"Yes, maaaring sa feelings niya ngayon, kapag ikaw ang nakapiling niya sasaya siya, but knowing how you feel ang kasiyahang madarama niya ay hindi magiging sapat."
Bakit ba ganito na lang kasakit sa akin ang mga salita niya? Why do I feel like this?
Sinasabi kong hindi ko mahal si Ares, but why am I like this?
"Can I ask you something?"
I grabbed the opportunity to ask when I felt the calmness in the atmosphere.
"Go on," malamig na tugon niya at tila walamg pakialam kung gaano kabasa ang pagmumukha ko sa aking luha.
"May I know why do you hate me so much?" I gathered all my
Verania's Point of ViewSaktong pagpasok ko sa pintuan ng pamamahay namin ay bumungad sa akin si Mama. Nakaupo siya sa sofa at may suot na salamin at ang mata niya ay diretsong-diretso sa librong hawak-hawak.Subalit nang maramdaman niya yata ang presensiya ko ay sinara niya ng kusa ang kanyang libro at dahan-dahang ibinaling ang paningin sa akin, habang tinatanggal ang kanyang suot na eyeglasses.Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi saka umiwas na ng tingin. Balak ko na sanang dumiretso sa kwarto ko pero mabilis akong natunton ng mga paa ni Mama at napigilan akong dumiretso sa aking patutunguhan."Anong nangyari diyan sa mga mata mo? Magang-maga ah? Huwag na huwag kang magdadahilan sa akin na napuwing ka lang eh pati eyebags mo nakalobo," dire-diretsong pah
Verania’s Point of View "Doon tayo sa kabilang table sa terrace," malumanay na wika ni Tita Charlotte nang bahagyang makalapit siya sa akin kaya tila di-remote na robot akong sumunod sa nais niya. Nang maupo ako ay mariin akong napapikit nang sumakto pa ako sa pwesto kung saan tanaw na tanaw ko kung paano pumulupot ang braso ni Bernice kay Ares. Bakit ko pa ba ito pinlano ngayon? Pwede ko naman itong i-move hindi ba? Bakit ba ang araw na ito ang pinili ko? Kainis, hindi ako nasisiyahan sa nangyayari ngayon sa paligid ko, pakiramdam ko ang sikip ng paligid kahit hindi naman. "How was your suspension?" halos mapatalon ako nang marinig ko ang malumanay na boses ni Tita Charlotte. Hindi ko inaasahan na sa gano
Verania's Point of ViewLumipas ang araw na nanatili pa rin ako sa pamamahay nina Ares.Maaga ako muling bumangon at binalak kong ipaghanda ng makakain si Ares. Syempre pinili ko yung mga piniprito lang, hindi naman kasi ako expert sa kusina.Siya lang ang ipinagluto ko, dahil gaya noon maaga rin na nagsipasok sa trabaho sina Tita Charlotte at Tito Stan. Si Olivia naman ay madalas late gumising, lalo pa at late na siya nakauwi kagabi.Ala-syete pa lamang kaya ang pagkain na lamang ni Ares ang pinagkaabalahan ko.Nang maihain ko sa dining table ang lahat ng nailuto ko ay nag-abang ako kay Ares.Tahimik akong naupo habang umiinom ng aking kape. I was planning to
Verania’s Point of View "Pero, ikaw kasi ang magdedesisyon sa buhay mo its either walang kang kahihinatnan o makukukuha mo siya. Ganito lang kasi 'yan eh, wala namang mawawala sa 'yo kung sasabihin mo. Minsan kailangan mo talagang sumugal kasi, baka paglipas ng panahon magkaroon ka ng regrets. Kasi minsan akala natin hindi natin deserve pero nakalaan pala talaga para sa 'tin, tanggalin yung self-doubt gano'n. Tsaka kasi, it's just between ite-take mo ang risk o malu-lose mo yung chance. At least nasabi mo sa kanya," panibagong litanya niya kaya napapakagat ang labi kong napatango."Tsaka, binibigyan naman tayo ng choice minsan unfair lang talaga pero ganoon talaga eh, unfair ang mundo, so why not risk for your own happiness hindi ba? Kung hindi man maging maganda kahahantungan at least sumaya ka. But still, kung buhay na talaga niya ang mapapahamak kapag kayo ang magkasama..." napatigil siya at
Verania's Point of ViewHindi ko nagawang ihiwalay ang mga mata ko sa matatalim na tingin ni Olivia sa akin. Malamang, nakita niya kami sa posisyon na hindi niya nais kaya ganyan na naman siya makatitig."Ano ang sadya mo 'Liv?" agad na wika ni Ares sa kanya nang makahakbang aiya papalapit kay Olivia.Pinutol niya ang palitan namin ng tingin at bumaling na siya kay Ares na ngayon ay malapit na sa kanya."Tumawag si Mommy," sumulyap sa phone niya si Olivia at iniharap kay Ares ang history yata ng phone call.Taray, may proof pa talaga."And she told me, that we are not staying here tonight and perhaps tomorrow too," dagdag niya sabay bulsa sa phone niya at pina
Verania’s Point of View"I have fallen in love for someone who loves me too. I want to tell him how I love him, I want to let him know but I can't. Kasi sa oras na ihayag ko na sa kanya ang nararamdaman ko, maaari siyang malagay sa panganib. My life is full of danger and I don't want to drag him in. So I am thinking, should I just wait for the right time to reveal everything itself or should I be risky?"Ilang beses akong lumunok matapos kong sabihin iyon sa kanya. Natahimik siya na tila nag-iisip ng isasagot kaya naman, I waited patiently for her answer."I am too young and I do not know if my answer would be able to help you," wika niya at humingang malalim."I don't mind, I just want to hear your side."
Verania's Point of ViewParang dumoble ang paghakbang ko nang utusan ako ni Tita Charlotte na sundan kung saan pumunta si Ares.Hindi naman kasi pwedeng mag-isa lang siyang aalis kahit nasa loob ng bakuran eh.Naabutan ng paningin kong pumasok siya sa loob ng mansyon nina Mr. Thaddeus Montero, ang Lolo nila, kaya naman ganoon din ang ginawa ko, pumasok na rin ako sa loob.Dumire-diretso lang siya hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto. Humakbang ako papalapit doon at nang makita ko ang kabuuan ng kwarto ay namangha agad ako.Library ang lugar na 'yon at nakararamdam ako ng 18th century feels dahil sa pagkakadisenyo. Hindi ako mahilig sa libro pero napakasarap pagmasdan ng lugar.
Verania’s Point of View Dama ko na rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Mabilis akong humakbang patungo kay Tita Charlotte para makapag-paalam paalis. Hindi ko na pinansin ang mga mata na napunta sa akin, I need to go home gaya ng text. Kinakabahan ako sa kung ano man ang urgent na 'yon. Hindi naman basta-basta nagte-text si Mama kung hindi importante lalo pa at alam niya kung nasaan ako, hindi siya basta-basta magme-message kung wala lang ang sasabihin niya. "Tita Charlotte, Tito Stan, pasensya na po sa abala, pero aalis muna po ako," pabulong na pagpapaalam ko nang makarating ako sa mismong tabi nila. "Sige hija, ingat!" masiglang tugon ni Tita Charlotte at tumango naman sa akin si Tito Stan kaya nagmamadali na akong tumakbo papunta sa pinagparadahan