Home / YA/TEEN / Jeepney Love Story / Third Trip: We're Always At Your Back

Share

Third Trip: We're Always At Your Back

last update Last Updated: 2021-08-31 08:38:50

"GIOVANNI OPPA! ANG GWAPO MO!"

"CHRISTINE RITZ FONTANA, BE MY GIRLFRIEND!"

Mga hiyawan ng mga kaiskuwela namin pag pasok namin kinabukasan. Kailan pa ba ako masasanay sa sikat kong mga kaibigan na ito? Nakayuko lang akong nakasunod sa likod nilang dalawa.

"HOY MAITIM NA PANGIT! LUMAYO KA NGA RIYAN SA TABI NILA!"

Napaangat ako ng aking ulo nang tumigil sa paglalakad ang dalawa. Matalim ang tingin nila sa direksyon ng kaiskuwela naming sumigaw sa akin, na sana'y hahayaan ko na lang sana. Hinawakan ko ang mga braso nilang dalawa nang akma silang susugod doon.

"Naku naman mga bestfriend, hayaan niyo na sila. Mali-late na tayo sa klase, oh,"

Hindi umaalis ang matalim nilang tingin sa kaiskuwela namin habang hinahatak ko sila papalayo roon.

"Ano ka ba naman, Almhera! Ba't mo naman kami pinigilan?! Sumusobra na talaga ang mga 'yan!" kunot-noong singhal ni Giovanni nang makalayo kami sa mga kaiskuwela namin.

Bahagya akong napapikit nang humarap ito sa 'kin. Napatingin naman ako kay Christine na nasa tabi niya. Katulad ni Giovanni, nakapinta rin sa mukha niya ang inis at galit.

Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita, "Ano ba naman kayo, hindi pa ba kayo nasasanay sa mga kaiskuwela natin? Simula Grade 7, ganoon na sila sa akin. Tingnan niyo ngayon, Grade 12 na tayo, o? Siguradong magsasawa rin ang mga 'yon." Matamis akong ngumiti sa kanilang dalawa.

"'Yan din ang sinabi mo sa amin before, Almhera. But look at this, malapit na tayong magga-graduate sa K-12 but until now patuloy ka pa rin nilang binu-bully." Nakaarko ang kaliwang kilay ni Christine sa sobrang galit.

"Let's talk this again later. Magta-time na at kailangan na nating pumasok sa ating mga classrooms, " wika ni Giovanni na nagpatigil sa amin ni Christine.

***

Deretso akong nakatingin sa aming guro na abala sa pagtalakay sa harap. Ngunit wala akong maintindian sa sinasabi niya nang bumabagabag muli sa isipan ko ang mensaheng natanggap ko kahapon. Mula pa kagabi hanggang ngayon sa pagpasok sa eskwela, hindi nawawala sa isipan ko 'yon. Sigurado ako, ang FoxyLuscious Group ang nagpadala no'n dahil sa nakalagay na initials na FLG.

Ngayon, kinakabahan ako at baka may gawin muli silang masama sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga nang tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng aming klase.

"Mas mabuting think positive na lang tayo, Almhera. Huwag tayong nega ngayong araw," wika ko sa aking sarili.

Mabagal kong iniligpit ang aking mga gamit at hinintay munang makalabas ang lahat kong kaklase bago tuluyang makalabas sa aming silid-aralan. Pabuntong-hininga akong naglakad nang hindi nakaligtas sa pandinig ko nang ako na naman ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang matanaw ko ‘di kalayuan sina Giovanni at Christine, naghihintay sa ‘kin.

“How’s your class, Almhera girl?” malawak na ngiting tanong sa ‘kin ni Christine sabay yakap sa kaliwang braso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang sa wakas, hindi na siya galit 'di katulad kanina.

“Maayos naman Christine. Kayo, kumusta ang mga klase niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa ni Giovanni. Pilit kong pinapatamis ang ngiti sa labi ko, hindi pinapakita ang pagiging balisa ko.

“As usual, maganda pa rin ako. ‘Di pareho sa guro ko, pangit na nga, ang boring pa magsalita.”

Sabay kaming napasinghap ni Christine dahil sa mahinang sabi 'yon ni Giovanni. Sabay namin itong hinampas sa braso.

"Ang sama mo Giovanni. Siguradong hindi ka lang nakikinig sa lecture ng guro mo," ani ko.

"Excuse me, sino naman may ganang makinig sa boring niyang pananalita?" asar na sagot ni Giovanni.

"You're so mean talaga, Vanni. Let's go na nga, I'm hungry." pag-aya ni Christine sa amin.

Agad kaming pumanhik sa Cefeteria, dahil lunch time na, sobrang dami ng mga estudyante ang kumakain sa loob. Napatigil ako sa paglalakad at biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makasalubong ko ang mga mata ng FoxyLuscious Group. Nakaupo sila sa gitnang parte ng Cafeteria. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa paraan ng kanilang pagtitig sa akin.

"Almhera, what's wrong? Let's go." Nagitla ako nang may humawak sa kamay ko. Natataranta kong hinila ang kamay ko nang makitang si Giovanni ito. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Sige Giovanni, tayo na." Mabilis akong nauna maglakad kay Giovanni. Pilit akong ngumiti kay Christine nang makitang nakaupo na ito sa pang-apat na mesa.

"I already order our foods, Almhera girl," nakangiting wika ni Christine nang makaupo ako sa tabi niya. Sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang umupo si Giovanni sa harap ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang seryoso itong nakatingin sa akin. Napapalunok ako nang maisip baka patayin ako ni Giovanni gamit ang tingin niya.

"For the first time, ngayon mo lang hinila ang kamay mo mula sa hawak ko, Almhera."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Giovanni dahil sa sinabi niyang 'yon. Lagot ka na talaga Almhera.

"Why? What's wrong guys?" nagtatakang tanong ni Christine sa amin.

"Naku, wala Christine." umiling-iling kong tugon sa kanya.

"Give me your hands, Almhera." seryosong utos sa akin Giovanni.

Pabuntong-hininga kong binigay sa kanya ang mga kamay ko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa direksyon namin nang hawakan ni Giovanni ang mga kamay ko.

"Oh My God! Why the both of you is so sweet?!"

Mahina kong sinipa ang paa ni Christine mula sa ilalim ng lamesa dahil sa sigaw niyang 'yon. Mas lalo niya akong pinapahamak nito e.

"Is there something wrong, Almhera?"

Napatingin ako kay Giovanni nang mahina niyang itanong 'yon.

"Wala naman, Giovanni," mahinang sagot ko at agad umiwas sa tingin niya.

"You know, you're not good at lying, bruha," Nagitla ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at sabay ibinulong 'yon sa tainga ko. "At alam kong may bumabagabag diyan sa isipan mo," dugtong niya pa.

Napahinga ako nang maluwag nang lumayo ito sa akin sabay binitawan ang mga kamay ko. Napayuko ako nang umugong ang bulungan sa buong cafeteria dahil sa ginawang 'yon ni Giovanni. Masama akong napabaling kay Christine nang marinig ko itong humagikhik sa tabi ko.

"Sorry... ang sweet niyo kasi ni Vanni," aniya, na lalo akong inasar.

Napabuga ako ng hangin nang dumating na ang mga pagkain namin. Vegetable salad at tuna sandwich ang pagkain ni Christine. Habang carbonara naman ang pagkain ni Giovanni. Kanin at chicken curry naman ang sa akin.

Nagsimula na kaming kumain, ngunit parang hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Bigla akong napatayo nang bumuhos sa mukha at damit ko ang orange juice.

"ANO BA?! WHY DID YOU DO THAT TO HER?!" Napatayo si Christine at malakas sinigawan ang babaeng nakabuhos sa akin ng Juice.

"SORRY PO! Hindi ko po sinasadya, nadulas po kasi ako. Hindi ko po talaga sinasadyang mabuhos sa kaniya ang juice na hawak ko. "

Akmang susugurin ni Christine ang babae pero agad akong humarang sa harap niya at pinigilan ito.

"Ayos lang ako, Christine. Hindi niya naman sinasadya ang nangyari," ani ko sabay hawak sa magkabila niyang braso.

Bumaling naman ako sa babaeng nakatapon ng juice sa akin. "Ok na po, puwede na po kayong umalis," wika ko.

Bahagya akong nagulat nang makita kong pasimple itong ngumisi bago umalis sa harap ko. Aksidenteng dumapo ang tingin ko sa mesa ng FoxyLuscious Group. Natataranta akong napaiwas ng tingin nang makita kung gaano kasama ang tingin nila sa akin.

