Share

Chapter 2: Best

Author: Mairisian
last update Last Updated: 2021-04-01 01:27:09

Chapter 2

Best

I thought siya na. We plan, that next year is will be our wedding, but what happened! He betrays me, they betrayed me.

Three years! Lintik ka, Andrei! Tatlong taon, sinayang mo lang. Lolokohin mo lang pala ako. How could you do this to me, Andrei?! Sa wala lang pala mapupunta ang lahat ng plano natin.

Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nagmamaneho pauwi. Sana hindi na lang ako nakipagkita kung iyon lang pala ang sasabihin niya. Hindi ako nakapaghanda sa ganitong pangyayari. Bago sa akin ito. At napakasakit nito.

Nang makauwi ay agad akong pumasok sa kuwarto ko at nagkulong doon. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala na sigurong katapusan ang sakit na nararamdaman ko. 

Hinalungkat ko agad sa cabinet ang mga gamit na bigay ni Andrei. Damit, scarf, jewerly, shoes, everything. Even those albums na puro pictures naming dalawa sa loob ng tatlong taon. Kahit maliit na bagay, basta galing sa kanya ay hindi ko pinalagpas. Nilimas ko iyong lahat at inilagay sa malaking trash bag.

Lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa bakuran. Inilagay ko ang trash bag sa malaking drum, saka sinunog.

I hate you so much. I hate you. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pero marahas ko iyong pinunasan.

Alam ko kung bakit mo ‘yon nagawa. Dahil ‘yon ang hindi ko maibigay-bigay sa ‘yo. Alam kong matagal mo nang gustong mangyari iyon sa atin, pero ‘buti nga hindi ako nagpadalos-dalos at nagtiwala nang lubos sa ‘yo. Ang hina mo! Hindi mo man lang ako inisip. Pareho lang kayo ng best friend kong ahas. Mga manloloko. You’re not worthy of my tears, Andrei. May araw ding pagsisisihan mo ang lahat ng ito. Mga taksil kayo!

Pabalik na sana ako sa kuwarto nang may makapa ako sa aking daliri. Napatingin ako doon at mapait na napailing.

There’s no use keeping this damn ring! Ang bagay dito, itinatapon. 

Bago pa magdalawang-isip ay inihagis ko na ang singsing sa nag-aapoy na basurahan.

Pumasok na uli ako sa loob ng bahay para magkulong sa kuwarto ko. Nagtataka pa si Nanay Martha sa hitsura ko. Nilagpasan ko na lang muna siya dahil hindi pa ako handang sabihin ang pinagdadaanan ko.

___

“Good morning.”

“Good morning, Ma’am,” sabay ngiti sa akin ng babae sa salon.

Kaysa naman magmukmok sa kuwarto, naisipan kong gumawa ng mga bagay na malilibang ako at makakalimot.

“Uhm, Miss, I need a total makeover. ‘Yong lalabas ang ganda ko,” sabi ko na ikinatulala niya. “Miss, are you with me?”

“H-huh? Sure, Ma’am. Here, upo muna kayo.” May iniabot siya sa akin. 

Tinanggap ko iyon at tiningnan ang iba’t ibang uri ng style ng buhok na sikat ngayon. Magaganda namang lahat kaya hindi agad ako nakapag-decide kung ano ang babagay sa akin. Hihingi na lang siguro ako ng suggestion.

“Feel at home, Ma’am, and wait for a while. Thank you,” sabi ng babae.

Para hindi ma-bore ay kumuha na lang muna ako ng isang magazine at nagbasa. Ang napili ko ay iyong sina Angelina Jolie and Brad Pitt ang cover. They were my favorite celebrity couple in Hollywood. At doon pumasok na naman sa isip ko ang imahe ni Andrei.

Damn! Sana mawala ka na nang tuluyan sa isip at sistema ko.

