Share

Insane Agreement
Insane Agreement
Author: Celia GN

CHAPTER 1

Author: Celia GN
last update Huling Na-update: 2023-03-11 21:27:51

“Heronsiya!” 

Napakislot si Miles nang marinig ang umalingawngaw na tinig ng kanyang ama na si Rodulfo sa buong kabahayan. Sinilip niya ito mula sa maliit na butas ng kanilang dingding at kitang-kita niya ang paekis-ekis nitong paglalakad palapit sa kanilang maliit na tahanan. May bitbit itong bote ng alak at pulang-pula na ang mukha dala ng kalasingan.

“Anak dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang lumabas ng kwarto pagpasok ng tatay mo, maliwanag ba, Miles?” Nagsimula nang mangilid ang luha ng kanyang ina habang masuyong hinimas ang kanyang maliit na mukha.

Tanging tango na lamang ang kanyang naitugon dito sapagkat nagkumahog na itong lumabas upang salubungin ang lasinggero niyang ama. Sa edad na walo ay mulat na si Miles sa pang-aapi ng kanyang ama sa kanilang mag-ina. Araw-araw itong umuuwing lasing mula sa sugalan kaya walang gabing hindi sila umiiyak ng nanay niya dahil mas lalo itong nagbubuhat ng kamay sa kanila kapag lasing at natalo sa sugal.

“R-Rodulfo,” kinakabahang sambit ng kanyang ina.

“Ano ang niluto mong ulam?!” malakas na singhal nito sa kanyang ina pagpasok ng kubo. Agad nitong binuksan ang kaldero pero walang anumang ibinato din nito iyon sa kung saan. “Gulay na naman! Hindi ba’t sinabi kong magluto ka ng manok sa pag-uwi ko?! Miles! Miles!”

Nanginginig siya habang pinapakinggan ang pagtawag ng kanyang ama. Mas lalo siyang nagsumiksik sa sulok ng kwartong natatabilan lamang ng tela at lihim na sinilip ang nangyayari sa labas.

“Miles! Lalabas ka o hindi? Alam kong narito ka lang sa loob. Malilintikan ka sa akin kapag hindi ka nagpakita. Isa!”

Labis na nangatog ang kanyang tuhod nang magsimula na itong magbilang. Kapag hindi siya magpakita rito ay mas katakot-takot na palo ang kanyang aabutin gamit ang kahoy na panggatong mula sa kusina.

“R-Rodulfo, ano ba ang kailangan mo sa bata? A-ako na lang ang gagawa.” Bakas sa tinig nito ang pagkataranta.

“Mainam. Ikuha mo ako kina Aling Susana ng masarap na pagkain na may kasamang Coke. Bilis!” 

“Pero, Rodulfo, ayaw na tayong pautangin ni Aling Susana dahil sa haba ng ating listahan sa tindahan niya.”

“Wala akong pakialam! Aalis ka o makakatikim ka sa akin?!”

Hindi makagalaw sa kinatatayuan ang nanay niya sapagkat alam nitong uuwi pa rin itong walang dala. Lahat ng tindahan sa buong baryo ay puno na ng kanilang utang kaya kahit hindi man sa mahigpit na silang pinapautang ng ilan, kinakain na rin silang mag-ina ng hiya sa mga ito.

“Ayaw mo akong sundin? Pwes, halika!” Tumayo ito at biglang hinablot ang buhok ng kanyang ina. 

Naalerto siya sa nangyayari kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto at agad na dinaluhan ang ina. 

“Itay, tama na po,” umiiyak niyang saad sa ama. Niyakap niya ang ina mula sa beywang at pilit na hinila palayo sa kanyang ama. Panay ang hiyaw ng kanyang ina sa tindi ng pagkakahawak ng kanyang itay sa buhok nito.

“Sabi na nga ba’t nariyan ka lang sa kwartong bata ka! Halika’t makakatikim ka ring lintik ka!” Galit na hinablot siya nito sa braso at parehong pabalya silang tinulak papasok ng silid. Pasuray-suray man ay bumalik ito sa kusina upang kumuha ng kahoy.

Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ina at itinago siya sa katawan nito, kaya pagbalik ng kanyang ama ay ito ang tumanggap sa walang humpay na malalakas na palo na iginawad nito. Kasabay ng bawat paghampas ng kahoy sa katawan ay ang sigaw ng kanyang ina sa labis na sakit na natamo. Pag-alis ng kanyang ama ay nanghihinang humiga ang kanyang ina, puno ng pasa at dugo ang braso, hita at likod.

