Lutang akong bumaba sa Jeep nang tumigil ito sa harapan ng paaralang pinapasukan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, siya talaga 'yong lalaking anghel na sumagip sa akin sa panaginip ko kagabi. Nanghihinayang ako ngayon, hindi ko man lang siya nakuhanan ng litrato nang may remembrance sana ako. Bigla na lang kasi itong pumara nang mapadaan ang Jeep sa harap ng Mall.
Napatigil ako bigla sa pag-iisip nang may bumangga sa aking balikat. Huli ko lang napansin, nasa harap na pala ako ng tarangkahan ng paaralang pinapasukan ko. Maraming estudyante ang naglalakad papasok sa loob. Mula sa aking tinatayuan, kitang-kita ang malaking logo ng paaralan na nakalagay sa parteng gilid ng tarangkahan. Nakaukit doon ang malaking pangalan ng paaralan, ang Mantrell High University. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng kulay berde kong unipormeng palda. "Good morning mga bestfriend ko! Kararating ko lang sa MHU," ani ko sa mensaheng pinadala ko sa mga kaibigan ko.Tuluyan na akong pumasok sa loob at mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Nagtataasang gusali ang aking nadadaanan. Maraming makukulay na bulaklak ang aking nakikita sa paligid. Maraming estudyante naman ang aking nakita sa iba't ibang sulok ng paaralan. Mga abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila— na akala mo'y parang ilang buwan silang hindi nagkita. Ngunit isang linggo lamang iyon dahil sa semestral break namin.Napatingin ako sa suot kong relo at tiningnan kung anong oras na. Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makitang 7:20 AM na. Sampung minutos na lang at oras na ng klase. Dali-dali akong naglakad patungo sa gusali ng Technical Vocational Livelihood para pumasok na sa silid ng Strand kong Information Computer Technology.Nang makarating ako sa bukana ng gusaling pinapasukan ko, napatigil ako nang may bumuhos sa akin ng tubig. Maduming tubig ito sanhi upang maging kulay-kape ang kulay puting blusa ng suot kong uniporme. Umalingasaw ang baho sa buong paligid mula sa tubig na ibinuhos sa akin.Napatingala ako sa itaas ng gusali para tingnan kung sino ang bumuhos sa akin ng tubig. Nakita kong may grupo ng mga estudyante roon. Isa sa kanila may dalang timba at may suot pa itong mask sa mukha. Napayuko ako nang umalingawngaw sa buong paligid ang tawanan ng mga kaiskuwela kong nakakita sa sitwasyon ko. Pumalibot sila sa kinaroroonan ko at sabay tapon ng masasamang salita. "Ang baho-baho niya naman!""Mukhang basahan na talaga ang pagmumukha niya!""ANG PANGIT MO!"Mas lalo akong napayuko dahil sa mga narinig. Hindi na bago ang mga masasamang salitang binabato nila sa 'kin. Ngunit ang sakit-sakit lang dahil sarili kong kapwang estudyante, ginaganito ako. Nakayuko akong umalis sa mga estudyanteng nagkukumpulang sa harap ko. Patuloy pa rin sila sa pagtawa at pagbato ng masasamang salita. Napatigil ako sa paglalakad nang may magsalita mula sa likuran ko."OH MY GOD! What's that smell? Ang baho naman, ba't kasi may basurang pakalat-kalat dito sa MHU?" malakas na pagkakasabi ng taong iyon. "ANG FOXYLUSCIOUS GROUP!"Napalingon ako sa aking likuran nang magsigawan ang mga kaiskuwela ko sa paligid. Nagitla ako nang makasalubong ko ang tingin ni Kira Lim sa akin, ang lider ng grupong FoxyLuscious Group. Kasama nito ang mga kagrupo niya. Suot nilang lima ang uniporme ngunit sobrang iksi ng kulay berdeng palda. Ang kapal naman ng mga kolorete nila sa mukha at umaapaw ang karangyaan dahil sa mga suot nilang mamahaling alahas."Hey Blackie Girl! Nariyan ka pala? O my God! What happened to you? Wala bang tubig sa bahay niyo at pumunta ka pa rito sa school na ganyan ang itsura? Look at yourself, you're so dirty and... disgusting," nasusukang wika niya sabay nakakasuya niya akong tiningnan.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Alam ko sa sarili ko, siya ang may pakana sa nangyaring ‘to sa ‘kin. Sa laki ba naman ng galit niya sa akin, hindi na ako magtataka kung ba’t ganito na lang ang nangyari sa akin ngayon."My God! May bulok bang basura rito? Sobrang baho naman!" nakangiwing wika ni Camille— isa sa kasama ni Kira.