Hindi nagtagal ay tinawag din ako ng babae. Agad akong tumayo at lumapit. In-endorse niya ako sa isang bakla na pinakamagaling daw nila. “Lulu” ang pangalan niya. Lulu was really funny. Madaldal din talaga so I enjoyed his company.

“I have some suggestions for you, Madam, and I think you’re gonna love it,” nakangiting sabi niya nang sabihin ko na wala pa akong napipili.

“Sige, ikaw na ang bahala sa buhok ko. Kung magugustuhan ko ‘yan, eh, di magugustuhan mo rin ang tip ko sa ‘yo,” nakataas ang kilay na sabi ko pero nakangiti naman.

“I am ninety-nine point nine percent sure of that, Madam. You won’t regret it.”

Sinimulan agad ni Lulu ang paggupit sa buhok kong mahaba at walang korte. Nag-suggest din siyang ipa-Brazilian rebond ko at pakulayan. I said yes. Lulubusin ko na ang lahat para sa pagbabago at pagbangon ko.

I waited the whole day para makita ang makeover sa akin. Siyempre, nakaka-excite isipin na ngayon ko pa tuluyang na-experience maging confident sa sarili ko. Mula noon kasi ay kontento na ako sa natural kong buhok.

“Shaaaraaan! O, ‘ayan, Madam, ‘di ba mas lalo ka pang gumanda?” Hindi nga siya nagsisinungaling. “Sabi ko na nga ba, eh, unang tingin ko pa lang ay mas mapapaganda talaga kita. You’re hiding your real beauty, Madam. Sayang ang ilang taon sa pagtatago mo nito. Now you look more irresistible, sophisticated. Hindi na ako magtataka kung dadagsa ang manliligaw n’yo.”

Mapakla akong ngumiti. “Talaga?” Kung alam mo lang sana kung ano ang nararamdaman ko ngayon at kung bakit ako nandito.

“Pak na pak at bagay na bagay,” dagdag niya na parang mas siya ang nasisiyahan sa kinalabasan.

 

“Naku, binola mo pa ako.” Inismiran ko siya.

“Naku, hindi, ah. Sasabunutan ko ‘pag may nagsabing hindi bagay at hindi maganda itong makeover n’yo,” nakangiti at nakataas-kilay pa niyang sabi.

I laughed. “Anyway, thanks for this makeover.”

“No problem, Madam. I’m just doing my job to serve you better and be satisfied. Trabaho ko din talaga ang magpaganda ng mga tulad n’yo.”

He really serves me well, at natuwa ako sa kinalabasan ng gawa niya kaya susklian ko rin iyon ng tama. Kaya ayun tuwang tuwa naman ito sa tip na bigay ko sa kanya.

Pagkatapos, sa spa naman ako nagpunta para magpa-body scrub, massage, facial treatment, at iba pa. Nasiyahan ako kahit mabigat pa rin ang loob ko.

Mariin kong pinigilan ang nagbabantang mga luha sa aking mga mata. They were not worthy of my tears.

Ipapakita ko sa ‘yo na maling niloko mo ako at ipinagpalit.

Pagkatapos ay naisipan kong mag-shopping. Nang magpa-park na ako ng kotse ay hindi ko napansing may kotseng paatras ng parking area. Hindi ko napansin ang signal light nito kaya huli na ang lahat para makailag. Napapikit na lang ako nang magsagian ang mga sasakyan namin.

Tsk! Patay. Problema ito!

Nagulat na lang ako nang may kumatok sa kotse ko. Narinig ko siyang pumapalatak sa labas at nagmumura pa. Pero pag-angat ko ng ulo ay bigla akong natigilan.

Oh, God! Ang pogi niya! Pero nakaka-disappoint lang dahil hindi bagay sa kanyang magmura.

Ibinaba ko ang salamin ng kotse ko at tumingin nang deretso sa kanya. Tumigil siya sa pagmumura.

