"HOW'S the kitchen?" Tanong niya kay Pulahan habang nasa loob ng kanyang opisina dito sa resort. Ipinaikot ikot niya ang mga daliri sa tasang nasa kanyang harapan. Mainit pa ang kapeng laman nito kaya gustong gusto niya ang pakiramdam n'on."Ayon, hindi sila magkandaugaga dahil sa dami ng order ng mga turista. Balak ko silang tulungan kaya nagpunta ako dito para ibigay sa'yo itong mga dokumentong dapat mong ireview." May inilapag itong mga papeles sa harapan niya."Okay, you can go." Humigop siya ng kape.Tila may sasabihin pa ito ngunit napilitang tumalikod ng pagtaasan niya ng kilay. But Pulahan is Pulahan hindi makakatulog kapag hindi nailabas ang gustong sabihin ng matabil na bibig. Bumalik ito sa harapan niya."Sya nga pala, hindi mo ba babawiin iyong parusa mo kay Candros?" Seryosong tanong nito."No." "Kawawa naman 'yong bata halos umiyak na sa dami ng hugasin, 'yong mga daliri halos galusan na." Bakas ang pag-aalala sa b
ABALA SI TADEO sa pagtatali ng mga kalabaw sa lilim. Puno na naman ng putik ang katawan niya na siyang nakasanayan niya na rin. "Kuya Tadeo," tawag sa kanya. Ngumiti at kumaway siya kay Cathy. Halatang kalalabas lang nito sa eskwela. Nadadaanan ang sakahan pauwi sa bahay nito. Lumapit ang bata sa kanya. Malinis na malinis ang suot nitong uniporme, may mamahaling relo at bag. "Wala na ho ba kayong gagawin?"Pagkatapos itali ang huling kalabaw ay tumingin siya rito. "Magbibilang ako ng mga kaban ng palay na naani. Bakit nahihirapan ka ba sa assignment mo?"Agad naman itong umiling. "Nope. Gusto ko po sanang magpagawa ulit ng maikling tula.""Kailangan ba ulit sa eskwela niyo?" Ipinunas niya ang mga kamay sa bulsa. Nag-iwas ng tingin ang bata bago tumango. "Opo.""Anong paksa ngayon?"Napahawak ito sa baba habang nag-iisip. "Tungkol po sa pag-ibig.""Pag-ibig? Iyon din ang paksang ginawa ko ka
PAULIT ULIT ang paghinga ng malalim ni Tadeo habang papunta sa resort. Mahigpit niyang hawak ang folder ng kanyang presentation. Hindi na iyon kailangan tulad ng sabi noon ng kanyang amo pero hindi niya ito ipapakita. Ilang araw siyang nag-insayo at inalam ang lahat ng pasikot sikot sa pagsasaka mula sa pag-aararo hanggang sa pag-aani ng mga palay. Ang mga iba't ibang klase ng fertilizer na ginagamit nila at iba pang kagamitan. Pagkarating niya sa bungad ng resort parakiramdam niya ay gusto na lang niyang umuwi. Labis siyang kinakabahan, baka masapak na naman siya o punitin ang ginawa niyang presentation. Nakasalubong niya si Philip na bagsak ang balikat. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Humahangos itong lumapit. May iniabot na kapirasong papel. Napagtanto niyang cheque iyon na may one hundred thousand na nakasulat at may pirma ni Andrei. Nanlaki rin ang mga mata niya sa laki ng halaga. "Ano ito Philip? Bakit mo inaabot sa'kin?"
