“Masiyadong mataas ang tingin mo sa kaniya.”Tumigil sandali si Joseph, kumplikado ang kaniyang ekspresyon.“Kasalanan ko ang nangyari kagabi, pero wala na tayong nararamdaman pa sa isa’t-isa. Kahit na pakasalan kita, magiging iresponsable lang ako at masasayang lang ang buhay mo. Kung may gusto kang kapalit, sabihin mo lang.”Kinagat ni Xavia ang labi, pinilit na ngumiti. “Wala akong gustong kapalit. Gusto ko lang manatili sa tabi mo nang walang anumang official status, kahit walang pag-ibig. Huwag mo akong itulak palayo. Alam mong ikaw na lang ang nag-iisa kong kaibigan.”Tumango si Joseph bilang pagsang-ayon. “Mayroon akong kukuning tao para asikasuhin ang pang-araw-araw mong pangangailangan at siguraduhin na makatanggap ka ng maayos na medical treatment.”“Salamat. Pwede ba kitang tanungin?”“Ano yun?”“Natatakot ka bang sayangin ang buhay ko, o hindi mo lang mabitawan si Ms. Chloe?”“Neither.”*Kumuha ng hotel room si Chloe. Dahil mayroon siyang savings, kaya niyang mak
Hindi na masyadong nagulat si Lucas nang makita si Chloe dahil inaasahan na niya ang takot ng mga marketing department na ilang araw ng nagdurusa.“Available ngayon si Mr. Joseph. Pwede kang pumasok.”“Salamat.”Tinaas ni Chloe ang pinto at marahang kumatok sa pinto. Isang iritableng boses ang narinig mula sa loob. “Pasok.”Marahan niyang binuksan ang pinto at nilapag ang dokumento sa desk ni Joseph. Magalang ang boses niya pero wala itong emosyon habang nagsasalita, “Mr. Joseph, na-process na ang mga dokumento na ‘to. Paki-review na lang.”Nanatiling nakatingin si Joseph sa kaniyang computer screen, hindi gumagalaw ang mga labi niya, parang hangin ang trato niya kay Chloe.Hindi natinag si Chloe, “Mr. Joseph, na-process na ang mga dokumento na ‘to.”“Bakit ka nagmamadali? Hindi ba kasing halaga ng oras mo ang oras ko?”Tinikom ni Chloe ang mga labi, halata ang inis niya. “Kaya ko kayo hinihintay. Sabihin niyo lang sa akin kung gaano ko kayo katagal hihintayin.”Ngumisi si Jos
Natigilan si Chloe, namumula ang kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay isa siyang p*ta.Tila na-trigger si Joseph sa sinabi ni Chloe. Lumapit siya kay Chloe, nakakatakot ang kaniyang tingin. “Sa simula pa lang ay masama na talaga ang mga method mo, at sa totoo lang, nakakatawa. Kitang-kita sa mukha mo ang totoo mong intensyon, pero naloko pa rin ako. Sa sandaling tuluyan mo na akong namanipula, iniinsulto mo na ba ako sa puso mo?”Matapos ang ilang araw ng katahimikan, pinag-isipan niya ang nakaraan nila. Sa simula pa lang, inakit na siya nito, at ang tanging kahanga-hanga lang ay ang sincerity sa mga mata ni Chloe.Na-corner si Chloe, nakalapat sa dibdib ni Joseph ang mga kamay niya. “Huwag mong gawing biktima ang sarili mo dito. Itanong mo sa puso mo kung hindi ba kita tinrato nang maayos. Naniniwala ka ba talagang hindi ako nagkaroon ng pakialam sa iyo?”“Hindi ako kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na tratuhin ka tulad nang pagtrato mo sa akin. Hindi ko kailanman sinambit ang ma
Natahimik ang paligid habang nag-iisip si Chloe.Nakatitig lang si Joseph kay Chloe, nagliliyab ang galit sa kaniyang mga mata. Kumbinsido siya na isang hangal na babae si Chloe na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. Sa kasamaang palad, may mas magaling pa rin sa kaniya, mas magaling umarte si Harold kaysa kay Chloe.Paglabas ng ward, humarap si Chloe kay Joseph at sinabing, “Hindi natin pwedeng hayaan na malaman ni lolo ang totoo sa ngayon. Hindi na niya kayang mabigla ulit.”“So?” Sagot ni Joseph, nilagay niya ang mga kamay sa bulsa, wala siyang emosyon.Nagsalubong ulit ang mga kilay ni Chloe. ‘Lolo mo siya. Bakit parang wala kang pakialam?’Kalmado siyang sumagot, “Bibigyan kita ng tatlong buwan. Pwede akong palitan ni Xavia sa tatlong buwan na yun, at pagkatapos nun, maghiwalay na tayo ng landas. Sa tatlong buwan na yun, makikipagtulungan ako sa iyo.”Kaya niyang magtiis pa nang kaunti para sa kapakanan ni Harold.Nag-igting ang panga ni Joseph, madilim ang mga