“Nay!” Humihingal na napabalikwas ng bangon si Miles. Napanaginipan na naman niya ang masalimoot na nakaraan nila ng kanyang ina. Ilang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang bangungot na iyon pero hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa diwa niya ang hirap at sakit na dinanas nila sa kamay ng kanyang ama.

Tumayo siya at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sliding door ng kanyang silid at hinawi ang kurtinang tumakip roon. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Sandali siyang nanatili sa terrace, ninamnam ang malamig na hangin ng gabi at pinagmasdan ang tahimik na paligid.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Kay layo na ng kanyang narating ngayon kung muling balikan ang kanyang karanasan noong bata pa. Mula sa tagpi-tagping yero at sako ng harina, ngayon ay may sarili na siyang bahay at condominium unit. Napaayos na rin niya ang bahay nila sa probinsya na siyang tinirhan ngayon ng kanyang ina. Kung dati ay pinagkasya nila ng kanyang ina ang isang toyo sa umaga at tanghali, minsan pa ay hindi makapaghapunan sa gabi, ngayon ay nabibili na niya lahat ng gusto nilang kainin na mag-ina. Lahat ng paghihirap na iyon ay dahil sa kanyang ama na hindi na nga nagbibigay ng panggastos, kinukuha pa ang kita ng kanyang nanay mula sa paglalabada para lang isugal at ipang-inum sa labas. Ang masaklap pa ay kapag lasing nang umuwi, sinasaktan silang dalawa ng kanyang ina.

Ilang taon nilang tiniis ang labis na kalupitan ng kanyang ama hanggang sa isang araw ay nagpaalam itong aalis. Tila nabunutan silang mag-ina ng tinik. Hindi na sila nagtanong pa rito sapagkat ng mga oras na iyon ay mas nangibabaw ang pananabik nilang mawala na ito nang tuluyan sa buhay nila ng kanyang ina. Sa mga kapitbahay pa nila napag-alamang sumama raw ito sa isang tao papunta ng Maynila.

Napangiti siya sa ala ala ng simpleng pagtulong niya sa ina sa pamamagitan ng paglalako ng turon sa buong baryo. Kahit sila na lang dalawa ng kanyang ina ay malaya at masaya na silang namuhay kapiling ang isa’t isa. Hikahos man sa pinansiyal na aspeto ay hindi naging hadlang iyon upang mamuhay sila nang matiwasay.

Gabi-gabi ay nag-aaral siyang maigi. Pinagsikapan niyang laging makakaakyat ang kanyang nanay sa stage. Hindi kasi matatawaran ang saya sa kanyang puso habang pinagmamasdan itong maluha-luha habang isinusuot sa kanyang leeg ang medalya tanda ng kanyang pagiging honor student. Ang kahirapan na kanilang dinanas ang nagtulak sa kanya upang bumuo ng pangarap para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Sa murang edad ay ipinangako niya sa sariling balang araw ay giginhawa rin ang buhay nilang dalawa.

Mula nang umalis ang kanyang ama ay wala na silang balita tungkol dito. Pinapasa-Diyos na lang niya kung saan man ito naroroon ngayon. 

Inubos niya ang laman ng baso at muling bumalik sa higaan.

Kaugnay na kabanata

  • Insane Agreement    CHAPTER 2

    Katatapos lang niyang mag-lunch break nang tawagan siya sa telepono ng kanilang Executive Director na si Sir Vince. Pinapaakyat siya sa opisina nito sapagkat may mahalaga raw itong sasabihin sa kan'ya. Mabilis ang kilos na tinungo niya ang elevator at pinindot ang numerong siyam. Nang marating niya ang palapag na kinaroroonan ng opisina nito ay agad niyang tinungo ang pinto na may nakapaskil na Executive Director's Office. Kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang siradura nang marinig ang sagot nito mula sa loob. Pagpasok niya ay nadatnan niya itong nakaupo sa harap ng computer.“Magandang umaga po, Bossing.” Nakasanayan na niyang tawagin itong gano’n, na siyang nais naman nito sapagkat ayaw nito ng masyadong pormal.Bahagya nitong itinaas ang tingin sa kan’ya at ngumiti. “Oh, ikaw pala iyan. Please have a sit, Arch Muñoz.” Arch for Architect. Umayos ito ng upo. "Salamat po.” Tumalima siya at umupo nang nakade-kwatro. Sa ganoong porma kasi siya komportable at hindi na rin siya n

