Nakikita niya sa peripheral vision niya na nanggaling ang boses na 'yon sa taong kagaya niya ay nakaupo sa gilid ng dalampasigan. Di niya alam kung kanina pa ba ito o kakaupo lang din dahil kanina pa siya lutang sa mga iniisip niya habang nakatingin sa papalubog na araw.
Alam niya na nakatingin ito sa kanya pero di man lang siya nag-aksaya ng oras para tingnan ito o kausapin.
"Nakakalibang talagang tingnan ang papalubog na araw lalo na kapag nandito ka sa tabing dagat nakaupo... It's mesmerizing." Sabi ulit nito pero di parin niya ito nililingon. Ayaw naman niyang mag-assume na siya ang kausap ng lalaking nasa gilid niya dahil alam niya sa sarili niyang walang nakakakilala sa kanya dito. At hindi niya rin ugaling makipag-usap sa taong di naman niya kilala maliban na lamang kung pasyente niya ito o di kaya ay may emergency o nag-aagaw-buhay at may nangangailangan ng tulong niya.
Nagpunta siya sa tahimik na lugar na ito para makahinga siya at makapagpahinga naman ang utak niya sa kaka-isip sa parents niya. At para na rin makapag-break na din sa stress sa trabaho niya. Hindi kasama sa plano niyang makipagkilala o makipagkwentuhan sa kung sinong lalaki na nagbabalak na kausapin siya o magpalipad-hangin Dahil unang-una ay hindi naman siya dumayo pa dito para makipag-kilala lang sa kung sino-sinong lalaki.
"I don't think it's a good idea to drink alone while sad and looking at the ocean. Specially, you're a lady. Many guys would think they can easily make friend with you or ask you for a drink."
Tila nainis siya sa sinabi ng lalaki dahil wala naman itong pakialam kung gusto man niyang uminom ng kahit ano o kahit saan mang gustuhin niya. It's her free will to decide whatever she wants to do. Hindi talaga mawala sa paligid ang mga taong mahilig makialam sa business ng iba, kagaya na lamang nang lalaking ito.
Pinili nalang niyang pigilin ang sarili niyang pandilatan at sagutin ito dahil sa pagiging pakialamero nito. She just ignore the guy who continue talking like he knows her, kaysa naman makipag-usap dito na di naman niya ugali. Malay ba niya na manyakis ito o kaya naman playboy na akala ay lahat ng babae ay easy to get at madadala sa mga palipad hangin nito.
"I know you are new in this island."
"And I also think, hindi maganda na umiinom ka ng mag-isa lalo na sa lugar na kagaya nito specially pababa na ang araw.."
Halos magpanting ang tenga niya sa narinig mula sa lalaking pakialamero na kanina pa niya gustong panlakihan ng mata kung di lang siya nagtitimpi. Ka-lalaking tao nito pero tinalo pa ang babae dahil sa pagiging madaldal at pakialamero.
"Well Mister. I also think na hindi ka dapat nakikialam sa kung ano mang gusto ko dahil di naman tayo close at imposibleng mangyari yun! Don't you think it's rude to give comment to people you don't even know?"
"Will you mind your own business? I can drink whatever i want and whenever i wanted to dahil sarili ko 'to at nasa tama naman akong edad at pag-iisip!" Doon na siya tumayo habang hawak parin ang kopita at wine na iniinom niya. Okay na sana ang lahat ng pag-eemote niya kung 'di lang dahil sa pakialamerong lalaki na binabasag ang araw na gusto niyang matapos ng tahimik at mag isa.
"I was just concern Miss."
"The are a lot of suicidal ladies that visiting this island..." Pagak pa itong tumawa na tila nagustuhan pa ata ang pagkainis niya.
Naubos na lalo lahat ng pagtitimpi na hawak ni Sandra dahil sa sinabi ng lalaki. 'Di niya akalain na suicidal na pala ang dating niya dito while ang gusto lamang naman niya ay uminom ng mag-isa habang nag-iisip at kinakalma ang sarili.
"Suicidal?! Who? Me?" Doon na niya hinarap ang bastos na lalaki na basta basta nalang siya kinausap dahil lang sa mukha daw siyang may balak na magsuicide.
