Verania's Point of View
Hapon na nang ako ay magising, umuwi ako sa bahay namin para doon makatulog at makapagpahinga.
Kasalukuyan kasing isinasaayos ang bahay nina Ares dahil may mga gamit na nasira, hindi ko na rin muna binalak sa kanila tumuloy dahil panigurado sermon ang aabutin ko.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay tapos na akong maligo kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain.
"Ate Linda, nasa trabaho po ba sina Papa?" tanong ko sa isang kasambahay na nadatnan ko sa kusina.
"Oo, Vera. Nagulat nga sila nang nalaman na umuwi ka."
"Ah, ganoon po ba? Sige po, pagkakain ko aalis na rin ako, kayo na lamang po muna ang bahalang magsabi sa kanila na umalis ako
Verania’s Point of View Bibilisan ko na sana ang aking paglalakad nang matigilan ako dahil natagpuan ng mga mata ko si Ares, may bitbit siyang basket sa isa niyang kamay na mukhang prutas ang laman.Narito na naman siya sa ospital! Ano ang ginagawa niya rito?Halos sumabog ang dibdin ko sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Kanina gusto ko siyang makausap, ngayong nasa harapan ko na siya parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung bakit umaarte akong ganito na dapat ay hindi naman.Napakurap ako nang matagpuan sa tabi niya si Clara. So, magkasama pala sila...Teka, silang dalawa lang ba ang nagpunta rito? Wala ba silang bodyguard o bantay man lang? Papaano kung mapahamak muli itong si Ares?Kaya naman sa halip
Verania's Point of View"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko nang makarating kami sa tabi ng pool nila."Maupo ka muna," kalmadong pahayag niya sabay turo sa silya sa harapan niya. Hindi na ako nagreklamo at naupo na nga roon."Manang!" nakangiting tawag niya sa isang kasambahay na napadaan sa tabi ng pool."Hija, ano 'yon?""Pakuha po kami ng maiinom na juice, salamat.""Sige hija, ihatid ko nalang."Nang makaalis nga si Manang, ay muli na akong hinarap ni Olivia."Kaninang madaling araw, nalaman ko na umalis ka rito kaya nagkaroon ng pag-atake sa bahay,
Verania’s Point of View"Yes, maaaring sa feelings niya ngayon, kapag ikaw ang nakapiling niya sasaya siya, but knowing how you feel ang kasiyahang madarama niya ay hindi magiging sapat."Bakit ba ganito na lang kasakit sa akin ang mga salita niya? Why do I feel like this?Sinasabi kong hindi ko mahal si Ares, but why am I like this?"Can I ask you something?"I grabbed the opportunity to ask when I felt the calmness in the atmosphere."Go on," malamig na tugon niya at tila walamg pakialam kung gaano kabasa ang pagmumukha ko sa aking luha."May I know why do you hate me so much?" I gathered all my
Verania's Point of ViewSaktong pagpasok ko sa pintuan ng pamamahay namin ay bumungad sa akin si Mama. Nakaupo siya sa sofa at may suot na salamin at ang mata niya ay diretsong-diretso sa librong hawak-hawak.Subalit nang maramdaman niya yata ang presensiya ko ay sinara niya ng kusa ang kanyang libro at dahan-dahang ibinaling ang paningin sa akin, habang tinatanggal ang kanyang suot na eyeglasses.Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi saka umiwas na ng tingin. Balak ko na sanang dumiretso sa kwarto ko pero mabilis akong natunton ng mga paa ni Mama at napigilan akong dumiretso sa aking patutunguhan."Anong nangyari diyan sa mga mata mo? Magang-maga ah? Huwag na huwag kang magdadahilan sa akin na napuwing ka lang eh pati eyebags mo nakalobo," dire-diretsong pah
Verania’s Point of View "Doon tayo sa kabilang table sa terrace," malumanay na wika ni Tita Charlotte nang bahagyang makalapit siya sa akin kaya tila di-remote na robot akong sumunod sa nais niya. Nang maupo ako ay mariin akong napapikit nang sumakto pa ako sa pwesto kung saan tanaw na tanaw ko kung paano pumulupot ang braso ni Bernice kay Ares. Bakit ko pa ba ito pinlano ngayon? Pwede ko naman itong i-move hindi ba? Bakit ba ang araw na ito ang pinili ko? Kainis, hindi ako nasisiyahan sa nangyayari ngayon sa paligid ko, pakiramdam ko ang sikip ng paligid kahit hindi naman. "How was your suspension?" halos mapatalon ako nang marinig ko ang malumanay na boses ni Tita Charlotte. Hindi ko inaasahan na sa gano
Verania's Point of ViewLumipas ang araw na nanatili pa rin ako sa pamamahay nina Ares.Maaga ako muling bumangon at binalak kong ipaghanda ng makakain si Ares. Syempre pinili ko yung mga piniprito lang, hindi naman kasi ako expert sa kusina.Siya lang ang ipinagluto ko, dahil gaya noon maaga rin na nagsipasok sa trabaho sina Tita Charlotte at Tito Stan. Si Olivia naman ay madalas late gumising, lalo pa at late na siya nakauwi kagabi.Ala-syete pa lamang kaya ang pagkain na lamang ni Ares ang pinagkaabalahan ko.Nang maihain ko sa dining table ang lahat ng nailuto ko ay nag-abang ako kay Ares.Tahimik akong naupo habang umiinom ng aking kape. I was planning to
Verania’s Point of View "Pero, ikaw kasi ang magdedesisyon sa buhay mo its either walang kang kahihinatnan o makukukuha mo siya. Ganito lang kasi 'yan eh, wala namang mawawala sa 'yo kung sasabihin mo. Minsan kailangan mo talagang sumugal kasi, baka paglipas ng panahon magkaroon ka ng regrets. Kasi minsan akala natin hindi natin deserve pero nakalaan pala talaga para sa 'tin, tanggalin yung self-doubt gano'n. Tsaka kasi, it's just between ite-take mo ang risk o malu-lose mo yung chance. At least nasabi mo sa kanya," panibagong litanya niya kaya napapakagat ang labi kong napatango."Tsaka, binibigyan naman tayo ng choice minsan unfair lang talaga pero ganoon talaga eh, unfair ang mundo, so why not risk for your own happiness hindi ba? Kung hindi man maging maganda kahahantungan at least sumaya ka. But still, kung buhay na talaga niya ang mapapahamak kapag kayo ang magkasama..." napatigil siya at
Verania's Point of ViewHindi ko nagawang ihiwalay ang mga mata ko sa matatalim na tingin ni Olivia sa akin. Malamang, nakita niya kami sa posisyon na hindi niya nais kaya ganyan na naman siya makatitig."Ano ang sadya mo 'Liv?" agad na wika ni Ares sa kanya nang makahakbang aiya papalapit kay Olivia.Pinutol niya ang palitan namin ng tingin at bumaling na siya kay Ares na ngayon ay malapit na sa kanya."Tumawag si Mommy," sumulyap sa phone niya si Olivia at iniharap kay Ares ang history yata ng phone call.Taray, may proof pa talaga."And she told me, that we are not staying here tonight and perhaps tomorrow too," dagdag niya sabay bulsa sa phone niya at pina