“Pero sa palagay ko, hindi ganung klaseng tao si Joseph..”Natahimik sandali si Chloe at nagtanong, “Paano mo nasabi?”“Tingnan mo, sobrang accomplished ni Joseph. Mayaman siya, gwapo, at may prominenteng social standing. Sa isang pitik lang ng daliri niya, maraming babae na ang lalapit sa kaniya. Kung gusto niya talagang magkaroon ng maraming affairs, sa tingin ko, hindi siya mag-aabalang itago pa yun sa iyo. Baka, sabihan ka pa nga niya bago niya gawin. Parang, “My dear, ito ang perang ibibigay ko sa iyo at sa “good sister” mo kada buwan. Magkasundo kayo at alagaan ang isa’t-isa,” Paliwanag ni Emily.“May katwiran nga ang sinasabi mo…” Nag-aalinlangang pag-amin ni Chloe.“Kaya ko sinabing baka misunderstanding ito. Pagkatapos ng lahat, lalo na at inanunsyo na ni Joseph ang relasyon niyo noong team-building trip, napaka-imposible na may mangyari pa sa kanila ni Xavia pagkatapos nun. Hindi ko yun maintindihan,” Sabi ni Emily.“Kung mayroong misunderstanding, yun ang katotohanang m
Para bang may nagtutulak kay Joseph na magtanong, “Pinagsisihan niya ba?”“Nagsisisi ba siya? Oo, oo! Sobra siyang nagsisisi! Ilang araw siyang umiiyak, ikaw lang ang laman ng puso at isip niya!” Mabilis na sagot ni Emily, kasabay nito ay humihingi na rin siya ng tawad kay Chloe.Kahit na hindi naman talaga sinabi ni Chloe na nagsisisi kay Emily, nararamdaman niya ang nararamdaman ni Chloe sa relasyon nila ni Joseph. Kaya naman, pakiramdam ni Emily ay oras na para siya na ang gumawa ng paraan.“Pero ano pang silbi ng pagsisisi niya ngayon? Wala na yun silbi,” Sagot ni Joseph, puno ng sarcasm ang boses niya.Kumurap si Emily. “Kausapin mo siya. Win her back.”Sumingot ang mukha ni Joseph at hindi na namansin. ‘Kausapin siya? Kalokohan. Bakit niya naisip na hindi ko kayang mabuhay nang wala ang dumbo na yun?’Pinanood ni Emily ang pag-alis ng Rolls-Royce, naiwan ang isang tanong sa isipan niya.Anong ibig sabihin nun? May epekto ba ang ginawa niya?Kahit ano pa man ang maging res
Makalipas ang isang oras, dumating si Joseph sa ospital, nakasunod sa kaniya si Lucas at Wren.Sumilip si Joseph sa hospital ward at nagtanong, “Dumating na ba ang mga pulis?”“Oo, may malay na rin si Benjamin. Kinukwestiyon siya ngayon,” Sagot ni Chloe.Tumango siya, kumatok sa pinto, at pumasok sa kwarto. Nakikipagtalo pa si Benjamin hanggang sa dumating si Wren sa harapan niya. Agad siyang nawalan ng lakas.Tiningnan ni Benjamin si Chloe at sinabing, “Matagal mo na ba itong pinaplano?”“Hindi naman. Nang mag-divorce lang kayo ni Karen,” Sagot ni Chloe.“At minanipula mo rin ang paternity test?” Tanong ni Benjamin.“Pwede mo rin sabihin yan,” Kumpirma ni Chloe.Sa mga salitang yun, nabasag ni Chloe ang natitirang ilusyon ni Benjamin. Inamin niya agad ang kasalanan niya at sinabing si Karen ang mastermind.Dahil sa seryoso ang krimen na ito, mabilis na inaresto ng mga pulis si Karen. Nang maaresto siya, nasa isang beauty salon si Karen kasama ang isang kaibigan, pinagmamayaba
Dahan-dahang binaling ni Chloe ang tingin mula sa financial report at saka tiningnan si Ava. Tumawa siya, “Kung ayaw mong malaman ng iba yun, huwag mong gawin. Ganun lang kasimple yun.”May ilang bagay na may mga kapalit na dapat lumabas.“Huwag mo akong gaguhin. Ang nanay ko ang first love ni Daddy. Ang nanay mo ang dumating at inagaw ang lugar niya. Sa huli, hindi niya man lang maalagaan si Daddy dahil sa nanghihina niyang katawan. Tinapos lang ng nanay ko ang paghihirap niya!”Nanlamig ang ekspresyon ni Chloe, at mabilis niyang kinuha ang mainit na kape sa mesa niya at sinaboy yun sa mukha ni Ava. Napasigaw sa sakit si Ava dahil sa nakakapasong kape, para bang handa na niyang sugurin si Chloe. Gayunpaman, mabilis na umiwas si Chloe, at nakakatawang bumagsak si Ava sa sahig.Ngayong nasabuyan ng kape ang mukha niya, galit na galit ang ekspresyon ni Ava habang pinagbabantaan si Chloe. “Sabihin mo sa mga pulis na pakawalan ang nanay ko ngayon o pagsisisihan mo ito!”“Oh? At bakit
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti