Beranda / YA/TEEN / Jeepney Love Story / Ninth Trip: Mister Antipatiko

Share

Ninth Trip: Mister Antipatiko

Penulis: Krizzy Zowlala
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56
ALMHERA'S POV

"Almhera! Gising!"

Bigla akong napaupo mula sa himbing kong pagtutulog nang biglang may humila ng kanang tainga ko. Sinamaan ko ng tingin si Giovanni nang makitang hawak-hawak ako sa tainga. Ang bakla, naka-topless pa sa harap ko at ibinalandara pa ang anim niyang pandesal sa mukha ko.

"Ano ba naman, Giovanni! Alas nuebe pa kaya ang pasok natin ngayon! Ba't mo ko ginising? Tingnan mo ang oras, o? Alas singko y medya pa lang ng umaga," asar kong sabi pagkatapos kong makita ang oras.

"Si Tita Amanda tumatawag at ikaw ang hinahanap," walang gana niyang sabi sabay bigay ang sarili niyang cellphone sa akin.

Bumalik ito muli sa paghiga sa malaking sofa rito sa kuwarto ni Christine. Napatingin naman ako sa katabi kong si Christine na ang himbing pa rin ng tulog. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Nanginginig kong itinapat sa tainga ang cellphone ni Giovanni nang tuluyan na akong lumabas . Ba't kaya tumawag si Mama ng ganito ka aga? May p
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • Jeepney Love Story   Tenth Trip: Is she sick?

    CLINTHON'S POVPasipol-sipol akong pumasok sa Training Room namin ng mga judo athletes. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maalala ang mukha no'ng pangit. Almhera pala ang pangalan no'n? Tsk. Sayang talaga ang magandang pangalan, napunta pa sa pangit na tao. "Ganda ng araw natin, Bro a. Siguro may ka-date kang chicks kagabi. Kaya ganyan na lang kaganda ang ngiti mo."Bigla akong sumeryoso nang bumungad ang pagmumukha ng baliw kong kaibigan na si Andrew. Ang loko, parang timang kong makangiti sa harap ko. "Alam mong hindi ko hilig ang makipag-date, 'di tulad mo Andrew," walang gana kong sabi at nilagpasan ito. Dumeretso ako sa aming locker at iniligay roon ang dala kong bag. Ang loko kong kaibigan nakasunod naman sa likod ko."Alam ko naman 'yon, Bro—" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong natigilan sa pagsasalita. "Anong nangyari riyan sa kamay mo? Ba't may benda 'yan? Napaaway ka ba?" nag-alala niyang tanong sabay kuha ng kaliwang kamay ko. "Hindi ako nakipag-away, Andrew. K

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Eleventh Trip: Sedrick

    ALMHERA'S POVHumuhuni akong nag-aayos ng gamit, hanggang sa pagligo at pagbihis ng damit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap ng salamin. Sinisipat ang sariling nakasuot ng kulay-abong T-shirt na may kaunting disenyo, denim jeans, at kulay itim na rubber shoes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa isiping kolehiyo na ako sa susunod na pagbukas ng klase. Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto nang may kumatok doon. "Almhera, tapos ka na ba riyan sa pag-aayos? Nandito na sina Christine at Giovanni sa sala, sinusundo ka," ani Mama mula sa labas ng kuwarto. "Opo ma, lalabas na rin po ako," tugon ko. Hindi na nagsalita pa si Mama at narinig ko na lang ang yabag niyang papalayo sa kuwarto ko. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa kama at agad nang lumabas. "Magandang umaga mga bestfriend ko!" nakangiti kong bati kina Giovanni at Christine sabay yakap sa kanilang dalawa. "Good morning, Almhera girl," sabi ni Christine."Good morning, Almhera," sabi naman ni Giovanni. Nakatingala kon

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Twelfth Trip: Human Cake

    Lumabas ang kulay asul niyang braces nang ito'y nahihiyang ngumiti habang patuloy pa ring nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Nakangiti ko namang inabot ang kamay niya at nakipagkamayan."Ikinagagalak kong makilala ka, Sedrick. Ako naman si Almhera. Almhera Isabelle Dela Vega," pagpakilala ko sa sarili. Nahihiya itong napakamot ng ulo pagkatapos naming magkamayan. "I'm sorry if I didn't recognize you, Almhera. Many years had passed, mas lalong ka pang gumanda ngayon."Nawala ang ngiti sa labi ko at nakakunot-noo ko siyang tiningnan. "Ha? Anong ibig mong sabihin, Sedrick? Nagkita na ba tayo noon?" Tulad ko, nawala rin ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng gulat. "W-What? I-I'm sorry, may kilala kasi akong Almhera rin ang pangalan. I thought it was you. I'm sorry for my mistake," napapahiya niyang sabi at sabay iwas ito ng tingin sa akin. Natawa naman ako sabay birong hinampas ang braso niya. "Naku naman, kanina ka pa riyan humihingi ng paumanhin. Ayos lang 'yon, Sedrick. Nagul

