Verania's Point of View
Ang malalamig niyang titig ang agad na sumalubong sa akin at dahan-dahang gumuhit sa labi niya ang ngisi bago magsimulang magwika.
"Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ka pinatawag..." seryoso subalit mukhang nasisiyahan niyang batid.
"You were supposed to guard Mr. Ares Montero, the son of Mayor Stanley Montero pero dahil pabaya ka, mas inuna mo pa ang kagustuhan mo sa halip na gawin ang trabaho mo. Dahil wala ka sa ang saktong pagdating ng kalaban ay malaya silang nagawa ang nais nila," panimula niya.
"Maraming nakatataas ang bilib sa skills mo sa pakikipaglaban kaya nga pumayag sila na ikaw ang ilagay diyan ni Victorino subalit, hindi ko maintindihan Portier, bakit ka nga ba umalis? Hmm..."
Yumuko ako para itago ang reaksyon ng mukha ko. Hindi nalang kasi mag-straight to the point.
"Alam mo bang halos wasakin ng kalaban ang bahay ng Montero, mabuti at nakatawag ang isa niyo p
Verania's Point of ViewHapon na nang ako ay magising, umuwi ako sa bahay namin para doon makatulog at makapagpahinga.Kasalukuyan kasing isinasaayos ang bahay nina Ares dahil may mga gamit na nasira, hindi ko na rin muna binalak sa kanila tumuloy dahil panigurado sermon ang aabutin ko.Pagkalabas ko sa aking kwarto ay tapos na akong maligo kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain."Ate Linda, nasa trabaho po ba sina Papa?" tanong ko sa isang kasambahay na nadatnan ko sa kusina."Oo, Vera. Nagulat nga sila nang nalaman na umuwi ka.""Ah, ganoon po ba? Sige po, pagkakain ko aalis na rin ako, kayo na lamang po muna ang bahalang magsabi sa kanila na umalis ako
Verania’s Point of View Bibilisan ko na sana ang aking paglalakad nang matigilan ako dahil natagpuan ng mga mata ko si Ares, may bitbit siyang basket sa isa niyang kamay na mukhang prutas ang laman.Narito na naman siya sa ospital! Ano ang ginagawa niya rito?Halos sumabog ang dibdin ko sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Kanina gusto ko siyang makausap, ngayong nasa harapan ko na siya parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung bakit umaarte akong ganito na dapat ay hindi naman.Napakurap ako nang matagpuan sa tabi niya si Clara. So, magkasama pala sila...Teka, silang dalawa lang ba ang nagpunta rito? Wala ba silang bodyguard o bantay man lang? Papaano kung mapahamak muli itong si Ares?Kaya naman sa halip
Verania's Point of View"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko nang makarating kami sa tabi ng pool nila."Maupo ka muna," kalmadong pahayag niya sabay turo sa silya sa harapan niya. Hindi na ako nagreklamo at naupo na nga roon."Manang!" nakangiting tawag niya sa isang kasambahay na napadaan sa tabi ng pool."Hija, ano 'yon?""Pakuha po kami ng maiinom na juice, salamat.""Sige hija, ihatid ko nalang."Nang makaalis nga si Manang, ay muli na akong hinarap ni Olivia."Kaninang madaling araw, nalaman ko na umalis ka rito kaya nagkaroon ng pag-atake sa bahay,
Verania’s Point of View"Yes, maaaring sa feelings niya ngayon, kapag ikaw ang nakapiling niya sasaya siya, but knowing how you feel ang kasiyahang madarama niya ay hindi magiging sapat."Bakit ba ganito na lang kasakit sa akin ang mga salita niya? Why do I feel like this?Sinasabi kong hindi ko mahal si Ares, but why am I like this?"Can I ask you something?"I grabbed the opportunity to ask when I felt the calmness in the atmosphere."Go on," malamig na tugon niya at tila walamg pakialam kung gaano kabasa ang pagmumukha ko sa aking luha."May I know why do you hate me so much?" I gathered all my
Verania's Point of ViewSaktong pagpasok ko sa pintuan ng pamamahay namin ay bumungad sa akin si Mama. Nakaupo siya sa sofa at may suot na salamin at ang mata niya ay diretsong-diretso sa librong hawak-hawak.Subalit nang maramdaman niya yata ang presensiya ko ay sinara niya ng kusa ang kanyang libro at dahan-dahang ibinaling ang paningin sa akin, habang tinatanggal ang kanyang suot na eyeglasses.Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi saka umiwas na ng tingin. Balak ko na sanang dumiretso sa kwarto ko pero mabilis akong natunton ng mga paa ni Mama at napigilan akong dumiretso sa aking patutunguhan."Anong nangyari diyan sa mga mata mo? Magang-maga ah? Huwag na huwag kang magdadahilan sa akin na napuwing ka lang eh pati eyebags mo nakalobo," dire-diretsong pah
Verania’s Point of View "Doon tayo sa kabilang table sa terrace," malumanay na wika ni Tita Charlotte nang bahagyang makalapit siya sa akin kaya tila di-remote na robot akong sumunod sa nais niya. Nang maupo ako ay mariin akong napapikit nang sumakto pa ako sa pwesto kung saan tanaw na tanaw ko kung paano pumulupot ang braso ni Bernice kay Ares. Bakit ko pa ba ito pinlano ngayon? Pwede ko naman itong i-move hindi ba? Bakit ba ang araw na ito ang pinili ko? Kainis, hindi ako nasisiyahan sa nangyayari ngayon sa paligid ko, pakiramdam ko ang sikip ng paligid kahit hindi naman. "How was your suspension?" halos mapatalon ako nang marinig ko ang malumanay na boses ni Tita Charlotte. Hindi ko inaasahan na sa gano
Verania's Point of ViewLumipas ang araw na nanatili pa rin ako sa pamamahay nina Ares.Maaga ako muling bumangon at binalak kong ipaghanda ng makakain si Ares. Syempre pinili ko yung mga piniprito lang, hindi naman kasi ako expert sa kusina.Siya lang ang ipinagluto ko, dahil gaya noon maaga rin na nagsipasok sa trabaho sina Tita Charlotte at Tito Stan. Si Olivia naman ay madalas late gumising, lalo pa at late na siya nakauwi kagabi.Ala-syete pa lamang kaya ang pagkain na lamang ni Ares ang pinagkaabalahan ko.Nang maihain ko sa dining table ang lahat ng nailuto ko ay nag-abang ako kay Ares.Tahimik akong naupo habang umiinom ng aking kape. I was planning to
Verania’s Point of View "Pero, ikaw kasi ang magdedesisyon sa buhay mo its either walang kang kahihinatnan o makukukuha mo siya. Ganito lang kasi 'yan eh, wala namang mawawala sa 'yo kung sasabihin mo. Minsan kailangan mo talagang sumugal kasi, baka paglipas ng panahon magkaroon ka ng regrets. Kasi minsan akala natin hindi natin deserve pero nakalaan pala talaga para sa 'tin, tanggalin yung self-doubt gano'n. Tsaka kasi, it's just between ite-take mo ang risk o malu-lose mo yung chance. At least nasabi mo sa kanya," panibagong litanya niya kaya napapakagat ang labi kong napatango."Tsaka, binibigyan naman tayo ng choice minsan unfair lang talaga pero ganoon talaga eh, unfair ang mundo, so why not risk for your own happiness hindi ba? Kung hindi man maging maganda kahahantungan at least sumaya ka. But still, kung buhay na talaga niya ang mapapahamak kapag kayo ang magkasama..." napatigil siya at
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para
Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay
Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a
Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."