Chapter 6
Confess
Naaalimpungatan ako sa mainit na hininga na tumatama sa aking mukha at mabigat na bagay na nakadagan sa hita at baywang ko. Unti-unti akong dumilat para lang magulat sa nabungaran ko.Biglang bumuhos ang matinding kaba sa buong pagkatao ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig na ikinagising bigla ng diwa ko.W-what happened? W-where am I? At bakit, hubo’t hubad ako? My God! Who is this man beside me?Nang mag-sink in sa akin ang mga pangyayari kagabi ay bigla akong napasinghap at mariing napapikit. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tanging tumatabing sa aking kahubdan at ng katabi ko.Oh,my gosh! Oh,my gosh! Pinagmasdan ko ang lalaki na mahimbing pa ring natutulog. What have I done last night? Ang naalala ko lang ay ‘yong… ‘yong pangyayaring nilapitan niya ako at nagpakilala siya.We then talked. I enjoyed his company, we enjoyed laughing together. Pero ito… Bakit nangyari ito? Inalala kong mabuti ang lahat.
He kissed me. We danced. I got more tipsy, ‘tapos… Niyaya niya ako dito. And damn! Sumama ako with the spirit of liquor inside my senses. How could I do this to myself? Why did I agree? Wala akong ipinagkaiba sa ipinaliwanag sa akin ni Kathy. Nakalimot at hindi sinasadya! Damn it!I felt so sore between my thighs. Napapangiwi ako sa matinding pagkirot niyon. Pinukol ko ng masamang tingin ang katabi. Gustong-gusto ko na talaga siyang pagsasampalin at kalmutin sa buong mukha dahil sa ginawang pananamantala sa kalasingan ko.Lee, that was his name. Other than that ay wala na akong matandaan. Ni hindi ko man lang alam ang kanyang apelyido. Napakagat-labi ako nang mariin. What now? Naguguluhan pa rin ako sa kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. I felt so weak and hopeless.Kailangan ko nang mag-isip bago pa man siya magising. Kailangan ko na ring kumilos at makaalis agad sa lugar na ito. What happened last night should stay last night.Ingat na ingat akong kumilos para makawala sa mahigpit niyang yakap at maalis ang kanyang binti sa akin. Pagkatapos ay maingat akong bumangon. Ah… Napangiwi uli ako sa pagguhit ng kirot.Pinulot ko agad ang lahat ng saplot ko at nagmamadaling nagbihis. I didn’t want him to get a glimpse of my face while I was still at his place dahil wala akong mukhang maihaharap sa nangyari sa aming dalawa. Ang nangyari ay dapat kalimutan na lang, I didn’t know who he was. Isa siyang estranghero and worst, baka pamilyado pa siyang tao!Charmane! What have you done with your life? Dahil sa gusto mo lang makalimot, hinayaan mong ganito ang mangyari sa sarili mo? Damn those bullshit thoughts. Hindi nakakatulong, mas nagpapalala lang sa problema ko.Nang tuluyang makapagbihis ay sumulyap muna ako sa estrangherong lalaki.I hope you’ll forget what happened last night. Tulad ko, isipin mo na lang na isang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa atin. A dream that didn’t happen in real life.Naramdaman kong muli ang pagkirot ng sentro sa ibabang bahagi ng aking katawan. Tiniis ko iyon kahit paika-ika ako sa paglalakad para lang makaalis na ng lugar na iyon kung saan ako binalot ng masamang panaginip.Sinulyapan kong muli ang lalaki sa huling pagkakataon. Good-bye, stranger.Nasa loob ako ng taxi, tulala, naglalakbay ang diwa sa lahat ng nangyari sa akin mula kina Andrei at Kathy. Masakit mang isipin pero sila ang puno’t dulo ng pagkakaganito ko.One-night stand! I let that man took the most important thing for me. Nang dahil sa kanila, nagawa kong magpakalimot at ibigay ang sarili ko. I hate them! I really hate them!Nakaramdam ako ng habag para sa sarili ko. I wanted to cry but the driver looked at me from his rearview mirror.