Share

KABANATA 2

Author: Grayhiume
last update Last Updated: 2021-12-27 20:53:48

Nagising siya nang biglang tumunog ng malakas ang kanyang alarm clock. Inabot niya ito mula sa bed side table at saka in-off ito.

Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan at nag inat.

Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo para magmumog at maghilamos. Pagkatapos ay nagtungo sa kusina para lutuin ang dalawang itlog na binili niya kagabi.

Nang maluto ang itlog ay nagsuklay muna siya bago lumabas sandali para bumili ng adobong manok at kanin sa karinderya na nasa tapat lang nila.

Nang makabalik siya kaagad niyang inalagay sa platito at plato ang binili niya pati na ang itlog na nilaga niya. Marunong naman siyang magluto kaso tinatamad siya at nananakit pa rin ang katawan niya sa sobrang pagtatrabaho.

Tiningnan niya ang oras sa wall clock na nakadikit malapit sa kanyang ref.

01:14 pm

‘Hapon na pala’.

Patapos na siya sa pagkain ng biglang mag ring ang phone niya mula sa kanyang kwarto na nakabukas kaya sandali niya munang iniwan ang pagkain at kaagad na tinungo ang kanyang kwarto.

Tiningnan niya ang caller i.d. Jean.

“Ano na naman kaya kailangan nito?” Mahinang tanong niya.

Sinagot niya ang tawag at itinapat sa kanyang tenga iyon. 

“Hello?” Aniya

Sumalubong sa pandinig niya ang maingay na tugtog mula sa kabilang linya. Tunog ng napakalakas na music at mga tao. Alam na niya kaagad kung nasaan ngayon si Jean.

“Hello? Hello? Jean?” Aniya pero maiingay na tunog pa rin ang naririnig niya.

Nakakunot ang nuong hinihintay niyang magsalita ang nasa kabilang linya.

“Nasa bar na naman ‘tong babaeng ‘to. Ang aga pa”. Mahinang aniya pero sigurado siyang hindi maririnig ng kaibigan ang sinabi niya.

“Hello, my frenny!” Boses ng kanyang kaibigan. Klarong-klaro na niyang naririnig ang boses nito. Sa tantiya niya’y lumabas ito para makausap siya ng maayos.

“May kailangan ka?” Kalmado niyang tanong.

Narinig niyang umigik ang kaibigan sa kabilang linya. “Ayos ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong.

“Yessss!!” Sagot nito.

“Masyadong pang maaga para maglasing. Baka may mangyaring masama sa’yo diyan. Alam mo namang delikado ‘yang lugar na ‘yan para sa mga kagaya mong mahinhin at mahina ang alcohol tolerance”. 

“Tsk! Tigilan mo nga ako. Hindi ikaw ang nanay ko. At saka kasama ko mga kaibigan ko. Don’t worry about me, frenny”. Aning nasa kabilang linya.

“Mga kaibigan mong nagdala ng kapahamakan mo noon. Hayst! ‘Di ka na natuto”. Aniya. Minsan na kasing muntik ma-rape ang babaeng ‘to noon dahil sa hinayaan ito ng mga tinatawag niyang “kaibigan” na sumama sa isang baliw na lalaki ng lasing na lasing siya.

“Tumahimik ka na nga lang. Dami mong sinasabi. Hindi pa ako masyadong lasing. Itatanong ko lang kung nakapag desisyon ka na bang sumama sa’min ah?!” 

Bigla naman niyang naalala ang alok nito. 

Kung siya ang tatanungin, gusto niya sanang sumama, minsan lang siya maglaan para sa sarili niya, ang kaso lang, nagtitipid siya ng pera sa pamilya niyang nakadepende sa kanya. Kahit pa sabihing 20% lang ang babayaran niya, malaking pera na rin ‘yun.

“Pass muna ako. Wala akong budget para diyan”. Sagot niya.

“Wala kang budget para sa sarili mo pero sa mga taong ‘di mo naman kaano-ano, malaki nilalaan mo. Tsk!” Sermon nito.

Malalim lang siyang napabuntong hininga.

Wala talagang nakakaintindi sa mga ginagawa niya para sa mga taong tinatawag niyang “pamilya”. Mas gugustuhin na lang niya ang ganoon para walang ibang makaalam sa mga nangyari sa nakaraan niya. Ayaw na ayaw niyang pinapaalala sa kanya ang mga yun. 

