Dahan-dahang ipinikit ni Sandra ang kanyang mga mata habang nilalasap ang lasa ng red wine na kanina pa niya iniinom.
Kasabay ng pagguhit nito sa lalamunan niya ay ang pagbalik ng imahe ng kanyang ama habang nililitanyahan siya nito dahil sa 'di niya pagsipot sa pamangkin ng business partner nitong gustong ipakilala nito sa kanya.
"Alam mong halos dalawang oras nang naghihintay sa'yo si Richard para sa dinner date ninyo kanina!"
"Kinancel pa niya ang flight niya papuntang Barcelona para lang ma-meet at maka-kwentuhan ka, for him to get to know you more..." tinapunan pa siya nito ng masamang tingin.
"What is wrong with you Sandra?"
"Dad, I told you. Marami akong pasyente kanina sa ospital. Alangan namang iwanan ko na lamang ang mga 'yon for the sake of that Richard na 'di ko man lang nakikita pa..."
"Sa hindi na nga ako magkaintindihan kanina dahil punong-puno ang ER dahil sa bus na nadisgrasya sa McArthur highway. I'm a doctor, that's why I need to be there and do my job right, rather than what? Going on a date while I'm leaving my ER full of people who needs my help?"
"Wala na bang ibang doctor 'don? Ano ba naman ang isang araw lang na break para magkaroon ka man lang ng oras para sa sar---"
"Para makipag-blind date Dad? Come on! I'm a doctor, and before I take the oath as a doctor alam naman natin na dapat patient first before anything. Saka sino ba kasi na naman iyang Richard na 'yan at bakit ba gustong-gusto niyong makilala ko?"
Humalukipkip naman ang ama niya habang nakatingin parin sa kanya.
"Anak, believe me, I understand you and your duty as a doctor... But this is different. You know how interested this man is."
"Hija, Richard really wants to meet you. And this guy is willing to wait for you if ever you finished earlier in your hospital duties. He's more interested in you lalo na noong nagkwento ako sa kanya on how dedicated you are pagdating sa profession mo..."
Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng kanyang ama. 'Di talaga ito magpapatinag na ipilit ang gustong pakikipagkita niya sa Richard na sinasabi nito na kanina pa bini-build-up sa kanya.
"He just want to meet you Sandra. Pero paano mong makikilala si Richard eh ni hindi mo nga sinipot 'don sa dinner date ninyo dapat... I thought you are going to fit him in your schedule?" Nakita na naman niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Please, Dad. I have no time for this..." Pakiusap niya sa ama niya na hindi man lamang binawi ang matiim na pagkakatitig sa kanya. She get a hold of herself before saying anything na magpapahaba ng usapan nila dahil alam niya naman na hindi magpapatalo ang kanyang ama sa mga valid reasons niya.
Pagkatapos niya sa kanyang huling pasyente kanina ay tumuloy siya sa bahay nila para kumuha ng ilang damit. Halos alas nuwebe na rin ng makarating siya sa bahay nila dahil dalawang oras ang layo nito sa Parañaque kung saan siya nagtatrabaho. Idagdag pa ang traffic na nadaanan niya sa airport road na di maiwasang daanan para makarating sa village nila.
Paalis na rin sana siya pabalik ng condo niya para umidlip ng madaanan niya naman ang Daddy niya sa sala na naghihintay pala sa kanya. Kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay harapin ito kahit alam niya kung ano na naman ang sasabihin nito.
"Sandra ano pa ba ang gusto mo maliban sa halos pagtira mo sa Ospital? Wala kanang oras para tumigil man lang kahit dalawang araw dito sa bahay o sumama sa amin ng Mommy mo para maipakilala ka namin sa mga kaibigan namin kapag lumalabas kami..."
"Ni hindi mo nga maayos 'yang itsura mo. Look at you, natutulog ka pa ba?" Tanong ulit ng Daddy niya na parang sirang plaka dahil sa ilang ulit niya nang narinig ito dito.
