LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Sa wakas ay nahagkan ko na rin ang anak ko sa unang pagkakataon. Hindi matawaran ang kasiyahan na nadarama ko ngayon na sa wakas ay nahawakan ko na ang anak ko. nakakaiyak. Sobra ang kasiyahan ko. Lahat ng sakit, lahat ng lungkot na nadarama ko ay napawing lahat ngayong kalong kalong ko siya. "Anak, pangako gagawin ni mommy ang lahat para mabigyan kita ng magandang buhay. Ikaw ang lahat sa akin. Sobrang saya ko. Ikaw ang pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko." Halos ayaw ko siyang bitawan. Halos ayaw kong alisin ang tingin ko sa kaniya. Tunay ngang napaka ganda niya. Kahit sa simpleng pagngiti lang niya ay kakaibang ginhawa ang nadarama ko. Salamat at nariyan pa rin sa tabi ko si Kennedy. Mula nang mailabas ko si Anya ay hindi siya umalis sa tabi ko. Hindi ko siya kaano ano pero hindi matatawaran ang kabutihan niya sa akin. Sana talaga ay masuklian ko balang araw ang lahat ng kabutihan niya sa akin. Sa ngayon ay hiyang hiya na tala
Walang tulog, walang kain! Hindi mapakali si John. Hindi niya matanggap na ganun ganun na lang. Masamang masama ang loob niya kay Leila pero hindi siya makapayag na hindi malilinawan ang lahat. Labis ang pagseselos ni John nang nakita niya na sumakay si Leila sa kotse ni kennedy at kung ano ano kaagad ang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi muna bumalik ng Maynila si John. Isang lugar lamang ang naisip niyang pinag-sstayan ni Kennedy at doon nga sa rest house dito ng pamilya Grande. Wala nang sinayang na oras si John. Sumakay siya ng taxi patungong rest house at maswerte naman siyang pinapasok ng guard dahil kilala siya nito. "Boss, long time no see. good morning!" bati ng guwardiya sa kaniya. "Si kennedy. Nandiyan ba siya?" tanong ng namunula ang matang si John sa Puyat at hinanakit. "Opo, boss. Sakto kakarating lang po nila." nadulas ang guwardiya ng sabi. "Nila? kararating lang nila ni Leila?" Alam na kaagad ni John ang tinutukoy ng guwardiya na kasamang dumating ni k
JOHN'S POINT OF VIEW. Galit, selos, at kasiyahan. yan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kumpirmado ko nang si kennedy ang ipalit sa akin ni Leila at galit na galit ako sa kanila lalong-lalo na kay Leila. it was unfair for me. Bakit ang bilis? bakit hindi niya ako binigyan ng second chance? kung kailan naman desidido na akong seryosohin ang lahat bakit bigla na lang niya akong ipinagpalit? Matatanggap ko pa sana dahil ang dami kong kasalanan sa kaniya pero bakit pati ang bata inililihim niya sa akin? nagsinungaling siya! at hindi ko mapigilan na hindi isipin na kaya niya itinatago ang bata ay para magsama na sila ni kennedy at si kennedy na ang ituring nitong ama. Hindi. Hindi ako makakapayag. Anya.... Anya. Hindi na ako makapag-antay na makita ka anak ko. Wala na akong sinayang na oras. Agad-agad kong pinuntahan ang sinasabing ospital na kinaroroonan ngayon ng anak ko. Salamat sa Diyos. Salamat sa guwardiya. Kung hindi dahil sa kaniya ay habang buhay kong ii