“Ibinigay ko na sa’yo ang sagot ko at ‘yon na ‘yon. Kung wala ka ng kailangan, ibababa ko na ‘to”, Pinal niyang ani.

“Tsk! Bahala ka na nga!” Pagkatapos ay kaagad na pinatay ng nasa kabilang linya ang tawag.

Napatutok siya sa kanyang cellphone saglit ng ibaba niya ito. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkain. Hindi na lang niya pinansin si Jean.

Naligo muna siya pagkatapos kumain at nagtungo sa isang laundry shop malapit sa kanila dahil ilang linggo rin siyang hindi nakapaglaba sa sobrang tutok niya sa kanyang trabaho.

Habang naghihintay sa loob ng laundry shop at nakikipagtext sa taong tinatawag niyang “nanay”, biglang may umupo sa tabi niya dahilan para tumigil siya sa pagta-type at bumaling rito.

Isang tingin lang, nakilala kaagad niya kung sino iyon.

“Kiel”. Bigkas niya sa pangalan nito.

Nakita niyang may dala itong basket na puno ng maraming damit.

Isang malapad na ngiti ang isinukli nito sa kanya. “Hi! Nandito ka rin pala”.

“Ahh...Oo”. Tipid niyang sagot saka bahagyang ngumiti rito. Nakatitigan pa sila ng ilang sandali. 

“May bakante na oh”. Basag niya sa titigan nilang dalawa sabay turo sa isang bakanteng machine.

Ngumiti ito sa kanya. “Sandali lang ah”. Pagpapaalam nito saglit. 

Tumango naman siya. 

Pinanood niya ang bawat galaw nito. Lalaking lalaki kung kumilos. Maskulado ang pangangatawan, hindi kapanipaniwalang nandirito ito ngayon sa ganitong lugar. Pang mayaman ang itsura nito. Sa itsura nito, iisipin mo talagang isa itong modelo sa isang sikat na magazine. Mga ganoong itsura at pangangatawan ang kadalasang nakikita niya sa mga magazines.

Nagpaalam muna siya sa nanay niya through text bago ilagay sa bulsa ng kanyang shorts ang kanyang cellphone.

Muling umupo sa tabi niya si Kiel. “So..Kumusta ka?...I mean, kumusta tulog mo?” Pagsisimula nito ng usapan.

“Uhm...Maayos naman. Hapon na ko nagising sa sobrang sarap ng tulog ko”. Aniya saka awkward na tumawa.

“Ako rin eh. Iniisip kasi kita”. Anito. Dahilan para mapatitig siya rito.

“H-ha?” 

“Ah..Wala. Late kasi ako nakauwi kagabi kaya late rin ako nagising”. Anito saka awkward na ngumiti at napakamot sa ulo.

“Ahh!” Aniya saka tipid na ngumiti.

Bumalingin siya sa harap. “Sandali lang ah”. Aniya saka mabilis na tumayo at tinungo ang mga damit niya.

Ilang minuto pa silang nanatili sa laundry shop habang hinihintay na matapos ang ginagawa nila. Hindi sila gaanong nag-uusap.

Nang makalabas na sila biglang nagsalita si Kiel. “Uhm..Wala ka bang trabaho ngayon?” Tanong nito.

Umiling siya. “Binigyan kami ng one month vacation ng kompanya”. Sagot niya.

“So, anong balak mong gawin ngayon? I mean, where do you want to spend that vacation?” Deritsong tanong nito.

“Uhm...Hindi ko pa alam eh. Siguro uuwi ako sa probinsya para makasama ang pamilya ko”. Sagot niya.

Bigla naman siyang nagtaka ng biglang matahimik ang kasama niya. Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang hindi nagustuhan nito.

Nang balingan niya ito, walang emosyon ang mukha nito at sa malayo nakatingin. “May problema ba?” Tanong niya rito.

Binalingan naman siya nito bago umiling saka tipid siyang nginitian. “Wala. May naalala lang ako”. Sagot nito saka ibinalika ng tingin sa dinadaanan.

Magkasabay ngayon silang naglalakad papunta sa apartment niya. Sabi kasi ni Kiel kanina, malapit lang din sa apartment niya ang tinutuluyan nito.