"What is wrong with the way I look? Dad, you know how busy I am. Uunahin ko pa bang magpa-ganda at magpa-sexy habang maraming tao ang naghihintay at nangangailangan ng serbisyo ko?" Nagsimula na naman siyang mainis sa Daddy niya.
"What I'm saying is... Sandra anak, hindi ka na bumabata... You are already 29. Kailan ko ba makikita ang mga apo ko sa'yo? I think you need to start finding your man and marry him."
"Bukas-bukas niyan wala ka na sa calendaryo pero di mo namamalayan dahil busy ka sa mga pasyente mo sa halip na naghahanap kana dapat ng mapapa..."
"Oh, dear God!" Pina-ikot niya ang mga mata bago lingunin ang kanyang ama.
"Dad pwede ba? Give me a break! Bakit ba lagi niyo nalang pino-problema hanggang ngayon ang lovelife ko? If the right guy comes, then maybe it's time. But Dad, I have my priorities now at alam mo naman na nasa huli pa 'yang paghahanap nang kung sino mang lalaki para pakasalan." Nagpakawala siya ng buntong-hininga.
"Maybe I'm still not ready for that stage Dad. Maybe for now, doing my job as a doctor is what's making me happy." Pakiramdam niya ay lalo siyang nai-stress sa naririnig na naman niya sa Daddy niya kaya pinutol niya na agad ang susunod na sasabihin pa nito.
"Ang sa amin lang ng Mommy mo..."
"Dad. Darating din tayo diyan... Isa pa, 'di naman ako nagmamadali. Napakadami ko pang iniisip ngayon para idagdag pa yang pag-aasawa o date date na 'yan.." Alam niya na magsasalita pa ulit ang Daddy niya kaya bago 'yon ay agad niya na itong hinalikan para magpaalam.
"Good bye Dad. Idadaan ko pa itong mga gamit ko sa condo bago ako bumalik sa hospital. Kulang yung duty resident ko for tomorrow that's why I have to be there early." Buntong hininga na lamang ang naisagot ng Daddy niya at walang nagawa kung hindi ay tingnan na lamang ang paglalakad niya papunta sa pinto. Pero bago pa man siya makahakbang palabas ng bahay nila ay nagsalita pa ito ulit.
"Just don't work too much anak okay? Wala ka pa ngang asawa o anak pero kung makasubsob ka sa trabaho tinalo mo pa ang may binu-buhay at pinapag-aral..."
"You should enjoy your life anak. Buti sana kung may asawa ka na at an---"
"I love you Dad... I need to go, and please, don't worry too much okay? I don't want to see you stressed lalo na sa kakaisip nang kung ano-ano. " Kumaway pa siya bago lumabas ng pinto. Pinangunahan niya na agad ang Daddy niya dahil alam niyang hahaba na naman ang mga sinasabi nito sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya bago lumagok ulit ng wine nang maalala ang pinag-usapan nila ng Daddy niya 4 days ago.
Kasalukuyan kasi siyang nasa isa sa mga isla ng Romblon para sa dalawang araw na bakasyon. Ni-recommend lamang ito sa kanya ng kaibigan niyang si Gianna na nagtatrabaho sa isang ticketing office at isa pa, talagang kailangang kailangan niya na ring umalis muna kahit ilang araw para lamang ma-relax kahit papaano.
She feels suffocated.
Stress na stress na rin kase siya sa trabaho niya bilang isang doktor sa isang pribadong ospital ng Parañaque. Dumadagdag pa ang mga magulang niya na wala nang ibang ginawa kung hindi ay kulitin siya, para lamang ma-ipakilala sa mga anak ng kaibigan o hindi kaya ay kakilala ng mga ito at itulak para mag-asawa na.
Sa edad kase na bente nuwebe ay wala pa siyang boyfriend na nadadala sa bahay nila na big deal naman sa mga magulang niya. Dahil na rin siguro sa tatlong magkakapatid ay iisa siyang babae at siya na rin ang bunso sa mga ito na wala pang asawa.