“I-I’m sorry, Mister… I-I just didn’t notice your signal light. I’m very sorry,” mahinang sabi ko, ewan kung bakit ako natatanga sa kanya. Dahil ba kinakabahan ako, o dahil nabibighani ako sa taglay niyang kaguwapuhan?

Sumeryoso siya at kumalma. “Next time, woman, watch your way while driving. You have to always focus para walang disgrasya,” medyo nakakunot-noo niyang sabi sa akin.

Napalunok ako. “O-okay. U-uhm… How much is the damage, Mister? Babayaran ko na lang.”

“No, thanks. Just be vigilant next time.” Then he turned around and walked out. 

Ang suplado naman niya, pogi pa naman sana. Hmp.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho at ipinark na ang kotse ko. Pagpasok sa mall ay dumeretso agad ako sa boutique at namili ng mga damit na babagay sa new look ko. Bumili na rin ako ng mga makeup. Katulad ng suhestiyon ni Lulu. Ang dami niyang tip sa akin tungkol sa pagpapaganda. He even taught me how to use and apply makeup at kung ano ang babagay sa akin.

Tingnan lang natin ngayon, Andrei, kung sino ang nawalan sa ating dalawa.

Papasok ako sa isang restaurant nang hindi inaasahang makita ko siya—ang isa pang walanghiyang nag-traidor sa akin. Sa unang tingin, mabait siya. Iyon pala, ahas din.

Tinaasan ko siya ng kilay at taas-noong naglakad patungo sa bakanteng table na medyo may kalayuan sa table niya.

Sa gilid ng mga mata ay nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. I knew nagtataka siya at nabigla sa pagbabagong anyo ko.

Akala mo siguro, magmumukmok ako sa pagkawala sa akin ni Andrei? Huh, never! I’ll show you that I’m not affected at all.

Um-order ako ng pagkain nang lapitan ako ng waiter. Nang makuha niya ang order ko ay agad siyang ngumiti at umalis.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. I clicked the End button. Fifteen missed calls and twenty messages na nanggaling lang naman sa Andrei na iyon.

Nang tumawag uli siya ay tuluyan ko nang in-off ang phone ko dahil nakakairita na talaga ang ginagawa niya. Ano ang akala niya sa akin? Mag-stay pa rin sa kabila na nangyari? Bullshit.

“B-best…”

Napaangat ako ng tingin. Tiningnan ko lang siya at walang salitang lumabas sa bibig ko.

“Charm….” Teary-eyed pa ang ahas! Best actress. “Best, I’m s-sorry.”

Bumuntong-hininga ako. “Best!” Nang-uuyam na ngumisi at napapailing lang ako. “Tsk! Hindi bagay na endearment sa isang traidor na tulad mo!” Pinigilan ko ang emosyon ko. Pero hindi pa rin nawala ang sakit dahil sa tagal naming magkaibigan at sa dami ng pinagsamahan namin.

“I know m-mali ang nangyari sa amin ni A-Andre—”

“Can you please stop it? Ayoko nang marinig pa uli ‘yan,” pagtataray ko.

“M-maniwala ka sana. H-hindi namin ‘yon sinadyang mangyari,” patuloy pa rin niya sa mahinang boses, nakayuko pa.

“At gusto n’yong maniwala ako sa drama n’yong dalawa?! Huh? Oh, come on, Kathy, hiwalay na kami, dapat magsaya ka na ngayon. Alam ko namang noon pa man ay may gusto ka na sa kanya. At nakahanap ka lang ng timing para masira kaming dalawa. O, ano ngayon, masaya ka na?” puno ng poot na sumbat ko.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ko. Noon pa man kasi ay napapansin ko na iyon, pero binale-wala ko lang dahil may tiwala ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Andrei. Pero mali pala ang magtiwala nang sobra. Lalo pa’t hindi mo naman hawak ang iniisip nila.

“I’m really sorry, best. Alam kong mali, pero nadala lang kami pareho dahil lasing kami.”