“Pwedi mo ba sabihin sa akin kung ano ‘yon?’. Tanong niya rito.

Muli siya nitong binalingan. “Naiinggit lang ako sa’yo”. Sagot nito.

“Bakit naman?” 

“Buti ka pa kasi may pamilya pa”. 

Bahagya namang kumunot ang nuo niya sa sagot nito. “Wala ka bang pamilya?” Deritsa niyang tanong.

Ilang segundo muna ang lumipas bago itoumiling. Nahalata niya ang pagdadalawang-isip nito sa pagsagot sa tanong niya. “Hindi ko na sila nakilala bata pa lang ako. Sabi ng lola ko na nag ampon sa’kin, basta na lang daw akong iniwan ng mga tunay kong magulang sa kanya. Ang sabi ni lola, babalikan raw nila ako, pero hanggang ngayon, wala pa rin sila”. Mahabang anito saka tipid na ngumiti. Deritsa niya itong tiningnan sa mga mata, walang emosyon ang mga ‘yon. Ni-hindi man lang nagpapakita ng pagkalungkot. Iba ang pinapahayag ng mga mata niya sa kwento nito. 

‘Baka ganoon lang talaga ito tumingin’. Pagkukumbinsi niya sa sarili.

Bahagya naman siyang napayuko. Mali ‘atang tinanong niya ito ng ganoon. “Pasensya na”. Aniya.

“Ayos lang. Matagal naman na ‘yon”. Anito.

Napatigil naman siya sa paglalakad nang biglang tumigil sa paglalakad ang kasama saka binalingan ito. “Bakit?” Tanong niya rito.

“‘Di ba dito ka nakatira?” Tanong nito sa kanya habang nakaturo ang daliri sa likod niya.

Pumihit naman siya patalikod pagkatapos ay awkward na tumawa. “Oo nga pala. Pasensya na”. 

Magsasalita pa sana si Kiel nang biglang mag ring ang phone niya. Kaagad niya iyong dinukot sa bulsa saka tiningnan kung sino ang tumatawag.

“Sandali lang ah”. Aniya.

Tumango lang si Kiel.

Humakbang siya patalikod saka bahagyang lumayo sa kasama bago sinagot ang tawag.

“Hello, Jean? Bakit na naman?” Mahinang boses niyang bungad rito. Nakukulitan na talaga siya rito.

“Huling alok na ‘to. Sasama ka ba o hindi?” Ma-awtoridad nitong sabi.

Mahina naman siyang napabuntong hininga. Nakokonsensya siya. Hindi siya marunong tumanggi sa kahit na anong bagay pero hindi talaga maaari na gumastos siya para lang sa isang bakasyon na kung tutuusin, pwedi na lang niyang pagtrabahuan ang mga araw na ilalaan niya ro’n. Iniisip niyang magsasayang lang siya ng oras at pera para sa ilang araw lang na bakasyon. 

“Hindi mo ba iniisip na para sa’yo rin naman ‘to?! Sinasabi ko sa’yo, napaka-exclusive ng Vendas Resort. Pwedi mong gawin lahat ng gusto mo rito ng walang nangingialam o manghuhusga sa’yo. Malaya kang gawin lahat ng naisin mo sa lugar na ‘to”. Paliwanag nito.

Mahina siyang napabuntong-hininga. “Kailan ba ‘yan?” Tanong niya.

“So, sasama ka na?”

“Hindi ko alam. Kailan ba?”

“Hayst!” Rinig niyang naiinis na rin ito sa kanya. “Sa byernes na. Isang araw na lang kaya bilisan mo ang pagdedesisyon mo. Baka masayang lang ‘tong gift card. Wala akong balak i-offer ‘to sa iba”. Anito bago patayin ang tawag.

Kaagad naman niyang ibinaba ang kanyang phone saka mabilis na pumihit paharap sa kanyang kasama. 

Pero, sa pagpihit niya paharap ay biglang parang tumigil siya sa paghinga at bigla siyang nabingi mula sa ingay ng paligid. Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Hindi siya makagalaw. Parang biglang naparalisa ang buo niyang katawan.

Si kiel.

Halos apat na pulgada na lang ang agwat ng mga mukha at labi nila.