Dahil na rin sa pagiging abala bilang doktor ay 'di na rin niya namalayan na malapit na rin pala siyang lumagpas sa kalendaryo na siya namang iniisip niya ngayon. Wala na kasing ginawa ang Daddy niya kung hindi ay itulak siyang makipagkilala sa kung sino para daw makahanap na siya nang mapapangasawa dahil di na daw siya bumabata.
Hindi naman siya mapili sa lalaki. Hindi rin siya mataba at lalong di naman siya pangit pero hindi rin niya alam kung bakit kada may nagbabalak na ligawan siya ay agad niya itong bina-basted at iniiwasan. She's not even a perfectionist pero may mga katangian din kasi siyang basehan para sa lalaking magugustuhan niya kapag nagkataon. Maging 'yong anak ng director ng ospital kung saan siya nagtatrabaho ay sumubok na ring ligawan siya pero hindi rin niya alam kung bakit sa gwapo at yaman nito ay 'di niya naramdamang kiligin o magkagusto dito.
Marami na rin siyang naging pasyente na nagbalak ligawan siya. Yung iba pa nga ay nagpapadala ng kung ano-ano para lang magpa-impress sa kanya pero talagang wala siyang nagustuhan sa mga ito kahit isa. Masaya na siya na umiikot ang buong araw niya sa mga taong natutulungan niyang gumaling sa mga sakit nila. At nabubuo na ang araw niya kada may lumalabas na pasyente sa operating room niya at sinasalubong siya ng pasasalamat dahil sa buhay na naisalba na naman niya.
Ganun kasimple lang umiikot ang araw niya at masaya na siya doon.
Nasa gitna naman siya ng malalalim na pag-iisip nang may narinig siyang boses sa gilid niya.
"An ocean breeze puts a mind at ease..."
Nakikita niya sa peripheral vision niya na nanggaling ang boses na 'yon sa taong kagaya niya ay nakaupo sa gilid ng dalampasigan. Di niya alam kung kanina pa ba ito o kakaupo lang din dahil kanina pa siya lutang sa mga iniisip niya habang nakatingin sa papalubog na araw.Alam niya na nakatingin ito sa kanya pero di man lang siya nag-aksaya ng oras para tingnan ito o kausapin."Nakakalibang talagang tingnan ang papalubog na araw lalo na kapag nandito ka sa tabing dagat nakaupo... It's mesmerizing." Sabi ulit nito pero di parin niya ito nililingon. Ayaw naman niyang mag-assume na siya ang kausap ng lalaking nasa gilid niya dahil alam niya sa sarili niyang walang nakakakilala sa kanya dito. At hindi niya rin ugaling makipag-usap sa taong di naman niya kilala maliban na lamang kung pasyente niya ito o di kaya ay may emergency o nag-aagaw-buhay at may nangangailangan ng tulong niya.Nagpunta siya sa tahimik na lugar na ito para makahinga siya at makapagpahinga
Piniling umupo ni Sandra sa labas ng coffee shop kung saan malaya niyang natatanaw ang napakaraming bituin na 'di niya maiwasang tingnan. Bukod kase sa magandang ambiance ng lugar ay magandang spot ito para sa mga taong ayaw sa maingay na paligid na siyang kailangan niya ngayon. All she needs today is silence and peace to calm her mind kahit ngayon lamang. Alam niya kasi na pagbalik niya sa Manila ay babalik din lahat lahat ng stress na naghihintay sa muli niyang pagbabalik. Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata saka malayang nilanghap ang sariwang hangin sa dalampasigan.Um-order na lamang siya ng isang dark coffee na madalas niyang inumin lalo na kapag nasa duty siya sa ospital. Pagkatapos niya ulit tumingin sa kalangitan at tahimik na paligid ay doon na niya sinimulang buklatin ang dalang libro para basahin ito.At dahil sa tahimik na lugar na 'yon kaya di na niya halos napansin ang paglipas ng oras. Kung 'di pa siya napatingin sa relong pangbraso niya ay di niy