"Tapos na ba kayo kumain?" bigla kong tanong kina Giovanni at Christine. "Tapos na kasi akong kumaiin. Tara na, labas na tayo."

"B-But... hindi pa nakakahalati ang pagkain mo, Almhera girl," sabi ni Christine habang nakatingin sa pagkain ko.

Hindi ko naman maiwasang mapanghinayang dahil kaunti lang ang nabawasan sa pagkain ko. Mariin akong napapikit sabay paghingi ng tawad sa Panginoon dahil sa pagsayang ko ng pagkain ngayon.

Napipilitan akong ngumiti kay Giovanni at Christine. "Busog pa kasi ako Christine, wala akong ganang kumain," pagsisinungaling ko. Hindi ko lang kayang kumain dito sa Cafeteria kapag maraming mga mata ang nakatingin sa akin. Nangunguna na roon ang mga mata ng FoxyLuscious Group na binabantayan ang bawat kilos ko.

"Tayo na, labas na tayo." Aangal pa sana sila ngunit pilit ko silang dalawa tinulak palabas ng Cafeteria.

Agad akong dumeretso sa banyo upang magbihis ng aking unipormeng nabasa ng orange juice. Paano ko na naman kaya 'to itatago kay Mama? Kahapon, inilagay ko sa garbage bag ang damit kong nabuhusan ng maruming tubig para hindi ito mapansin ni Mama. Sa tingin ko, 'yon na naman ang gagawin ko mamaya pagkauwi ko ng bahay.

"Pasensya Christine ha? Isasauli ko na sana itong uniporme mong pinahiram mo sa akin kahapon. Ngunit ngayon, hiniram ko muli ito," wika ko nang makalabas ako mula sa banyo.

Sa labas ng banyo sila ni Giovanni naghihintay sa akin. Napatingin ako kay Giovanni, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa malayo. Ano naman kaya ang iniisip niya?

"It's okay, Almhera girl. Puwede namang sa 'yo na lang 'yan. Marami naman akong uniform sa bahay." Napatingin ako kay Christine nang bigla niya akong akbayan at matamis itong nakangiti sa akin.

"Naku, huwag na Christine. Ga-graduate na rin naman tayo ng K-12 next year," nakangiti kong sabi sa kanya.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking palda. Agad ko itong kinuha at dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang mensahe.

"Sobrang saya mo na siguro ngayon? Tandaan mo, hindi pa tapos ang paghihiganti ko sa 'yo. Pasalamat ka, juice lang ang naibuhos sa 'yo kanina. Kung wala lang sana ang mga anghel mong kaibigan. Kumukulong tubig sana ang ibinuhos sa makapal at desperada mong pag-mumukha."— FROM: FLG

"Ito ba ang dahilan kung ba't ka nababalisa at nagawa mo pang magsinungaling sa amin ni Christine, Almhera?" Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Giovanni ang hawak-hawak kong cellphone.

Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa sinabi niya. Si Christine naman ay agad kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ni Giovanni. Napasinghap ito pagkatapos mabasa ang mensaheng natanggap ko. Nag-alala niya akong tiningnan. Napayuko ako nang mamuo ang mga luha ko. Ito ang hindi ko gusto, ang malaman nilang may problema ako. Alam kong may mga sariling problema rin sila at ayoko ng dagdagan pa 'yon.

"Kailan ka pa nila pinapadalhan ng mensaheng ganito, Almhera girl?" may halong galit sa tono ng pagkakasabi ni Christine. "Why you didn't tell us?" dugtong niya pang tanong.

"I-I'm sorry..." ang tanging tugon ko. Nakayuko lang ako at ayokong makita ang mukha nilang galit dahil sa pagsisinungaling ko.

"YA! NEO MICHYEOSS-EO?!"

(Translation: Hey! Are you crazy?!"

Napapikit ako nang sigawan ako ni Giovanni. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko at sapilitan akong pinaharap sa kaniya. Parang dinudurog ang puso ko nang makita ang pag-alala sa mukha niya at ganoon din kay Christine.

"Alam mo ba kung gaano ako kaalala sa 'yo, bruha? For the first time, binitawan mo ang paghawak ko sa 'yo kanina tapos ngayon umiiwas ka ng tumingin sa mga mata ko," sabi ni Giovanni.

