ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.
Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill heAndrie"THIS IS BULLSHIT!" Marahas kong isinampal sa assistant ko ang mga papeles na ibinigay niya sa'kin.Naglalaman iyon ng mga report tungkol sa financial at profits na kinikita ng mga produkto sa Isla de Kastilyo, ang isla na pag-aari ng pamilya namin."B-Boss kanina ko palang po natanggap ang report na 'yan at kanina ko lang din po nalaman na may problema sa mga produktong inaani sa Isla. S-Sorry po." Nanginginig ito habang nakayuko na mas lalo kong ikinagalit."Your sorry won't change anything! Kung may problema dapat agad niyang sinabi sa'kin!" sigaw ko. Lahat ng report na nasa mesa ko ay hinagis ko sa kanya at kumalat iyon. "Lahat ng tao sa finance department they're all fired at kasama ka na d'on." Walang kaabog abog na tugon ko.Naluluha siyang napatingala sa'kin pero kahit lumuha pa siya ng dugo ay walang mababago sa desisyon ko. Once na sinabi ko na wala ng bawian."S-Sorry po Boss, patawarin mo ako may sakit po ang kapatid ko at kailangan namin ng pera, hindi po ako pwede
Andrie"YOU ARE grounded! No cellphone. No night out. No allowance. No car. Hindi ka gagalaw ng kahit na anong bagay na nasa paligid mo. Hindi ka pwedeng lumabas sa mansyon." Parang kulog na dumagundong ang galit kong boses sa loob ng opisina ko habang nasa harap ko si Candros.Ilang sandali noong sumunod sila dito ni Cathy kay Pulahan at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Nagpupuyos ako sa galit dahil sa katigasan ng ulo niya."B-But Ate---""Kung gusto mong magkapera at matustusan lahat ng pangangailangan mo magtrabaho ka sa farm o dito sa resort. You choose Candros." Masamang masama ang tingin ko sa kanya habang nakayuko siya habang ang dalawa pa naming kasama ay gan'on din. Si Cathy at Pulahan."Sinasagad mo ang pasensya ko kaya magmatigasan tayo ngayon." Asik ko pa. Tumayo ako at humarap kay Pulahan. "Bukas na bukas ipunin mo lahat ng tauhan at sisimulan kong ayusin ang kapalpakan ng tarantadong ito.""Okay. Uuwi ba muna kayo sa mansyon? Ipapahanda ko ang kotse." Ani Pulahan."Go
Tadeo"MALI ang ginawa mo kanina, hindi mo dapat sinagot sagot si Boss." Kalmadong pangaral ko kay Allan habang papauwi kami galing sa pakikipag-usap kay Andrie De Catalina ang nagmamay-ari ng buong isla na siyang amo namin.Boss ang tawag sa kanya ng lahat dahil ayaw niya ng ma'am o kahit na anong tawag na pambabae. Hindi ko maintindihan 'yon, babae siya pero kung kumilos siya ay parang lalaki at talagang pangangatugan ka ng paa kapag tiningnan ka gamit ang seryosong mukha. Maganda siya sobra pero mas nakakatakot pa sa tigre."Hindi mali ang ginawa ko Kuya pinagtanggol lang kita isa pa ang sama ng ugali niya kamo," angal ng kapatid ko. Isa pa 'to mas lalaki pa sa'kin kung kumilos at magsalita."Kahit na boss pa rin natin 'yong tao.""Hindi siya tao kuya demonyo siya na nagkatawang tao, ang sama sama ng ugali nautal ka lang ng konti tinanggal ka na sa trabaho." Hindi paawat na sabi niya."Wag kang manghusga ng kapwa magagalit sa'yo si Lord, may kabutihan ang bawat isa sa'tin siguro ay
Andrei"KUMUSTA ang pag-aaral niyo?" tanong ko sa mga kapatid ko ng umagang iyon. Nasa hapag kami at sabay sabay na kumakain tulad ng nakasanayan kapag umuuwi ako."Ayos lang naman Ate, two months from now ay graduate na ako and candidate for Suma Cum Laude," nakangising sagot ni Candros, napangiti ako sa sinabi niya."I'm so proud of you even if you're in pain in the ass Candros."Napasimangot siya. "Okay na sana 'yong I'm so proud of you bakit dinugtungan mo pa ng pain in the ass," reklamo niya, natawa naman si Cathy at benilatan ang Kuya niya."Ako ate graduate na rin ako two months from now at sabi ng teacher ko ako daw ang candidate for valedectorian," pagmamalaki rin ni Cathy."I'm lucky for the both you, masaya ako at dahil sabay kayong gagraduate ay magcecelebrate tayo." Bumaling ako kay Pulahan na abala sa pagkain. Ako ang nakaupo sa kabesira as the head of the family habang nasa magkabilang gilid ko si Cathy at Candros. Katabi ni Cathy si Pulahan habang katabi naman ni Cand