Mag-a-alas kuwatro na rin ng bumalik ang team na kasama niya sa hotel para naman sa dinner. Bitin man ang karamihan ay kailangan na rin nilang bumalik dahil palubog na ang araw. Nag suhistiyon naman ang mga tour guides doon na maganda din at mag-eenjoy sila sa mga bar at cafe sa paligid ng hotel.Mas minabuti na lang munang bumalik si Sandra sa hotel niya saglit para mag-shower at makapagpalit ng damit bago siya maghanap ng kakainan o tatambayan pansamantala habang pinapatay ang oras.Palabas na sana siya ng kwarto ng 'di niya maiwasang tingnan ang cell phone niya sa bedside table. Naisip niya din kasi kanina pa, na baka kino-contact siya ng mga co-doctors and nurses niya. Alam naman ng mga ito na nasa bakasyon siya pero 'di pa din minsan naiiwasang tawagan o itext siya kapag may mga tanong ang mga ito lalo na kung emergency o tungkol sa pasyente niya. Nagpakawala na muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago damputin ang kanyang cellphone.Hindi n
The lady just ignored him like she didn't hear him asking. Sa halip ay parang wala ito sa sariling tumingala habang nakatitig sa nagkikislapang mga bituin na wari'y ngayon lang nito nakita. She even pointed the stars on air and giggled.Napailing na lamang si Jann na itinuloy ang pagbubukas sa lata ng beer na kanina pa pala niya hawak saka ito ininom.Crazy. Isip isip niya."Why is this place so pretty and calm? I think I want to live here."Narinig ng binata ang sinabi ng babaeng nasa gilid niya kaya napalingon ulit siya dito. Di niya alam kung ano ang humila sa mata niya para tingnan ulit ito habang inaayos ang mahabang buhok nito. 'Di man niya ito maaninag gaano ay tila naaaliw siya sa ginagawa ng estrangherang katabi niya. Tila nahihipnotismong napapikit pa siya ng maamoy niya ang simoy ng hangin na napakabango na batid niyang dito nagmumula.The strange
"Maybe you are dumped.""What? Hell, no!""Me, dumped?" Natatawang sagot ni Jann sa dalaga.At first, the two is not really talking or answering each others questions but at the end they were talking like really close friends having a drink.Nagkasundo lang ang dalawa na 'di sila pwedeng magsabi ng totoo o 'di kaya ay sabihin ang totoo nilang pangalan, but they are free to tell stories or ask questions just for fun. Yung kaninang masungit na babae at makulit na estranghero ay tila magkakilalang magkakilala na dahil sa kanina pa nilang kwentuhan at tawanan. Nakakailang pababalik balik na rin si Jann sa grill dahilan para 'di nila mamalayang nakakarami na rin pala sila ng beer."Ang yabang mo, hoy! Eh ba't nandito ka sa isla na ito ng mag-isa at walang kasamang girlfriend. Then what? You are also drinking alone like a loner. Like the whole world left you.""Dumped agad kapag ganun? Di ba pwedeng gusto lang makapag relax?" Jan
Nagising si Sandra dahil sa 'di maipaliwanag na kirot ng ulo niya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang sentido niya pero tila ata lalo lang itong sumasakit. Kinapa-kapa pa niya ang gilid niya para sana bumangon pero natigilan siya ng maramdaman ang paghigpit ng tila kung anong nakayakap sa bewang niya.Dahan-dahan niyo itong nilingon at halos lumuwa ang mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaking may balbas at bigote na tulog na tulog sa tabi niya yabang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabilis na natutop ng dalaga ang kanyang bibig bago pa siya mapasigaw sa tanawing bumungad sa kanya.Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya ng piliting isipin kung ano'ng mga nangyari kagabi pero talagang hindi niya lahat maalala kung bakit at papaano siya humantong sa tabi ng estrangherong ito.Nilibot ng paningin niya ang paligid at nang masiguradong wala siya sa kanyang kwarto ay napakagat-labi na lang siya da