“Ma’am, nandito na ho tayo,” untag niya sa akin.Tumango ako. Pagkaabot ng bayad ay agad akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa gate ng bahay namin. Dumeretso agad ako sa kuwarto ko.Nakakalungkot isipin na wala akong mapagsasabihan ng problema ko. Wala akong pamilya na nasa tabi ko para pagbuhusan ng sama ng loob. Even my big sister who was always by my side to support me and cheer me up. I don’t know kung paano ko ito sasabihin sa pamilya ko.Oh, God, please help me…My family was currently living in California, USA. Ako na lang ang naiwang nakatira sa malungkot na bahay na ito. Nag-migrate sila four years ago mula nang makapag-asawa doon si Ate ng Fil-Am. Nakilala ni Ate sa US ang kanyang napangasawa. Six years ago, nabigyan siya ng mga magulang ko ng isang ticket trip to US. Regalo iyon dahil nakapagtapos siya ng kursong Business Administration at summa cum laude pa.We belonged to a middle-class family. May negosyong napaunlad ang mga magulang namin na siyang tumutustos sa aming pamumuhay. Masuwerte rin ang ate ko dahil nakapag-asawa siya ng mayamang Fil-Am. Isa ang pamilya ng asawa ni Ate sa mga nangungunang may maunlad na negosyo sa California. Mabait naman ang pamilya ng lalaki kaya walang problema sa pagmamahalan nila.Kuya Billy James Anderson offered a business to Mom and Dad. No’ng una ay nag-aalangan silang tanggapin iyon dahil na rin sa maliit na negosyo namin dito sa Pilipinas. But my ate forced them. Hindi yata siya mabubuhay nang wala ang mga magulang namin sa tabi niya. She was a spoiled brat compared to me because I was independent.Ibinenta ng mga magulang namin ang aming kabuhayan dahil ayoko namang pamahalaan iyon. Isa pa, nag-aaral pa ako at walang kaide-ideya na pamahalaan iyon. Ayaw sana nila akong iwan mag-isa, but I forced them dahil matagal na rin nilang gusto na makapunta sa bansang iyon.They didn’t push me to go with them. But we had a deal na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, I would follow them there at doon na manirahan at magtrabaho. I just agreed with them para matapos na ang lahat.
Ang bahay na tinitirahan ko ay iyong bahay na naipundar ni Daddy para sa aming apat. Medyo malaki iyon at maluwang ang bakuran. Hindi pa nga pumayag ang mga ito noon na mag-isa lang akong tumira dito. Kaya ang loyal naming kasambahay na si Nanay Martha ang kasa-kasama ko palagi. Mabait at naturingan ko na ngang pangalawang ina.
Nang maka-graduate ay umuwi ang mga magulang ko para dumalo sa graduation ko. Sumama rin sina Ate, Kuya Billy, at ang cute kong pamangkin na lalaki na magdadalawang taon pa lang noong mga panahong iyon. That time, minadali nila ang lahat ng mga papers ko para makasama na ako pagbalik nila sa Amerika. I refused, lalo pa at kami na ni Andrei noong mga panahong iyon. My plans suddenly changed dahil kay Andrei. Mas pinili kong manirahan pa rin dito sa Pilipinas at magtrabaho sa isang magandang kompanya.Noong una ay sobrang tutol ang mga magulang ko, lalo na si Ate. But I did my best to convince them, sa tulong din ni Kuya Billy. He helped me convince my family hanggang sa wala na silang nagawa sa desisyon ko.Nagising lang ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok. Pumasok si Nanay Martha at naupo sa tabi ng kama.“Anak…”Nag-angat ako ng mukha. Dahil siguro sa sobrang emosyon ko ay hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo. I just wanted to let go of all the pain I could feel inside my heart. I needed a companion at si Nanay Martha ang nasa tabi ko. Bigla siyang nabahala at agad akong inalo.“Anak, ano’ng nangyayari sa ‘yo?” worried niyang tanong. “Charmane?”