Malapit na malapit.

They are looking at each other’s eyes. And then, out of nowhere, her eyes landed on his heart-shaped lips. Para gusto niya iyong lapitan at idikit ang labi niya rito.

Sa hindi malamang kadahilanan, parang may kung anong nabuhay sa loob niya.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang naging reaksiyon ng katawan niya.

Ilang sandali pa’y biglang may tumikhim mula sa likod niya. Mabilis naman siyang bumaling rito saka inilang hakbang paatras mula kay Kiel. 

Ang kanilang landlady.

“Itatanong ko lang kung gusto mo bang magpalinis ng bahay ngayon?” Aning landlady.

Muli siyang bumaling kay Kiel. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Hindi naman siya naging komportable sa mga tingin nito. Mabilis siyang bumaling sa kanilang landlady saka umiling.

“H-hindi na po. K-kaya ko na”. Sagot niya rito. Bahagya naman siyang yumuko sa kasama. “Sige, mauuna na ‘ko sa’yo”. Aniya kay kiel saka mabilis na naglakad papasok sa loob. Hindi na siya muling lumingon dahil nahihiya siya sa nangyari kahit na wala naman talaga siyang dapat ikahiya.

Nang makapasok siya sa loob ng kanyang kwarto ay kaagad siyang napahawak sa kanyang d****b. Ramdam pa rin niya ang malakas na tibok niyon.

Mabilis niyang ibinaba ang basket na hawak niya lagay ang mga pinaglabhan niya sa gilid ng pinto saka malalaki ang hakbang na tinahak ang daan papasok sa kusina.

Kaagad niyang kinuha ang pitsel ng tubig sa ref saka mabilis iyong nilagok. Hindi na siya gumamit ng baso. Bigla lang nanuyo ang lalamunan niya.

Nang maibaba niya ang pitsel sa mesa, kaagad niyang pinahiran ang bibig niya gamit ang kanyang palad.

Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng puso niya sa nangyari kanina. 

‘Baka hindi lang ako sanay na ganoon kalapit sa kahit na sino lalo na ‘pag lalaki’. Aning isang bahagi ng kanyang isip.

“Baka nga ganoon lang ‘yon”. Mahinang pagkukumbinsi niya sa sarili.

                                     ***

Nang mag gabi na, habang nagluluto ng kanyang hapunan, biglang nag ring ang phone. 

Kaagad niyang iniwan ang ginagawa saka tinuyo ang mga kamay gamit ang isang maliit na tuwalya at nilapitan ang kanyang phone na nasa lamesa.

Tumatawag na naman si Jean. 

Hindi na niya sana iyon sasagutin dahil alam naman niya na ganoon pa rin ang sasabihin nito, pero ayaw naman niyang maging rude. 

Sinagot niya ang tawag saka itinapat sa kanyang tenga. “Hello, Je--”, Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang malakas na tumili ang nasa kabilang linya. Naka loud speaker ang tawag kaya mabilis na nalukot ang kanyang mukha at inilayo ang cellphone sa kanyang tenga. 

Bigla ‘atang pumutok ang eardrum niya sa lakas ng tili nito.

“Liahhh!!! Oh my f*cking Gosh!!!” Malakas na sigaw ni Jean. Rinig na rinig niya ito kahit na malayo sa tenga niya ang cellphone.

“Ano ba? Ba’t ka sumisigaw?” Sigaw niya rito, hindi niya pa rin tinatapat sa tenga niya ang cellphone.

“Girl!!! Makakasama ka na sa’min sa Vendas Resort. My Goshhh! Girl, maghanda ka na! Aalis na tayo sa biyernes”. Anito saka tumili ulit pero hindi na gaanong malakas.

“Ha?!” Nakakunot nuo at naguguluhan niyang tanong. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Hindi pa ako pumapayag ah?!” Naguguluhan niyang ani.

“Girl, listen! Believe it or not, may anghel na nagmula sa langit ang bigla na lang lumapit sa’kin. Tapos alam daw niya na mayroon daw akong tatlong gift cards for vacation sa Vendas Island. Actually, he’s a staff from that island. Then, he said that the gift cards were updated and that means, all expenses are free on our whole stay on that island. OMFG!! I still can’t believe it”. Anito tapos bigla na namang tumili.