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tinginan nila Kira at ng mga kasama niya sabay ngisi sa isa’t isa. Pabuntong-hininga na lamang akong napayuko, wala naman akong kalaban-laban sa kanila. Mayaman sila, habang ako, parang langaw lang sa paningin nila. Mas gugustuhin ko na lang magpalamon sa lupa ngayon nang mas dumami pa ang mga estudyanteng pumalibot sa akin. Samo’t saring bulungan ang aking narinig at nangunguna roon ang bulungan ng tagahanga nina Kira. "Pangit na nga siya no'ng wala pang semestral break. Mas lalo pa siyang pumangit ngayon.""Maitim at bruha pa.""May lahi rin sigurong mangkukulam 'yan. Tingnan niyo ang pagmumukha niya, pangit na nga, buhaghag pa ang makapal niyang buhok.""Nakakadiri pa siya, ang baho-baho niya. Ganyan talaga siguro ang mga taong nagmula sa bundok. Amoy basura."Kaliwa't kanang bato ng mga kaiskuwela ko sa ‘kin. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng aking palda. Sobrang sakit ng dibdib ko, parang mga kutsilyong bumabaon sa puso ko ang mga salitang sinabi nila. Napakagat ako ng ibabang labi nang mapigilan ang sariling mapaluha.Naramdaman kong may lumapit sa akin. Nangibabaw ang munting pag-asa sa sistema ko nang maisip kong isang guro iyon. Ganoon na lamang ang pagkabigo ko nang marinig ko ang boses ng lumapit sa akin. "Hey Blackie Girl! Nakaligo ka ba ng maayos? Marami pa kasing dumi 'yang mukha mo. Oh, I forgot! Inborn mo na palang madumi. Kahit ano kasing ligo mo, hindi makuha-kuha 'yang maitim na kulay ng balat mo."Umalingawngaw ang tawanan ng mga kaiskuwela ko dahil sa sinabing 'yon ni Vanessa, isa sa grupo ng FoxyLuscious Group. Hindi ko mapigilang mapaluha ng tuluyan dahil sa ginagawa nila. Hindi man pisikalan ang ginagawa nila, pero tagos sa puso ang mga insultong sinasabi nila."Try mo kayang maligo ng Zonrox, Blackie Girl. Ang damit nga na maitim ay pumuputi, no doubt na pati ikaw ay pumuti rin."Muling umalingawngaw ang tawanan ng mga kaiskuwela ko, pagkatapos dagdagan ng isang grupo ng FoxyLuscious Group, si Jessie Hulleza. Napakuyom ako ng sariling kamao, hindi ko na kayang matagalan ang mga sinasabi nila. Gusto ko nang makaalis dito sa gitna ng mga nagkukumpulan kong mga kaiskuwela. Nang sa ganoon, makalayo na ako sa mga masasakit na mga salitang binibitawan nila.Naramdaman ko na rin ang pangangati ng buo kong katawan dahil sa maduming tubig na ibinuhos sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang klase ko ngayong umaga. Siguradong nagsisimula na ‘yon dahil kanina pa nag-7:30. "E kung ikaw kaya ang paliguan ko ng Muriatic Acid, Jessie? Kasama 'yang tempura mong mga kaibigan?" Napaangat ako ng aking ulo nang marinig ko ang matigas na pagkakasabi ng isang lalaking 'yon. Napatahimik ang mga buong kaiskuwela kong nagkukumpulang sa akin. Napahawi silang lahat nang dumaan sa gitna ang dalawang estudyante. Isang babaeng porselana ang kutis at hanggang baywang ang umaalon niyang buhok. Kasama nito ang isang lalaki na ang tangkad, maayos ang pagkakasuklay ng buhok, at parang itong KPop Star dahil sa umaapaw nitong kagwapuhan dahil sa singkit nitong mga mata at sobrang puti ng kanyang balat. Parehong matalim ang pagkakatingin nila sa FoxyLuscious Group. Nasaksihan kong matigilan ang grupo nang makalapit ang dalawang estudyante sa harap nila. Nakita ko naman kung paano magningning ang mga mata ni Kira Lim habang nakatingala sa lalaking estudyante na nagsalita kanina."Ipainom ko na rin sa inyo, nang luminis 'yang maitim niyong budhi sa katawan," galit na dugtong ng lalaki at agad tumalikod ito sa kanila saka lumapit ito sa kinaroroonan ko kasama ang babaeng kasama niya."Oh my God!” Napasinghap ang babae nang makita ang itsura ko. “Are you okay, Almhera girl?” nag-alala niyang tanong sa ‘kin."Mga walangya sila,” umiigting ang pangang sabi ng lalaki pagkatapos makita ang kabuuan ko.Tatalikod na sana ito para sumugod ulit doon sa Foxyluscious Group ngunit mabilis ko itong pinigilan sa paghawak sa kaniyang palapulsuhan. Matalim niya akong binalingan, sinasabing bitiwan ko