“Nanay Martha…” sambit ko habang umiiyak. Lahat ng problema at hinanakit ay sinabi ko sa kanya. Lalo na ang nasayang naming relasyon ni Andrei. Alam kong kahit hindi siya boto ky Andrei ay nahabag pa rin siya sa akin.Lalo siyang nalungkot nang malamang si Kathy ang dahilan ng lahat. She treated Kathy the way she treated me. Lagi pa nga niya kaming pinapangaralan na kahit ano pa man o sino pa mang dahilan ng aming pagtatampuhan ay dapat agad naming ayusin, dahil sa pagkakaibigan ay susukatin kayo ng panahon. Tulad din ng isang relasyon. Binabagyo rin ng problema.I always remembered all her advice. Sa pag-ibig, marami kang pagpipilian, pero ang kaibigan, iisa lang ‘yan at hindi ka iiwang luhaan.“Akala ko po ba hindi mang-iiwan ang isang kaibigan at hindi iiwanang luhaan, ‘Nay? Ang sakit po, Nanay Martha.”“Sige, iiyak mo muna iyan, anak, nandito lang naman ako lagi at handang dumamay sa iyo,” sabi niya na bahagyang hinagod ang likod ko.Nang humupa na ako sa pag-iyak ay ipinagpatuloy ko ang pagkukuwento mula kagabi na pumasok ako sa isang bar para uminom at makalimot. I even confessed all my crazy moves, pati na ang nangyari sa akin at sa isang estranghero. Wala akong itinago, lahat isiniwalat ko habang umiiyak.Naramdaman kong nabigla si Nanay Martha at hindi agad nakapag-react.“Nay, please huwag n’yo po akong isumbong kina Mama at Papa. Ayoko hong malaman nila ang kahihiyang ginawa ko. Please, ‘Nay, pinagkatiwalaan nila akong mag-isa rito dahil kaya ko at may tiwala sila sa akin. Please, ayaw ko pong malaman nila ito,” mahigpit na pakiusap ko. “Nay, please… Tao lang ho ako na nagkakamali.”Nakiiyak na rin siya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Alam kong nababahala rin siya sa pagkakamaling nagawa ko.“Malalagot talaga ako nito sa mga magulang mong bata ka. Pero wala akong magagawa, nangyari na ang lahat at desisyon mo iyan. Sige, pagbibigyan kita—tumahan ka na at baka ikaw ay sumpungin pa ng hika mo,” pag-aalala niya kaya pinilit ko na ring tumahan. “Ang batang ito talaga.” Napailing na lang siya.
“Nay…” Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. I missed my mother so much. Gusto ko rin siyang mayakap nang ganito kahigpit.“Paano kung magbunga ang nangyaring iyon, hija?” Nagdalawang-isip pa siya sa pagtatanong niyon.My heart pounded so fast. Paano nga kaya kung magbunga? God, no. “H-huwag naman ho sana, ‘Nay. Hindi pa ho ako handa,” may takot na sagot ko. I remembered what happened to me and to the stranger. He did not use any protection.Paano kung magbunga nga ang nangyari?Oh, dear Lord, please don’t let it happen, please. Please… I’m only twenty-two, too young for it at wala rin akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko. Hindi ko kayang harapin ang galit nila. I don’t want to disappoint them. Please, sana hindi mangyari ang kinatatakutan ko…Chapter 7Three years laterThree years, ganoon kabilis ang panahong dumaan sa buhay ko. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang marami na palang nagbago. Pati ang buhay na nakasanayan ko ay ibang-iba na kaysa sa dati.Patungo ako sa sala. Napangiti ako nang makarinig ng maliit at matinis na halakhak. I smiled when I saw Sam with Nanay Martha and Bea. They were laughing.“Mommy, Mommy…” Sumalubong sa akin ang maliit niyang katawan. He embraced my leg with his tiny arms.Agad namang kinuha ni ‘Nay Martha ang dala-dala kong tray na puno ng pagkain. Binuhat at pinupog ko ng halik ang buong mukha ng anak ko. He giggled at para iyong musika sa pandinig ko.“Asus, over naman ang mag-inang ito, parang hindi araw-araw magkasama sa bahay,” react agad si Bea.“Naiingg