    Huling Na-update : 2023-03-11
  • Insane Agreement    CHAPTER 3

    Nagsimula na silang magtrabaho. Tiniis niyang hindi ma-distract sa kagwapuhan nito. He's too catchy to be ignored yet she managed to keep her distance from him. Natawa pa siya dahil nagmukhang linta si Jemma sa kaaaligid dito. Minsan naman ay naiinis siya sa tuwing nagpakawala ito ng napakatamis na ngiti sapagkat nahihirapan siyang iiwas ang kanyang tingin lalo na sa mapula at mamasa-masa nitong labi.Her heart pounds so fast everytime he's near especially when she smells his manly scent. God knows how it drives her mind crazier. Naghuhurumentado naman ang puso niya sa mga pagkakataong inilalapit nito ang mukha sa kan’ya kapag may ipinapakita ito sa hawak na bondpapers. Tuloy, nadedemonyo ang kanyang isipan dahil hindi maiwasan ng kanyang mata na mapagawi sa kumikibot nitong labi.Nagliligpit na sila ng gamit nang magtanong ang assistant niya. “Miss Miles, saan tayo magdi-dinner mamaya?” “Doon na lang tayo sa sikat na beach dito, Jem. Ang alam ko maganda raw roon ‘pag gabi dahil may

    Huling Na-update : 2023-03-11
  • Insane Agreement    CHAPTER 4

    Dahan-dahan siyang tumingala sabay pakawala ng hilaw na ngiti na sa kanyang palagay ay nauwi pa nga yata sa ngiwi.“H-hi, Engr. Villafuente. Narito ka rin pala. Please have a seat!” Tang’na, huwag kang umupo! Ngunit nadismaya siya nang mabilis nitong inupuan ang isang silya na sa katabi pa talaga niya.“So glad na narito din pala kayo. At least hindi na pala ako mabo-boring habang umiinom.”‘Boring mong mukha mo! Sa bilis mong makadakma ng mga babae, mabo-boring ka pa sa lagay na iyon? Utot mo, Jeffry!’ “Same,” tanging sagot na lang niya. Paano ba siya makakaalis sa mesang ito ngayon? Habang nag-iisip kung paano makalalayas ay bigla na lamang nagpaalam si Jemma na may kukuyuging Afam. Halos sabunutan niya ito sa labis na inis. Ngayon ay obligado pa tuloy siyang samahan si Jeffry sa mesa kahit atat na atat siyang iwasan ito.“Good luck, Jem!” sigaw ni Jeffry sa assistant niya. Aba’y supportive din sa kalandian ang hinayupak na ‘to!Panay lang siya sa pag-inom. Wala rin siyang balak na

    Huling Na-update : 2023-03-11
  • Insane Agreement    CHAPTER 5

    Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang nagkakilala sila ni Jeffry pero sa inakto nito ay tila close na close na sila nito pati na kay Jemma. Napailing siya para sa sarili. Naiinis pa rin siya sa katotohanang unang araw at unang gabi pero nakuha na kaagad nito ang first kiss niya. Ang lalaking ito lang ang nakagagawang gibain ang pader na kanyang ginawa sa loob ng ilang taon para sa mga lalaki. For the first time.‘Pambihira ka, Miles. Ang rupok mo, ‘di mo man lang sinampal nang makabawi ka man lang sa dignidad mo,’ lihim niyang kastigo sa sarili. Pero paano nga ba niya magagawa ang litanya ng kanyang utak gayung sarap na sarap nga siya at nalulunod sa galing ng lalaking iyon na humalik? Idagdag pa ang kakaibang karisma na taglay nito.Jeffry is quiet good in talking and negotiating people. His jolly movements and sweet reactions specially his smile makes it all perfect. Gaya ngayon, lihim niyang binantayan ang bawat galaw nito habang masayang kinakausap ang assistant niya. Watching

    Huling Na-update : 2023-06-18
  • Insane Agreement    CHAPTER 6

    Isang nakakapagod na araw iyon para kay Miles. Pagkauwi niya galing sa trabaho ay agad niyang ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan at nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Nag-aagaw na gutom at antok ang kanyang naramdaman nang sa wakas ay nakapag-relax na siya. Gustuhin man niyang tumayo para magpalit ng damit ay ‘di na niya magawa dahil sa pagkawili sa malambot na higaan. Pati mata niya ay halos ayaw na ring dumilat. Dahil sa labis na init kanina sa site ay tila naubos ang buong lakas niya, pati ang kanyang balat ay nanghahapdi rin kahit pa nakasuot siya ng sweatshirt at hard hat kanina. Mabuti na lang at Sabado bukas dahil walang pasok. Makakapag-relax na rin siya sa wakas.‘Saan kaya ako gagala bukas?’ pikit-matang tanong niya sa isipan. Sandali siyang nag-isip ng lugar na pwedeng pasyalan hangggang sa may naalala siyang sikat na tourist destination. “Alam ko na!” bigla niyang bulalas. Napapitik pa siya sa hangin dahil sa ideyang biglang nabuo sa kanyang isipan