siya. Umiling-iling ako sa kaniya at buong pwersa ko silang hinatak ng kasama niyang babae papalayo sa gitna ng nagkukumpulang mga kaiskuwela namin. "Napaka-gold digger talaga niyang Almhera na 'yan.""Ang kapal pa ng mukhang humawak sa kamay nina Giovanni Oppa at Christine Ritz.""Ambisosya kasi, sa bundok naman nagmula 'yan." Samo't saring bulungan pa ang aking narinig mula sa mga kaiskuwela kong nadaanan namin. Hindi ko nalang ‘yon pinansin at mabilis nilayo ang dalawa kong kasama."Ano ka ba naman, Almhera girl?!” Napayuko ako nang pabagsak inilagay ni Christine sa mesa ang dalang tray na may inumin namin. “Ba't mo sila hinahayaan na gawin 'to sa 'yo, ha? Look at yourself, binully ka na naman nila. Dapat hinayaan mo na lang kami ni Giovanni kanina nang makabawi ka naman sa ginagawa nila," galit na dugtong niya. Napakagat ako ng sariling labi, hindi alam kung anong sasabihin kapag ganito ang timpla ni Christine. Kasalukuyan kaming tatlo sa isang Coffee Shop na sa harap lamang ng MHU. Pagkatapos naming lumayo kanina, agad akong naligo sa Shower Room bago kami pumunta rito.Napaangat ako ng aking ulo nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nag-alalang mga mata ni Giovanni ang sumalubong sa akin nang siya ang makita kong nakahawak sa kamay ko. Kanina ko pa siya napapansin, simula nang makaalis kami sa MHU ang tahimik niya. “May problema ka ba, Giovanni?” tanong ko sa kaniya.Nahagip naman ng mga mata ko ang pagbaling ni Christine kay Giovanni. Umiling-iling naman si Giovanni sa akin at pilit itong ngumiti.“Wala naman akong problema. Nag-alala lang ako sa ‘yo Almhera, nang dahil sa ‘kin, nangyari ‘to sa ‘yo,” ani Giovanni.“Vanni, problema rin naman kaya ang pag-aalala mo kay Almhera,” nakairap na wika ni Christine. “Ba’t kasi ang gwapo mo? Pati ‘yong mga bruhang Foxyluscious Group, patay na patay sa ‘yo. ‘Yan tuloy, pati si Almhera napapahamak dahil sa obsession ng mga babaeng ‘yon,” dugtong niya pa bago ito uminom ng ice tea niyang inumin. “Tsk. Nakakainis na nga sila, pati inosenteng tao dinadamay nila,” nakahawak sa noong ani Giovanni.Sabay kaming napatingin ni Giovanni kay Christine nang bigla itong umusog ng upuan papalapit sa upuan ni Giovanni. Napangiwi na lang ito nang bigla na lang siya niyakap ni Christine. Mabuti na lang malayo ang ibang tao sa kinaroroonan namin, hindi nila makikita ang ginagawa nila. “Ba’t hindi ka na lang pumayag sa fixed marriage na ginawa ng parents natin for us? Ayaw mo no’n, your future wife is Christine Ritz Fontana, the most gorgeous girl here in La Deś Stefano.” Christine flipped her hair and show her beautiful smile.Nakangiwi namang tinulak ni Giovanni ang mukha ni Christine papalayo sa kaniya. “ In your dreams, Christine. You’re not my type and I will never marry you. Tingnan mo ‘yong nasa labas, ganyang tao ang ideal type ko.”Sabay kaming napatingin ni Christine sa labas at napangiwi na lang ako nang makitang may lalaking naka-topless doon. Napatingin ako kay Giovanni at nakita kong naglalaway itong nakatingin sa lalaki na nasa labas. Natatawa ko na lang kinuha ang sariling ice tea at ininom ito.Sana ganito na lang katahimik ang buhay ko katulad sa Coffee Shop kung saan kami ngayon. Napatingin ako bigla kina Giovanni at Christine nang muli silang magbangayan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang ginawa nilang dalawa sa akin kanina. Napatigil sila sa pagbabangayan nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.“What’s wrong, Almhera girl?” tanong sa akin ni Christine.Napailing-iling naman ako. “Wala naman, Christine. Sobrang saya ko lang dahil kasama ko kayo ngayon. Pati kayo, napa-absent para lang samahan ako. Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon dahil may mga best friend ako katulad niyong dalawa.” Napatingala ako bigla nang maramdamdaman kong naluluha ang mga mata ko."Ano ka ba naman Almhera, ‘di ba nangako tayong tatlo na walang iwanan? Kaya huwag ka ng umiyak diyan, papangit ka niyan," biro sa ‘kin ni Giovanni at agad akong inakbayan. Lumapit naman si Christine at niyakap ako. “Naku, baka mabaho pa ako. Kaya lumayo muna kayo sa ‘kin-““No you’re not, Almhera girl. Your smell was the same with mine now. Chanel Coco Mademoiselle perfume is the best!” malawak ang ngiting sabi ni Christine.Hindi ko naman mapigilang sumang-ayon sa kaniya. Sobrang bango naman talaga ng pabango niya.