaga ka talaga, so, sino ang nabuntis niyang babae?” tanong ko kasi napapaisip ako kung sino ‘yon. “Pero, teka, nabuntis? Hoy, baog ‘di ba si Braxton?”Nagulat tuloy ako bigla. “Hindi siya baog, Keilani.”“Sure ka ba diyan, kasi simula’t sapul, alam kong baog talaga siya.”“Nagkaanak siya sa isang babae at pati na rin sa isang babae. Magaling siyang magtago ng sikreto, Keilani. At dahil kung bakit hindi rin kayo magkaanak, ito ay dahil hindi niya kayang suportahan kapag nabuntis ka pa niya. Kasi dala-dalawa na ang an
Keilani POVNang magdesisyon kami na Sylas ipasara ang hotel at maghain ng kaso dahil kumampi at kinunsinte nila ang kawalangyaan nila Davina at Braxton, nasilaw sila sa kakaunting halaga na binigay nito, hindi nila alam na makakapangyarihang tao ang kinakalaban ng dalawa. Sa totoo lang, chill lang ako, si Sylas lang ang talagang mainit na kapag ginawan mo ng mali o kasalanan, siya ang hindi titigil hangga’t hindi ka napupunta sa kulungan.Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, at ang mga balita mula sa mga kasong isinampa laban kay Braxton at Davina ay patuloy na dumarating. Wala na silang magawa. Ni hindi nila naisip na ang kanilang mga kasalanan ay isa-isang lilitaw at ang kanilang mga kasalanan ay magiging sanhi ng pagbuo ng mga kaso na hindi nila kayang tapusin.“Keilani, it’s all over for them,” sabi ni Sylas na seryosong nakatingin ang mga mata sa akin. Kapag alam ni Sylas na talong-talo na ang kalaban, masayang-masaya at makakapag-relax na siya. “Wala nang lu
Keilani POVPagbalik namin ni Sylas sa mansiyon matapos ang isang masarap na bakasyon sa Boracay, napabuntong-hininga ako kasi alam kong balik na sa trabaho.Pero sa isang banda, masarap ang naging bakasyon namin dahil sobrang daming ganap, ang saya ng mga tawanan at pagmamahalan bonding naming mag-asawa.Sakto naman na kakauwi lang namin ay may isang magandang balita kaming natanggap.Dalawa sa walong model na dapat sana’y kasali sa commercial ad ng Merritt Luxury Motor Company ang dumating sa bahay namin. Kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba at pati na rin ang galit, pero alam kong may mahalaga silang sasabihin kaya sila nagpunta rito.Tama ang hinala ko kasi may pinakita sila.Nang ipakita nila sa amin ang mga nakuha nilang CCTV footage mula sa hotel room na pinag-stay-an nila, agad kong naramdaman ang matinding galit. Tama ang hinala ko.Sa screen, malinaw ang mga istura ng dalawang taong isa-isang sumusundo sa mga models. Kahit may suot silang facemask, hindi maikakaila na sila