ELLE'S POV
"Hoi, Jackson!" Tawag ko sa kaibigan kong walang ginawa kundi mag kalat dito sa pamamahay ko.Wala sila Mama kaya kami lang nandito.Actually dapat ako nga lang kaso dumating ang mga yawa sa buhay ko."Pulutin mo nga yang balat ng chichiryang pinagkainan na, ipapalamon ko sa'yo yan!" Agad n'ya naman pinulot yun at dali-daling itinapon sa basurahan.Dumako naman ang tingin ko kay Mark dahil nagkakalat din s'ya."YES MA'AM!" Saad n'ya at sumaludo sakin bago itapon yung kalat n'ya. "Nadala na sila sa'yo, Elle" Natatawang saad ni Ericka, kaibigan ko rin.Aba dapat lang ipapalamon ko talaga yang mga kalat nila sa kanila."Naalala ko tuloy nung siniksik ni Elle sa bunganga ni Jackson dati yung balat ng orange na nakakalat sa lapag." Natatawang kwento ni Sam.Lima kaming magkakaibigan at saaming lahat ay sa'kin sila pinakatakot.Pagsinabi ko kasi sa kanila ang isang bagay ay gagawin ko talaga ng hindi nagdadadalawang isip."Yoko ng maulit yun promise." Saad ni Jackson habang may hawak ng walis.Aba ayos ah. "Very Good ka ata ngayon." Saad ko bago i-pat yung ulo n'ya. "Good Dog." Biro ni Mark kaya nakatanggap s'ya ng batok muna kay Sam.Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan hanggang sa naisipan na nilang umuwi, mabuti pa nga dahil wala ng maligalig.Maya-maya pa ay dumating na rin ang mga magulang ko kasama ang panget kong Kuya.Wala nga yung mga kaibigan ko, pero nandito yung kapatid ko.Wala na kong naging peaceful day dahil sa mga kumag na 'to."Psstt Pstt Pstt" Panggugulo ni Kuya habang paikot-ikot sa'kin.Nu nanamang trip neto. "Panget mo" Sabi ko sabay tulak sa kan'ya."Kung panget ako eh ano ka pa?" Tumawa naman s'ya dahil sa kakornihang sinabi ng walang kwenta n'yang bibig. " 'Di mo ba 'ko na miss??" Saad n'ya bago yumakap sakin na parang bata.YUCKKK!!"Kadiri ka naman!Mandiri ka nga sa sarili mo!" Saad ko habang tinutulak s'ya palayo sa'kin. "Naku naman, Elle!Hayaan mo na yang Kuya mo, naglalambing lang yan." Nakangiting saad ni Mama kaya lalo akong nandiri.Ano??Naglalambing??Yuck!"Wala ka bang jowa?Dun ka maglambing, kabanas naman neto eh!" Nakakunot noo kong tinanggal yung kamay n'ya sa pagkakayakap sa'kin at naisipang lumabas ng bahay. "H'wag kang susunod sa'kin, Lucas Gutierrez!" Sigaw ko at rinig na rinig ko rito sa labas ang mapangasar n'yang tawa.Gusto n'ya lang talaga akong lumabas ng bahay eh noh.Ayos din strategies n'ya eh.Naglakad lakad na lang ako at naisipang bumili sa convenience store.Nagutom ako kakahandle ng magugulong panget sa buhay ko.Bumili ako ng Instant noodles at Instant coffee.Agad ko yun binayaran at syempre ay dito na rin ako kakain.Nang matapos na 'kong kumain ay lumabas na 'ko ng convenience store.'Di pa ko nakakalimang hakbang ng may biglang kumulbit sa'king matandang babae.May bitbit s'yang paninda n'ya at sa tingin 'ko ay nagawa s'ya ng bracelet."Ija, bilhin mo na 'to.Magbibigay 'to ng swerte sa'yo." Saad ni Nanay at ipinakita sa'kin ang bracelet na may pendant na hugis Cloverfield.Ilang beses na 'kong na scam ng ganto kaya medyo dalang dala na 'ko.Nakatingin lang ako sa hawak n'ya at nagdadalawang isip kung magpapascam ba 'ko o ano eh. "Hindu ako nagbibiro, Ija.Nagbibigay talaga 'to ng swerte."Saad n'ya ulit at mukhang kinukumbinsi n'ya talaga akong bumili."Magkano po ba 'yan?"Alanganing tanong ko. Mukhang mapapabili pa tuloy ng wala sa oras ah.Kasalanan 