“Lasing man kayo o hindi, dapat inalala n’yo pa rin ang damdamin ko! Pero hindi, eh, mas nagsaya pa kayo! Bullshit! Sinaktan n’yo ako at idinahilan n’yo pa ang kalasingan n’yo.”

Umiiyak na si Kathy. Napapatingin na rin sa amin ang ilang tao sa paligid. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang nasa restaurant.

“Charm… Please f-forgive me. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako.”

“God, Kathy! Will you please shut up? Ayoko ngang marinig ‘yan. Hindi kita kayang patawarin. I treated you as my own family, as my sibling. Pero ano’ng ginawa mo? Sinayang mo lang ang lahat! And because of what you did, hindi kita kayang patawarin. Nasaktan ako nang sobra.” Hindi ko na napigilan, my tears fell. “Sayang lang ang lahat. Sayang ang friendship nating dalawa. Okay lang sanang ginago ako ni Andrei, tatanggapin ko ‘yon sa sarili ko. Pero sana, hindi ikaw ‘yong dahilan kung bakit ako mas nasasaktan.” I silently sobbed.

“I hope you’ll still forgive me, b-best. I’m really sorry.” Naramdaman ko na lang na nagmamadali siyang tumayo. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero mas doble naman ang sakit ng nararamdaman ko kaysa sa kanya. Kasi ako, dalawa ang nawala sa akin. Love life at friendship. Siya, isa lang.

Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain kaya tinake out ko na lang ang lahat ng order ko, saka nagmamadaling umalis.

Habang nagmamaneho pauwi ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa mga nangyari. Naluluha pa rin ako sa sakit.

Huwag mo silang iyakan, Charmane. Hindi sila worth it para sa luha mo. Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-move on. Moving on is the best way to feel better. 

Pero parang mahirap. Lalo pa’t maraming taon ang nakasalalay.

Pagkauwi ay nagkulong agad ako sa kuwarto, saka doon inilabas ang lahat ng sakit. Inalala ang lahat ng magagandang nangyari.

Ganito na lang ba lagi? Naaapektuhan na ang buong sistema ko at pamumuhay.

Comments (15)
goodnovel comment avatar
Aizah Royskie
kaka excite ..
goodnovel comment avatar
Noemi A. Tenegra
very nice story
goodnovel comment avatar
Teresita Catubig
iyakan mo para mawala ang sakit ganon talaga ang buhay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 3: Club

    Chapter 3ClubIba sa paningin, iba sa pakiramdam, at kakaibang kapaligiran.That was my first expression the moment I stepped inside this establishment. “Paraiso” ang tawag dito ng mga taong walang ibang alam gawin kundi magpakasaya.Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar dahil puro bahay at eskuwelahan lang ako noong nag-aaral pa ako. Nang makapagtapos, bahay at trabaho lang. Naiba lang three years ago when I met Andrei.Sa edad ko ngayon, napaka-late na para ma-experience ang ganito. But it was better late, than never.I felt a little bit nervous. I was scared dahil sa kadiliman ng kapaligiran at bagsik ng mga tugtog. My knees were shaking, my hands were sweating, and my skin felt cold. But despite that, I still managed to stay cool.

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 4: Encounter

    Chapter 4EncounterOh, boy!Sa akin ba talaga siya pupunta?Shit!He was really the definition of a perfect man. Matikas na pangangatawan, magandang mukha, perfect lips, pointed nose, black dark eyes na kung tumitig ay makalaglag-panga. Thick set of eyebrows. Messy hair na mas bumagay sa kanyang mukha. His luxury apparel suited him very well. I wondered how many abs did he have under his suit?Napailing ako sa naisip.But he looked familiar. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang talaga maalala kung saan at paano.Palapit talaga siya sa akin. Shit! Kaunti na lang. Hindi ko mapigilang paulit-ulit na lumunok. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.Gosh! How will I turn around and avoid his dark eyes kung nandiyan na talaga siya? Ewan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong ka