Napataas pa ang kilay niya ng makita ang itsura nito na sa pakiramdam naman niya ay mas mukhang problemado pa sa kanya dahil sa mukha nito na 'di man lang nagawang mag-ahit base sa balbas nito. Malas lamang ng lalaki dahil pinaka-ayaw niya sa lalaki ang may balbas at bigote. Pakiramdam niya kasi ay madumi at dugyot tingnan kapag nakakakita siya ng mga lalaking hinahayaang tumubo ang balbas o bigote at kahit mahabang buhok ng mga ito.
Lalo lamang niya itong kina-inisan dahil sa pagtitig nito sa kanya na parang pinag-aaralan ang buong pagkatao niya. Kung makatitig kase ito sa kanya ay tila doktor din itong pinag-aaralan ang katawan ng sariling pasyente at binasa pati ang buong pagkatao niya.
Wala naman itong dapat ikatitig sa katawan niya dahil nakasuot naman siya ng above the knee na short at lose white tshirt. Mukha pa nga siyang nasa bahay lang dahil sa itsura niya. Matatanggap niyang titingnan siya nito ng malagkit kung naka-two piece siya o kaya naman ay bikini.
"Sa susunod Mister whoever you are wag kang makikialam sa business ng iba lalo na kung 'di mo naman kilala."
"Pakialamero!" Singhal pa niya na bahagyang ikinagulat nito. Inirapan niya na lang ang lalaki habang nagdadabog na naglalakad palayo rito. Ayaw niyang maubos ang pasensya niya at tuluyang uminit ang ulo niya sa walang kwentang lalaki kagaya na lamang ng bastos na 'yon.
"Wait Miss... It's not what you think it i---"
Naririnig pa niya ang boses nito habang palayo siya pero 'di na siya nag-abalang pakinggan 'yon at lingunin ito.
Di niya hahayaang masira ang dalawang araw na dapat ay pahinga at pag-re-relax niya dahil lang sa isang komento ng bastos na lalaking pakialamero.
Minabuti na lamang niyang bumalik sa resort at sa kwarto na lamang niya ituloy ang pag-inom ng wine kesa ma-buwisit lamang sa kung sino mang pakialamero at bastos na lalaki sa isla.
Akala pa naman niya ay matatapos ang dalawang araw niyang bakasyon ng wala siyang iisipin. Na sa dalawang araw ay mababawasan ang stress niya at mag-eenjoy siya sa wine na pinag-isipan pa niya ata ng limang beses bago bilhin.
Di na niya naubos ang kalahati ng wine na iniinom niya dahil sa bwisit niya kanina. Kaya naman ng makita niya sa wrist watch niya na pasado alas otso na ng gabi ay bumaba na lamang siya para maghanap ng pwede niyang kainan o kaya naman ay coffee shop para tambayan. Balak niya rin kaseng magbasa ng libro na dala niya habang nagpapalipas ng oras, maaga pa din naman kasi para matulog. Bago rin kadi siya pumunta sa isla ay bumili na siya ng libro para basahin sa byahe o kapag nagpapalipas-oras siya. Isa kase ito sa hilig niya kapag wala siyang ginagawa o pinapatay niya ang oras hanggang antukin.
Napangiti naman siya ng di pa siya nakakalayo ng resort ay natanaw niya ang isang coffee shop kung saan pwedeng naka-upo sa buhangin o kaya naman ay sa mga pillow habang nagkakape. Perfect para magbasa ng libro lalo na at may open area ito kung saan makikita mo ang kalangitan habang nag-i-star gazing dahil sa liwanag gawa ng mga bituin.
Nakangiting tinungo niya agad ito.
