JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Hindi ako naniniwala kay Luigi. Alam kong sinasabi lang niya yon dahil wala siyang alam at hindi niya naiintindihan ang sitwasyon ko at sitwasyon namin ni Leila. Ang dali lang sa kaniyang husgahan ako at magalit. Oo. Kilala niya ako dahil kaibigan niya ako pero hindi niya alam kung gaano rin ako nasaktan at nasasaktan ngayon. Mahal ko si Leila at ang anak namin. Every time na nagiging mahina akong ipagmalaki siya sa lahat ako yung nasasaktan. Ang hirap non. Yung hindi mo maipagsigawan sa buong mundo na mahal ko siya at siya na yung taong gusto kong huli kong makasama. I admit it, mali ako kanina. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na ganon kay Leila knowing na pwedeng nakaapekto sa kaniyang pinagbubuntis. it was David who triggered me. Maling mali na kay Leila ko ibinunton yung sisi. Ngayon huli na para magsisisi. Sa nangyari, alam kong hindi na ako mapapatawad ni Leila. Seeing Luigi's concern to her, alam kong tutulungan niya si Leila na makalayo
KENNEDY GRANDE POINT OF VIEW. Nagawa ko nang alisin si John sa kumpanya ko at nakahinga na ako ng maluwag. Its not until now ay bitter pa rin ako. Sadyang disappointed lang ako sa sa kaniya mula noon hanggang ngayon at ayoko namang makatrabaho ang isang taong kinasasamaan ko ng loob. I think tama lang ang ginawa ko. Gabi na at nasa daan ako. Humahanap ako ng lugar na pwede kong mainuman. Yung sanang tahimik at makakapag-chill ako. Habang nasa daan ako, may pumara sa akin na isang babae na para bang may tinakasan na krimen ang itsura. desperado niyang pinahihinto ang sasakyan ko. I Hate drama and so, hindi ko talaga aaksayahin ang oras ko para ihinto ang kotse ko. kaya lang ay para kakong pamilyar ang mukha ng babaeng ito. Hindi lang pamilyar kung hindi kilala ko ang mukhang ito bagay na nagpahinto ng sasakyan ko bigla. Paanong hindi ko siya makikilala, bukod sa isa siyang baguhan na aktres ay siya rin ang babaeng napapabalita na nalilink kay John. Kung tutuusin ay wala na d
KENNEDY GRANDE POINT OF VIEW Wala pang isang araw buhat nang magkita at makilala ko personal si Leila ay agad ko na siyang kinagagaanan ng loob. Habang kausap ko kasi siya kanina ay ramdam ko na totoong tao siya. Na likas sa kaniya ang mabait at may mabuting puso. Nakakaawa lang kasi may isang tao na umabuso sa kaniya. Pero gaya nga ng sabi ko sa kaniya, nasa sa kaniya rin kung paano siya babangon mula sa pagkakadapa. Masaya akong matulungan siya. Samantala, I decided to stay here this whole day to unwind and to free my self from stress for atleast 1 day. At ang lugar na ito, ito ang perpektong lugar para sa akin ngayong may kalungkutan na bumabagabag sa akin. Dinama ko ang simoy ng sariwang hangin mula sa napakaraming puno dito sa aming resthouse. Ang daming memories na bumabalik sa akin. Naaalala ko ng bata pa kami ni Kuya. Dito sa duyan na ito, dito kami nagpapahinga pagkatapos naming mag-almusal. Nagkwekwentuhan tungkol sa aming mga pangarap paglaki. Naalala ko pa nga noon
lalong sumama ang loob ni kennedy kay John dahil ang iniisip niya ay kinausap nito ang ilang share holder na umalis sa kompanya ng mga Grande dahil lang sa natanggal siya rito. Mataas ang pride ni Kennedy at hindi niya sinunod ang kagustuhan ng mga share holders at sa halip at nanindigan siya sa kaniyang naunang desisyon. Alam ni Kennedy na malaki ang magiging epekto nito sa kompanya na kaniyang pinamamahalaan ngayon pero mas malaki ang tiwala niya sa sarili niya. Para sa kaniya ay walang mali sa ginawa niyang pagtanggal kay John. Habang si Kennedy ay umaapoy sa galit ngayon si John naman ay parang mababaliw na sa kakaisip kung nasaan si Leila. Ngayon niya narerealize ang mga maling nasabi niya rito na naging dahilan ng pag-alis nito. Halos lahat ay tinatanong siya tungkol sa kanilang relasyon. Tinatanong kung totoo ba ito o chismis lang talaga. Maraming tao ang naghahanap kay Leila at maging siya rin ay patuloy na hinahanap ito ngunit wala. Walang makapagsabi kung nasaan ito. E
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Maayos naman ang lugar na pinaglalagian ko ngayon at mababait din ang mga taong kasama ko dito. Magmula ng dumating ako rito ay hindi nila ako tinuring na iba. Palagi nilang tinatanong kung ano ang kailangan ko o kung okay lang ba ako. Sinasabi ko lang sa kanila na okay ako. okay naman talaga ako kapag kausap ko sila. Tuwing kasama ko sila pero kapag gabi, aaminin ko, palagi pa rin akong umiiyak. namimiss ko ang magulang ko. Ang bahay namin at kung paano mag-alaga si mommy sa akin. Lalo ngayon na wala akong option kung hindi ang kayanin mag-isa ang lungkot at hirap ng pagbubuntis. Hindi madali ang magdalang tao sa murang edad. Yung mga pagbabago sa katawan ko, itong mood ko, ewan ko. Ang hirap. Yung lungkot nang pagsisisi pero wala na at hindi na maibabalik ang kahapon. Oo, palagi ko pa ring naiisip si John. Naiisip ko siya hindi dahil na-mimiss ko siya kung hindi galit ang nararamdaman ko. Siya ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko sa bu