“Lasing ka pa rin ba?” Bigla niyang tanong.

Jean grunt. Narinig niyang naiinis na ito sa kanya. “‘Wag mo ngang iniiba ang usapan. At sinasabi ko sa’yo, hindi ako lasing, tipsy lang. Tunog lasing lang ako kanina para may maidahilan lang ako para makatakas sa mga kasama ko”.

Bigla naman siyang napaisip sa sinabi nito kani-kanina lang.

Kung sasama siya sa pagbabakasyon, baka masayang lang ang oras niya. Kung yung mga panahong igugugol niya sa pagbabakasyon, ipagtatrabaho na lang niya. Kikita pa siya.

Pero naiisip rin niya na makakabuti sa kanya ang bakasyon na yun dahil malalayo siya sa saglit sa mga responsibilidad at pressure na akay-akay niya araw-araw.

Naramdam siguro ng nasa kabilang linya ang biglang pagtahimik kaya kaya bigla itong nagsalita. “Oy! Oy! Oy! ‘Wag mong sabihing hindi ka pa rin sasama?! Libre na nga ‘to lahat-lahat, aarte ka pa ba?!” Ani Jean. “Tandaan mo, ‘pag hindi ka pa sumama, hangga’t humihinga ako, hinding-hindi na kita papansinin”. Dagdag pa nito.

Marahan naman siyang bumuntong hininga. “Oo na! Sasama na! May magagawa pa ba ‘ko?! Ito na nga oh, magsisimula ng mag impake”. She said with the hint of sarcasm and then rolled her eyeballs.

“Great!! Kita tayo bukas ng gabi ‘cause gabi tayo ba-byahe papuntang resort. Oh my gosh! I’m so excited na! See yah there, girl. Bye-bye”. Anito saka mabilis na pinatay ang tawag.

 “Hayst!! Ang babaeng talagang ‘to”. Aniya saka nakangiting umiling-iling.

Nakaramdam siya bigla ng excitement.

Sa unang pagkakataon simula ng makatakas siya sa masalimuot niyang nakaraan, makakapagpahinga na rin siya kahit saglit lang.

Nagpapasalamat siya at libre na ang bakasyon niya. Ayaw niya talagang gumastos ng malaki para lang sa sarili niya. At mahilig talaga siya sa libre.

Sabi nga ni Jean, pwedi namang e-skip 'yung s*x na part kapag nandoon na siya kaya okay na rin.

Maraming taon na ang ginugul niya sa walang tigil na pagtatrabaho para makatulong sa kanyang pamilya at para makalimutan ng paonti-onti ang mga nangyari noon.

Siguro, kahit ngayon lang, she’ll be giving herself a break from everything. She deserves it anyway.

She’s been through a lot. As in, a lot.

She almost lost herself after the multiple attempts to end her life due to those loatheful experiences that almost destroy her whole system.

She’s to weak to endure all the pain. But, she was glad that she was able to met the people who helped her out. And she’s still paying that debt of gratitude on her own way kahit na tinatanggihan nila ito.

Biglang nag-beep ang phone niya kaya napatingin siya rito. 

Isang unregistered number ang nag text. “Hi! Good eve!” Nakakunot nuong basa niya sa text nito.

Uhm..Sino ‘to? Mabilis niyang reply rito.

This is Kiel. I’ll see you tomorrow, if it's fine with you?!. Good night! Reply nito.

Bigla naman siyang natulala sa kanyang cellphone habang pilit na pinoproseso sa utak ang nabasa niya. Hindi siya makapaniwala. 

Ang bilis ng pangyayari.

“Pa’no niya nakuha ang number ko?” Mahina at naguguluhan niyang tanong sa sarili.

Mag re-reply pa sana siya ng biglang tumawag ang numero.

Nagdadalawang isip siya pero sinagot niya pa rin ang tawag saka marahang itinapat sa kanyang tenga ang cellphone.

“Nakakaistorbo ba ‘ko?’ Bungad ng nasa kabilang linya.

Tahimik naman siya at walang maitugon rito.

“Hello? Are you still there?” Aning baritonong boses.

Bigla naman siyang natauhan. “O-oo. B-bakit ka pala napatawag?!” Kinakabahan niyang tanong. Hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan.

