Kinuha ni Joseph ang phone ni Emily at binato yon sa sahig.Nagising si Emily sa ingat. Nang buksan niya ang mata niya at nakita si Joseph, ngumiti siya na parang nagulat. “Tito? Bakit ka nandito?”Sa galit, madilim ang ngiti ni Joseph, pinakita ang mapuputi niyang ngipin. “Bakit mo ako tinatawag na tito?” tanong niya.“Dahil ikaw ang tito ni Jake.”“Bakit gusto ni Chloe makasama ang tito na yon?”“Ikaw talaga! Syempre, gusto niya gumanti sa siraulo na si Jake!”May bakas ng lungkot sa malamig na mata ni Joseph pero agad napalitan ng galit. Si Icarus pala ang pakay ni Chloe. Kaya pala malamig ang trato sa kaniya ni Chloe.‘Kaya nag settle siya sa pangalawa at pinili ako?’Hindi na kayang manatili ni Joseph doon. Natatakot siya na baka may gawin siya kapag nawala siya sa kontrol at patuloy na umalis sa kwarto.Hindi karapat-dapat si Chloe na hawakan niya. Kahit na ang saktan siya ay nakakapandiri.Sumunod agad si Lucas kay Joseph at nag iingat na sinabing, “Iiwan ba natin si M
Tumigil sandali si Chloe bago sabihin sa driver, “Pwede mo ba akong ihatid sa malapit na hotel?”*Kinabukasan, nagising si Chloe sa loob ng isang hotel room. Habang pinagmamasdan ang repleksyon niya sa salamin, napansin niya ang maitim na paligid sa ilalim ng kaniyang mga mata, mukha siyang panda.Buong gabi ay nag-isip siya at nalinawan ang kaniyang isip. Hindi maitatanggi ang responsibilidad niya sa sitwasyon na ito. Kung nagkamali siya, kailangan niya itong harapin. Kahit ano pa man ang trato sa kaniya ni Joseph, kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya.Pagkatapos magbihis, bumalik siya sa villa pero nasurpresa siya sa presensya ni Xavia. Pinilit ni Chloe na batiin si Xavia. Gayunpaman, umiwas ng tingin si Xavia at tila hindi mapakali.Tinaas ni Joseph ang tingin, malamig ang ekspresyon niya habang nagsasalita. “Ngayong hapon, pupunta tayo sa City Hall para mag-divorce, at inaasahan kong wala na ang mga gamit mo dito ngayong gabi.”Nawalan ng kulay ang mukha ni Chloe, hin
Tinitigan ni Joseph ang mga mata ni Chloe na punong-puno ng determinasyon. Ito si Chloe Johnson, ang parehong taong kayang magsinungaling nang hindi kumukurap, seryoso ang mukha habang sinasabi ang pagmamahal niya sa iyo, pero wala naman talagang nararamdaman ang puso. Siya ang taong pinanood lang siyang mahulog sa isang patibong.Nang maisip niya ito, isang mapanghamak na ngisi ang lumabas sa mga labi niya. Gayunpaman, hindi naman siya nagkulang sa babae, at nandidiri siya sa mga ganitong klaseng taktika.Tumingin siya sa iba, malamig at malayo ang tingin niya. “Mag-isa kang pumunta sa City Hall. Wala kang karapatan na sumakay sa kotse ko.”Tumango lang si Chloe, mabigat ang mga yapak niya habang naglalakad papunta sa exit.Napakurap si Xavia, nag-aalala ang boses niya. “Joe, hindi ba kayo pwedeng mag-usap nang maayos? Nadadala pa kayo ng emosyon ngayon. Bigyan niyo ng oras ang isa’t-isa para kumalma. Baka may pagkakataon pa para magkaayos.”“Hindi mo dapat problemahin ang buhay
“Masiyadong mataas ang tingin mo sa kaniya.”Tumigil sandali si Joseph, kumplikado ang kaniyang ekspresyon.“Kasalanan ko ang nangyari kagabi, pero wala na tayong nararamdaman pa sa isa’t-isa. Kahit na pakasalan kita, magiging iresponsable lang ako at masasayang lang ang buhay mo. Kung may gusto kang kapalit, sabihin mo lang.”Kinagat ni Xavia ang labi, pinilit na ngumiti. “Wala akong gustong kapalit. Gusto ko lang manatili sa tabi mo nang walang anumang official status, kahit walang pag-ibig. Huwag mo akong itulak palayo. Alam mong ikaw na lang ang nag-iisa kong kaibigan.”Tumango si Joseph bilang pagsang-ayon. “Mayroon akong kukuning tao para asikasuhin ang pang-araw-araw mong pangangailangan at siguraduhin na makatanggap ka ng maayos na medical treatment.”“Salamat. Pwede ba kitang tanungin?”“Ano yun?”“Natatakot ka bang sayangin ang buhay ko, o hindi mo lang mabitawan si Ms. Chloe?”“Neither.”*Kumuha ng hotel room si Chloe. Dahil mayroon siyang savings, kaya niyang mak