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW As for ky observation, tuwing umaga dumadalaw si Leila kay baby Anya kaya naman nagdesisyon ako na hapon na palagi dumalaw. Maaga akong nag-out ng work dahil malayo layo rin ang Manila sa bulacan. Pagdating ko sa ospital ay nadatnan ko si Baby Anya na pangko ng Nurse niya. Mula sa bintanang salamin, sa tingin ko ay umiiyak si baby at pinatatahan siya ng kaniyang nurse. Maluha-luha ko silang pinagmamasdan mula sa labas ng kwarto. Parang gusto kong pumasok doon at kunin sa nurse si baby Anya at ako na ang magpatahan sa kaniya kaya lang ay hindi pwede. Hindi pa pwede. Sa ngayon ay nagkasya na lang ako sa pagtingin sa kaniya mula sa malayo. "Oh, anak ko. Tahan na. Andito na si Daddy." wika ko sa hangin na akala mo ay narinig niya at tila masunurin na bigla na kang tumahan at ibinalik na ng nurse sa kaniyang higaan. napangiti ako dahil tumahan na ang anak ko. maya maya pa ay lumabas na ang babaeng nurse. Dito na ako nagtago dahil baka mapansin na ni
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW SEEING THE GIRL YOU LOVE KISSING WITH SIMEONE ELSE MAKES MY HEARTS CRASHES INTO PIECES. Hindi na sana ako pumunta para makita si Leila. Kung alam ko lang, nag-stick na lang ako sa kung ano yung unang napagdesisyunan ko. Matapos kong maiuwi kasi si baby Anya ay akala ko magiging madali na ang lahat para sa aming mag-ama. I rushed her to the hospital in Manila because she still needs to be incubated. She still needs Light therapy for her condition. But the problem is, pagdating namin don iyak nang iyak si baby Anya at ang sabi sa akin ng nurse ay kailangan daw na dumede ni baby Anya. As in ibang klase yung iyak niya, nangingitim na sa kakaiyak. Bilang ama, madaling nahihirapan ang kalooban ko na makita siyang umiiyak sa gutom. Madaling lumambot ang puso ko para kay Leila at naisip ko na kailangan ding malaman ni Leila na buhay si Anya at kailangan siya nito ngayon. And so, I quickly rushed to where she is. At hindi ko inaasahan na ganito pa ang mak
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Ang unfair lang ng buhay. Kung sino pa yung nagloko, kung sino pa yung manloloko at manggagamit siya pa yung nabubuhay ng masaya ngayon. Kahit ayoko, hindi pa rin naiwasan na hindi ako makatanggap ng balita tungkol kay John. Hindi siya artista pero nababalita ang buhay niya sa news at social media. Ganoon siya kasikat dito sa Pilipinas. Ewan ko pero ang daming pumupuring tao sa kaniya. Kung alam lang nila kung anong klase siya. At ako, heto, nabubuhay pa rin sa lungkot sa pagkamatay ni baby Anya. Hindi madali ang maghilom kapag anak mo na yung nawala. Minsan naiisip ko na talagang sumunod na lang sa anak ko. Gusto ko nang kitilin ang buhay ko. Kaso sa tuwing pagtatangkaan ko ang buhay ko biglang dumadating si kennedy. Hindi tuloy natutuloy ang tangka kong pagpapakamatay. "Leila!!! STOP THAT!! Ano ka ba? anong ginagawa mo? bitawan mo nga yan!" Nagmamadaling inagaw ni kennedy ang kutsilyo na hawak ko na nakatakda ng ihiwa ko sa pulso ko. "Huwag
"Brad, totoo nga ang balita. May anak ka nga talaga. Sino ang nanay niyan? siya ba ang anak mo kay Leila?" Peter Asked. Pumunta ito sa unit ni John para personal itong kumustahin dahil lately ay napapansin niya na hindi ito nagpaparamdam at nagulat si Peter sa kaniyang naabutan. Naabutan niya kasing may buhay si John na umiiyak na sanggol. tila hirap na hirap sa pagpapatahan. "No, Brad. Wala na kaming anak ni Leila. Anak ko ito sa ibang babae." pagsisinungaling ni John. "What? what do you mean? anak mo sa iba? Paano mo nasabing wala na ang anak niyo ni Leila? enloghten me please?" Aniya ni Peter na tila naguguluhan. "Basta, ang sabi ni Leila nakunan siya at ako ang sinisisi niya. Anyway, just forget about her and I don't want to hear anything about her. Ang mabuti pa tulungan mo na lang muna akong patahanin si baby Anya." Makalipas ang dalawang buwan na pamamalagi ni baby Anya sa ospital ay sa wakas at nauwi na rin siya ni John. Akala ni John ay magiging madali lang ang la