“Nothing. Just saying good night. By the way, this is my number”. Anito. “Matulog ka na. Masama ang pagpupuyat para sa kagaya mong maganda”. Dagdag pa nito.

Bahagya naman siyang napatawa sa pambubula nito. 

“Bolero ka rin pala”. Nakangiting aniya. 

Malapad ang ngiting nakaplaster sa mga labi niya.

“I’m just stating fact”. Anito.

Lalo naman siyang napangiti. “Sige na. Matutulog na ‘ko. Matulog ka na rin. Masaya ang pagpupuyat sa kagaya mong gwapo”. Pagbibiro niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa mula sa kabilang linya. “Good night!”. Dagdag niya.

“Good night! Sleep well!”

Siya na ang nagpatay ng tawag.

Para naman siyang baliw na nakangiti habang sine-save sa kanyang cellphone ang numero ni Kiel habang paghiga na siya sa kanyang kama.

Sa sobrang tuwa niya sa sinabi nito, nakalimutan na niyang itanong kung paano nito nakuha ang number niya.

Hanggang sa pagpikit ng mga mata niya ay nakaplaster pa rin ang malapad na ngiti sa mga labi niya.

Mukha siyang teenager na kinikilig.

Oo na. Inaamin na niyang kinikilig siya.

Related chapters

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 3

    Nagsisimula na siyang mag-impake ng mga gamit na dadalhin niya sa resort. Sapat na sa kanya ang walong pares ng damit at undergarments. Pinagkasya niya sa isang ‘di kalakihang maleta ang lahat ng mga gamit niya. 10:52 na ng umaga. Nagpaalam na siya sa kanyang landlady na ilang linggo siyang mawawala. Nagpaalam na rin siya pati sa nanay niya. Tinext siya kagabi ni Jane na bawal magdala ng phone sa loob ng resort kaya baka matagal pa bago siya makatawag sa mga ito. Patapos na siya sa pag-iimpake nang biglang mag ring ang phone niya. Kaagad naman niyang itinigil ang ginagawa at tinungo ang kanyang phone na nasa bedside table. Si Kiel.

    Last Updated : 2022-01-10
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 4

    Warning SPG!!! R18+!! Mature Content!! Tumabi ang mga inosente!! Mag a-alas onse na ng tanghali nang magising siya sa isang maganda at bagong silid. Nagising siya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga pisnge niya mula sa nakatabinging kurtina ng bintana. Bumangon siyang kusot-kusot ang mata sabay nag inat. Bahagya niya pang inaalala kung nasaan siya. Hanggang sa pumasok sa isip niya ang tungkol sa resort. Humakbang siya papasok sa kanyang banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng isang two pice at ipinailalim niya iyon sa isang mahabang floral dress. Saka pinaresan lang iyon ng isang pare

    Last Updated : 2022-01-11
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 5

    May kung anong malaki at makapal na bagay ang pinupukpok dahilan para lumikha ng malakas na ingay. Nagising siya dahil sa ingay na ‘yon. Nang subukan niyang imulat ang kanyang mga mata, mabilis siyang nasilaw sa liwanag na hindi niya alam kung saan nanggaling dahilan para maipikit niya ulit ang mga mata niya. Sinubukan niyang tumayo pero kaagad niyang naramdamang parang mabibiyak sa sakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito sabay mahinang napaigik. “Arghhh! Ang sakit ng ulo!” Binalik niya sa pagkakahiga sa malambot na kama ang katawan niya. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo niya. Nanatili muna siyang nakahiga ng ilang minuto habang nakahawak pa rin sa kanyang ul

    Last Updated : 2022-01-11
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 6

    Nang matapos silang kumain ay nagpaalam siya kay Vish na uuwi muna siya para makapag palit ng damit. Sinabi ni Vish na magkita na lang ulit sila mamayang alas otso ng gabi dahil may ipapakita raw ito sa kanya. Pumayag naman siya. Pagkatapos ay naghiwalay na sila ng direksyon. Konti na lang distansya niya mula sa kanyang cabin nang biglang may malaking pigura ang humarang sa kanya dahilan para tumigil siya sa paglalakad at nag angat ng ulo rito. Isang pamilyar na anyo ng tao ang bumungad sa kanya. Naramdaman niya ang biglang paglakas ng tibok ng puso niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa taong nasa harapan niya ngayon. “K-kiel?!” Nauutal niyang anya.

