Share

Chapter 3

"Mauna na po kami, pupunta po ulit kami rito bukas h'wag po kayong mag alala sa anak n'yo.Aalagaan ko po s'ya ng mabuti." Mahabang paalam n'ya sa magulang ko sabay beso sa mga 'to.Feeling close??

"Sige, nak--"

"Nak?!Mama naman." Nakanguso kong saway sa kan'ya pero pinandilatan n'ya lang ako ng mata.Grabe ah ang bilis ma scam ng nanay ko.Halatang uto-uto dati.

"Una na po kami, Mama." Paalam n'ya sabay hawak sa kamay ko.Pinanlakihan ko s'ya ng mata pero inirapan n'ya lang ako.NAPAKABALINGBING MO!

Nakalabas na kami ng bahay ko at bitbit n'ya ngayon yung ibang damit ko, pinagimpake ba naman ako ni Mama dahil sinabi ng tukmol na 'to na dun daw muna ako titira sa kan'ya dahil may aayusin daw kami ng kuno ganto ganyan bago daw yung kasal namin.Tch dami mong alam.Feel ko talaga magiging katulong lang ako sa bahay neto kaya pinagimpake ako ng damit.

"Sakay." Utos n'ya matapos n'yang ilagay yung gamit ko sa backseat.Kala ko pagbubuksan n'ya ko ng pinto kasi huminto s'ya bigla pero maling akala lang pala.Inayos n'ya lang pala yung side mirror, naknam.

Padabog akong pumasok ng passenger seat tsaka nagseatbelt.Pumasok na rin s'ya sa driver's seat at nag seatbelt bago mag maneho.

"So ano, new yaya mo na ba ako?" Walang sa mood kong tanong sa kan'ya.Bigla naman akong napatingin sa bracelet na binili ko sa halagang bente pesos kahapon tsaka napatawa.Grabe kala ko ba swerte?

"Maybe?But no.You have different tasks to do." Paliwanag n'ya habang seryosong nakatingin sa kalsada. "Edi dapat sinabi mo na lang yung totoo sa parents ko." Saad ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Totoo naman yung sinabi ko sa kanila." Saad n'ya na ikinatingin ko sa kan'ya.Anong totoo?Eh ngayon nga lang kita nakilala, balak mo pa nga kong ipakulong kanina eh, raulo ka ba?

"Na Fiance mo ko?" Tanong ko.

"Yeah." Maikling sagot n'ya bago lumiko sa malaking gate.Wow gago nasan kami, bahay n'ya ba 'to? "Bahay mo?" Tanong ko pero 'di s'ya sumagot.Tch sungit talaga neto.Bumaba na ako ng kotse n'ya ng maiparada n'ya na yung sasakyan.Inilabas n'ya yung gamit ko at ibinigay sa'kin.Ang galing.

"Ako talaga magbibitbit??" Masungit kong tanong sa kan'ya. "Yes.Gamit ko ba yan?It's yours so bitbitin mo." Masungit n'yang saad at nauna ng maglakad papasok sa loob.Tch, wala man lang kusang loob.Gwapo nga panget naman ng ugali.

Sumunod na rin ako sa kan'ya at pagkadating na pagkadating namin sa sala ay may sumalubong sa kan'ya na bata.Kapatid n'ya siguro--

"Daddy!!" Sigaw nung bata sabay yakap sa lalaking nasa unahan ko ngayon.D-Daddy?Ha?May anak na s'ya??Ibang klase pala talaga 'tong lalaking 'to.

"How's your school?" Tanong n'ya sa batang lalaki na siguro ay nasa limang taong gulang.Kinarga n'ya 'to at lumingon sa'kin.Nag thumbs up yung batang lalaki sa kan'ya ng nakangiti kaya napatawa ako ng mahina.Ang cute.Napatigil naman ako sa pagtawa ng tumingin s'ya sa'kin.

"Who is she?" Rinig kong bulong nung bata sa Ama n'ya.Sana naman 'di masama ugali mo gaya ng tatay mo 'no?Binaba n'ya yung bata bago tumingin sa'kin.