'to ni Kuya Lucas!Grrr."Bente pesos na lamang sa'yo, Ija." Saad ni Nanay kaya ginora ko na lang.Mukhang napapagod na rin si Nanay kakakumbinsi sakin kaya sige na nga.Papauto na lang ulit ako sa halagang bente pesos."Pagsuot mo yan puro swerte ang papasok sa buhay mo." Saad ulit ni Nanay pagkatapos ibigay sa'kin ang bracelet.Sige po, Nay.Magiging uto-uto po ako para sa kasiyahan n'yo."S-Sige po.Ingat po kayo."Saad ko at nauna nang maglakad.Baka mamaya may mangalok ulit sa'kin jan eh, kaya mabuti pang umuwi na lang ako.Gabi na at alas dos na ng madaling araw pero eto at gising parin ang diwa 'ko.Ano kayang pwede kong gawin bukas?What if mag shopping ako?Kimmy, wala pala 'kong pera.What if mag hanap ako ng trabaho bukas?Try ko kung swerte ba talaga 'tong bracelet ni Nanay na bente pesos lang.Una pa lang 'di na kapanipaniwala lalo na nung dinrop ni Nanay yung presyo. " Makatulog na nga." Saad ko at umayos na ng higa para matulog.Sisigawan nanaman ako ni Mama pagnakita n'ya kong gising pa kaya mabuti na't matulog na lamang.『••✎••』Kasalukuyan akong nandito sa Coffee Shop.Kakatapos ko lang mag libot libot para humanap ng trabaho but sadly wala na raw silang available na slot.Tch.Pa-post post pa kayo ng NOW HIRING eh wala rin naman palang available, tatanga eh kainis."Si Elle ba yun??""Alen?Yung may utang sayo??" Napatigil naman ako kakahigop ng kape ko dahil narinig ko ang napakaganda kong pangalan.Gago, nandito ata si bruha.Umutang kasi ako nung isang araw kay Trisha, 'di ko parin nababayaran ngayon kasi 'di pa ko binibigyan ulit ni Papa ng allowance.Nasira ko kasi yung isang lamesa sa school at ayoko naman na malaman yun ng magulang ko dahil for sure grounded ako ng ilang buwan nan.Kaya nanghiram ako kay Trisha pambayad sa nasira ko hehe."Baka namamalik mata ka lang, Trish?" Rinig kong tanong ng isa pa n'yang minion.Makalabas na nga ng Coffee Shop na 'to, wala pa kong pambayad sorry.Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan ng coffee shop at napatigil ng tawagin ni Trish yung name ko.Haha lagot..."Let's talk, Elle!" Sambit ni Trisha at naramdaman kong papalapit na sila kaya agad akong tumakbo papalabas.NAURR WALA PA 'KONG PAMBAYAD.ANONG LET'S TALK?!PAPABARANGGAY MO LANG AKO!Naiiyak akong tumakbo papalayo kela Trisha dahil wala nga akong pambayad huhu.'Di naman literal na iyak, nu ako tanga.Tumingin ako sa likod 'ko at tama nga ako dahil hinahabol parin nila ako.Lumiko ako ng daanan at dali daling tumakbo sa mga nakaparadang kotse sa gilid gilid.Napatigil ako dito sa kumikintab na kotse na 'to at tintry buksan yung pintuan.Laking gulat ko kasi bumukas eto."Mukhang swerte nga 'to ah" Napatingin ako sa bracelet na suot ko bago pumasok sa kotse na 'to.Agad ko yun sinara at nagtago sa loob ng kotse.Sumilip ako ng kunti sa bintana at nakita ko na paparating na sila Trish kaya nagtago ulit ako."Ba't nyo ba kasi ako hinahabol" Hinihingal "kong saad.Naknam pinagpawisan ako don ah.Nakarinig ako ng maraming yapak kaya todo tago ako.Sumilip naman ako ng marinig kong paalis na sila, kita kong lumiko sa sila sa kanan at tuluyang nawala sa paningin ko."Mission accomplished!"Masaya kong saad bago dahan dahang lumabas ng kotse.Sasara ko na sana yung pintuan ng kotse ng may biglang sumigaw sakin. Napatingin ako sa kan'ya at napakunot yung noo ko.Sino ka naman?"What are you doing here?!" Sigaw n'yang