    Last Updated : 2022-01-13
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 7

    She saw Vish while she’s on her way to him. Matapos ang mapusok nilang paghahalikan ni Kiel, hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Bumalik lang ang wisyo niya nang matumba siya kanina habang naglalakad. Naramdaman niyang lutang siya kanina habang iniisip ang nangyari sa loob ng cabin ni Kiel kaya hindi niya napansin ang malaking batong pumatid sa kanya. Muli na namang pumasok sa isip niya ang mapusok na paghalik sa kanya ni Kiel kanina at ang kusang pagtugon ng mga labi niya rito. Nararamdam na naman ulit niya ang mainit at matamis nitong mga labi. Mabilis niyang naipilig ang kanyang ulo.

    Last Updated : 2022-01-21
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 8

    WARNING!! MATURE CONTENT!! They were lapping each other's lips. Dahliah doesn't know anymore what she's doing. Kusang tinutugon ng kanyang katawan ang bawat paggalaw ng katawan ng binata. She moaned nang biglang pinasok ng binata ang dila nito sa bibig niya. Ginagalugad ng dila nito ang loob ng kanyang bibig. He's on top of her. Bigla nitong nilamas ang isa niyang bilog at malusog na dibdib. Pleasure has started to build up in her system. He planted a kiss on her

    Last Updated : 2022-01-23
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 9

    She woke up from a knock behind her.She slightly opened her eyes sabay tukod ng mga braso niya para itayo ang kalahati niyang katawan.With her half opened eyes, inilibot niya ang knyang paningin sa paligid.Napatingin siya sa kanyang kinaroroonan."Bakit sa sahig ako natulog?" She curiosly asked herself in a low voice.Umayos siya ng upo.Kinusot-kusot niya ang kanyang mata.Muli na namang may malakas na kumatok sa kanyang pinto na nasa kanyang likuran lang.Itinukod niya ang ka

    Last Updated : 2022-02-01
  • Into His Fake Embrace   KABANATA 10

    Medyo SPG!! Binuksan niya ang salaming bintana malapit sa lababo para papasukin ang hangin sa loob. Mula sa loob ay kita nila ang magandang view ng karagatan sa labas. Kita rin nila ang mga taong dumadaan. Ang husay ni Vish sa paggawa ng cake. Halatang eksperto ito. Sa isang pabilog na kawali sila nagluto. Si Vish ay kasalukuyang isinasalang sa mahinang apoy ang cake. Siya naman ay inutusan nitong maghalo ng mga ingredients para gawing icing. Mano-mano niya lang iyong ginawa. Medyo nang

    Last Updated : 2022-02-02

Latest chapter

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 45 - WAKAS

    It has been a week.Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang kaguluhan sa mismong araw ng kasal niya.At isang linggo na rin silang nananatili sa walang katao-tao at tahimik na isla. Kiel said that he own the island kaya do’n siya nito dinala.Dalawang araw na ang lumipas simula ng umalis ang binata para raw ayusin ang gulong nangyari. And she just let him do it. Hinayaan niyang ang binata na mismo ang lumutas niyon.She trust him. Sa kabila ng mga ginawa nito, she still trust him. Her heart tells her to trust him again.She’s just praying na sana ay hindi na siya nito biguin ulit.

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 44

    WARNING: SPG!Nang iilang tao na lang ang naiwan sa loob ng simbahan, humakbang palapit sa kanya si Kiel.Napahakbang siya paatras. He was just straightly looking at her.Bigla nitong tinutukan ng baril si Vish dahilan para mapaatras rin ito.Then Kiel even steps closer.“Let go of her!” May diing ani Kiel.Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa binata. Tiningnan siya nito at nakikita niya ang takot sa mga mata nito.She immediately felt guilty. She loosened her grip on his hand.Pagkatap