Piniling umupo ni Sandra sa labas ng coffee shop kung saan malaya niyang natatanaw ang napakaraming bituin na 'di niya maiwasang tingnan. Bukod kase sa magandang ambiance ng lugar ay magandang spot ito para sa mga taong ayaw sa maingay na paligid na siyang kailangan niya ngayon. All she needs today is silence and peace to calm her mind kahit ngayon lamang. Alam niya kasi na pagbalik niya sa Manila ay babalik din lahat lahat ng stress na naghihintay sa muli niyang pagbabalik. Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata saka malayang nilanghap ang sariwang hangin sa dalampasigan.Um-order na lamang siya ng isang dark coffee na madalas niyang inumin lalo na kapag nasa duty siya sa ospital. Pagkatapos niya ulit tumingin sa kalangitan at tahimik na paligid ay doon na niya sinimulang buklatin ang dalang libro para basahin ito.At dahil sa tahimik na lugar na 'yon kaya di na niya halos napansin ang paglipas ng oras. Kung 'di pa siya napatingin sa relong pangbraso niya ay di niy
Mag-a-alas kuwatro na rin ng bumalik ang team na kasama niya sa hotel para naman sa dinner. Bitin man ang karamihan ay kailangan na rin nilang bumalik dahil palubog na ang araw. Nag suhistiyon naman ang mga tour guides doon na maganda din at mag-eenjoy sila sa mga bar at cafe sa paligid ng hotel.Mas minabuti na lang munang bumalik si Sandra sa hotel niya saglit para mag-shower at makapagpalit ng damit bago siya maghanap ng kakainan o tatambayan pansamantala habang pinapatay ang oras.Palabas na sana siya ng kwarto ng 'di niya maiwasang tingnan ang cell phone niya sa bedside table. Naisip niya din kasi kanina pa, na baka kino-contact siya ng mga co-doctors and nurses niya. Alam naman ng mga ito na nasa bakasyon siya pero 'di pa din minsan naiiwasang tawagan o itext siya kapag may mga tanong ang mga ito lalo na kung emergency o tungkol sa pasyente niya. Nagpakawala na muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago damputin ang kanyang cellphone.Hindi n
The lady just ignored him like she didn't hear him asking. Sa halip ay parang wala ito sa sariling tumingala habang nakatitig sa nagkikislapang mga bituin na wari'y ngayon lang nito nakita. She even pointed the stars on air and giggled.Napailing na lamang si Jann na itinuloy ang pagbubukas sa lata ng beer na kanina pa pala niya hawak saka ito ininom.Crazy. Isip isip niya."Why is this place so pretty and calm? I think I want to live here."Narinig ng binata ang sinabi ng babaeng nasa gilid niya kaya napalingon ulit siya dito. Di niya alam kung ano ang humila sa mata niya para tingnan ulit ito habang inaayos ang mahabang buhok nito. 'Di man niya ito maaninag gaano ay tila naaaliw siya sa ginagawa ng estrangherang katabi niya. Tila nahihipnotismong napapikit pa siya ng maamoy niya ang simoy ng hangin na napakabango na batid niyang dito nagmumula.The strange
"Maybe you are dumped.""What? Hell, no!""Me, dumped?" Natatawang sagot ni Jann sa dalaga.At first, the two is not really talking or answering each others questions but at the end they were talking like really close friends having a drink.Nagkasundo lang ang dalawa na 'di sila pwedeng magsabi ng totoo o 'di kaya ay sabihin ang totoo nilang pangalan, but they are free to tell stories or ask questions just for fun. Yung kaninang masungit na babae at makulit na estranghero ay tila magkakilalang magkakilala na dahil sa kanina pa nilang kwentuhan at tawanan. Nakakailang pababalik balik na rin si Jann sa grill dahilan para 'di nila mamalayang nakakarami na rin pala sila ng beer."Ang yabang mo, hoy! Eh ba't nandito ka sa isla na ito ng mag-isa at walang kasamang girlfriend. Then what? You are also drinking alone like a loner. Like the whole world left you.""Dumped agad kapag ganun? Di ba pwedeng gusto lang makapag relax?" Jan