NAKARATING SI TADEO sa tarangkahan ng mga De Catalina. Pinapasok siya ng gwardiya. Dala dala niya pa rin ang basket ng prutas at bulaklak. Pinagpapawisan ang kanyang palad sa sobrang kaba, ngunit pinilit niya ang sarili. Sa kabila ng kaba may nag-uudyok pa rin sa kalooban niya na ibigay ang dala kay Andrei. Iniwan niya ang kabayo sa labas ng tarangkahan. "Kuya Tadeo, ang aga niyo po ata." Nakasalubong niya si Cathy.Ngumiti siya rito. "Gising na ba ang ate mo?"Nagtataka itong napatingin sa dala niya, ilang sandali pa napangisi ito. "Manliligaw ka ba kay Ate Andrei?"Napakamot siya sa batok, nahihiya siyang umamin sa bata. "Bibigyan ko lang sana ng prutas."Mas lalo itong lumapit sa kanya. "Alam mo kuya pwede kitang tulungan sa panliligaw."Nanlaki ang mga mata niya, bigla siyang naexcite sa sinabi nito. "Pa-Paano?"Sandali itong napaisip, napapalakpak ito. Humalukipkip sa harap niya. "Hindi ba magaling kang gumawa ng t
HINDI ALAM ni Andrei kung matutuwa o maiinis sa presensya ni Tadeo. Nagpapasalamat siya sa pagligtas nito sa kanya ngunit hindi sa mga ikinikilos nito. How would someone be patience like him. Kahit anong sabihin niya dito nakangiti lang ito. Ni hindi niya ito nakitang naoffend sa pagtataboy niya. Nang hawakan nito ang bewang niya para bumaba sa kabayo nagsimulang tumibok ng hindi normal ang puso niya. Halos manikip ang kanyang paghinga sa lakas n'on. Nakakabingi. Nakakapanibago. "Kaya niyo ho bang maglakad?" tanong nito. She cannot explain but she hates it when he talk to her with 'ho'. It's not a big deal, but for her it is. Kanina pa masakit ang hita at mga balikat niya dahil sa pagtama niya sa mga sangang nakaharang sa tinakbuhan ng kabayo sa kanya. Minumura niya pa rin hanggang ngayon ang kabayong 'yon. Balak niyang sa oras na maibalik ay ipapakatay niya. Hindi siya nagsalita. Kumikirot ang kanyang hita. Napahawak siya sa braso nang makaramdam ng likidong dumadaloy doon. Dahan
TAHIMIK SI TADEO na nakaupo sa ilalim ng ring. Hindi naman naging malala ang lagay niya nang bumagsak. Mabilis din siyang nagising mula sa pagkawala ng kanyang malay. Ginising siya ng galit na boses ni Andrei. Napahilot siya sa batok. Mabuti na lamang at hindi semento ang kinabagsakan niya kundi mga damo. May konting kirot siyang naramdaman, hindi na niya iyon ininda. Sanay na siya sa resulta ng kanyang kalampahan. "Bakit ba kasi ikaw ang pumunta rito?" inis na tanong ni Andrei. Kahit na masakit ang batok ay tiningala niya ito. Galit na galit itong nakatayo sa harap niya. Napatingin siya sa suot nitong robe, kanina ay wala itong saplot nang huli niyang makita. Nag-iwas siya ng tingin nang maalala ang nakita. Hindi niya sadyang mamboso pero alam niyang mali pa rin ang ginawa."Ma-Masyado na ho kasing matanda si Mang Lino para sa gawaing ito," sagot niya. Kapag nakikita niyang galit na galit ito talagang nauutal siya. Siguro'y kailangan niyang sa
NAGDIDILIG SIYA ng mga halaman sa kanilang bakuran ngunit ang isip ay si Andrei pa rin ang laman. Hindi niya namalayang nakangiti habang abala sa ginagawa. Ilang araw na siyang ganito, palaging tulala at napapangiti. Mas lalong lumalalim ang kanyang nararamdaman sa dalaga. Ngayon niya lang nalaman na may kakayahang mahulog ng lubos ang lalaki kahit walang ginagawa ang babae para baliwan siya. Tuwid siyang napatayo nang makarinig ng tikhim. Pasimple niyang pinagmasdan ang mga talong at ampalayang kanyang dinidiligan. Ang kanilang bagay ay literal na bahay kubo, kahit wala sa kantang 'yon ay mga pananim nila. Nasa lahi nila ang pagmamahal sa mga tanim, kahit ang kanyang ama't ina ay mahilig sa pagtatanim. Nakakagaan ng loob kapag nagagawa nilang bumuhay ng mga buto."Anak, natutulog ka pa ba?" tanong ng kanyang ama. Tumabi ito ng tayo sa kanya. Sinuri ang mga dahon kung may naligaw na mga uod."Tay naman, anong klaseng tanong 'yan?" Napa