"Hello! What can I do for you?"Bahagya namang ngumiti ang kanyang pasyente na kakapasok lamang."Good Morning Doctor. I don’t feel good.""Come and sit here." Pang-walo ito sa pasyente niya ngayong hapon. Kaninang umaga kasi ay nanggaling siya sa Makati at um-attend nang isang convention na madali din namang natapos. Sa halip na umuwi at magpahinga ay naisip ni Sandra na magstay na lamang sa kanyang opisina at tumanggap na rin ng pasyente."Open your mouth, please."Sumunod naman ito at nag-umpisa na si Sandrang gawin ang pakay. Pagkatapos ilagay ang result sa hawak na papel ay nagsalita ito habang nakayuko at binabasa ang ilan pang nakalagay doon. "Since how long are you not feeling well?""Since yesterday, Doc.""Well, theres no problem. Did you have motions yesterday?" Sagot niya pagkatapos silipin ulit ang la
"Hoy! Bes!" Nagulat si Sandra sa pagpitik sa hangin ng kaibigan niyang si Ella na titig na titig pala sa kanya."W-what?" She suddenly look away and try to concentrate on what her doing.Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Ella at walang sabi-sabing kinuha ang laptop niya."Dra. Lessandra Olivares MD., ng cardiology department, at bestfriend ko. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Are you hiding something important from me?""N... nothing. Ano naman ang itatago ko, aber?" Pilit niyang iniwasan ang mata ng kaibigan.Pero tinaasan lamang naman siya ng kilay ng kaibigan at tinitigan muli. "I know you Lessandra, from your cephalic to your phalanx. At alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin. O kaya ay may mga itinatago ka sa akin.""Uh, huh! Kaya pala kada nagtatanong ako noong dumating ka at kahit noong mga nakaraan e wala kang ibang isinas
Kasalukuyang lulan ng taxi si Sandra papunta sa bahay nila.Huling araw na nang leave niya at plano na sana niyang gugulin na lamang ang sarili sa panonood at pagtulog sa unit ng matalik na kaibigang si Ella.Inuutusan na lamang niya itong kumuha ng gamit sa unit niya kapag kailangan niya. Naiintindihan naman siya ng kaibigan kaya naman sumunod na lamang ito.Kumakain siya kanina ng pineapple na galing pa sa Pangasinan na pasalubong ng boyfriend ni Ella. Lagi kasing ito ang inuungot niya sa kaibigan kaya kahit unay na umay na itong panoorin siyang nilalantakan araw araw ang pinya ay okay lamang dito.Hindi pa siya tapos kainin ang pinyang siya rin ang nagbalat nang makatanggap siya ng tawag galing sa Kuya Walter niya. Hindi pa sana niya iyon sasagutin pero nagtaka na rin siya nang halos sampung beses itong tumawag at sunod-sunod ang text nito na may emergency daw sa bahay nila.Pinakuha na rin kasi niya sa kaibigan ang cell phone niya dahil b
Pagkagaling sa mansiyon ng mga Embarcadero ay tumungo si Sandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Ella.Nang makita naman siya ng kaibigan na umiiyak habang nakatayo sa pintuan ng unit nito ay agad din siyang pinapasok para tanungin kung ano ba ang nangyari.Sandra told her bestfriend about what happened. Everything, pati ang hindi pagparamdam sa kanya ng boyfriend na si Jann ng dalawang araw."Bes, why not try to talk to him? Mas maganda pa rin na sa kanya mangagaling ang sagot. Kung bakit ganoon ang ginawa niya.""Ayoko na siyang makita pa." Sabi ni Sandra habang nagpupunas ng luha."Hey, stop crying. Makakasama 'yan kay baby. Bukas pa naman ang balik natin sa pedia at malalaman na natin kung lalaki ba o babae ang inaanak ko."Sa halip na tumigil ay lalo lamang naiyak si Sandra. Naiisip niya kung paano na sila ng kanyang magiging anak. Wala naman talaga siyang pakialam kung may iba nang babaeng gusto si Jann. Pero ang iniiisip ni