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 5: Inside

    Chapter 5InsideHe quickly pinned me on the wall the moment we entered his place. Isang mariing halik sa mga labi ang agad niyang pinalasap sa akin.Dahil na rin sa pagkahilo ay nagpaubaya agad ako. He deepened the kiss; he even pressed his body next to me. Naramdaman ko rin ang nag-iinit niyang mga palad na dumadama at humahaplos sa aking balat. I couldn’t stop myself from moaning.I had never felt this before, kahit no’ng kami pa ni Andrei. Iba ang init na hatid ng lalaking ito sa katawan ko. Nakakabaliw at nakakatukso.He started groaning when my hands touched his broad chest. Mapang-akit na ipinapungay ko ang mga mata. This is what I want, right? Ang mahawakan at makita ang mga nagtatago niyang muscles sa dibdib.“You’re such a tease, Charm,” halinghing niya habang hinahawakan ang magkabilang pu

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 6: Confess

    Chapter 6ConfessNaaalimpungatan ako sa mainit na hininga na tumatama sa aking mukha at mabigat na bagay na nakadagan sa hita at baywang ko. Unti-unti akong dumilat para lang magulat sa nabungaran ko.Biglang bumuhos ang matinding kaba sa buong pagkatao ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig na ikinagising bigla ng diwa ko.W-what happened? W-where am I? At bakit, hubo’t hubad ako? My God! Who is this man beside me?Nang mag-sink in sa akin ang mga pangyayari kagabi ay bigla akong napasinghap at mariing napapikit. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tanging tumatabing sa aking kahubdan at ng katabi ko.Oh,my gosh! Oh,my gosh!Pinagmasdan ko ang lalaki na mahimbing pa ring natutulog. What have I done last night? Ang naalala ko lang ay ‘yong… ‘yong pangyayaring nilapitan niya ako at nag

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 7: 3-Year Later

    Chapter 7Three years laterThree years, ganoon kabilis ang panahong dumaan sa buhay ko. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang marami na palang nagbago. Pati ang buhay na nakasanayan ko ay ibang-iba na kaysa sa dati.Patungo ako sa sala. Napangiti ako nang makarinig ng maliit at matinis na halakhak. I smiled when I saw Sam with Nanay Martha and Bea. They were laughing.“Mommy, Mommy…” Sumalubong sa akin ang maliit niyang katawan. He embraced my leg with his tiny arms.Agad namang kinuha ni ‘Nay Martha ang dala-dala kong tray na puno ng pagkain. Binuhat at pinupog ko ng halik ang buong mukha ng anak ko. He giggled at para iyong musika sa pandinig ko.“Asus, over naman ang mag-inang ito, parang hindi araw-araw magkasama sa bahay,” react agad si Bea.“Naiingg

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 8: Secret

    Chapter 8SecretNang mapagod ang anak ko kakalaro ay nagtungo naman kami sa isang seafood restaurant na madalas pag-dalhan sa akin ni Bea mapanoon man hanggang ngayon.Bea ordered a lot of foods, like finger seafoods platter. Dish iyon na pinaghalo-halo sa isang platter like fried tilapia of catfish fillet, shrimp, blue crab cake, stuffed shrimp, stuffed crab with French fries. Gustong-gusto ni Sam iyon, akala pa nga niya ay puro mga fried chicken lang lahat iyon, He loved crunchy foods. Mahilig kasi itong pumapak ng ulam.Bea also ordered our favorite dish, the grilled rock lobster with mashed red potatoes and broccoli on it. And of course, the langoustine and salmon ravioli. Um-order pa si Bea ng dessert trio—sweet potato pecan pie, turtle fudge brownie, at key lime pie na may toppings pa na vanilla ice cream.Iba na talaga kapag sobra ang kinikita dahil nakaka-afford ng gano’n kamahal at karaming lunch para sa amin. Hi