LEILA POINT OF VIEW "God! thanks God you're awake! kumusta ka na? anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ni Kennedy nang puno ng pag-aalala. Pagmulat pa lamang ng aking mata ay siya agad ang nabungaran ko. Yes. Sa natatandaan ko ay dinala niya ako dito ss ospital dahil sa sobrang pagsakit ng tiyan ko. Sobrang sakit na hindi ko kayang maipaliwanag at ang huling naaalala ko ay may narinig akong iyak ng sanggol at ayon kay Kennedy ay nanganak na nga raw ako. Pinilit kong tumayo nang sandali kong maalala ang mga bagay na yon. Sobrang hapdi ng bandang ibaba ko at patang-pata ang katawan ko pero pinilit ko talagang bumangon para hanapin ang anak ko. "Ang baby ko? nasaan ang baby ko?" puno rin ng pag-aalala kong tanong sa kaniya. Hinipo ko ang tiyan ko ay wala na ngang umbok katunayan ngang nanganak na ako. "Diyos ko! nanganak ako nang hindi ko pa kabuwanan--- nasaan ang anak ko?" Halos mag-sterycal ako. Nag-aalala ako sa lagay ng anak ko. "Bakit wala siya sa tabi ko?" "Relax lang Le
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Ang hirap! Paano ba ito? Araw-araw kong pinagsisihan ang mga ginawa ko. Wala na yata talagang kapatawaran ang isang tulad ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang babaeng minamahal ko. Labis ang galit niya sa akin kaya mag pa sa hanggang ngayon ay hindi siya lumilitaw. Kumusta na kaya siya ngayon? kung hindi ako magkakamali ay nasa ika pitong buwan na siya ng kaniyang pagbubuntis. paniguradong nahihirapan siya sa pagbubuntis niya at sa tuwing nahihirapan siya ay malamang isinusumpa niya ako. Wala kasi akong kwenta! Kung alam ko lang! Kung alam ko lang na matatanggap pala ng mga tao ang relasyon namin. kung alam ko lang na hindi naman pala masisira ang imahe ko kapag nalaman ng mga tao ang pakikipag relasyon ko sa kalahati ng edad ko. Kung alam ko lang na hindi naman pala ganoong kahirap magsabi ng totoo. kaso huli na. bakit inintay ko pang maging huli na ang lahat bago ako magsisi? Sa tuwing hinahanap siya sa akin ng mga tao ay pa
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Sa wakas ay nahagkan ko na rin ang anak ko sa unang pagkakataon. Hindi matawaran ang kasiyahan na nadarama ko ngayon na sa wakas ay nahawakan ko na ang anak ko. nakakaiyak. Sobra ang kasiyahan ko. Lahat ng sakit, lahat ng lungkot na nadarama ko ay napawing lahat ngayong kalong kalong ko siya. "Anak, pangako gagawin ni mommy ang lahat para mabigyan kita ng magandang buhay. Ikaw ang lahat sa akin. Sobrang saya ko. Ikaw ang pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko." Halos ayaw ko siyang bitawan. Halos ayaw kong alisin ang tingin ko sa kaniya. Tunay ngang napaka ganda niya. Kahit sa simpleng pagngiti lang niya ay kakaibang ginhawa ang nadarama ko. Salamat at nariyan pa rin sa tabi ko si Kennedy. Mula nang mailabas ko si Anya ay hindi siya umalis sa tabi ko. Hindi ko siya kaano ano pero hindi matatawaran ang kabutihan niya sa akin. Sana talaga ay masuklian ko balang araw ang lahat ng kabutihan niya sa akin. Sa ngayon ay hiyang hiya na tala
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano
"Good afternoon. We're police officers. We're here to execute a search warrant on your house." "What? Why?" "It's about the missing necklace. You're the suspect, so we need to search your belongings." "What necklace? I didn't steal anything. You can search all my belongings." "Search the entire area. Go through each item one by one." "Sir, positive. This is the necklace. I found it inside his shoe." "No. I don't know how it got there! I didn't take anything. I didn't steal it. I know the owner of that necklace. She's my girlfriend, so it's impossible for me to steal it." "Maybe it's best if you explain yourself at the police station. We're arresting you because we found the necklace on you." Walang ka alam-alam si Anya tungkol sa pagkakakulong ni Jarren. Umalis siya mula sa bahay nito ng masaya at maayos. Ang hindi niya alam ay pagkaalis niya ay siya namang may pumuntang mga Pulis at dinampot ito. Anya had no Idea na nakuha kay Jarren ang nawawala niyang kwintas.