    Huling Na-update : 2023-06-18
  • Insane Agreement    CHAPTER 7

    Pagka-park niya ng kanyang sasakyan ay lumabas na rin siya at nagbayad kaagad ng entrance fee. Pumasok siya at agad na inilibot ang paningin sa lugar. Hindi niya mapigilang mamangha at mapangiti. The place is very therapeutic. Ngayon pa lang ay napagaan na nito ang kanyang pakiramdam. Ilang metro mula nang siya’y nakapasok ay sinalubong na kaagad siya ng mini restaurant na halos lahat ay gawa sa kahoy at bamboo ang mga kagamitan na tila ba classic ang tema ng mga ito. May iilang tao na ring nakaupo roon habang nag-a-almusal. Nilagpasan niya ang mini restaurant at nagmasid-masid pa sa paligid hanggang sa naagaw ng kanyang tingin ang kanang parte na may mga nakatanim na pine trees. Napangiti tuloy siya nang maalala ang Baguio. Batid niyang maganda ang parteng iyon para sa picture taking. Sa kabilang bahagi naman ay may iba't ibang Disney characters at iilang mga hayop na gawa sa bato, saktong sakto para sa mga bata. Halata pa sa mukha ng mga bata ang pagka-enjoy habang sinasakyan ang m

    Huling Na-update : 2023-06-18
  • Insane Agreement    CHAPTER 8

    Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay dumiretso ang mga mata niya sa mga babaeng nasa likod. Saka lang niya napansin ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa kasama niya. Sino ba naman kasing hindi mahuhumaling sa kanyang kausap? Gwapo na nga, ang ganda pa ng pangangatawan.Muli niyang naalala na hindi pa pala nito nasagot ang tanong niya kanina kaya muli niya itong tinanong. Kasalanan talaga ito ni Jeffry, masyadong epal ang mokong na iyon kasi.“I’m sorry. Nasaan na nga ulit tayo?” ani niyang inisip ang huli nilang pinag-usapan hanggang sa maalala na nga niya. “Ah! Naaalala ko na. Bakit ka nga rin pala narito sa Bohol? Namamasyal or dito ka na rin namalagi? Ang galing mo na kasing magtagalog, eh.” Mahina itong tumawa na tila ba nagdulot ng kiliti sa kanyang mga tainga. “Alam mo, natutuwa ako sa iyo, honestly. Didn’t you notice that you repeated what I asked to you earlier?” malawak ang ngiti nitong sabi sa kan’ya kaya sandali siyang napamaang. Nang luminaw sa kanyang isipan ang ib

    Huling Na-update : 2023-08-22
  • Insane Agreement    CHAPTER 9

    Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton.Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hindi siya matutunton nito ngayon. Ang pagmumukhang iyon pa ba na halatang allergy sa mga simbahan? Kung sa bars siguro ay kaya siya nitong i-trace pero sa mga ganitong klaseng lugar ay talagang malabo. Ka

    Huling Na-update : 2023-08-22

Pinakabagong kabanata

  • Insane Agreement    CHAPTER 13

    Alas otso na ng gabi at kasalukuyan silang nanunuod ng telebisyon ni Jemma sa sala nang biglang tumunog ang door bell. Mabilis namang tumayo si Jemma upang silipin kung sino ang nasa labas. Rinig niya mula sa kinauupuang sofa ang malakas na boses nito sa labas na halatang nasorpresa sa taong napagbuksan ng gate.Lihim siyang napangisi. Ito ang plano niya bilang pambawi kay Jeffry. Pinagbigyan niya ito sa request nitong bonding nilang tatlo at dahil matalino siya ay sa apartment nila ito gagawin. Siguro naman ay wala nang rason si Jemma upang makaalis o maisahan siya sa pagkakataong ito."Hi! Bumili na ako ng mga ito para hindi na tayo lalabas pagdating ko rito," bati sa kan'ya ni Jeffry at ipinakita ang bitbit nitong plastic na may laman ng mga bote ng alak at iilang mga junk foods bilang pulutan."Boyscout na boyscout tayo ngayon, ah!" sagot niya rito nang nakangiti. "Kumain ka na?" tanong naman niya. Baka kasi sasalang ito sa inuman nang walang laman ang tiyan. May tira pa naman sil