SINAWAY NIYA si Tadeo na huwag sumama ngunit tunay itong makulit, nagpumilit pa rin ito at hindi nagpatinag sa masama niyang tingin. Hinila niya ang kabayo nang makarating sila sa kwadra. Sinamaan niya ng tingin ang katabing kabayo na siyang nagpahamak sa kanya noong nakaraan. Naiuwi ito ni Tadeo na sana hindi na, hindi siya manghihinayang na pabayaan ang suwail na kabayo. Inirapan niya ito bago nagpatuloy sa paghila sa hawak niya. Nasa labas na si Pulahan, kausap ang binata. May kanya kanya na itong kabayo. Nang mapatingin sa kanya si Tadeo, bumaling ito kay Pulahan sandaling kinausap ang kanyang kaibigan bago naglakad papalapit sa kanya. "Gagamit ho kayo ng kabayo?" Sa tono ng boses nito halatang hindi maganda para dito ang gan'ong ideya. "Anong gusto mo maglakad ako papunta sa sapa?" sarkastikong tanong niya. Tumingin ito sa kabayo, hinimas ang ulo niyon. "Sasakay daw sa'yo si Boss, wag mong sasaktan ha?" Napangiwi siya habang pinagmam
ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill he
Tadeo's Wedding VowHINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale. Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa. Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo
NAKATITIG LAMANG si Andrei kay Tadeo. Kabababa lamang nila at nagpahanda ito ng pool party. Hindi mawala wala ang ngiti niya dahil ang saya saya ng puso niya. Namiss niyang tunay ang mga kapatid niya at masayang masaya siya na kahit sandali ay nakauwi ang mga ito sa Pilipinas. Lumapit sa kanya si Pulahan, inabutan siya ng wine."Ngiting nadiligan," kantyaw nito. Tinanggap niya ang ibinigay nito at inirapan ang kaibigan."Napakadumi ng bunganga mo."Tumingin ito sa suot niya. "Kanina nakarobe ka pero paglabas niyo t-shirt na Tadeo boy ang suot mo."Sinamaan niya ito ng tingin. Tumabi ito ng upo sa kanya, sa lounge. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'kin."Kumunot ang noo nito ngunit ilang sandali ay malakas na natawa. "Ay, 'yon bang tungkol sa hindi pagbili ni Tadeo boy sa shares mo?"Sinabunutan niya ito pero panay lamang ang tawa nito. "Napakasama mo talaga sa'kin.""Gaga, tinutulungan na nga kita e. I
INABOT NI TADEO ang bote ng beer sa kanyang ama. Nasa huling palapag sila ng resort, tanaw ang malawak na karagatan mula sa kinatatayuan nila. Nasa baba ang kanyang ina at si Andrei na nagtatawanan habang lumalangoy sa infinite swimming pool na karugtong ay dagat. Gabi na, napagpasyahan nilang mag-unwind sa kanilang resort upang kahit paano ay makapagpahinga sila. Laking pasalamat niya dahil sumama si Andrei at hindi ito nagreklamo. Natutuwa siyang nababawasan na ulit ang pagiging mailap nito sa kanya. "Masaya akong nagbalik siya," pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan. Nakatanaw din ito sa baba kung saan siya nakatingin. Tumango siya. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak ng canned beer. "Hindi ko alam kung magagalit ako o magtatampo sa inyo, 'tay. Alam ko na ang ginawa mo noon kaya siya lumayo.""Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kahit na magalit ka sa'kin dahil alam kong para iyon sa kabutihan mo." "Ala
"DO YOU think hahayaan kong makalabas ka pa sa Isla na 'to?" Natigilan siya sa paglapit sa guard upang pabuksan ang tarangkahan nang marinig ang malalim na boses ni Tadeo. Hindi niya akalaing susundan siya nito. "Idoble lock niyo ang gate at sabihin kay Inspector Sio Tallion na ilockdown ang buong hacienda at kapag nakita kamo ay first lady ay wag papalabasin," madiing utos nito.Agad tumalima ang mga gwardiya. "Masusunod ho, Mayor." Nagtakbuhan ang mga ito sa mga patrol na nasa labas. Nanlaki ang mga matang nilingon niyo ito. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong pag-usapan nila, lahat nasabi na niya at alam niyang narinig niya na rin lahat. Handa na siyang wakasan at tuluyang kalimutan ang nakaraan nilang hindi na maibabalik. Yumuko siya upang magbigay galang. Kailangan niyang umasta ayon sa papel niya sa lipunan. "Bakit, Mayor?"Nakapamewang itong tumitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Pumasok ka sa bahay."Hindi siya natinag. "Kailangan kong habulin ang b