"ANONG KAGULUHAN 'YAN?" Napatigil ang lahat matapos magsalita ng isang pamilyar na boses. Ang lahat ay hinanap ang kinatatayuan ng nagsalita. mga natahimik at nagsiyuko. Si kennedy, hindi niya inaasahan na pagkakaguluhan si Leila ng kaniyang mga empleyado sa unang araw nito sa trabaho. Hindi lingid sa kaalaman ni kennedy na ang kaniyang bagong hired na secretary ay sikat at dating artista. pero hindi niya inaasahan na ganito pa rin kasikat si Leila matapos mawala sa showbiz ng ilang buwan. "S-sorry, s-ir." paghingi ng paumanhin ni Leila rito. Wala sila sa bahay ngayon kaya sir ang tawag niya rito. Si kennedy naman talaga ang matagal na niyang boss pero nakasanayan niya lang dati na tawagin ito sa pangalan. Ngayon ay boss na boss na talaga ang datingan nito. Malayo sa kennedy na nakakasama niya noon sa resthouse. Napaka pormal ni kennedy sa suot at talaga namang ginagalang sa lahat. May matipunong katawan at guwapong mukha. kumbaga isa siya sa Hottest CEO in town. Maraming
"Good morning, Daddy! yes po. Dito ko na pinatulog si Jarren. Nalasing po kasi siya eh baka kung mapaano pa kako. Okay lang naman po di ba?" Hindi ako magaling magsinungaling pero mukhang na paniwala ko naman ang daddy. Hindi naman siya galit or umalma nang sabihin ko na dito natulog si Jarren sa loob ng kwarto ko. "okay... the breakfast is ready and gisingin mo na si Jarren dahil isasama ko siya mag-golf. Intayin namin kayo sa baba." Nakahinga na nang maluwag si Anya matapos umalis ng kaniyang ama. Dali-dali niyang isinara ang pinto at nilapitan si Jarren. "Do you heard it? Isasama ka raw ni Daddy sa golf Park? Paano yan wala ka pang tulog? sabihin ko kay Daddy na huwag ka nang isama?" nag-aalala si Anya para kay Jarren. Inaalala niya ito dahil wala nga itong tulog. Pareho sila! "Sasama ako!" Dali-dali na bumangon si Jarren. "your Dad wants me to go with him then i'll go with him at the golf park. Don't worry about me, Anya. I'm okay." paniniguro ni Jarren. Or hindi niya lan
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Yaya, ipasok mo na si baby Warren st gabi na. ikaw Babe, hindi pa ba kayo tapos uminom?" halata kay mommy na inip na palibhasa'y na busog kaya panay ang tanong kay Daddy. "Mauna ka na sa kwarto at susunod na rin ako." sagot naman ng daddy. Mukhang nag-eenjoy sila ni Jarren sa pag-uusap. Hindi naman masyadong umiinom ang daddy pero mas mukha pa siyang lasing kaysa kay Jarren. Panay na kasi ang bida tungkol sa kaniyang kabataan na sinasakyan lang ni Jarren. "Jarren, sure ka bang kaya mo pa? namumula na ang mukha mo, oh." ako naman ay pasimpleng bumulong kay Jarren. May usapan pa kasi kami. "Okay pa ako, Anya. Minsan lang ito kaya susulitin ko na. Masaya lang ako dahil okay na okay na kami ng Daddy mo. huwag kang mag-aalala, hindi ako sasagad ng pag-inom dahil may pag-uusapan pa tayo mamaya." sagot niya sa akin na ikinakilig ko. akala ko kasi ay hindi na kami magkakaroon ng pagkakataon para makapag-usap nang masinsinan. "dito ka matutulog?" Talagan