Chapter 8SecretNang mapagod ang anak ko kakalaro ay nagtungo naman kami sa isang seafood restaurant na madalas pag-dalhan sa akin ni Bea mapanoon man hanggang ngayon.Bea ordered a lot of foods, like finger seafoods platter. Dish iyon na pinaghalo-halo sa isang platter like fried tilapia of catfish fillet, shrimp, blue crab cake, stuffed shrimp, stuffed crab with French fries. Gustong-gusto ni Sam iyon, akala pa nga niya ay puro mga fried chicken lang lahat iyon, He loved crunchy foods. Mahilig kasi itong pumapak ng ulam.Bea also ordered our favorite dish, the grilled rock lobster with mashed red potatoes and broccoli on it. And of course, the langoustine and salmon ravioli. Um-order pa si Bea ng dessert trio—sweet potato pecan pie, turtle fudge brownie, at key lime pie na may toppings pa na vanilla ice cream.Iba na talaga kapag sobra ang kinikita dahil nakaka-afford ng gano’n kamahal at karaming lunch para sa amin. Hi
Chapter 9FreezePagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. K
I was the new owner of Mr. Cheng’s company. I was here to introduce myself as the new owner. Mr. Cheng and I planned this formal introduction before his flight next week. Mas napaaga nga lang ang pagbisita ko sa kompanya because I insisted it.Actually, my real agenda was to visit and be familiarize with the whole area. But then my plan suddenly changed last night.The company was now under my name kaya puwedeng ako na ang masunod. Ako na ang batas. Kaya kagabi, tinawagan ko si Mr. Cheng to move my introduction today. Agad namang pumayag si Mr. Cheng sa gusto ko. He was one of our family friends kaya pumayag siya agad sa gusto kong mangyari.I scanned all the employees working in this company. But there’s only one person who I wanted to see, pero hindi ko siya mahanap. I knew it was impossible because there were four to six hundred employees here kaya siguradong malabo kong makita ang taong iyon.Matagal ang proseso
I don’t have a choice but to obey him. Kasalanan ko rin naman. But what he did to me was not right. Napaka-unprofessional niyang tao. Ngayon pa lang, nawawalan na ako ng ganang magtrabaho under his new management.Sana kasi sinabing “urgent,” para naman hindi na ako nag-CR!Nagmamaktol pa rin ako at naiinis sa sarili, pero mas naiinis ako sa pagpapahiya niya sa akin sa harap ng maraming empleyado.Walang awa, bastos, walang modo ang lalaking iyon. I didn’t care kung siya pa ang may-ari! Basta galit at naiinis ako sa kanya. Wala siyang karapatang ipahiya ako. I kept on apologizing at inaamin ko naman ang mali ko, pero ano? Instead na pakinggan ako, ipinahiya lang ako ng walanghiya sa harap ng mga tao. Ang yabang talaga!Bakit ba kasi sa lahat ng puwedeng makabili nitong kompanya ni Mr. Cheng, eh, siya pa? Ugh! I just hoped that he didn’t recognize me.I was back with two glasses
[Brad POV]Mr. Cheng really had a good taste on how to decorate his office. Ito kasi dapat ang una sa lahat ng lugar sa buong kompanya na maayos. The office was my second home, so I had to feel comfortable while doing paperwork.The office had a combination of dark gray and white interior design. All the small and big things were arranged properly in each area.Meron pang naggagandahang 3D paintings na nakasabit sa wall. The big luxury table was placed in an open glass wall where you could see the busy streets.It had been a while since I was just planning to convince Mr. Cheng to sell this company. I wanted to buy this para mas lumago pa ang iba kong kompanya at naayon naman sa akin ang plano. But he had a simple request. Na huwag tanggalin sa trabaho ang ibang empleyado. We had a deal, hindi lahat ay mananatili, lalo pa ang mga manager, supervisor, etc sa kani-kanilang puwesto. Kailangan kong i-rambl