"Uhmm...Hi!" Nakangiti kong bati sa bata.Kinawayan n'ya ko kaya ganun din yung ginawa 'ko.Ang cute n'ya, kamukha n'ya yung Ama n'ya.I mean...'di ko sinasabing cute yung Tatay n'ya ah, yung bata kasi yun.

"She's Elle.....Your Mommy." Saad n'ya kaya nawala agad yung ngiti ko.Teka mali lang ata ako ng rinig.Tinignan ko s'ya at pinandilatan ng mata.Sinenyasan n'ya naman ako na lumapit dun sa anak n'ya kaya wala na kong nagawa kundi sundin yun.

"M-Mommy?She's my Mom?" Tanong ng bata sa kan'yang Ama habang dahan dahang lumalapit sa'kin.

"Yes..Go to your Mom, Aiden." Utos n'ya sa anak n'ya.Aiden pala pangalan ng batang 'to.Lumuhod ako para pumantay sa kan'ya at nabigla ako ng yakapin n'ya ko ng mahigpit.Maya maya pa ay narinig ko s'yang humikbi kaya nagtaka ako at napatingin sa Daddy n'ya.

"Ba't naiyak s'ya?" I mouthed at him pero sinenyasan n'ya lang ako na yakapin ko yung anak n'ya.Niyakap ko si Aiden kasi ayaw n'yang tumahan. "I miss you, Mommy.I really do." Naiyak n'yang saad habang mahigpit na nakaakap parin sa'kin.

Napatingin muna ako kay Paul bago nagalinlangang sumagot sa batang nakayakap sa'kin. "I...I miss you too, baby." Saad ko bago s'ya ipaharap sa'kin.Pinunasan ko yung luha n'ya at kitang kita ko sa mata n'ya kung gaano n'ya kamiss yung Mommy n'ya.Did his Mom leave him?Did his wife left him?Tanong ko bigla ng mapatingin ako kay Aiden at Paul.

"Please, don't leave me again." Mahinang saad ni Aiden kaya hinawakan yung maliit at maamo n'yang mukha sabay ngumiti. "I will never left your side again, stop crying na po." Napapasabak ako sa englishan lintek na yan.

"Ngayon ko lang po nakita face mo, Mommy.You're really beautiful, Mom." Saad n'ya na lalong ikinangiti ko.Buti pa yung anak magaling magpangiti ng babae yung isa kasi jan mambwisit lang ata alam.

"Daddy, come here po!" Utos ni Aiden sa Tatay n'ya at agad naman 'tong lumapit.Kinarga naman s'ya ni Paul kaya tumayo na 'ko. "Yes, baby?" Mahinahong tanong n'ya.Mas lalo s'yang gumagwapo pagmahinahon s'ya.Mas bagay sa kan'ya yun. 'Di yung laging nakasigaw mukha s'yang demonyo promise.

"Family hug po." Saad ni Aiden bago ako hilahin palapit sa kanilang dalawa at niyakap kami ng Tatay n'ya.Dumikit yung katawan ni Paul sakin kaya napaiwas ako ng tingin.Ang weird sa feelings.

Pansin ko namang napatingin sa'kin si Paul kaya tinignan ko rin s'ya.Sinamaan ko s'ya ng tingin bago lumapit sa tenga n'ya at bumulong. "Ba't 'di mo sinabing magiging Nanay pala 'ko dito?!" Pasigaw kong bulong sa kan'ya para 'di marinig ni Aiden.

Tinignan ko ulit s'ya ng masa pero ginantihan n'ya lang ako nang nakangising mukha.Nakakainis talaga pagkatao n'ya sa totoo lang.

Kingina yan, kakainstant noodles at kape ko naging Instant Mommy narin ako, ayos ah.Grabeng araw 'to dami kong pinagdaanan.Hinabol ng pinagutangan to magnanakaw to Fiance to Nanay ng anak n'ya real quick?Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status