  • Insane Agreement    CHAPTER 12

    Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang pagpitik ng kanyang pulso nang huminto ito sa kanyang tagiliran, kaya ang resulta ay patagilid din siyang nakatingala kay Jeffry habang maang na nakamasid sa ikinikilos nito.Mas lalo siyang nangilabot nang yumuko ito habang itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang lamesa. Nang mapantayan ang kanyang mukha ay mariin siyang tinitigan nito kaya bahagya siyang nailang sa lapit ng kanilang mga mukha."T-teka lang, pag-usapan natin nang maayos 'to." Kabado at nauutal niyang reklamo sa kaibigan. Hindi na niya mawari ang sarili kung bakit ba iyon ang kanyang nasabi. Hanggang sa nanigas na ang kanyang leeg sa mga oras na iyon dahil sa pagpilit niyang iatras ang kanyang ulo upang mas lumawak pa ang distansya ng kanilang mga mukha. "Are you mad at me? As far as I can remember, wala naman yata akong ginawang kasalanan sa iyo kanina."Sandali siya nitong tinitigan sa mga mata na lalong mas nagpailang sa kan'ya. Pagkaraan ng ilang segundo ay b

  • Insane Agreement    CHAPTER 11

    Magdadalawang linggo nang hindi nakakapunta sa site si Miles dahil sa opisina lamang siya namamalagi. May nais kasing ipadagdag ang kliyente nila sa outside structure ng building at sa interior nito na siyang tinutukan niya. Sandaling nakalimutan niya ang taong halos buong araw na nakikita niya noon at panay na nangungulit sa kan'ya na si Jeffry."Break time na muna, madam!" pukaw sa kan'ya ni Jemma na noo'y nakatayo na pala sa kanyang tagiliran ng hindi niya namamalayan na lumapit pala sabay tapik sa kanyang balikat. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at diretsang itinuon ang mga mata sa kulay puti at hugis bilog na wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding na nasa kanyang harapan mismo. Saka lamang niya napagtanto na alas-onse y medya na pala."Oy! Lunch break na naman? Ang bilis ng oras, ah! Parang kakakain lang natin kanina tapos ngayon ay kakain na naman ulit." Tumayo siya at nag-inat lalo na sa nangangawit niyang likod at batok."Sino bang makakapansin sa ora

  • Insane Agreement    CHAPTER 10

    Nakangiting pinagmasdan ni Miles ang ibinigay kanina ni Jeffry sa kanya na bracelet habang komportable siyang nakahiga sa kama. Hindi niya lubos akalain na maging siya ay naisip nitong bilhan niyon at ang mas nakakagulat pa ay siya ang naisipan nitong bigyan ng kapareha nito. Maliit, simple, at mura lamang iyon pero napakahalaga na para sa kan'ya ang ibinigay nito. Sabi nga nila, "It's the thought that counts". Ito ang kauna-unahang bagay na naibigay ni Jeffry sa kan'ya kaya pahahalagahan niya ito lalo pa't batid niyang walang kasiguruhan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagkakaibigan. Pinakamatagal na kasi ang sampung buwan ng kanilang pagtatrabaho na magkasama at kapag natapos na ang kanilang proyekto ay babalik na naman sila sa dati, balik trabaho na naman sa Maynila at muling itatapon sa lugar kung saan nakaabang ang susunod naman niyang assignment."Hala, hala! Ang ngiti mo, dai. Mapupunit na ang bibig sa lapad ng pagkangisi mo habang tinitigan ang accesory na iyan. Pati

  • Insane Agreement    CHAPTER 9

    Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton.Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hindi siya matutunton nito ngayon. Ang pagmumukhang iyon pa ba na halatang allergy sa mga simbahan? Kung sa bars siguro ay kaya siya nitong i-trace pero sa mga ganitong klaseng lugar ay talagang malabo. Ka