Nagising si Sandra dahil sa 'di maipaliwanag na kirot ng ulo niya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang sentido niya pero tila ata lalo lang itong sumasakit. Kinapa-kapa pa niya ang gilid niya para sana bumangon pero natigilan siya ng maramdaman ang paghigpit ng tila kung anong nakayakap sa bewang niya.Dahan-dahan niyo itong nilingon at halos lumuwa ang mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaking may balbas at bigote na tulog na tulog sa tabi niya yabang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabilis na natutop ng dalaga ang kanyang bibig bago pa siya mapasigaw sa tanawing bumungad sa kanya.Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya ng piliting isipin kung ano'ng mga nangyari kagabi pero talagang hindi niya lahat maalala kung bakit at papaano siya humantong sa tabi ng estrangherong ito.Nilibot ng paningin niya ang paligid at nang masiguradong wala siya sa kanyang kwarto ay napakagat-labi na lang siya da
"Hello! What can I do for you?"Bahagya namang ngumiti ang kanyang pasyente na kakapasok lamang."Good Morning Doctor. I don’t feel good.""Come and sit here." Pang-walo ito sa pasyente niya ngayong hapon. Kaninang umaga kasi ay nanggaling siya sa Makati at um-attend nang isang convention na madali din namang natapos. Sa halip na umuwi at magpahinga ay naisip ni Sandra na magstay na lamang sa kanyang opisina at tumanggap na rin ng pasyente."Open your mouth, please."Sumunod naman ito at nag-umpisa na si Sandrang gawin ang pakay. Pagkatapos ilagay ang result sa hawak na papel ay nagsalita ito habang nakayuko at binabasa ang ilan pang nakalagay doon. "Since how long are you not feeling well?""Since yesterday, Doc.""Well, theres no problem. Did you have motions yesterday?" Sagot niya pagkatapos silipin ulit ang la
"Hoy! Bes!" Nagulat si Sandra sa pagpitik sa hangin ng kaibigan niyang si Ella na titig na titig pala sa kanya."W-what?" She suddenly look away and try to concentrate on what her doing.Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Ella at walang sabi-sabing kinuha ang laptop niya."Dra. Lessandra Olivares MD., ng cardiology department, at bestfriend ko. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Are you hiding something important from me?""N... nothing. Ano naman ang itatago ko, aber?" Pilit niyang iniwasan ang mata ng kaibigan.Pero tinaasan lamang naman siya ng kilay ng kaibigan at tinitigan muli. "I know you Lessandra, from your cephalic to your phalanx. At alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin. O kaya ay may mga itinatago ka sa akin.""Uh, huh! Kaya pala kada nagtatanong ako noong dumating ka at kahit noong mga nakaraan e wala kang ibang isinas
Nagmamaneho pa lamang si Sandra papunta ng Parañaque Doctors Hospital ng mag-ring ang kanyang telepono.'Good morning Dra Sandra, are you on your way?' Tanong ng nagsasalita sa kabilang linya.'Yes Doctor Rivera, napatawag po kayo?''We have a VIP patient, I think you assisted him once because he is asking for you, also one of my closest friend. Malapit ka na ba?''Few blocks away, Doc. Dadaanan ko lang 'yong coffee ko at derecho na ako diyan.' Paliwanang niya habang nakatingin sa kalsada.'Okay, dumirecho kana lamang dito after you fix your things. Don't let your patient wait okay?'Napakunot naman ang noo niya sa narinig. Sa huling tingin kasi niya sa wrist watch niya ay ahead pa siya ng lagpas isang oras. 8am dapat ang time-in niya samantalang 6:47 pa lamang.'Okay Do
Kasalukuyang lulan ng taxi si Sandra papunta sa bahay nila.Huling araw na nang leave niya at plano na sana niyang gugulin na lamang ang sarili sa panonood at pagtulog sa unit ng matalik na kaibigang si Ella.Inuutusan na lamang niya itong kumuha ng gamit sa unit niya kapag kailangan niya. Naiintindihan naman siya ng kaibigan kaya naman sumunod na lamang ito.Kumakain siya kanina ng pineapple na galing pa sa Pangasinan na pasalubong ng boyfriend ni Ella. Lagi kasing ito ang inuungot niya sa kaibigan kaya kahit unay na umay na itong panoorin siyang nilalantakan araw araw ang pinya ay okay lamang dito.Hindi pa siya tapos kainin ang pinyang siya rin ang nagbalat nang makatanggap siya ng tawag galing sa Kuya Walter niya. Hindi pa sana niya iyon sasagutin pero nagtaka na rin siya nang halos sampung beses itong tumawag at sunod-sunod ang text nito na may emergency daw sa bahay nila.Pinakuha na rin kasi niya sa kaibigan ang cell phone niya dahil b
