Hindi ako makapaniwala, ang nakabungguan ko sa Café of Memories, ang mabait at sinamahan pa akong dalhin sa clinic noong nakaraang linggo ay may-ari pala ng Mantrell High University. Napabaling ako ulit kay Ma'am Laura, na ngayon ay matamis ang pagkakangiti sa aming mga estudyante rito sa auditoryum.
Nagitla ako nang magkasalubong ang aming paningin ni Ma'am Laura. Dumaloy ang matinding kaba at kahihiyan sa sistema ko dahil sa nagawa kong pagbunggo sa kaniya ng dalawang beses. Kaya pala ang lakas ng dating niya at kahit ang nurse no'n sa clinic ay napapabalisa. 'Yon pala, siya ang may ari ng paaralang pinapasukan ko.
Napayuko ako sa nakasalikop kong mga kamay nang hindi ko kayang tagalan ang tingin ni Ma'am Laura sa akin. Sobra talaga akong nahihiya sa kaniya. Sa kabila nang kabutihang nagawa niya sa akin, 'yon pa ang nagawa ko. Wala na talaga akong mukhang ihaharap pa sa kaniya kung sakaling magkita kami ulit.
"Okay students, you may now proceed to your resp
"Saan ka galing, Almhera?" tanong sa akin ni Sedrick nang makabalik ako sa aming departamento. "Ahh, may pinuntahan lang," tugon ko. "Kakarating mo lang?" tanong ko sa kaniya saka umupo sa isang silya. Mabuti na lang wala ang mga kaklase namin. Kami lamang ni Sedrick ang naririto sa silid-aralan namin. "Hindi, kanina pa ako rito. Inutasan pa 'ko ni Ma'am Guanzon kanina sa kaniyang opisina," aniya saka umupo sa harap kong silya. "Ba't pawis na pawis ka Almhera? May nangyari ba?" Nagitla naman ako sa tanong 'yon ni Sedrick. Hanggang ngayon, 'di mawala-wala sa isipan ko kung gaano ka-hot at ka-sexy si Clinthon nang kagatin niya kanina ang kaniyang labi. "Okay ka lang ba? Ba't namumula ang pisngi mo? May sakit ka ba?" nag-alala niya nang tanong sa akin ngayon. "Naku, ayos lang ako Sedrick. Mainit lang kas
Napalingon ako sa likod ni Clinthon nang may marinig akong takong na papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko mapigilang mamangha sa babaeng eleganteng naglalakad patungo sa amin. Nakasuot ito ng high waist pants at knot crop top. Itim naman ang kulay ng bag na hawak niya at ganoon din ang kulay ng suot niyang high heels. Bumalik lamang ako sa aking ulirat nang yakapin niya si Clinthon at mabilis dinampian ito ng h***k sa pisngi. Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng aking damit, nang makaramdam ako ng kirot sa aking d****b dahil sa aking nasaksihan. "Did you miss me, baby?" wika ng babae habang nakayakap ang kanyang braso sa batok ni Clinthon. Napaiwas ako ng paningin sa kanilang dalawa. Hindi ko dapat maramdaman ito, ngunit tila'y pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. "Anong ginagawa mo rito, Haven?" Hindi ko maiwasang mapatingin kina Clinthon nang marinig ko ang malamig niyang boses habang nagtatanong ito sa babae. Nakakunot
Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapait pagkatingin ko sa aking sarili sa salamin. Kanina pa nakalabas si Haven sa banyo, subalit ito ako, patuloy nakatunganga sa harap ng salamin. Napahawak ako sa aking d****b nang may kirot akong naramdaman do'n. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Simula't sapul alam kong hindi dapat ako makagusto kay Clinthon. Sa keychain niya pa lang, pinapakita na ro'n na may kasintahan na siya. Subalit itong puso ko, itong damdamin ko, hindi ko mapigilang mahulog nang tuluyan kay Clinthon. Sa una pa lang, aminado akong may naramdaman na akong paghanga sa kaniya dahil kamukha niya ang gwapong anghel na nasa panaginip ko. Ngunit hindi ko aakalaing habang tumatagal kaming nagkikita at nagkakilala, mas lalalim pa itong nararamdaman ko sa kaniya. Humugot ako ng malalim na hininga sabay inayos sandali ang mukha ko bago lumabas ng banyo. Parang gusto ko na lamang bumalik ulit sa loob ng banyo nang makita ko sina Clinthon at Haven. Yakap-yakap ni Haven a
Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong sabihin kina Giovanni at Christine ang nararamdaman ko. Ilang taon na kaming magkakaibigan, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi pa rin sila nagbabago. Palagi silang nandiyan para damayan ako. "Ito na ang order ng table number 5." Agad akong lumapit sa counter nang itawag 'yon ni Ate Elena. Kinuha ko ang order at sana'y ihahatid sa mesa ng kustomer. Subalit nagulat ako nang may mga kamay ang humawak sa bandehang hawak ko. "Ako na Almhera," sabi ni Sedrick, sabay kindat sa akin. Natatawang napapailing na lang ako sa kanya saka ibinigay ang bandeha, kung saan ang order ng kustomer. Kumuha na lamang ako ng pampunas sa counter at agad pumunta sa isang mesa na kakatapos lang ginamit ng isang kustomer. Iniligpit ko ang kalat saka pinunasan ito. Inilagay ko sa bandeha ang mga hugasing baso at agad ko iyon dinala patungo sa kusina ng Coffee Shop. Bago pa man ako makalapit ng tuluyan roon, napasinghap ako
Malakas kong binatukan ang aking sarili dahil sa mga naiisip. Baliw ka ba Almhera? Ba't ka napapaniwala sa iba kung hindi naman nila alam ang kuwento mo? Alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko magagawa 'yon sa mga kaibigan ko. Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. "Nandito na tayo sa sakayan, Almhera." Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Sedrick. Agad akong napatingin sa aming paligid at tama nga siya, nasa sakayan na kami ng Jeep pauwi sa amin. Sa sobra kong pagkakalutang, hindi ko man namalayan na dito na pala kami. Napipilitan akong napatawa dahil sa hiya sa pagiging lutang ko. Hindi sa 'yon mapansin ni Sedrick, baka mukha akong sira kanina. "Dito na pala tayo. Maraming salamat, Sedrick." Pilit akong ngumiti sa kanya, tinatago ang pagkapahiya. "Walang anuman, Almhera. Sumakay ka na sa Jeep at mag-iingat ka. Palagi kang tumingin sa daan mo at baka maligaw ka." Nakita kong nagpipigil ito ng tawa habang sinasabi n
Hindi ko mapigilang mapahalakhak nang marinig ko si Giovanni na parang masusuka. Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay agad kong niyakap ang aking braso sa kanyang batok. Ngumuso ako sabay lapit ng aking mukha sa kanya. Bigla namang nawala ang kulay sa kanyang mukha at napalitan ito ng pandidiri. "Nakakadiri ka talaga, bruha. Bakit mo inilapit ang mukha mo ng ganoon kalapit sa mukha ko?" nakatakip sa bibig na wika ni Giovanni. Hindi ko naman mapigilang matawa ulit. "P-Pakiramdam ko kasi kanina ay isa akong prinsesa at ikaw ang gwapong prinsipe na handang protektahan ako." Humagikhik ako nang ngumiwi ito sa sinabi ko. "Yuck! Over my sexy body na maging prinsipe, no? Ako kaya ang pinakamagandang prinsesa sa balat ng lupa," kompiyansang wika ni Giovanni. Nagkatinginan kami at sabay na lamang napatawa. "Halika ka nga rito," aniya sabay ibinuka ang dalawang braso para yakapin ako. Patakbo naman akong lumapit sa kanya sabay niyakap ko siya nang ma
Nagkaguluhang mga estudyante ang bumungad sa akin pagkarating ko ng MHU. Maingay ang lahat at isang topiko lamang ang kanilang pinag-uusapan. "Sino kaya ang girlfriend ni Giovanni?" Narinig kong sabi ng kaiskuwela kong babae, kausap ang sa tingin ko'y kaibigan niya. Nagpakawala naman ako ng buntong-hininga dahil kahit ako, hindi ko rin alam kung sino ang babaeng ipakilala ni Giovanni bilang girlfriend niya. Kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng kasintahang babae at nasa mga gwapong lalaki lamang ang kanyang atensyon. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi man lang nasabi ni Giovanni ang tungkol dito. Sa unang pagkakataon lamang nangyari 'to na hindi siya nakipagkwento sa akin. Sa lahat na mga nangyari sa buhay niya, palaging nauuna kami ni Christine ang nakakaalam. "Pumunta na tayo sa Gymnasium! Nandoon na si Giovanni!" malakas na pagkakasigaw ng isang bakla. Sanhi upang makuha ang atensyon naming lahat. Nakipagsabayan naman ako sa mga kaiskuwela kon
"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—" "E kasi namam, KDrama na naman an