Tadeo HINDI ko alam kong anong sasabihin ng makitang tumayo na siya para umalis. Ano ba naman, lahat ng prinactice ko kagabi mukhang mababalewala. Puro sermon ang aabutin ko nito kay Allan, ilang ulit niya akong pinigilan kagabi sa paggawa ng presentation pero hindi ako nakinig kaya sinabi nalang niya na kapag pumalpak ako kukutusan niya ako dahil kung kailan daw ako tumanda ay siya namang pagtigas ng ulo ko.Naumid kasi ang dila ko ng makita ang nakakakot na mata ni Andrei at ang malamig niyang aura. Ibang iba sa nakita ko kanina, napanood ko ang nangyari sa hapag nila kanina at nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang mga kapatid niya. Nagtuloy tuloy ako kanina sa pagpasok dahil wala akong taong makita hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hapag nila at naabutan ko nga ang mga naganap doon pero bigla akong hinila ni Canor paalis doon at sinabing pagsisisihan ko ang pakikinig kapag nalaman ni Andrei kaya hindi na ako nagmatigas ng dalhin niya ako sa sala.
Tadeo POVHINDI ko alam kong anong sasabihin ng makitang tumayo na siya para umalis. Ano ba naman, lahat ng prinactice ko kagabi mukhang mababalewala. Puro sermon ang aabutin ko nito kay Allan, ilang ulit niya akong pinigilan kagabi sa paggawa ng presentation pero hindi ako nakinig kaya sinabi nalang niya na kapag pumalpak ako kukutusan niya ako dahil kung kailan daw ako tumanda ay siya namang pagtigas ng ulo ko.Naumid kasi ang dila ko ng makita ang nakakakot na mata ni Andrei at ang malamig niyang aura. Ibang iba sa nakita ko kanina, napanood ko ang nangyari sa hapag nila kanina at nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang mga kapatid niya. Nagtuloy tuloy ako kanina sa pagpasok dahil wala akong taong makita hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hapag nila at naabutan ko nga ang mga naganap doon pero bigla akong hinila ni Canor paalis doon at sinabing pagsisisihan ko ang pakikinig kapag nalaman ni Andrei kaya hindi na ako nagmatigas ng dalhin niya ako sa sala."Ahm. Sandali." Ma
"HOW'S the kitchen?" Tanong niya kay Pulahan habang nasa loob ng kanyang opisina dito sa resort. Ipinaikot ikot niya ang mga daliri sa tasang nasa kanyang harapan. Mainit pa ang kapeng laman nito kaya gustong gusto niya ang pakiramdam n'on."Ayon, hindi sila magkandaugaga dahil sa dami ng order ng mga turista. Balak ko silang tulungan kaya nagpunta ako dito para ibigay sa'yo itong mga dokumentong dapat mong ireview." May inilapag itong mga papeles sa harapan niya."Okay, you can go." Humigop siya ng kape.Tila may sasabihin pa ito ngunit napilitang tumalikod ng pagtaasan niya ng kilay. But Pulahan is Pulahan hindi makakatulog kapag hindi nailabas ang gustong sabihin ng matabil na bibig. Bumalik ito sa harapan niya."Sya nga pala, hindi mo ba babawiin iyong parusa mo kay Candros?" Seryosong tanong nito."No." "Kawawa naman 'yong bata halos umiyak na sa dami ng hugasin, 'yong mga daliri halos galusan na." Bakas ang pag-aalala sa b