Pagpasok pa lang sa opisina ay mukha agad ni Gee ang nabungaran ko. Para pa ngang inaabangan talaga niya ang pagdating ko. Hindi lang pala siya kundi pati na rin ang iba. Pinagtitinginan agad nila akong lahat. Kulang na lang ay lapitan ako at usisain kung ano’ng nangyari. Pero siyempre, naiilang sila sa akin kaya hanggang tingin na lang sila. Si Gee lang ang may lakas ng loob na magtanong sa akin.“Hoy, babae. Saan ka galing, huh? Alam mo bang hinintay kita?” nakataas ang kilay na pagsugod niya sa akin sa table ko. Ang taklesa talaga ni Gee. He did not know how to lower his voice. Napakaingay.Napakunot ang noo ko. Oo nga pala. Sabay dapat kaming magla-lunch kanina. How could I forget that? Napahampas ako sa noo at humarap sa kanya. “I’m sorry, Gee, hindi kita na-inform agad. A-alam mo namang ipinatawag ako, ‘di ba?”“Eh, bakit ngayon ka lang? Huwag mong sabihin na isang oras talaga kayong nag-usap? Ang tagal naman n’on. At ano ito
[Charmane POV]Hindi ko na naabutang gising ang anak ko dahil mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Sobrang traffic dahil rush hour. Kaya pumunta na lang ako sa kuwarto ni Sam at humiga sa tabi niya. I kissed his tiny little cheeks and forehead. Masuyo ko rin siyang niyakap.I really miss you, baby.“Mommy…” Naalimpungatan siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.Ngumiti ako. My stress because of work and the traffic was gone. “Sshh… Close your eyes again, baby. Sleep tight. I love you…” bulong ko. Masuyong hinaplos-haplos ko ang ulo niya and then I sang him a lullaby para mahimbing uli sa pagtulog.I sighed.Anak, nakita ko uli siya—si Daddy mo. Pero hindi niya alam ang tungkol sa ‘yo. Hindi na kasi kami nagkita uli noon. Pero ngayon, when I saw him again, hindi ko alam kung paano kita ipapakilala sa kanya. Kung paano ninyo malalaman ang tungkol sa isa’
Thinking Out Loud "Mommy, mommy. Wake-up." "Hmm..""Mommy..."Naaalimpungatan ako sa mga sandaling may pilit gumigising sa antok na antok kong diwa."Mom. I said, Wake up." Boses iyon ni Sam.Ibinuka ko ng kaunti ang mga mata ko at nandoon nga si Sam at ginigisiging ako. Nagtaka pa ako dahil bihis na bihis ito na parang may okasyong dadaluhan.Tiningnan ko ang relo sa aking bisig. It's already 05:30 Pm.Napagod pala talaga ako sa kaka-swimming namin kanina at na nauwi sa mainit na pagniniig naming magasawa.Tumayo ako at nag unat ng katawan. Napapangiti pa ako dahil binihisan pala niya ako ng damit niya at cycling."Sam, where's your Dad and Sister?" tanong ko dito."They are outside the cottage, mommy. Will you please get up Mom and get ready? Also, kindly wear this too?" Tinignan ko ang iniabot ng anak ko saakin.Isang magandang puti na bistida na hanggang tuhod ang haba. Backless iyon at may mga tali pa sa bandang dibdib. Napakasimple niyon ngunit maganda ang tela at kabuoang des
Chapter 58 Two years later “Da… da… da… da…ddy…” “Come again, baby? Let Daddy hear it again. Say, Da… ddy…” “Da… daa… ddy…” Then our baby giggled. “Oh, very good, Princess.” Brad gladly kissed her rosy cheeks. I warmly grinned while watching my husband and our princess na kasalukuyang nasa tabi ng dagat at nakaupo sa puting buhangin. Nasa malapit lang ako at nakatanaw sa kanilang dalawa. Hindi ako napansin ng asawa ko dahil busy siya sa pagtuturo kay Princess ng basic words. Babae ang naging sunod na anak namin ni Brad at wish granted iyon para sa kanya at sa panganay namin. Princess, that’s our daughter’s name. She turned one year and four months today. Si Sam ang pumili ng pangalan ng kapatid niya. Sam was really caring and loving brother to his sister. Siya rin ‘yong tipong ipinagdadamot ang kapatid sa iba noong kakapanganak ko pa lang kay Princess. Ayaw na ayaw talaga niya itong ipahawak at ipakita man lang kahit pa sa mga kakilala lang namin. And according to Ate Sabb, nor