tanong bago lumapit sa'kin. Problema neto?Ba't naka face mask, sumbrelo at sunglasses ka pa?Holdaper ka ba, Pre?"Ha?" Tanong ko na parang 'di s'ya naiintindihan.Sino ba 'tong tukmol na 'to?Nagulat naman ako ng bigla n'yang buksan yung pinto sa driver's seat at tumingin tingin sa loob, hinalukay n'ya 'din yung sulok sulok.Hinampas ko s'ya dahil sa ginagawa n'ya kaya napatingin s'ya sa'kin. "H'wag kang gumalaw ng kung ano-ano jan!Baka dumating yung may-ari ng sasak--" Napatigil ako ng bigla n'ya kong hawakan sa pulsuhan ako at muntik ko na s'yang murahin ng kung ano-ano dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa'kin."Bitawan mo 'ko!" Utos ko sa kan'ya pero 'di n'ya ko pinapansin.Nagtaka ako kasi may kung ano s'yang tinitignan sa likod ko at parang sinesenyasan na lumapit sa kan'ya kaya napatingin ako don sa tinitignan n'ya.Nanlaki naman yung mata ko kasi may papalapit saming pulis.Sumaludo yung pulis pagkatapos n'yang makalapit sa'min."Yes, Sir?" Tanong nung pulis kaya napatingin ako sa lalaking nakahawak sa pupulsuhan ko.H'wag mong sabihing..."May nawawala sa mga gamit ko, Officer.Including my wallet na may lamang card and money.And I found this woman na mukhang kakalabas lang ng sasakyan ko." Saad n'ya kaya napakunot yung noo ko.S'ya may ari ng sasakyan na 'to?!Ay teka...teka...teka nga, inaakusahan n'ya ba 'ko?!"Ma'am--""Hindi po ako magnanakaw, promise po mamatay man po s'ya!" Saad ko bago tumingin sa lalaking hawak-hawak parin ang pupulsuhan ko.Asa pa na kunin ko yang wallet mo, sino ka ba?"Sumama ka na lang po, Ma'am.May mga ilang bagay po kaming itatanong sainyo." Sabi ni Kuyang Pulis at akmang kukunin yung kamay ko dito sa lalaking 'to kaya agad akong nagtago sa likod n'ya."What the hell are you doing?" Iritado n'yang bulong sakin.Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Hindi ako sasama!Wala akong kinuha jan sa sasakyan mo!Kahit hubadan nyo pa 'ko wala kayong makikitang wallet--ANO BA!!TEKA LANG KASI, KUYA!" Sigaw ko nang kunin n'ya yung dalawa kong kamay bago pilit na hinihila.SAGLIT LANG KASI!!NAKNAM, makukulong pa daw.Irita akong nakaupo rito sa upuan habang tinatanong ng kung ano-ano ni Kuyang pulis na kumuha sa'kin kanina. "Ilang beses ko po bang sasabihin sainyo na WALA po akong kinukuha sa sasakyan n'ya." Kalmado pero may bahid paring inis na nananaig sa boses ko."Kung ganon ay nasa'n ang wallet ni Sir?" Tanong n'ya ulit sa'kin kaya napairap ako nang palihim.Bumuntong hininga at pumikit muna ako bago sumagot sa kan'ya para 'di ko s'ya masigawan.Mamaya tuluyan n'ya na kong itapon sa kulungan eh. "Hindi ko po alam.Tsaka sabi ko naman po sainyo may humahabol lang po sa'kin kaya ako pumasok---" "Hinahabol ka?Edi may atraso nga toh, Boss!"Epal na sabat ng manager ng lalaking may ari ng kotse.Tch.Bat may manager yan sino ba 'yan?" WALA PO AKONG ATRASO." Pinagdiinan ko talaga bawat salita na binitawan ko sa kanila.Nakakaasar na ah."Na check ko na yung CCTV at dash cam sa loob ng sasakyan ko." Saad ng lalaking 'to na dinaig pa yung holdaper kung pumorma.Lakas din ng trip nito eh. "Oh ano?May naki