Hindi na masyadong nagulat si Lucas nang makita si Chloe dahil inaasahan na niya ang takot ng mga marketing department na ilang araw ng nagdurusa.“Available ngayon si Mr. Joseph. Pwede kang pumasok.”“Salamat.”Tinaas ni Chloe ang pinto at marahang kumatok sa pinto. Isang iritableng boses ang narinig mula sa loob. “Pasok.”Marahan niyang binuksan ang pinto at nilapag ang dokumento sa desk ni Joseph. Magalang ang boses niya pero wala itong emosyon habang nagsasalita, “Mr. Joseph, na-process na ang mga dokumento na ‘to. Paki-review na lang.”Nanatiling nakatingin si Joseph sa kaniyang computer screen, hindi gumagalaw ang mga labi niya, parang hangin ang trato niya kay Chloe.Hindi natinag si Chloe, “Mr. Joseph, na-process na ang mga dokumento na ‘to.”“Bakit ka nagmamadali? Hindi ba kasing halaga ng oras mo ang oras ko?”Tinikom ni Chloe ang mga labi, halata ang inis niya. “Kaya ko kayo hinihintay. Sabihin niyo lang sa akin kung gaano ko kayo katagal hihintayin.”Ngumisi si Jos
Natigilan si Chloe, namumula ang kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay isa siyang p*ta.Tila na-trigger si Joseph sa sinabi ni Chloe. Lumapit siya kay Chloe, nakakatakot ang kaniyang tingin. “Sa simula pa lang ay masama na talaga ang mga method mo, at sa totoo lang, nakakatawa. Kitang-kita sa mukha mo ang totoo mong intensyon, pero naloko pa rin ako. Sa sandaling tuluyan mo na akong namanipula, iniinsulto mo na ba ako sa puso mo?”Matapos ang ilang araw ng katahimikan, pinag-isipan niya ang nakaraan nila. Sa simula pa lang, inakit na siya nito, at ang tanging kahanga-hanga lang ay ang sincerity sa mga mata ni Chloe.Na-corner si Chloe, nakalapat sa dibdib ni Joseph ang mga kamay niya. “Huwag mong gawing biktima ang sarili mo dito. Itanong mo sa puso mo kung hindi ba kita tinrato nang maayos. Naniniwala ka ba talagang hindi ako nagkaroon ng pakialam sa iyo?”“Hindi ako kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na tratuhin ka tulad nang pagtrato mo sa akin. Hindi ko kailanman sinambit ang ma
Natahimik ang paligid habang nag-iisip si Chloe.Nakatitig lang si Joseph kay Chloe, nagliliyab ang galit sa kaniyang mga mata. Kumbinsido siya na isang hangal na babae si Chloe na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. Sa kasamaang palad, may mas magaling pa rin sa kaniya, mas magaling umarte si Harold kaysa kay Chloe.Paglabas ng ward, humarap si Chloe kay Joseph at sinabing, “Hindi natin pwedeng hayaan na malaman ni lolo ang totoo sa ngayon. Hindi na niya kayang mabigla ulit.”“So?” Sagot ni Joseph, nilagay niya ang mga kamay sa bulsa, wala siyang emosyon.Nagsalubong ulit ang mga kilay ni Chloe. ‘Lolo mo siya. Bakit parang wala kang pakialam?’Kalmado siyang sumagot, “Bibigyan kita ng tatlong buwan. Pwede akong palitan ni Xavia sa tatlong buwan na yun, at pagkatapos nun, maghiwalay na tayo ng landas. Sa tatlong buwan na yun, makikipagtulungan ako sa iyo.”Kaya niyang magtiis pa nang kaunti para sa kapakanan ni Harold.Nag-igting ang panga ni Joseph, madilim ang mga
“Pero sa palagay ko, hindi ganung klaseng tao si Joseph..”Natahimik sandali si Chloe at nagtanong, “Paano mo nasabi?”“Tingnan mo, sobrang accomplished ni Joseph. Mayaman siya, gwapo, at may prominenteng social standing. Sa isang pitik lang ng daliri niya, maraming babae na ang lalapit sa kaniya. Kung gusto niya talagang magkaroon ng maraming affairs, sa tingin ko, hindi siya mag-aabalang itago pa yun sa iyo. Baka, sabihan ka pa nga niya bago niya gawin. Parang, “My dear, ito ang perang ibibigay ko sa iyo at sa “good sister” mo kada buwan. Magkasundo kayo at alagaan ang isa’t-isa,” Paliwanag ni Emily.“May katwiran nga ang sinasabi mo…” Nag-aalinlangang pag-amin ni Chloe.“Kaya ko sinabing baka misunderstanding ito. Pagkatapos ng lahat, lalo na at inanunsyo na ni Joseph ang relasyon niyo noong team-building trip, napaka-imposible na may mangyari pa sa kanila ni Xavia pagkatapos nun. Hindi ko yun maintindihan,” Sabi ni Emily.“Kung mayroong misunderstanding, yun ang katotohanang m