“Mga bruha, tayo na’t bumalik sa MHU at baka ma late tayo sa klase,” mahinang sabi ni Giovanni sa amin ni Christine.Napatingin naman kami ni Christine sa sariling mga relo. Agad kaming napaligpit ng mga gamit nang makitang beinte minutos na lang bago ang oras ng third period naming klase.“Kumusta ang pakiramdam mo, Almhera girl?” tanong sa akin ni Christine nang makalabas kami sa Coffee Shop.“Ayos lang ako, Christine. Maraming salamat talaga sa pagpahiram mo ng uniporme mo sa ‘kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ‘pag wala akong pamalit kanina. Ayaw ko namang umuwi ng bahay ng ganoon ang itsura at baka ano pa ang sabihin ni Mama.” Pilit akong ngumiti sa kaniya.“Ano ka ba naman, Almhera girl. Okay lang ‘yon sa akin. Sabihin mo lang talaga sa akin kung sinaktan ka ng mga ‘yon kanina. Makikita talaga nila ang impyerno,” may galit sa tonong sabi ni Christine. "Ano ka ba, hindi ako sinaktan nga mga 'yon. Nabuhusan lang ng maruming tubig—"“Ano pang ginagawa niyo riyan? Mali-late na tayo sa mga klase natin."Napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Giovanni sa unahan namin ni Christine.Nagkatinginan kami ni Christine at sabay kaming natawa bago sumunod kay Giovanni na nauuna nang maglakad. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko, bigla akong napatigil nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag ko. Nakita kong may mensahe akong natanggap at hindi nakarehistrong numero ang nakalagay. Agad kong binuksan ito, biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang tuluyan kong mabasa ito."Hindi pa tayo tapos, Blackie Girl." — From: FLG"GIOVANNI OPPA! ANG GWAPO MO!""CHRISTINE RITZ FONTANA, BE MY GIRLFRIEND!"Mga hiyawan ng mga kaiskuwela namin pag pasok namin kinabukasan. Kailan pa ba ako masasanay sa sikat kong mga kaibigan na ito? Nakayuko lang akong nakasunod sa likod nilang dalawa."HOY MAITIM NA PANGIT! LUMAYO KA NGA RIYAN SA TABI NILA!"Napaangat ako ng aking ulo nang tumigil sa paglalakad ang dalawa. Matalim ang tingin nila sa direksyon ng kaiskuwela naming sumigaw sa akin, na sana'y hahayaan ko na lang sana. Hinawakan ko ang mga braso nilang dalawa nang akma silang susugod doon."Naku naman mga bestfriend, hayaan niyo na sila. Mali-late na tayo sa klase, oh,"Hindi umaalis ang matalim nilang tingin sa kaiskuwela namin habang hinahatak ko sila papalayo roon. "Ano ka ba naman, Almhera! Ba't mo naman kami pinigilan?! Sumusobra na talaga ang mga 'yan!" kunot-noong singhal ni Giovanni nang makalayo kami sa mga kaiskuwela namin. Bahagya akong napapikit nang humarap ito sa 'kin. Napatingin naman ako kay Christine
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kaniya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin nang dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa ak
"BAKIT napanaginipan muli kita!" Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. "Pagkatapos akong ipahiya ng lalaking kamukha mo kahapon. Susulpot ka na lang muli sa panaginip ko at may payakap-yakap ka pang nalalaman!" Gigil kong pinagsusuntok ang unan na yakap-yakap ko. Napatigil at napatihaya ako ng higa. "Pero ito naman ako, yumakap naman pabalik sa 'yo," mahinang sabi ko habang inaalala ang detalye ng napanaginipan ko. Napagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa sobrang inis. Kahit sa panaginip, marupok pala ako? Kaloka ka Almhera!"ALMHERA! GISING KA NA BA RIYAN?!" Napaupo ako bigla nang marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. "Naku talagang bata ka! Tanghali na, hindi ka pa rin diyan bumabangon!" Napatakip ako ng tainga nang dumagundong ang lakas ng boses ni Mama sa buong bahay. "Gising na po ako Ma! Nag-aayos na nga po ako ngayon!" pasigaw kong sagot habang inaayos na ang aking higaan. "Bilisan mo! Mag-aagahan na tayo!" sigaw niyang muli.