JOHN POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ngayon ay alam ko na ang totoo. Paano kung huli na? Paano kung napagsamantalahan na ng Jarren na yan ang anak ko? Baka makapatay ako! Kahit paano ko isipin, dinadala ako sa iisang kasagutan. Hindi ako mapili pagdating sa mamahalin ng anak ko. Wala akong paki kung mayaman ba o mahirap. Basta mahal ng anak ko, pipilitin kong gustuhin! Kaya lang sa sitwasyon na ito, hindi ko kayang tanggapin si Jarren kung totoo man na may itinatago silang relasyon ng anak ko. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang mga taong sinungaling, manggagamit, at mapagsamantala. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang kinatatakutan ko. Ang matulad ang anak ko sa mga naging babae ko noon. Bilang ama napaka sakit non. Ayokong mangyayari sa anak ko ang mga pangit na karanasan na binigay ko sa mga dumaan na babae sa akin noon. Hindi ako makagawa-gawa ng unang hakbang dahil kulang ako ng sapat ng ebidensya. Oo, bagamat nagsinungaling si Jarr
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW I GET IT! Valid naman talaga na mag-alala sila Daddy dahil hindi naman talaga biro ang halaga ng kwintas na nawawala. Bukod doon, regalo niya iyon sa akin at alam ko na mahalaga ito ss kanila. Its not just a necklace, it is a Precious gift for their daughter. Ako din naman, pinahahalagahan ko yon. Lahat bg binibigay nila sa akin ay pinahahalagahan ko ng husto. Hindi ko naman ginusto na mawala ito. Actually, suot suot ko pa ito kagabi. Suot ko pa 'yon habang nag-ses&x kami ni Jarren. Iyon lang ang tanging bagay na hindi niya hinubad sa akin. Kaya lang nasaan na kaya 'yon? Ngayong umaga tuloy ay nagkakagulo kami dito sa bahay. Syempre, hahanapin at hahanapin namin iyon kahit pa sabihin na marami namang pera ang mga parents ko at kayang kaya nila ako bilhan ng panibago. Pero dahil nga mahalaga ito sa kanila, hinahanap pa rin nila. "Iyon na nga, eh! Saan mapupunta yon? kung nandito lang yon nandito lang yon. Hindi yon mawawala unless may kumuha! unl
Sabay sabay naghapunan ang apat. Masaya silang nagkwentuhan sa harap ng hapag kainan. Lalo na ang mag-ina, marami silang napag-usapan ni Anya na tila ikinatuwa ng puso ni Leila. Maya maya pa ay nauna nang nagpaalam si Anya na papasok sa kwarto. Sumunod naman si John na nag-aya na sa kwarto. Huling pumasok si Jarren. Si Anya, nakatingin lang siya sa orasan hanggang lumalim ang gabi. Iniintay niya na maghating gabi para makasama ang nobyo. "Oh My Jarren! sobrang ginalingan mong magmahal kaya heto hindi ako mapakali nang hindi ka nakakatabi. I Hate this. gusto ko lagi tayong magkasama." Ang pusong nagmamahal ay hindi napipigilan. Hindi natatakot at palaging gustong sundin ang tinitibok ng puso. Tulad ni Anya, bagamat nandito na ang kaniyang mga magulang ay hindi iyon hadlang para matakot siya. Gustong gusto niya si Jarren at inlove na inlove siya dito na kahit siguro siraan pa ay hindi magbabago ang pagtingin niya rito. Si Jarren ang una sa lahat ng kaniyang unang karanasan ka
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi madali sa pakiramdam ang tumira dito ngayong nandito na ang mga magulang ni Anya. May guilt akong nararamdaman dahil mabuti naman ang intensyon ko sa anak nila pero may kailangan pa akong linawin at ipaliwanag. Hindi ko ginusto na magsinungaling o magpanggap. Hindi ako ganon. Isa pa, hindi ko gawain na manloloko ng tao. Ang problema ay hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon. wrong timing. Nadatnan pa nila na magkasama kami sa iisang kwarto kaya no choice tuloy ako kung hindi patuloy na magpanggap na bakla. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagpapaniwala sa kanila ng bakla ako. Kaya lang wala, eh. Kung hindi ko gagawin yun mas lalong magagalit sila at mag-iisip kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kami lang. Aware ako kung gaano kamahal si Anya ng kanyang mga magulang at kung hindi ako nagpanggap na bakla ay baka mapatay nila ako ng di oras. Hindi ko pinagsisisihan ang aking kapangahasan. Mahal ko si Anya at nakahanda ako