Chapter 57 Equal “Sweetheart… Please don’t distract our wedding. Matatapos din ito. Please behave at makinig tayo kay Father.” I heard him chuckle. “Okay. I love you,” he whispered. “Mga anak, ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi gaya ng kanin na iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay isang simbolo ng pag-iibigan. Huhubugin pa kayo nito sa bawat araw ng inyong pagsasama. Ang bawat problema ng mag-asawa ay isang pagsubok lang ng Diyos na dapat kasama ninyong haharapin at lulutasin. Nawa’y matatag ninyong malagpasan ang mga darating ninyong suliranin sa buhay mag-asawa. Mga anak, ang pag-aasawa rin ay isang sagrado para sa mga taong tunay na nagmamahalan…” Ilan lang iyon sa mga salita ni Father na siyang tumatak sa aking utak. “Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan kayo ng isang matibay na samahan kasama ang anak ninyo at magiging anak pa ninyo, mga anak.” Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Brad sa kamay ko at bahagya pa niyang pinisil iyon. Gumanti rin ako ng pisil
Chapter 56 Down the Aisle I remember so well The day that you came into my life You asked for my name You had the most beautiful smile... Habang naglalakad ako kasama nina Mommy at Daddy sa gitna ng aisle papasok sa simbahan ay damang-dama ko sa aking puso ang bawat liriko na inaawit ngayon ng isang magaling na singer. Sa bawat hakbang ay ramdam ko na ang pagkamit ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mag-ama ko. My life started to change I'd wake up each day feeling alright With you right by my side Makes me feel things will work out just fine Our eyes met. Kita ko sa nangingislap na mga mata ni Brad ang buong pusong pagmamahal niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili na maging emosyonal habang naglalakad patungo sa kanya. Noon, pangarap ko lang talaga ang ganitong kasal para sa amin ni Andrei. But Andrei wasn’t for me. Ngayon, nasagot ko na ‘yong tanong ko noon kung bakit kami naghiwalay at hindi humantong sa ganito. It was because God had His best plan for me. Bradle
Chapter 55 Wedding Dress Pagkatapos ng pamamanhikan ng pamilya ni Brad ay na-set na agad ang kasal. We would have two months to prepare for it. Hindi na namin pinroblema ni Brad ang paglalakad ng mga gagawin. Kasi ang Hernandez clan na ang gumawa ng halos lahat-lahat kaya mas napadali ang preparation sa big wedding namin. “Anak.” Lumingon ako sa bumukas na pinto at napangiti ako. “Mom.” I opened my arms at pinalapit ko siya. Lumapit naman siyang may ngiti sa mga labi. “Are you ready, anak?” Tumango ako. “Yes, Mom.” Nag-excuse muna si Lulu, ang makeup artist and hair stylist ko dahil tapos na niyang ayusin ang buhok at makeup ko. Nag-excuse din ang hired photographer nang matapos niyang kuhanan kami ni Mommy ng mga litrato. Sa kabilang silid naman siya tumungo, kung saan naroon sina Ate at ang pamilya niya. “You look so very beautiful and gorgeous in your wedding gown, anak.” Tinitigan ni Mommy ang kabuuan ko. “Parang kailan lang no’ng baby bunso ka pa namin ng iyong daddy.
Chapter 54 Together “Hijo, dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi,” sabi ng daddy ni Brad nang matapos kaming maghapunan at ngayon ay nasa sala na at nag-uusap-usap tungkol kay Sam. “Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko rin ho sana ‘yan, Dad. Kaya lang baka ayaw ng asawa ko,” sagot ni Brad. Asawa ko? “Hija, please. Dito na lang muna kayo kahit isang gabi lang, please?” pakiusap ng mommy ni Brad. “Oo nga naman naman, Ate. Gusto pa kasi naming makasama nang mas matagal itong cute kong pamangkin. Please, Ate Charm. Kahit ngayong gabi lang po. Please?” Pati rin ang kapatid ni Brad ay nakiisa sa hiling ng mga magulang niya. “Yes, hija. Pagbigyan mo na kami sa apo namin.” Ang padre de pamilya uli. Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Matapos kasi naming mag-usap kanina sa library ay agad naging okay ang lahat. Humingi siya ng dispensa at pang-unawa sa ginawa sa akin noon sa office. Pati na sa lahat na masasakit at nakakainsultong nasabi niya.