Lumawak ang ngiti ni Dianna nang makita ang papalapit na anak na si Jann. Kasalukuyan nilang kasama si Gwen at masayang nagkukwentuhan habang abala din ang mga bisita nila.Pinagkukwentuhan lang naman nilang mag-asawa kasama ang anak na si Gwen ang tungkol sa sinabi ng anak na si Jann tungkol sa babaeng ipapakilala daw nito.Simula't sapol kaso ay wala itong ni isang babaeng dinala at ipinakilala sa kanila. Babaero ang anak nilang si Jann pero hindi naman ito nagharap sa kanila ng kahit isa sa mga babae nito.Yayakapin na sana ni Dianna ang anak ng bigla itong nagsalita. "Who is this doctor that came here, Mom?"Nagtataka namang napalingon si Dianna sa asawang si Paul."Doctor?" Tanong muli ng Daddy niya. Si Gwen naman ay nakikinig lang sa kanila."I mean... what hospital are you visiting for your check up, Mom?""Why are you asking me about that, Hijo? Teka nga, naguguluhan ako. Ano ba talaga ang itinatanong mo? "
Nang dumating si Lessandra sa mansiyon ng mga Embarcadero ay ipinakilala siya ng mag-asawa sa ilang malalapit na kaibigan nito pati na rin sa ilang kamag-anak ng mga ito na mabibilang din sa daliri.Halos parehas lang ang narinig niyang pagbati sa kanya ng mga bisita at naroroon.Na napakaganda niya at kahit sino mang tanungin ay hindi aakalain na bente nuwebe na ang edad niya. Na napakaganda niyang doktor at sinabi pa ng pinsan ni Mrs. Embarcadero na si Pauliee na dapat ay nasa mundo daw siya ng modeling o beauty pageant kaysa sa ospital.Pinili niyang isuot ang isang black na off shoulder high slit na dress na iniregalo pa sa kanya ng matalik na kaibigang si Ellaiza. Sanay naman siyang magpunta sa mga celebrations dahil na rin sa propesyon niya kaya hindi na rin siya nahirapan na maghanap ng isusuot.At dahil ipinakilala siya ng mag-asawang Embarcadero na malapit na kaibigan at siyang personal doctor ay naging maayos at magaan naman ang pakikitungo ng l
Kanina pa paikot ikot si Jann habang hinahanap ang babaeng alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.Si Sandra.He's been calling and texting her after he arrived from Canada to attend a meeting. Dapat ay ang ama sanang si Paul ang pupunta ng Canada para sana um-attend pero dahil kaarawan ng kanyang Mommy Dianna ay hindi na siya nakatanggi pa sa hiling ng kanyang Ama.Miss na miss na niya ito. Alam niyang hindi siya agad nakapagpaalam dito dahil biglaan ang flight niya at sigurado siyang nagtatampo ito. Inisip niya habang nasa Canada na saka na lang niya ipapaliwanag ang lahat sa dalaga.Plano na rin niyang ipakilala si Sandra sa ga magulang niya kaya naman pagbaba ng eroplano kaninang 6pm ay nagtext na siya dito at may binigay siyang address. Sinabi niya na magkita sila sa address na ibinigay niya. Surpresa sana niya ito sa dalaga pero walang sumasagot ng tawag o nagreply sa kanya. Mara