Pagkagaling sa mansiyon ng mga Embarcadero ay tumungo si Sandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Ella.Nang makita naman siya ng kaibigan na umiiyak habang nakatayo sa pintuan ng unit nito ay agad din siyang pinapasok para tanungin kung ano ba ang nangyari.Sandra told her bestfriend about what happened. Everything, pati ang hindi pagparamdam sa kanya ng boyfriend na si Jann ng dalawang araw."Bes, why not try to talk to him? Mas maganda pa rin na sa kanya mangagaling ang sagot. Kung bakit ganoon ang ginawa niya.""Ayoko na siyang makita pa." Sabi ni Sandra habang nagpupunas ng luha."Hey, stop crying. Makakasama 'yan kay baby. Bukas pa naman ang balik natin sa pedia at malalaman na natin kung lalaki ba o babae ang inaanak ko."Sa halip na tumigil ay lalo lamang naiyak si Sandra. Naiisip niya kung paano na sila ng kanyang magiging anak. Wala naman talaga siyang pakialam kung may iba nang babaeng gusto si Jann. Pero ang iniiisip ni
Lumawak ang ngiti ni Dianna nang makita ang papalapit na anak na si Jann. Kasalukuyan nilang kasama si Gwen at masayang nagkukwentuhan habang abala din ang mga bisita nila.Pinagkukwentuhan lang naman nilang mag-asawa kasama ang anak na si Gwen ang tungkol sa sinabi ng anak na si Jann tungkol sa babaeng ipapakilala daw nito.Simula't sapol kaso ay wala itong ni isang babaeng dinala at ipinakilala sa kanila. Babaero ang anak nilang si Jann pero hindi naman ito nagharap sa kanila ng kahit isa sa mga babae nito.Yayakapin na sana ni Dianna ang anak ng bigla itong nagsalita. "Who is this doctor that came here, Mom?"Nagtataka namang napalingon si Dianna sa asawang si Paul."Doctor?" Tanong muli ng Daddy niya. Si Gwen naman ay nakikinig lang sa kanila."I mean... what hospital are you visiting for your check up, Mom?""Why are you asking me about that, Hijo? Teka nga, naguguluhan ako. Ano ba talaga ang itinatanong mo? "
Nang dumating si Lessandra sa mansiyon ng mga Embarcadero ay ipinakilala siya ng mag-asawa sa ilang malalapit na kaibigan nito pati na rin sa ilang kamag-anak ng mga ito na mabibilang din sa daliri.Halos parehas lang ang narinig niyang pagbati sa kanya ng mga bisita at naroroon.Na napakaganda niya at kahit sino mang tanungin ay hindi aakalain na bente nuwebe na ang edad niya. Na napakaganda niyang doktor at sinabi pa ng pinsan ni Mrs. Embarcadero na si Pauliee na dapat ay nasa mundo daw siya ng modeling o beauty pageant kaysa sa ospital.Pinili niyang isuot ang isang black na off shoulder high slit na dress na iniregalo pa sa kanya ng matalik na kaibigang si Ellaiza. Sanay naman siyang magpunta sa mga celebrations dahil na rin sa propesyon niya kaya hindi na rin siya nahirapan na maghanap ng isusuot.At dahil ipinakilala siya ng mag-asawang Embarcadero na malapit na kaibigan at siyang personal doctor ay naging maayos at magaan naman ang pakikitungo ng l
Kanina pa paikot ikot si Jann habang hinahanap ang babaeng alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.Si Sandra.He's been calling and texting her after he arrived from Canada to attend a meeting. Dapat ay ang ama sanang si Paul ang pupunta ng Canada para sana um-attend pero dahil kaarawan ng kanyang Mommy Dianna ay hindi na siya nakatanggi pa sa hiling ng kanyang Ama.Miss na miss na niya ito. Alam niyang hindi siya agad nakapagpaalam dito dahil biglaan ang flight niya at sigurado siyang nagtatampo ito. Inisip niya habang nasa Canada na saka na lang niya ipapaliwanag ang lahat sa dalaga.Plano na rin niyang ipakilala si Sandra sa ga magulang niya kaya naman pagbaba ng eroplano kaninang 6pm ay nagtext na siya dito at may binigay siyang address. Sinabi niya na magkita sila sa address na ibinigay niya. Surpresa sana niya ito sa dalaga pero walang sumasagot ng tawag o nagreply sa kanya. Mara