"Mauna na po kami, pupunta po ulit kami rito bukas h'wag po kayong mag alala sa anak n'yo.Aalagaan ko po s'ya ng mabuti." Mahabang paalam n'ya sa magulang ko sabay beso sa mga 'to.Feeling close??"Sige, nak--" "Nak?!Mama naman." Nakanguso kong saway sa kan'ya pero pinandilatan n'ya lang ako ng mata.Grabe ah ang bilis ma scam ng nanay ko.Halatang uto-uto dati."Una na po kami, Mama." Paalam n'ya sabay hawak sa kamay ko.Pinanlakihan ko s'ya ng mata pero inirapan n'ya lang ako.NAPAKABALINGBING MO!Nakalabas na kami ng bahay ko at bitbit n'ya ngayon yung ibang damit ko, pinagimpake ba naman ako ni Mama dahil sinabi ng tukmol na 'to na dun daw muna ako titira sa kan'ya dahil may aayusin daw kami ng kuno ganto ganyan bago daw yung kasal namin.Tch dami mong alam.Feel ko talaga magiging katulong lang ako sa bahay neto kaya pinagimpake ako ng damit."Sakay." Utos n'ya matapos n'yang ilagay yung gamit ko sa backseat.Kala ko pagbubuksan n'ya ko ng pinto kasi huminto s'ya bigla pero maling akala
Nandito kami sa kusina ngayon at kumakain ng hapunan.Nagluto kasi si Paul ng favorite dish ata ni Aiden.Nirequest kasi ni Aiden yun kaya naisip ko na baka favorite n'ya.Sinusubuan ko si Aiden ngayon kasi gusto n'ya daw masubukan for the first time na subuan ng Mommy n'ya raw.Medyo naaawa ako sa kan'ya kasi mukhang 'di n'ya talaga nakita yung Mommy n'ya kahit isang beses lang.Five years old na s'ya at mas nakakalungkot pa ay yung walang nagaaruga at nagmamahal sa kan'yang Ina sa loob ng limang taon na 'yon. "Do you have work tomorrow, Daddy?" Tanong ni Aiden sa Tatay n'ya pagkatapos ngumuya.Napatingin naman si Paul sa anak n'ya at ngumiti ng malungkot. "I'm sorry, Aiden.May work si Daddy tomorrow." Saad neto pagkatapos ay tumingin sa'kin. "Your Mommy's here naman for you, she will take a good care of you." Saad n'ya muli bago sumubo.Angas ah, edi sana ginawa mo na lang akong babysitter para naman may sweldo ako."Mas better po sana if we're all together.I really want to go out with bo
ELLE'S POVMaaga akong nagising at nagluluto ako ngayon ng umagahan namin.Napagalaman ko kay Paul na favorite ni Aiden yung carbonara kaya gumawa ako.Favorite ko rin 'to kaya alam kong gawin.Actually eto nga lang ata yung matino kong nailuluto eh.Nagluluto na ko ng sauce ngayon dahil natapos ko na yung pasta.Alas singko pa lang ng umaga ngayon at alive na alive yung diwa ko sa pagluluto.Naka pagdesisyon na rin kasi ako na pumayag sa gustong mangyari ni Paul.Naawa rin kasi ako kay Aiden at bilang mabait at magandang tigre ay gagawin ko ang lahat nang pagpapanggap para lang sumaya s'ya.Totoo yung mga kinikilos ko kay Aiden pero syempre yung as her real Mother talaga, parang malabong magampanan ko talaga yun.Eh, bala na. "Aga mo namang magising." Saad ng nasa likod ko kaya nagulat ako.Napatingin ako sa kan'ya at kasalukuyan s'yang nagpupunas ng basa n'yang buhok.Ehem...gwapo n'ya."A-Anong oras pasok mo?" Tanong ko at ibinaling ang sarili sa niluluto ko.Ba't ba ko nauutal sino ba yang
Pagkatapos nang nakakaboring kong araw sa bahay ni Paul ay nandito ngayon ako sa School ni Aiden para sunduin s'ya.Nagpalitan kami ng cellphone number ni Paul kanina at nireplyan n'ya 'ko na baka alas otcho na raw s'ya makauwi dahil busy daw sa working place n'ya.Ewan ko kung anong trabaho ng kumag na 'yon pero mukha namang big time dahil naka pagpundar s'ya ng napaka gandang bahay at sasakyan."Aiden!" Tawag ko sa pangalan n'ya nang makita 'ko 'sya na naglalaro kasama yung mga kaklase n'ya.Masayang tumingin at tumakbo sa'kin si Aiden pero 'di ko s'ya nayakap kasi biglang hinablot ng babaeng nasa harapan ko ngayon si Aiden."Sorry, Ma'am.Pero parents lang po ang dapat kumuha sa bata." Saad nung babae kaya na pa-kurap ako ng ilang beses.Mahigpit nga pala rito, bigla kong nakalimutan."She's my Mommy po." Saad ni Aiden na sumingit sa ginta namin.Hahawakan ko na sana kamay ni Aiden pero inagaw yun nung babaeng nasa harapan ko."No, Aiden.Si Daddy mo dapat yung magsusundo sa'yo diba?" Saa
Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng tumira ako sa bahay na 'to.Mas naging close sa'kin si Aiden at mas nalaman ko kung ano ang mga gusto n'ya at ayaw n'ya.Habang yung Daddy n'ya naman, uhmm.Pano ko ba i-lalarawan?Kung dati ay mas malamig pa s'ya sa yelo ngayon ay mas malamig naman s'ya kesa sa North Pole.Madalas kaming magtalo pero mas madalas kaming 'di mag pansinan at mag kita.Sobrang busy n'ya sa trabaho n'ya at halos madaling araw na s'yang nakakauwi tapos mag tatrabaho kinabukasan ng umaga.Kaya kulang na lang mag stay na lang s'ya dun sa work place n'ya para 'di na s'ya mahirapan kakapabalik balik."Mommy." Malungkot na tawag sa'kin ni Aiden.Umupo s'ya sa lap ko habang naka nguso."Nasa work parin po ba si Daddy?I really miss him." Dahil nga busy masyado Tatay n'ya eh halos 'di narin sila mag kita.Halata namang miss na miss n'ya na Daddy n'ya."Medyo busy kasi si Daddy mo, Baby.Don't worry pag 'di na s'ya busy makakasama mo na ulit s'ya, okay?" Saad ko sa kan'ya ng naka
Kakagising ko lang and as usual wala nanaman akong Paul na nakita sa tabi ko.Ang aga naman ata n'yang pumasok.'Di ka na nasanay, Elle.Ano ba.Naisipan ko munang maghilamos at magpalit ng damit bago lumabas sa kwartong 'to.Nakapang tulog kasi ako at medyo mainit sa labas kaya magpapalit ako.Ganun pala talaga ka busy mga actors kapag may shooting sila no?Wala man lang kahit 1 day na pahinga.'Di tuloy nakakalaro ni Aiden si Daddy n'ya.Pagkatapos kong magbihis at mag isip isip ay naisipan ko ng lumabas ng kwarto.Maaga pa kaya 'di ko muna gogisingin si Aiden.Kaya bumaba na lang muna ako para mag linis-linis ng kunti sa bahay.Nagpuyod muna ako bago kuhanin yung vacuum at nagsimula ng maglinis.'Di naman makalat sa bahay pero syempre may mga alikabok jan lalo na sa sahig.Wala ng bago sa'kin dahil simula nung naging busy si Paul ay ganto na ang ginagawa ko.Aayusan si Aiden, Ihahatid, magluluto, maglilinis, tutunganga, susunduin si Aiden, magluluto ulit, papatulugin si Aiden, at matutulog n
"Ingat kayo!" Kumaway na kami kela Mama at sumakay na sa sasakyan.'Di pa sana kami aalis kaso biglang may tumawag kay Paul at mukhang about sa work n'ya yun so need talaga naming umalis.Linggo ngayon kaya walang pasok si Aiden.Kami nanaman ang mag sasama buong maghapon.Sana 'di mag sawa sa pagmumukha ko si Aiden."Daddy, can we come with you po?" Napatingin ako kay Paul ng sabihin yun ni Aiden.Wala pang ilang segundo ay tumingin din sa'kin si Paul bago tumingin sa kalsada."I'm sorry, Baby pero hindi pwede eh." Tinignan ko si Aiden sa salamin at kita ko kung paano s'ya nalungkot."Magiging busy kasi si Daddy, Baby.Kaya mmm, samahan mo na lang si Mommy sa Mall.Let's play sa arcade!" Nilingon ko s'ya at nakita ko naman s'ya na biglang ngumiti.Yey, masaya na ulit s'ya. "Yey!I love you, Mommy!" Kiniss n'ya ko sa pinge ko kaya napatawa ako ng mahina."I love you too, Baby." Ngumiti muna ako sa kan'ya bago umayos ng upo.Okay mag papakananay mode nanaman tayo mamaya.PAUL'S POV"I love you