Katatapos lang ni Sandra sa sa kanyang daily rounds, alas tres na ng hapon ng masulyapan niya ang pambisig na relo. For her, ito na yata ang isa sa pinaka-toxic na araw niya ngayong buwan.Nagkakagulo ang emergency room kaninang umaga dahil sa road accident na kinasangkutan ng dalawang bus at tatlong private vehicle. Dalawa ang patay at ang marami ay malubha ang kalagayan at nasa ICU pa ang iba habang abala din ang operating room.Short pa naman sila sa nurses dahil nagleave ang isa dahil buntis at ang dalawa naman ay nagresign dahil lamang sa eskandalo na naugnay sa sa playboy na anak ng direktor ng ospital. Wala din ang isang surgeon nila na nagkataong nasa two days vacation sa canada para sa kasal ng kapatid nito.Kaya naman abalang abala ang buong ospital. Halos 'di rin sila nagkausap ng matagal ng matalik na kaibigang si Ella dahil maging ito ay iritable na rin sa dami ng inaasikaso at pabalik balik ng ER.Katatapos lang naman ng round ni
Nagising si Sandra dahil sa magkakasunod na tawag sa telepono. Nakapikit paring kinapa niya ang bedside table upang mahagilap ang cell phone niya upang matigil na iyon sa pagtunog.Naramdaman pa niya ang lalong paghigpit ng yakap sa kanya ng boyfriend na si Jann na nakayakap sa kanya habang nakatalikod siya.They made love last night.Hindi niya alam kung ilang beses at anong oras na bumigay ang kanilang katawan sa pagod. Basta ang alam lang niya ay siguradong masasakit ang ilang parte ng katawan niya na naramdaman na niya ng bahagyang abutin ng bedside table.Hindi siya tinigilan ni Jann kagabi. He's drunk but he still do it with her passionately and lovingly. Without even saying he's tired and sleepy. He even wanted more and more of her. Siya na nga lang talaga ang sunuko dahil talagang pakiramdam niya ay napagod na siya ng sobra sa mga ginawa nila. But she feels happy and her body is still craving for more. Hindi na rin naman siya pinilit ng noby
Marami nang changes na nangyayari sa katawan si Sandra. Kasama na rin ang mood swings niya na kahit siya ay hindi na rin maintindihan ang sarili.Naging maayos naman ang nagsisimulang relasyon nila ni Jann. Hindi pa man nito naikukwento ang tungkol sa buong pagkatao nito at sa pamilya nito ay hindi na niya gaanong iniisip iyon.Ang mahala ay masaya sila at nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Masyado pa rin namang maaga at angsisimula pa lamang sila sa relasyon.Alam niya na kapag handa na itong magkwento ay ito mismo ang magsasabi sa kanya at ipapakilala din siya sa pamilya nito.Katatapos lamang niya magshower at kasalukuyang nag-aayos ng susuutin kinabukasan nang marinig niya ang doorbell.Inisip niya na baka si Ella dahil tinawagan niya ito at sinabing kapag pwede ay daanan siya at ibili siya nang mangga dahil talagang naglalaway siya. Nasa stage kasi siya ng paglilihi kaya nagiging weird ang panlasa niya."J-Jann?" Nabungaran niy
"Good morning, Doctor Olivarez." Masayang bati ng mag-asawang Embarcadero. Martes ng alas onse ngayon at maagang tumawag kanina si Mr. Paul Embarcadero na dadaan sila ng ospital para sa check up ng asawa nitong si Dianna.May business meeting na pinanggalingan ang mag-asawa at dahil madadaanan ang ospital ay minabuti na nitong tawagan siya ng maaga kanina para makapagpacheck up na rin. Ay dahil sa si Sandra ang personal doctor ng mag-asawa ay agad namang binakante ni Sandra ang oras na iyon."Good morning, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiti ring bati niya sa mag-asawa."Ikaw talaga, hija. Sinabi ko naman sayo'ng Paul na lamang ang itawag mo sa akin. We don't need too much formality."Ngumiti na lamang naman si Sandra."Wala namang ibang tao, hija. Saka parang hindi naman tayo magkakilala niyan." Si Mrs. Embarcadero na ang nagsalita."Kayo po talaga, Sir Paul at Tita Dianna." Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya sa mga ito.