Marami na akong narinig at nakita sa telebisyon tungkol sa mga alaala ng isang tao. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong lumabas sa isipan ko. Alaala ko ba iyon? Bakit hindi pamilyar sa akin? At sino ang mag-inang 'yon? Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo at konting kirot doon. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang muntikang aksidente namin ni Papa. Ngunit hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang alaalang nakita ko. Hindi ko naman masabi-sabi ito kina Mama't Papa at baka mag-alala pa sila. Hindi ko napigilang mapatili nang biglaang huminto ang Jeep na sinasakyan ko. Muntikan akong mapasubsob subalit hindi 'yon natuloy nang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Bumaling ako sa taong 'yon at sana'y magpapasalamat. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit sa mukha ko ang mukha ng gwapong anghel mula sa panaginip ko. Impit akong napaaray nang bigla niya akong bitawan pagkatapos niya akong makita. Masama ko itong
CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... Siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan ko
ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kaniya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, pu
ALMHERA'S POV"Almhera! Gising!"Bigla akong napaupo mula sa himbing kong pagtutulog nang biglang may humila ng kanang tainga ko. Sinamaan ko ng tingin si Giovanni nang makitang hawak-hawak ako sa tainga. Ang bakla, naka-topless pa sa harap ko at ibinalandara pa ang anim niyang pandesal sa mukha ko. "Ano ba naman, Giovanni! Alas nuebe pa kaya ang pasok natin ngayon! Ba't mo ko ginising? Tingnan mo ang oras, o? Alas singko y medya pa lang ng umaga," asar kong sabi pagkatapos kong makita ang oras. "Si Tita Amanda tumatawag at ikaw ang hinahanap," walang gana niyang sabi sabay bigay ang sarili niyang cellphone sa akin. Bumalik ito muli sa paghiga sa malaking sofa rito sa kuwarto ni Christine. Napatingin naman ako sa katabi kong si Christine na ang himbing pa rin ng tulog. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Nanginginig kong itinapat sa tainga ang cellphone ni Giovanni nang tuluyan na akong lumabas . Ba't kaya tumawag si Mama ng ganito ka aga? May p
CLINTHON'S POVPasipol-sipol akong pumasok sa Training Room namin ng mga judo athletes. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maalala ang mukha no'ng pangit. Almhera pala ang pangalan no'n? Tsk. Sayang talaga ang magandang pangalan, napunta pa sa pangit na tao. "Ganda ng araw natin, Bro a. Siguro may ka-date kang chicks kagabi. Kaya ganyan na lang kaganda ang ngiti mo."Bigla akong sumeryoso nang bumungad ang pagmumukha ng baliw kong kaibigan na si Andrew. Ang loko, parang timang kong makangiti sa harap ko. "Alam mong hindi ko hilig ang makipag-date, 'di tulad mo Andrew," walang gana kong sabi at nilagpasan ito. Dumeretso ako sa aming locker at iniligay roon ang dala kong bag. Ang loko kong kaibigan nakasunod naman sa likod ko."Alam ko naman 'yon, Bro—" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong natigilan sa pagsasalita. "Anong nangyari riyan sa kamay mo? Ba't may benda 'yan? Napaaway ka ba?" nag-alala niyang tanong sabay kuha ng kaliwang kamay ko. "Hindi ako nakipag-away, Andrew. K
ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa
ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a
ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p
CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin
"Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab
May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum
"Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na
"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na