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Thirteenth Trip: He's The Angel

    ALMHERA'S POVMaingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari?Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin?Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko."Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t**** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, at ang g

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Fourteenth Trip: Natural Beauty

    ALMHERA'S POVAng pagsasabi ng salamat sa taong tumulong sa 'yo ay simple't madali lamang. Ngunit ito ako, malalim napabuntong-hininga, nag-iisip kung kailan ko masasabi kay Clinthon ang pasasalamat sa ginawa niya. Napatingin ako sa kalendaryo rito sa kuwarto ko. Isang linggo na ang nakalipas, mula nang mangyari ang ginawa ng FoxyLuscious Group sa akin sa MHU College. Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama, nag-iisip kung paano ko kakausapin nang harapan si Clinthon. Pagkatapos naming makalabas sa clinic no'ng nakaraang linggo at pumunta sa ospital upang ipa-check up ang mga natamo kong sugat at pasa. Hindi ko na muli nakita pa si Clinthon no'n.Lumipas ang mga araw, nakita ko rin siya, ngunit sa malayo nga lang. Minsan ko rin siya nakasabay sa Jeep, pero hindi niya naman ako napansin at wala naman akong lakas para tawagin siya sa kaniyang pangalan. Napagulong-gulong ako sa kama habang ginugulo-gulo ang sariling buhok. Ano ba ang dapat kong gagawin para makausap siya at pasalamatan

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Fifteenth Trip: Umbrella

    ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kaniyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Sixteenth Trip: Keychain

    CLINTHON'S POV"Kuya! Dumating ka na pala— Oh, ano nangyari sa 'yo at basang-basa ka?" gulat na sabi ng pinsan ko pagkatapos akong pagbuksan ng bahay.Hindi ko ito pinansin at dumeretsong pumasok sa loob. Pabagsak kong inilapag ang dalang bag sa mesa saka pabagsak umupo sa sofa. "May nangyari ba Kuya? Ba't parang bad mood ka yata? " tanong niya pagkatapos umupo sa kaharap kong upuan."Wala 'to," walang gana kong tugon at sabay sumandal sa sandalan ng sofa. "Ba't 'di ka na lang maligo muna Kuya? Nang makapagpalit ka ng damit. Magkasakit ka pa niyan e!" Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso at buong pwersa akong hinila patayo."Ba't ka kasi nagpaulan, Kuya? Siguradong nakita ko kaninang umaga, may dala kang payong. Ba't hindi mo 'yon ginamit?" singhal niya sa akin nang asar akong tumayo mula sa pagkakaupo. Kunot-noo ko siyang binalingan. "Ibinigay ko sa babaeng pangit, tsk!"Padabog kong kinuha ang sariling bag mula sa ibabaw ng mesa at pumanhik patungo sa aking kuwarto. "Ba

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Seventeenth Trip: Debut Party

    ALMHERA'S POVMalakas na tugtog at hiyawan ang umalingawngaw sa buong mansyon nina Christine nang magsimula ang kaniyang debut party. Masayang sumasabay sa pag-indak ang mga dumalo sa pinatugtog ng DJ. Ang iba naman ay abala sa paglangoy sa swimming pool na may iba't ibang kulay na mga ilaw. Habang ang iba naman ay may sariling mundo sa kanilang mga mesa at abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kasama.Samantala heto ako, abala sa pagkain ng iba't ibang putahe rito sa buffet na nakahanda sa mahabang mesa. Pilit akong napangiti sa serbidorang nakaarko na ang kilay sa akin dahil sa pangatlo ko na itong pagkuha ng pagkain. "Pasensya naman po, masyadong masarap ang mga pagkain na nakahanda at hindi ako nakakain kaninang tanghalian," wika ko sa aking isipan pagkatapos akong bigyan ng pagkain ng serbidora. "Almhera girl! What are you doing there? Come on, join us! " Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ko ang sigaw ni Christine. Nakita ko itong kumikimbot habang may hawak it

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29

Bab terbaru

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eleventh Trip:

    ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa

  • Jeepney Love Story   One Hundred Ninth Trip:

    ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eighth Trip:

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p

  • Jeepney Love Story   One Hundred Seventh Trip:

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan

  • Jeepney Love Story   One Hundred Six Trip:

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin

  • Jeepney Love Story   One Hundred Five Trip:

    "Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab

  • Jeepney Love Story   One Hundred Four Trip:

    May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum

  • Jeepney Love Story   One Hundred three Trip:

    "Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na

  • Jeepney Love Story   One hundred two Trip:

    "Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na

DMCA.com Protection Status