Share

Kabanata 283 Ire-Record Ko Ito At Mag-aaral Nang Mabuti

Nagulat si Lucas. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinip si Joseph pero agad niyang inasikaso yon.

“Sige, sir.”

Dumating si Lucas paglipas ng kalahating oras. Nagulat siya nang makita na puno ng upos ng sigarilyo ang ashtray sa mesa. Naninigarilyo lang si Joseph kapag sobrang napi-pressure. May problema ba ang kumpanya? Maba-bankrupt na ba?”

“Nasaan ang footage?”

Bahagyang yumuko si Lucas. “Pasensya na, sir. Sabi sa akin ng lobby manager na nasira ang surveillance system ng floor na ‘to isang buwan na ang nakalipas at hindi pa naaayos.”

Pagkatapos ng ilang sandali, huminga ng malalim si Joseph at sinabi, “Labas.”

*

Nalaman ni Chloe na may business trip si Emily sa Exotic Star. Napag usapan nila ang oras at napag desisyunan na mag lunch.

Sa dining table, masayang nakangiti si Emily at sinabing, “May tinanggap na bagong empleyado ang kumpanya ko. Fresh graduate siya at bata at gwapo.”

Sumubo ng meat si Chloe at mabagal na ngumuya. “Bakit? Huwag mo sabihin sa'kin na gusto mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status