Chapter 53 DNA Test “Oh, there you are. Hi, little angel,” magiliw na bati ng mommy ni Brad sa anak ko. Lumapit pa nang bahagya sa bata. “Hello po. My name is Sam, not Angel,” sagot ni Sam na ikinatuwa ng kapatid niya at ng ginang. “Oh, Mommy, ang cute niya po.” Lumapit pa ang dalaga sa ina nito. Binuhat ni Brad si Sam, saka uli humarap sa ina at kapatid. “Baby, let me introduce you Daddy’s family. Your Gandma and Tita Briana.” “Then where is Grandpa, Daddy?” “He’s right there, baby. Look.” Itinuro pa ni Brad sa anak ang ama at tumingin din naman si Sam. “He’s my father, your Grandpa. Hi, Dad, good afternoon.” The old Hernandez nodded. “Say hi to your Grandpa, son.” “H-hi po.” Sam looked intimidated with the old man. Seryoso kasi itong makatitig sa bata. Lumingon si Sam kay Brad. “Daddy, he looks mad at me,” mahinang sabi niya sa ama na narinig namin. “Hey, stop that, old man. You scared our grandson,” saway ng ginang sa asawa nito. “Yes, Dad! You’re showing your serious sta
Chapter 52 Meet his Family “Boss, kailangan pa ba nating gawin ito?” kinakabahan kong tanong kay Brad. Ngayong araw kasi niya kami ipapakilala ng anak ko sa mga magulang niya. “Yeah! I have to do this, boss.” Hinawakan niya ang kamay kong nangangatal. “Mommy, Daddy, where are we going?” tanong ni Sam. “We’re going to meet my family, son.” Si Brad ang sumagot. “Really, Daddy? Then I have another Grandma and Grandpa?” masayang tanong ni Sam. “Yes, baby, and another tita too.” Hinaplos pa ni Brad ang namumulang pisngi ng anak namin. “Yey! I’m excited to meet them…” masayang sabi ni Sam. Sumulyap sa akin si Brad na nakangiti. Masaya ako at masaya ang mag-ama ko. Pero ako, kinakabahan sa magaganap. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan iyong araw na pumunta ang tatay ni Brad sa office at nagkasagutan kami, pati iyong pagpunit ko sa tsekeng may malaking halaga. I knew mali iyong ginawa ko, pero pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Naramdaman kong ipinatong ni Brad ang kaliwang kamay
Chapter 51 Warning Look Ayoko sanang sabihin, baka kasi iyon pa ang dahilan para magalit siya sa ama niya. Pero kailangan ko rin namang mag-voice out kahit minsan. “H-he wants me to l-leave you and the company. B-binayaran niya ako para lumayo sa ‘yo.” Tiningnan ko kung ano ang magiging reaction niya. “I’m not after your money and you know that. Kahit alam ko na kung gaano ka kayaman ay hindi ko pa rin inilaban ang anak ko sa ‘yo. Kasi kung tutuusin, kaya ko siyang bigyan ng maayos na buhay nang wala ang yaman ninyo.” Nakita ko ang pagtigas ng mukha ni Brad. “I’m not telling you this para magkasira kayong mag-ama. You’re asking me, kaya sinabi ko lang ang totoo.” Bumuntong-hininga siya. “I’m sorry sa ginawa ni Dad. I know you’re not after our wealth, and I admire you a lot because of that,” masuyong sabi niya, pagkatapos ay unti-unting lumapat ang mga labi sa noo ko. “Handa ko na sanang ipagtapat sa iyo ang tungkol sa bata, pero inunahan na ako ng masasakit na salita ng daddy mo.