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 9: Freeze

    Chapter 9FreezePagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. K

    Last Updated : 2021-04-01
  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 10: Arrogant Boss

    I was the new owner of Mr. Cheng’s company. I was here to introduce myself as the new owner. Mr. Cheng and I planned this formal introduction before his flight next week. Mas napaaga nga lang ang pagbisita ko sa kompanya because I insisted it.Actually, my real agenda was to visit and be familiarize with the whole area. But then my plan suddenly changed last night.The company was now under my name kaya puwedeng ako na ang masunod. Ako na ang batas. Kaya kagabi, tinawagan ko si Mr. Cheng to move my introduction today. Agad namang pumayag si Mr. Cheng sa gusto ko. He was one of our family friends kaya pumayag siya agad sa gusto kong mangyari.I scanned all the employees working in this company. But there’s only one person who I wanted to see, pero hindi ko siya mahanap. I knew it was impossible because there were four to six hundred employees here kaya siguradong malabo kong makita ang taong iyon.Matagal ang proseso

    Last Updated : 2021-04-20

Latest chapter

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 59: Thinking Out Loud

    Thinking Out Loud "Mommy, mommy. Wake-up." "Hmm..""Mommy..."Naaalimpungatan ako sa mga sandaling may pilit gumigising sa antok na antok kong diwa."Mom. I said, Wake up." Boses iyon ni Sam.Ibinuka ko ng kaunti ang mga mata ko at nandoon nga si Sam at ginigisiging ako. Nagtaka pa ako dahil bihis na bihis ito na parang may okasyong dadaluhan.Tiningnan ko ang relo sa aking bisig. It's already 05:30 Pm.Napagod pala talaga ako sa kaka-swimming namin kanina at na nauwi sa mainit na pagniniig naming magasawa.Tumayo ako at nag unat ng katawan. Napapangiti pa ako dahil binihisan pala niya ako ng damit niya at cycling."Sam, where's your Dad and Sister?" tanong ko dito."They are outside the cottage, mommy. Will you please get up Mom and get ready? Also, kindly wear this too?" Tinignan ko ang iniabot ng anak ko saakin.Isang magandang puti na bistida na hanggang tuhod ang haba. Backless iyon at may mga tali pa sa bandang dibdib. Napakasimple niyon ngunit maganda ang tela at kabuoang des

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 58: 2 Years Later

    Chapter 58 Two years later “Da… da… da… da…ddy…” “Come again, baby? Let Daddy hear it again. Say, Da… ddy…” “Da… daa… ddy…” Then our baby giggled. “Oh, very good, Princess.” Brad gladly kissed her rosy cheeks. I warmly grinned while watching my husband and our princess na kasalukuyang nasa tabi ng dagat at nakaupo sa puting buhangin. Nasa malapit lang ako at nakatanaw sa kanilang dalawa. Hindi ako napansin ng asawa ko dahil busy siya sa pagtuturo kay Princess ng basic words. Babae ang naging sunod na anak namin ni Brad at wish granted iyon para sa kanya at sa panganay namin. Princess, that’s our daughter’s name. She turned one year and four months today. Si Sam ang pumili ng pangalan ng kapatid niya. Sam was really caring and loving brother to his sister. Siya rin ‘yong tipong ipinagdadamot ang kapatid sa iba noong kakapanganak ko pa lang kay Princess. Ayaw na ayaw talaga niya itong ipahawak at ipakita man lang kahit pa sa mga kakilala lang namin. And according to Ate Sabb, nor