Katatapos lang ni Sandra sa sa kanyang daily rounds, alas tres na ng hapon ng masulyapan niya ang pambisig na relo. For her, ito na yata ang isa sa pinaka-toxic na araw niya ngayong buwan.Nagkakagulo ang emergency room kaninang umaga dahil sa road accident na kinasangkutan ng dalawang bus at tatlong private vehicle. Dalawa ang patay at ang marami ay malubha ang kalagayan at nasa ICU pa ang iba habang abala din ang operating room.Short pa naman sila sa nurses dahil nagleave ang isa dahil buntis at ang dalawa naman ay nagresign dahil lamang sa eskandalo na naugnay sa sa playboy na anak ng direktor ng ospital. Wala din ang isang surgeon nila na nagkataong nasa two days vacation sa canada para sa kasal ng kapatid nito.Kaya naman abalang abala ang buong ospital. Halos 'di rin sila nagkausap ng matagal ng matalik na kaibigang si Ella dahil maging ito ay iritable na rin sa dami ng inaasikaso at pabalik balik ng ER.Katatapos lang naman ng round ni
Nagising si Sandra dahil sa magkakasunod na tawag sa telepono. Nakapikit paring kinapa niya ang bedside table upang mahagilap ang cell phone niya upang matigil na iyon sa pagtunog.Naramdaman pa niya ang lalong paghigpit ng yakap sa kanya ng boyfriend na si Jann na nakayakap sa kanya habang nakatalikod siya.They made love last night.Hindi niya alam kung ilang beses at anong oras na bumigay ang kanilang katawan sa pagod. Basta ang alam lang niya ay siguradong masasakit ang ilang parte ng katawan niya na naramdaman na niya ng bahagyang abutin ng bedside table.Hindi siya tinigilan ni Jann kagabi. He's drunk but he still do it with her passionately and lovingly. Without even saying he's tired and sleepy. He even wanted more and more of her. Siya na nga lang talaga ang sunuko dahil talagang pakiramdam niya ay napagod na siya ng sobra sa mga ginawa nila. But she feels happy and her body is still craving for more. Hindi na rin naman siya pinilit ng noby
Marami nang changes na nangyayari sa katawan si Sandra. Kasama na rin ang mood swings niya na kahit siya ay hindi na rin maintindihan ang sarili.Naging maayos naman ang nagsisimulang relasyon nila ni Jann. Hindi pa man nito naikukwento ang tungkol sa buong pagkatao nito at sa pamilya nito ay hindi na niya gaanong iniisip iyon.Ang mahala ay masaya sila at nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Masyado pa rin namang maaga at angsisimula pa lamang sila sa relasyon.Alam niya na kapag handa na itong magkwento ay ito mismo ang magsasabi sa kanya at ipapakilala din siya sa pamilya nito.Katatapos lamang niya magshower at kasalukuyang nag-aayos ng susuutin kinabukasan nang marinig niya ang doorbell.Inisip niya na baka si Ella dahil tinawagan niya ito at sinabing kapag pwede ay daanan siya at ibili siya nang mangga dahil talagang naglalaway siya. Nasa stage kasi siya ng paglilihi kaya nagiging weird ang panlasa niya."J-Jann?" Nabungaran niy
"Good morning, Doctor Olivarez." Masayang bati ng mag-asawang Embarcadero. Martes ng alas onse ngayon at maagang tumawag kanina si Mr. Paul Embarcadero na dadaan sila ng ospital para sa check up ng asawa nitong si Dianna.May business meeting na pinanggalingan ang mag-asawa at dahil madadaanan ang ospital ay minabuti na nitong tawagan siya ng maaga kanina para makapagpacheck up na rin. Ay dahil sa si Sandra ang personal doctor ng mag-asawa ay agad namang binakante ni Sandra ang oras na iyon."Good morning, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiti ring bati niya sa mag-asawa."Ikaw talaga, hija. Sinabi ko naman sayo'ng Paul na lamang ang itawag mo sa akin. We don't need too much formality."Ngumiti na lamang naman si Sandra."Wala namang ibang tao, hija. Saka parang hindi naman tayo magkakilala niyan." Si Mrs. Embarcadero na ang nagsalita."Kayo po talaga, Sir Paul at Tita Dianna." Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya sa mga ito.