"Mag-prepare daw tayo ng food. Dito daw sila mag-dinner ni Jarren mamaya." Awtomatikong napabalik si Anya sa kinatatayuan ng ina. Sabay pa silang Napatili. "Legit ba?" "Oo nga! Magpaganda ka anak mamaya. kami na nila manang ang bahala sa food. Yung kwarto na tutulugan niya pahanda mo na." support na support si Leila sa pagmamahalan ni Jarren at Anya. Masaya siya na makitang muli ang sigla ng kaniyang anak. Ang malawak nitong mga ngiti at ang kislap ng mata. "Luh, im nervous. But tama ka mom. Kailangan maganda ako mamaya." Hindi matawaran ang pagkasabik ni Anya sa narinig. Dali-dali niyang pinuntahan ang anak at sinabi ang magandang balita na nalaman. "Baby, hulaan mo kung bakit masaya si mommy?" pagkausap niya sa anak na kala mong kaya siya nitong sagutin sa tanong. Ramdam ng batang si Warren ang kasiyahan ng ina kaya napangiti ito kay Anya. "Ang daddy mo darating mamaya! Magkikita na kayo ulit!" Agad na inutusan ni Anya ang yaya ni Warren na ilabas ang mga bagong damit n
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW aaminin ko man tlga sa asawa at anak ko ang tungkol kay jarren at sa pagtratrabaho niya rito. Talagang sasabihin ko n tlga sana dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ng asawa ko na kesyo may bagong babae ako at kung ano ano. Bukod doon ay matagal ng napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin. Sadyang wrong timing lang at bago pa man ako umamin ay nalaman na ni Anya na si Jarren ang aking bagong secretary. Bigla bigla na lang siyang dumating dito at kumatok. Hindi ako prepared. Si Jarren pa ang pinagbukas ko ng pinto ayan tuloy wala na kaming lusot. Matalino si Anya at obvious din naman ang suot ni Jarren. Alam kaagad niya kung ano ang ginagawa ni Jarren dito sa loob ng office ko. Hanggang sa ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nagkita sila ay ganito talaga ang mangyayari. Tamang tama ang sinabi ko kani-kanina lang. Itong si Jarren biglang nawala sa sarili. Nakalimutan niya na na nandito ako at nakikita sila. But infairness, makikita mo
JARREN POINT OF VIEW "Jarren, gawin mo 'to..." "Jarren, ikaw ang umatrend dito..." "Jarren, kailangan mong matutunan yung ganito, ganiyan...." "Jarren, galingan mo pa! nagkukulangan pa ako!" "Jarren, hindi ganito! ganito dapat! ulitin mo!" "Jarren, there is no room for mistakes here!" Aaminin ko, hindi pala ganun kadali. Mahirap pala. Akala ko ay malapit na ako pero malayo pa pala. Marami pa akong kakainin na Bigas para i-prove yung sarili ko. Araw-araw binibigay ko yung best ko pero kulang pa rin. Araw-araw ako napapagod pero nagkakamali la rin. Iniisip ko na lang palagi ang mag-ina ko at sila ang inspirasyon ko. Sa kanila ako kumukuha ng lakas para sa Araw-araw. Hindi madali ang maging isang CEO. Hindi pala madali ang ginagawa ni Mr. Enriquez sa Araw-araw. Lalo ko siyang kinahahangaan sa araw araw na nakakasama ko siya. He deserve all this. Early morning, Late Nights. Narealise ko rin na hindi lang ang katangian ng pagiging CEO ang itinuturo niya sa akin. Natutun
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi ako nagdalawang isip na isugod si Mr. Enriquez sa ospital matapos ko siyang makita sa harap ng aking bahay na nahihirapang huminga na tila para bang inaatake siya. Sa itsura niya ay mukha talagang hindi maganda ang lagay niya kaya naman agad ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan niya para dalhin ng ospital. Sa totoo lang, awang awa ako sa kaniya. Kahit na marami siyang ginawa na hindi maganda sa akin ay tinatanaw ko pa rin ang magagandang nagawa niya sa akin. Nauna niya akong tinulungan kaya naman ano ba naman itong ibalik ko ang magagandang nagawa niya sa akin at kinalimutan ang mga pangit niyang nagawa. Dinala siya sa loob ng E.R. at ako naman ay pinaiwan na sa labas. Habang nag-aantay, panay ang dasal ko na sana ay maging okay siya. Totoo. Naiisip ko kasi si Anya at ang anak namin. Alam kong pag may nangyaring masama kay Mr. Enriquez ay sila yung unang malulungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon. Nandoon yun