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 57: Equal

    Chapter 57 Equal “Sweetheart… Please don’t distract our wedding. Matatapos din ito. Please behave at makinig tayo kay Father.” I heard him chuckle. “Okay. I love you,” he whispered. “Mga anak, ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi gaya ng kanin na iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay isang simbolo ng pag-iibigan. Huhubugin pa kayo nito sa bawat araw ng inyong pagsasama. Ang bawat problema ng mag-asawa ay isang pagsubok lang ng Diyos na dapat kasama ninyong haharapin at lulutasin. Nawa’y matatag ninyong malagpasan ang mga darating ninyong suliranin sa buhay mag-asawa. Mga anak, ang pag-aasawa rin ay isang sagrado para sa mga taong tunay na nagmamahalan…” Ilan lang iyon sa mga salita ni Father na siyang tumatak sa aking utak. “Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan kayo ng isang matibay na samahan kasama ang anak ninyo at magiging anak pa ninyo, mga anak.” Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Brad sa kamay ko at bahagya pa niyang pinisil iyon. Gumanti rin ako ng pisil

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 56: Down the Aisle

    Chapter 56 Down the Aisle I remember so well The day that you came into my life You asked for my name You had the most beautiful smile... Habang naglalakad ako kasama nina Mommy at Daddy sa gitna ng aisle papasok sa simbahan ay damang-dama ko sa aking puso ang bawat liriko na inaawit ngayon ng isang magaling na singer. Sa bawat hakbang ay ramdam ko na ang pagkamit ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mag-ama ko. My life started to change I'd wake up each day feeling alright With you right by my side Makes me feel things will work out just fine Our eyes met. Kita ko sa nangingislap na mga mata ni Brad ang buong pusong pagmamahal niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili na maging emosyonal habang naglalakad patungo sa kanya. Noon, pangarap ko lang talaga ang ganitong kasal para sa amin ni Andrei. But Andrei wasn’t for me. Ngayon, nasagot ko na ‘yong tanong ko noon kung bakit kami naghiwalay at hindi humantong sa ganito. It was because God had His best plan for me. Bradle

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 55: Wedding Dress

    Chapter 55 Wedding Dress Pagkatapos ng pamamanhikan ng pamilya ni Brad ay na-set na agad ang kasal. We would have two months to prepare for it. Hindi na namin pinroblema ni Brad ang paglalakad ng mga gagawin. Kasi ang Hernandez clan na ang gumawa ng halos lahat-lahat kaya mas napadali ang preparation sa big wedding namin. “Anak.” Lumingon ako sa bumukas na pinto at napangiti ako. “Mom.” I opened my arms at pinalapit ko siya. Lumapit naman siyang may ngiti sa mga labi. “Are you ready, anak?” Tumango ako. “Yes, Mom.” Nag-excuse muna si Lulu, ang makeup artist and hair stylist ko dahil tapos na niyang ayusin ang buhok at makeup ko. Nag-excuse din ang hired photographer nang matapos niyang kuhanan kami ni Mommy ng mga litrato. Sa kabilang silid naman siya tumungo, kung saan naroon sina Ate at ang pamilya niya. “You look so very beautiful and gorgeous in your wedding gown, anak.” Tinitigan ni Mommy ang kabuuan ko. “Parang kailan lang no’ng baby bunso ka pa namin ng iyong daddy.

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 54: Together

    Chapter 54 Together “Hijo, dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi,” sabi ng daddy ni Brad nang matapos kaming maghapunan at ngayon ay nasa sala na at nag-uusap-usap tungkol kay Sam. “Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko rin ho sana ‘yan, Dad. Kaya lang baka ayaw ng asawa ko,” sagot ni Brad. Asawa ko? “Hija, please. Dito na lang muna kayo kahit isang gabi lang, please?” pakiusap ng mommy ni Brad. “Oo nga naman naman, Ate. Gusto pa kasi naming makasama nang mas matagal itong cute kong pamangkin. Please, Ate Charm. Kahit ngayong gabi lang po. Please?” Pati rin ang kapatid ni Brad ay nakiisa sa hiling ng mga magulang niya. “Yes, hija. Pagbigyan mo na kami sa apo namin.” Ang padre de pamilya uli. Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Matapos kasi naming mag-usap kanina sa library ay agad naging okay ang lahat. Humingi siya ng dispensa at pang-unawa sa ginawa sa akin noon sa office. Pati na sa lahat na masasakit at nakakainsultong nasabi niya.