ABALA SI TADEO sa pagtatali ng mga kalabaw sa lilim. Puno na naman ng putik ang katawan niya na siyang nakasanayan niya na rin. "Kuya Tadeo," tawag sa kanya. Ngumiti at kumaway siya kay Cathy. Halatang kalalabas lang nito sa eskwela. Nadadaanan ang sakahan pauwi sa bahay nito. Lumapit ang bata sa kanya. Malinis na malinis ang suot nitong uniporme, may mamahaling relo at bag. "Wala na ho ba kayong gagawin?"Pagkatapos itali ang huling kalabaw ay tumingin siya rito. "Magbibilang ako ng mga kaban ng palay na naani. Bakit nahihirapan ka ba sa assignment mo?"Agad naman itong umiling. "Nope. Gusto ko po sanang magpagawa ulit ng maikling tula.""Kailangan ba ulit sa eskwela niyo?" Ipinunas niya ang mga kamay sa bulsa. Nag-iwas ng tingin ang bata bago tumango. "Opo.""Anong paksa ngayon?"Napahawak ito sa baba habang nag-iisip. "Tungkol po sa pag-ibig.""Pag-ibig? Iyon din ang paksang ginawa ko ka
ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill he
Tadeo's Wedding VowHINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale. Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa. Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo
NAKATITIG LAMANG si Andrei kay Tadeo. Kabababa lamang nila at nagpahanda ito ng pool party. Hindi mawala wala ang ngiti niya dahil ang saya saya ng puso niya. Namiss niyang tunay ang mga kapatid niya at masayang masaya siya na kahit sandali ay nakauwi ang mga ito sa Pilipinas. Lumapit sa kanya si Pulahan, inabutan siya ng wine."Ngiting nadiligan," kantyaw nito. Tinanggap niya ang ibinigay nito at inirapan ang kaibigan."Napakadumi ng bunganga mo."Tumingin ito sa suot niya. "Kanina nakarobe ka pero paglabas niyo t-shirt na Tadeo boy ang suot mo."Sinamaan niya ito ng tingin. Tumabi ito ng upo sa kanya, sa lounge. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'kin."Kumunot ang noo nito ngunit ilang sandali ay malakas na natawa. "Ay, 'yon bang tungkol sa hindi pagbili ni Tadeo boy sa shares mo?"Sinabunutan niya ito pero panay lamang ang tawa nito. "Napakasama mo talaga sa'kin.""Gaga, tinutulungan na nga kita e. I
INABOT NI TADEO ang bote ng beer sa kanyang ama. Nasa huling palapag sila ng resort, tanaw ang malawak na karagatan mula sa kinatatayuan nila. Nasa baba ang kanyang ina at si Andrei na nagtatawanan habang lumalangoy sa infinite swimming pool na karugtong ay dagat. Gabi na, napagpasyahan nilang mag-unwind sa kanilang resort upang kahit paano ay makapagpahinga sila. Laking pasalamat niya dahil sumama si Andrei at hindi ito nagreklamo. Natutuwa siyang nababawasan na ulit ang pagiging mailap nito sa kanya. "Masaya akong nagbalik siya," pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan. Nakatanaw din ito sa baba kung saan siya nakatingin. Tumango siya. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak ng canned beer. "Hindi ko alam kung magagalit ako o magtatampo sa inyo, 'tay. Alam ko na ang ginawa mo noon kaya siya lumayo.""Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kahit na magalit ka sa'kin dahil alam kong para iyon sa kabutihan mo." "Ala
"DO YOU think hahayaan kong makalabas ka pa sa Isla na 'to?" Natigilan siya sa paglapit sa guard upang pabuksan ang tarangkahan nang marinig ang malalim na boses ni Tadeo. Hindi niya akalaing susundan siya nito. "Idoble lock niyo ang gate at sabihin kay Inspector Sio Tallion na ilockdown ang buong hacienda at kapag nakita kamo ay first lady ay wag papalabasin," madiing utos nito.Agad tumalima ang mga gwardiya. "Masusunod ho, Mayor." Nagtakbuhan ang mga ito sa mga patrol na nasa labas. Nanlaki ang mga matang nilingon niyo ito. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong pag-usapan nila, lahat nasabi na niya at alam niyang narinig niya na rin lahat. Handa na siyang wakasan at tuluyang kalimutan ang nakaraan nilang hindi na maibabalik. Yumuko siya upang magbigay galang. Kailangan niyang umasta ayon sa papel niya sa lipunan. "Bakit, Mayor?"Nakapamewang itong tumitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Pumasok ka sa bahay."Hindi siya natinag. "Kailangan kong habulin ang b