NAPAHILAMOS ito sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit ito sumunod, kitang kita sa mukha nito na galit na galit ito na ngayon niya lang nakita ngunit ang boses ay nasa normal pa ring lakas, mas lalo lamang dumiin ang mga salita at puno ng hinanakit. "Bakit palagi mong pinapamukha sa'kin na kailangan kong maghabol?" tanong nito. Natigilan siya. Pinili niyang hindi ito tignan. "Hindi ko sinabing maghabol ka, ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon.""Napakatanga ko. Sa laki ng kasalanan sa'kin nagawa pang kumawag ng buntot ko n'ong malaman kong parating ka." Pigil ang kanyang hininga, nararamdaman mangyayarj na ang komprontasyon na matagal na niyang iniiwasan. Natatakot siya. "Umasa ako na sa pagbabalik mo maiisip mo manlang na suyuin ako, nahumingi ng tawad sa mga nagawa mo pero wala sa dalawang 'yon ang ginawa mo. Umasta kang tila walang nangyari, umalis at bumalik ka kung kelan mo gusto.""Wag na na'ting pag-usapan ang
HALOS WALA SIYANG tulog. Magdamag na hindi nawala sa isip niya kung bakit may koleksyon ito ng dati niyang pabango na gustong gusto nitong amuyin at mas nawendang siya nang makita ang ilang piraso ng kanyang mga pambahay na maayos na nakatupi sa pinakasulok ng mga damit nito, iniwan niya iyon n'ong umalis siya. Ayaw niyang mag-assume pero iyon ang pinaniniwalaan ng puso't isip niya. Natapos niyang ligpitin lahat ng mga damit, bag at accessories na nasa paperbags. Binantayan niya sa Tadeo sa pagtulog nito. Maaga siyang bumaba at tumulong sa paghahanda ng agahan. Maaga ring nagising ang ginang. "Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos iha," nakangiting sabi nito.Napakamot siya sa batok. "Wala ho talaga akong tulog "Nanlaki ang mga mata nito. Napangiwi siya ng mapagtanto na may ibang kaguluhan ang sinabi niya. "Ibig ko hong sabihin, hindi ho ako nakatulog kasi namamahay ho ako."Inilapag nito ang nalutong sinigang. "Bakit ka mamamahay
"MAKASALANAN," sigaw niya. Hindi niya alam kung tatalikod o tititig nalang sa grasyang nasa kanyang harapan. Bakit parang mas lumaki? Mariin niyang nakagat ang labi at tinakpan ang mga mata, ngunit ang pilyo niyang isipan ay naglaan pa rin ng siwang sa kanyang daliri kaya nakikita niya pa rin. "Takpan mo 'yan," sigaw niyang muli. "Ikaw ang magtakip ng mata mo. Kung makasigaw ka akala mo di mo 'to nahawakan noon." Tinalikuran siya nito. Nakatitig lamang siya sa matambok nitong pwet habang naglalakad patungo sa walk in closet. Kinapa niya ang pisngi niyang nag-iinit at napapadyak sa inis. "Hindi naman gan'on kalaki 'yon noon." Umiwas siya ng tingin nang makita niya ang hawakan ng lampshade na nasa bedside table. Ang likot ng imagination mo. Pinagdadampot niya ang mga paperbag at basta inilagay sa sahig upang maalis agad ang mga iyon sa kama. Hingal na hingal siya ng matapos, nakaupo siya sa sahig habang hinihintay na lumabas ulit si Tadeo.
NAGISING SI ANDREI na magaan ang pakiramdam, para siyang nakapagpahinga ng isang taon sa gaan. Kahit pahinga ay ipinagkait niya sa sarili simula n'ong nanirahan sila ng tuluyan sa Manila. Bumangon siya. Natigilan nang maamoy ang pamilyar na perfume ni Tadeo, hinanap niya iyon hanggang sa namalayan niyang nakakumot sa kanya ang coat na suot nito kanina. Napatingin din siya sa unan. Napaisip, ang huling naalala niya ay nakaupo siyang sumandal sa couch. Alam niyang hindi siya humiga. Napatingin siya sa paang nanlalamig, hindi na rin niya suot ang sapatos. Nagpalinga linga siya sa paligid, walang tao. Napangiti siya sa isiping si Tadeo ang nag-ayos ng pagkakahiga niya upang maging komportable siya."Kaya pala ang sarap ng gising ko," bulong niya. Bumukas ang pinto, pumasok doon ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, seryoso lamang ito. Isinuksok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Fix yourself, umuwi ka na." Tumuloy ito sa s