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW 2 YEARS AGO, After My apo's Blood transfussion, nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Jarren ng pang sarilinan. That time, ayoko talaga hanggang maaari but in my mind my nagsasabi rin sa akin na maging fair at pakinggan ang nais na sabihin sa akin ni Jarren. Humingi siya ng tawad at inamin ang mga nagawa niyang pagkakamali pero wala sa iyak niya ang nakakuha ng loob ko. Bilang isang ama, masamang masama ang loob ko sa kaniya nadagdagan pa ng malaman kong ginawa niyang kabit ang anak ko. Sobrang sakit noon para sa akin. Mabait pa nga ako at nagawa ko pang magtimpi bilang nasa gilid lang kasi namin ang apo ko. Sa aming naging pag-uusap noon ay nagulat ako sa kaniyang inamin. Honestly hindi ako naniniwala that time. Na baka sinasabi niya lang yon para matakasan ang aking galit at para lokohin muli ako. Hindi ko siya tinanggap para sa anak ko. Kahit la sinabi niya sa akin na hindi totoong naikasal siya. Para sa sakin ay walang sense iyon. Hind
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Dapat sa mga oras na ito ay nagsasaya na ako dahil sa wakas ay gagaling na ang anak ko. Sa wakas ay nakuha na niya ang kailangan niya at hindi na siya mahihirapan pa. Masaya naman ako bilang ina. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang dumating ang araw na ito pero itong araw din pala na ito ang isa sa mga malungkot na araw sa buhay ko. Si Jarren, nagpapaalam na siya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at mga mata. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang nangyari o napag-usapan nila ng Daddy sa loob ng kwarto at ganitong nagpapaalam si Jarren. Ibig sabihin hindi naaayos. Ibig sabihin hindi naging okay ang pag-uusap nila. "Anya, Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. kayo ng anak natin. Anya, sorry sa mga maling desisyon ko. Goodbye, Anya! alagaan mong mabuti ang anak natin. Til we see again, Anya. Pangako, babalik ako. babalikan ko kayo ng anak natin." Umalis na si Jarren at nag-iwan ng isang panga
Puno ng pag-aalala si Jarren tungkol sa mag-ina niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mga dumarating. balik balik siya mula sa lab hanggang Entrance. Patanaw-tanaw kung nariyan na ba ang kaniyang mag-ina. Iniisip ni Jarren na baka labis na nasaktan si Anya sa nangyari kagabi at sa ibinigay niyang sitwasyon dito. Gustong-gusto nang aminin ni Jarren ang totoo. Na hindi totoong kasal sila na Mallory. Na gawa gawa lamang niya ito. Hanggang sa dumating na nga ang kanina niya pang inaantay. Ang kaniyang anak. Kaya lang ay hindi si Anya ang may bitbit rito kung hindi si John at kasama nito ang ina ni Anya. Napaatras ng dalawang hakbang si Jarren nang magtama ang mata nila ni John. Ngayon lang sila muli nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi alam ni Jarren kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip ni John. Nakahanda naman si Jarren sa galit nito. Hindi na siya galit kay John. Kinalimutan na niya ang masakit na ginawa nito alang