  • Insane Agreement    CHAPTER 8

    Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay dumiretso ang mga mata niya sa mga babaeng nasa likod. Saka lang niya napansin ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa kasama niya. Sino ba naman kasing hindi mahuhumaling sa kanyang kausap? Gwapo na nga, ang ganda pa ng pangangatawan.Muli niyang naalala na hindi pa pala nito nasagot ang tanong niya kanina kaya muli niya itong tinanong. Kasalanan talaga ito ni Jeffry, masyadong epal ang mokong na iyon kasi.“I’m sorry. Nasaan na nga ulit tayo?” ani niyang inisip ang huli nilang pinag-usapan hanggang sa maalala na nga niya. “Ah! Naaalala ko na. Bakit ka nga rin pala narito sa Bohol? Namamasyal or dito ka na rin namalagi? Ang galing mo na kasing magtagalog, eh.” Mahina itong tumawa na tila ba nagdulot ng kiliti sa kanyang mga tainga. “Alam mo, natutuwa ako sa iyo, honestly. Didn’t you notice that you repeated what I asked to you earlier?” malawak ang ngiti nitong sabi sa kan’ya kaya sandali siyang napamaang. Nang luminaw sa kanyang isipan ang ib

  • Insane Agreement    CHAPTER 7

    Pagka-park niya ng kanyang sasakyan ay lumabas na rin siya at nagbayad kaagad ng entrance fee. Pumasok siya at agad na inilibot ang paningin sa lugar. Hindi niya mapigilang mamangha at mapangiti. The place is very therapeutic. Ngayon pa lang ay napagaan na nito ang kanyang pakiramdam. Ilang metro mula nang siya’y nakapasok ay sinalubong na kaagad siya ng mini restaurant na halos lahat ay gawa sa kahoy at bamboo ang mga kagamitan na tila ba classic ang tema ng mga ito. May iilang tao na ring nakaupo roon habang nag-a-almusal. Nilagpasan niya ang mini restaurant at nagmasid-masid pa sa paligid hanggang sa naagaw ng kanyang tingin ang kanang parte na may mga nakatanim na pine trees. Napangiti tuloy siya nang maalala ang Baguio. Batid niyang maganda ang parteng iyon para sa picture taking. Sa kabilang bahagi naman ay may iba't ibang Disney characters at iilang mga hayop na gawa sa bato, saktong sakto para sa mga bata. Halata pa sa mukha ng mga bata ang pagka-enjoy habang sinasakyan ang m

  • Insane Agreement    CHAPTER 6

    Isang nakakapagod na araw iyon para kay Miles. Pagkauwi niya galing sa trabaho ay agad niyang ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan at nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Nag-aagaw na gutom at antok ang kanyang naramdaman nang sa wakas ay nakapag-relax na siya. Gustuhin man niyang tumayo para magpalit ng damit ay ‘di na niya magawa dahil sa pagkawili sa malambot na higaan. Pati mata niya ay halos ayaw na ring dumilat. Dahil sa labis na init kanina sa site ay tila naubos ang buong lakas niya, pati ang kanyang balat ay nanghahapdi rin kahit pa nakasuot siya ng sweatshirt at hard hat kanina. Mabuti na lang at Sabado bukas dahil walang pasok. Makakapag-relax na rin siya sa wakas.‘Saan kaya ako gagala bukas?’ pikit-matang tanong niya sa isipan. Sandali siyang nag-isip ng lugar na pwedeng pasyalan hangggang sa may naalala siyang sikat na tourist destination. “Alam ko na!” bigla niyang bulalas. Napapitik pa siya sa hangin dahil sa ideyang biglang nabuo sa kanyang isipan

  • Insane Agreement    CHAPTER 5

    Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang nagkakilala sila ni Jeffry pero sa inakto nito ay tila close na close na sila nito pati na kay Jemma. Napailing siya para sa sarili. Naiinis pa rin siya sa katotohanang unang araw at unang gabi pero nakuha na kaagad nito ang first kiss niya. Ang lalaking ito lang ang nakagagawang gibain ang pader na kanyang ginawa sa loob ng ilang taon para sa mga lalaki. For the first time.‘Pambihira ka, Miles. Ang rupok mo, ‘di mo man lang sinampal nang makabawi ka man lang sa dignidad mo,’ lihim niyang kastigo sa sarili. Pero paano nga ba niya magagawa ang litanya ng kanyang utak gayung sarap na sarap nga siya at nalulunod sa galing ng lalaking iyon na humalik? Idagdag pa ang kakaibang karisma na taglay nito.Jeffry is quiet good in talking and negotiating people. His jolly movements and sweet reactions specially his smile makes it all perfect. Gaya ngayon, lihim niyang binantayan ang bawat galaw nito habang masayang kinakausap ang assistant niya. Watching

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status