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 43

    DAYS AFTER…..She’s sweating cold. At ang lakas ng kabog ng dibdib niya.Sumasakit na ang tiyan niya sa sobrang kaba. At kanina pa siya pinagsasabihan ng makeup artist niya na kumalma dahil nasisira na ang makeup niya dahil sa matinding pagpapawis.“Ma’am, paulit-ulit po tayo ngayon dito. Kumalma lang po kayo. Alam kong mahalagang araw ‘to para sa’yo at excited na kayo pero, ma’am, baka pagdating mo do’n sa simbahan, mukha ka ng ewan. Kalma lang, ma’am. Pumapangit na ‘yung makeup mo. Jusko naman”. Reklamo ng bakla niyang makeup artist.Hindi ‘to mahalagang araw sa’kin. She wants to voice out those words pero pini

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 42

    It was Kiel.Kiel is standing in the hallway, staring at her sister, to Vish, to her.Nakikita niya ang pagtataka sa mukha nito. Vish then slightly moved and hid her behind his back.Kiel’s eyes suddenly landed on her and Vish intertwined hands. Then he looked up at her again and their eyes met.She immediately looked away.Vish then looked at her. “Let’s go?”Tumango lang siya.Ilang sandali lang ay nagsimula ng humakbang si Vish habang marah

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 41

    Huminto ang sinasakyan nila sa tapat ng isang malaking gate. Sa loob niyon ay ang isang malaki at malawak na mansyon.Nakatuon lang ang atensyon niya sa loob.Biglang bumukas ang malaking gate pagkatapos ay dahan-dahang umandar ang sinsakyan nila papasok sa loob.Hanggang sa huminto na ang kotse sa tapat ng isang malaking wooden door ng harap ng malaking bahay.Nakatuon ang atensyon niya sa mga gwardiyang nakatayo malapit sa pinto nang lumabas ang kasama ng sasakyan. Umikot naman ito para pagbuksan siya ng pinto.Nang makalabas na sila, ipinulupot niya ang kanyang braso sa siko ng binata. Humarap ito sa kanya.

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 40

    Pabaling-baling siya ng higa. Simula nang makauwi siya kanina ng madaling araw, hindi na siya mapakali. Mahigit dalawang oras na siguro siyang nakahiga pero hindi pa rin nakakatulog.After having an hours of a steamy interaction with Kiel, pinakawalan rin siya nito. Hinatid pa siya nito hanggang sa tapat ng bahay ni Vish.She actually felt sad and dissapointed nang makita niyang umaalis na ang binata kanina. Ayaw pa niya sana itong pakawalan. Gusto niya sana itong pigilan pero alam niyang hindi pwedi.Iyon na ang huling beses na may mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Sigurado siya.It was such a great last moment with him though.She didn’t know but

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 39

    WARNING: Medyo MATURE CONTENT!She woke up at exactly eleven p.m. Kumakalam ang sikmura niya. Parang gusto niyang kumain ng matatamis.She’s currently in Vish house. Doon na siya pinatulog ng binata matapos ang maghapon nilang photoshoot kanina.Kaonti lang ang nakain niya kanina dahil mabilis siyang nagpahinga. Mabilis lang siyang napagod kaya maaga siyang nakatulog. Ala sais pa lang siguro ng gabi noong natulog kaagad siya.Umalis siya sa kama pagkatapos ay lumabas ng silid.Walang ingay siyang lumabas.Madilim at tahimik na ang buong kabahayan.M

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 38

    The next day.Alas diyes na ng umaga.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya habang nagliligpit siya ng kanyang hinihigaan. Nakatayo roon ang kuya niya.Napatigil siya sa ginagawa.“You need to prepare yourself. Susunduin ka ng fiancee mo mamayang one p.m for your wedding pictorial”. He said with a straight face.“Hindi ba kayo sasama?” Kaagad niyang tanong.Umiling ito. “There’s no need for that. Kayong dalawa lang ng groom ang kailangang magpictorial”. Sagot nito.Tumango siya. &ldq

  • Into His Fake Embrace   KABANATA 37

    Napatingin siya sa wall clock na nasa kaliwa niya.It’s already pass midnight.Kanina pa siya pabaling-baling ng higa dahil hindi siya makatulog.Hindi maalis sa isip niya si Kiel.Simula nang humiga siya kanina sa kama, hindi na maalis sa isip niya ang binata.Images of him keep flashing on his head. Hindi niya alam pero basta-basta na lang ang mga iyon lumalabas sa isip niya. Including their happy and sweet moments together.She couldn’t help herself but to smile.Suddenly, the scene in the airport’s lobb

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status