"We promised to each other, Almhera girl. Walang bibitaw sa hawak-kamay nating tatlo. Almost 6 years of our friendship, we promised that we don't hide any secrets ," sabi naman ni Christine.

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko nang bumalik ang mga alaala naming tatlo nang magsumpaan kami noon.

"I-I'm s-sorry mga b-bestfriend ko... H-Hindi ko lang gusto na pati kayo madadamay sa problemang hinaharap ko."

Tumigil sa pagluha ang mga mata ko nang sabay-sabay nila akong binatukan. Napanguso ako at napasapo ako sa parteng binatukan nila. Kung kailan nagda-drama ako, doon pa nila ako sasaktan ng pisikal.

"Kahit kailan talaga, Almhera girl. Damay na rin kami sa problema mo no? Alam naming ang FoxyLuscious ang may pakana nitong lahat," wika ni Christine na nagpagulat sa akin.

"Huwag ka ng magtataka kung ba't alam namin. Ang FoxyLuscious Group lang naman ang may malaking galit sa 'yo rito sa MHU," natatawang sabi ni Christine nang mapansin ang naging reaksyon ko.

"Ito naman kasing bakla na 'to. Ba't kasi ang gwapo mo? Pati ang mga pangit at mukhang tempurang palaka ang nagkakandarapa sa 'yo?" pang-aasar ni Christine kay Giovanni.

Napairap naman ng mga mata si Giovanni at marahan pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang yakapin nila akong dalawa ni Christine.

"Always remember, Almhera. We're always at your back," sabay nilang dalawa sinabi.

Related chapters

  • Jeepney Love Story   Fourth Trip: Pissed Off

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kaniya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin nang dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa ak

    Last Updated : 2021-09-01
  • Jeepney Love Story   Fifth Trip: Unknown Memory

    "BAKIT napanaginipan muli kita!" Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. "Pagkatapos akong ipahiya ng lalaking kamukha mo kahapon. Susulpot ka na lang muli sa panaginip ko at may payakap-yakap ka pang nalalaman!" Gigil kong pinagsusuntok ang unan na yakap-yakap ko. Napatigil at napatihaya ako ng higa. "Pero ito naman ako, yumakap naman pabalik sa 'yo," mahinang sabi ko habang inaalala ang detalye ng napanaginipan ko. Napagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa sobrang inis. Kahit sa panaginip, marupok pala ako? Kaloka ka Almhera!"ALMHERA! GISING KA NA BA RIYAN?!" Napaupo ako bigla nang marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. "Naku talagang bata ka! Tanghali na, hindi ka pa rin diyan bumabangon!" Napatakip ako ng tainga nang dumagundong ang lakas ng boses ni Mama sa buong bahay. "Gising na po ako Ma! Nag-aayos na nga po ako ngayon!" pasigaw kong sagot habang inaayos na ang aking higaan. "Bilisan mo! Mag-aagahan na tayo!" sigaw niyang muli.

    Last Updated : 2021-09-02
  • Jeepney Love Story   Sixth Trip: Notorious

    Marami na akong narinig at nakita sa telebisyon tungkol sa mga alaala ng isang tao. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong lumabas sa isipan ko. Alaala ko ba iyon? Bakit hindi pamilyar sa akin? At sino ang mag-inang 'yon? Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo at konting kirot doon. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang muntikang aksidente namin ni Papa. Ngunit hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang alaalang nakita ko. Hindi ko naman masabi-sabi ito kina Mama't Papa at baka mag-alala pa sila. Hindi ko napigilang mapatili nang biglaang huminto ang Jeep na sinasakyan ko. Muntikan akong mapasubsob subalit hindi 'yon natuloy nang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Bumaling ako sa taong 'yon at sana'y magpapasalamat. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit sa mukha ko ang mukha ng gwapong anghel mula sa panaginip ko. Impit akong napaaray nang bigla niya akong bitawan pagkatapos niya akong makita. Masama ko itong

    Last Updated : 2021-10-01
  • Jeepney Love Story   Seventh Trip: Broken Heart

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... Siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan ko

    Last Updated : 2021-10-03
  • Jeepney Love Story   Eight Trip: Painful Love

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kaniya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, pu