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 53: DNA Test

    Chapter 53 DNA Test “Oh, there you are. Hi, little angel,” magiliw na bati ng mommy ni Brad sa anak ko. Lumapit pa nang bahagya sa bata. “Hello po. My name is Sam, not Angel,” sagot ni Sam na ikinatuwa ng kapatid niya at ng ginang. “Oh, Mommy, ang cute niya po.” Lumapit pa ang dalaga sa ina nito. Binuhat ni Brad si Sam, saka uli humarap sa ina at kapatid. “Baby, let me introduce you Daddy’s family. Your Gandma and Tita Briana.” “Then where is Grandpa, Daddy?” “He’s right there, baby. Look.” Itinuro pa ni Brad sa anak ang ama at tumingin din naman si Sam. “He’s my father, your Grandpa. Hi, Dad, good afternoon.” The old Hernandez nodded. “Say hi to your Grandpa, son.” “H-hi po.” Sam looked intimidated with the old man. Seryoso kasi itong makatitig sa bata. Lumingon si Sam kay Brad. “Daddy, he looks mad at me,” mahinang sabi niya sa ama na narinig namin. “Hey, stop that, old man. You scared our grandson,” saway ng ginang sa asawa nito. “Yes, Dad! You’re showing your serious sta

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 52: Meet his family

    Chapter 52 Meet his Family “Boss, kailangan pa ba nating gawin ito?” kinakabahan kong tanong kay Brad. Ngayong araw kasi niya kami ipapakilala ng anak ko sa mga magulang niya. “Yeah! I have to do this, boss.” Hinawakan niya ang kamay kong nangangatal. “Mommy, Daddy, where are we going?” tanong ni Sam. “We’re going to meet my family, son.” Si Brad ang sumagot. “Really, Daddy? Then I have another Grandma and Grandpa?” masayang tanong ni Sam. “Yes, baby, and another tita too.” Hinaplos pa ni Brad ang namumulang pisngi ng anak namin. “Yey! I’m excited to meet them…” masayang sabi ni Sam. Sumulyap sa akin si Brad na nakangiti. Masaya ako at masaya ang mag-ama ko. Pero ako, kinakabahan sa magaganap. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan iyong araw na pumunta ang tatay ni Brad sa office at nagkasagutan kami, pati iyong pagpunit ko sa tsekeng may malaking halaga. I knew mali iyong ginawa ko, pero pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Naramdaman kong ipinatong ni Brad ang kaliwang kamay

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 51: Warning Look

    Chapter 51 Warning Look Ayoko sanang sabihin, baka kasi iyon pa ang dahilan para magalit siya sa ama niya. Pero kailangan ko rin namang mag-voice out kahit minsan. “H-he wants me to l-leave you and the company. B-binayaran niya ako para lumayo sa ‘yo.” Tiningnan ko kung ano ang magiging reaction niya. “I’m not after your money and you know that. Kahit alam ko na kung gaano ka kayaman ay hindi ko pa rin inilaban ang anak ko sa ‘yo. Kasi kung tutuusin, kaya ko siyang bigyan ng maayos na buhay nang wala ang yaman ninyo.” Nakita ko ang pagtigas ng mukha ni Brad. “I’m not telling you this para magkasira kayong mag-ama. You’re asking me, kaya sinabi ko lang ang totoo.” Bumuntong-hininga siya. “I’m sorry sa ginawa ni Dad. I know you’re not after our wealth, and I admire you a lot because of that,” masuyong sabi niya, pagkatapos ay unti-unting lumapat ang mga labi sa noo ko. “Handa ko na sanang ipagtapat sa iyo ang tungkol sa bata, pero inunahan na ako ng masasakit na salita ng daddy mo.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status