NAPAHILAMOS ito sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit ito sumunod, kitang kita sa mukha nito na galit na galit ito na ngayon niya lang nakita ngunit ang boses ay nasa normal pa ring lakas, mas lalo lamang dumiin ang mga salita at puno ng hinanakit. "Bakit palagi mong pinapamukha sa'kin na kailangan kong maghabol?" tanong nito. Natigilan siya. Pinili niyang hindi ito tignan. "Hindi ko sinabing maghabol ka, ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon.""Napakatanga ko. Sa laki ng kasalanan sa'kin nagawa pang kumawag ng buntot ko n'ong malaman kong parating ka." Pigil ang kanyang hininga, nararamdaman mangyayarj na ang komprontasyon na matagal na niyang iniiwasan. Natatakot siya. "Umasa ako na sa pagbabalik mo maiisip mo manlang na suyuin ako, nahumingi ng tawad sa mga nagawa mo pero wala sa dalawang 'yon ang ginawa mo. Umasta kang tila walang nangyari, umalis at bumalik ka kung kelan mo gusto.""Wag na na'ting pag-usapan ang
HALOS WALA SIYANG tulog. Magdamag na hindi nawala sa isip niya kung bakit may koleksyon ito ng dati niyang pabango na gustong gusto nitong amuyin at mas nawendang siya nang makita ang ilang piraso ng kanyang mga pambahay na maayos na nakatupi sa pinakasulok ng mga damit nito, iniwan niya iyon n'ong umalis siya. Ayaw niyang mag-assume pero iyon ang pinaniniwalaan ng puso't isip niya. Natapos niyang ligpitin lahat ng mga damit, bag at accessories na nasa paperbags. Binantayan niya sa Tadeo sa pagtulog nito. Maaga siyang bumaba at tumulong sa paghahanda ng agahan. Maaga ring nagising ang ginang. "Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos iha," nakangiting sabi nito.Napakamot siya sa batok. "Wala ho talaga akong tulog "Nanlaki ang mga mata nito. Napangiwi siya ng mapagtanto na may ibang kaguluhan ang sinabi niya. "Ibig ko hong sabihin, hindi ho ako nakatulog kasi namamahay ho ako."Inilapag nito ang nalutong sinigang. "Bakit ka mamamahay
"MAKASALANAN," sigaw niya. Hindi niya alam kung tatalikod o tititig nalang sa grasyang nasa kanyang harapan. Bakit parang mas lumaki? Mariin niyang nakagat ang labi at tinakpan ang mga mata, ngunit ang pilyo niyang isipan ay naglaan pa rin ng siwang sa kanyang daliri kaya nakikita niya pa rin. "Takpan mo 'yan," sigaw niyang muli. "Ikaw ang magtakip ng mata mo. Kung makasigaw ka akala mo di mo 'to nahawakan noon." Tinalikuran siya nito. Nakatitig lamang siya sa matambok nitong pwet habang naglalakad patungo sa walk in closet. Kinapa niya ang pisngi niyang nag-iinit at napapadyak sa inis. "Hindi naman gan'on kalaki 'yon noon." Umiwas siya ng tingin nang makita niya ang hawakan ng lampshade na nasa bedside table. Ang likot ng imagination mo. Pinagdadampot niya ang mga paperbag at basta inilagay sa sahig upang maalis agad ang mga iyon sa kama. Hingal na hingal siya ng matapos, nakaupo siya sa sahig habang hinihintay na lumabas ulit si Tadeo.
NAGISING SI ANDREI na magaan ang pakiramdam, para siyang nakapagpahinga ng isang taon sa gaan. Kahit pahinga ay ipinagkait niya sa sarili simula n'ong nanirahan sila ng tuluyan sa Manila. Bumangon siya. Natigilan nang maamoy ang pamilyar na perfume ni Tadeo, hinanap niya iyon hanggang sa namalayan niyang nakakumot sa kanya ang coat na suot nito kanina. Napatingin din siya sa unan. Napaisip, ang huling naalala niya ay nakaupo siyang sumandal sa couch. Alam niyang hindi siya humiga. Napatingin siya sa paang nanlalamig, hindi na rin niya suot ang sapatos. Nagpalinga linga siya sa paligid, walang tao. Napangiti siya sa isiping si Tadeo ang nag-ayos ng pagkakahiga niya upang maging komportable siya."Kaya pala ang sarap ng gising ko," bulong niya. Bumukas ang pinto, pumasok doon ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, seryoso lamang ito. Isinuksok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Fix yourself, umuwi ka na." Tumuloy ito sa s