    Last Updated : 2021-10-06
  • Jeepney Love Story   Ninth Trip: Mister Antipatiko

    ALMHERA'S POV"Almhera! Gising!"Bigla akong napaupo mula sa himbing kong pagtutulog nang biglang may humila ng kanang tainga ko. Sinamaan ko ng tingin si Giovanni nang makitang hawak-hawak ako sa tainga. Ang bakla, naka-topless pa sa harap ko at ibinalandara pa ang anim niyang pandesal sa mukha ko. "Ano ba naman, Giovanni! Alas nuebe pa kaya ang pasok natin ngayon! Ba't mo ko ginising? Tingnan mo ang oras, o? Alas singko y medya pa lang ng umaga," asar kong sabi pagkatapos kong makita ang oras. "Si Tita Amanda tumatawag at ikaw ang hinahanap," walang gana niyang sabi sabay bigay ang sarili niyang cellphone sa akin. Bumalik ito muli sa paghiga sa malaking sofa rito sa kuwarto ni Christine. Napatingin naman ako sa katabi kong si Christine na ang himbing pa rin ng tulog. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Nanginginig kong itinapat sa tainga ang cellphone ni Giovanni nang tuluyan na akong lumabas . Ba't kaya tumawag si Mama ng ganito ka aga? May p

    Last Updated : 2021-10-07
  • Jeepney Love Story   Tenth Trip: Is she sick?

    CLINTHON'S POVPasipol-sipol akong pumasok sa Training Room namin ng mga judo athletes. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maalala ang mukha no'ng pangit. Almhera pala ang pangalan no'n? Tsk. Sayang talaga ang magandang pangalan, napunta pa sa pangit na tao. "Ganda ng araw natin, Bro a. Siguro may ka-date kang chicks kagabi. Kaya ganyan na lang kaganda ang ngiti mo."Bigla akong sumeryoso nang bumungad ang pagmumukha ng baliw kong kaibigan na si Andrew. Ang loko, parang timang kong makangiti sa harap ko. "Alam mong hindi ko hilig ang makipag-date, 'di tulad mo Andrew," walang gana kong sabi at nilagpasan ito. Dumeretso ako sa aming locker at iniligay roon ang dala kong bag. Ang loko kong kaibigan nakasunod naman sa likod ko."Alam ko naman 'yon, Bro—" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong natigilan sa pagsasalita. "Anong nangyari riyan sa kamay mo? Ba't may benda 'yan? Napaaway ka ba?" nag-alala niyang tanong sabay kuha ng kaliwang kamay ko. "Hindi ako nakipag-away, Andrew. K

    Last Updated : 2021-10-07
  • Jeepney Love Story   Eleventh Trip: Sedrick

    ALMHERA'S POVHumuhuni akong nag-aayos ng gamit, hanggang sa pagligo at pagbihis ng damit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap ng salamin. Sinisipat ang sariling nakasuot ng kulay-abong T-shirt na may kaunting disenyo, denim jeans, at kulay itim na rubber shoes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa isiping kolehiyo na ako sa susunod na pagbukas ng klase. Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto nang may kumatok doon. "Almhera, tapos ka na ba riyan sa pag-aayos? Nandito na sina Christine at Giovanni sa sala, sinusundo ka," ani Mama mula sa labas ng kuwarto. "Opo ma, lalabas na rin po ako," tugon ko. Hindi na nagsalita pa si Mama at narinig ko na lang ang yabag niyang papalayo sa kuwarto ko. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa kama at agad nang lumabas. "Magandang umaga mga bestfriend ko!" nakangiti kong bati kina Giovanni at Christine sabay yakap sa kanilang dalawa. "Good morning, Almhera girl," sabi ni Christine."Good morning, Almhera," sabi naman ni Giovanni. Nakatingala kon

    Last Updated : 2021-10-10

Latest chapter

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eleventh Trip:

    ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa

  • Jeepney Love Story   One Hundred Ninth Trip:

    ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eighth Trip:

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p

  • Jeepney Love Story   One Hundred Seventh Trip:

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan

  • Jeepney Love Story   One Hundred Six Trip:

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin

  • Jeepney Love Story   One Hundred Five Trip:

    "Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab

  • Jeepney Love Story   One Hundred Four Trip:

    May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum

  • Jeepney Love Story   One Hundred three Trip:

    "Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na

  • Jeepney Love Story   One hundred two Trip:

    "Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na

DMCA.com Protection Status