Insane Agreement
Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya?
Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy.
"What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso.
"Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang."
"You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.
Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya.
"Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba.
Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki.
"Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
Basahin
Chapter: CHAPTER 13Alas otso na ng gabi at kasalukuyan silang nanunuod ng telebisyon ni Jemma sa sala nang biglang tumunog ang door bell. Mabilis namang tumayo si Jemma upang silipin kung sino ang nasa labas. Rinig niya mula sa kinauupuang sofa ang malakas na boses nito sa labas na halatang nasorpresa sa taong napagbuksan ng gate.Lihim siyang napangisi. Ito ang plano niya bilang pambawi kay Jeffry. Pinagbigyan niya ito sa request nitong bonding nilang tatlo at dahil matalino siya ay sa apartment nila ito gagawin. Siguro naman ay wala nang rason si Jemma upang makaalis o maisahan siya sa pagkakataong ito."Hi! Bumili na ako ng mga ito para hindi na tayo lalabas pagdating ko rito," bati sa kan'ya ni Jeffry at ipinakita ang bitbit nitong plastic na may laman ng mga bote ng alak at iilang mga junk foods bilang pulutan."Boyscout na boyscout tayo ngayon, ah!" sagot niya rito nang nakangiti. "Kumain ka na?" tanong naman niya. Baka kasi sasalang ito sa inuman nang walang laman ang tiyan. May tira pa naman sil
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: CHAPTER 12Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang pagpitik ng kanyang pulso nang huminto ito sa kanyang tagiliran, kaya ang resulta ay patagilid din siyang nakatingala kay Jeffry habang maang na nakamasid sa ikinikilos nito.Mas lalo siyang nangilabot nang yumuko ito habang itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang lamesa. Nang mapantayan ang kanyang mukha ay mariin siyang tinitigan nito kaya bahagya siyang nailang sa lapit ng kanilang mga mukha."T-teka lang, pag-usapan natin nang maayos 'to." Kabado at nauutal niyang reklamo sa kaibigan. Hindi na niya mawari ang sarili kung bakit ba iyon ang kanyang nasabi. Hanggang sa nanigas na ang kanyang leeg sa mga oras na iyon dahil sa pagpilit niyang iatras ang kanyang ulo upang mas lumawak pa ang distansya ng kanilang mga mukha. "Are you mad at me? As far as I can remember, wala naman yata akong ginawang kasalanan sa iyo kanina."Sandali siya nitong tinitigan sa mga mata na lalong mas nagpailang sa kan'ya. Pagkaraan ng ilang segundo ay b
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: CHAPTER 11Magdadalawang linggo nang hindi nakakapunta sa site si Miles dahil sa opisina lamang siya namamalagi. May nais kasing ipadagdag ang kliyente nila sa outside structure ng building at sa interior nito na siyang tinutukan niya. Sandaling nakalimutan niya ang taong halos buong araw na nakikita niya noon at panay na nangungulit sa kan'ya na si Jeffry."Break time na muna, madam!" pukaw sa kan'ya ni Jemma na noo'y nakatayo na pala sa kanyang tagiliran ng hindi niya namamalayan na lumapit pala sabay tapik sa kanyang balikat. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at diretsang itinuon ang mga mata sa kulay puti at hugis bilog na wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding na nasa kanyang harapan mismo. Saka lamang niya napagtanto na alas-onse y medya na pala."Oy! Lunch break na naman? Ang bilis ng oras, ah! Parang kakakain lang natin kanina tapos ngayon ay kakain na naman ulit." Tumayo siya at nag-inat lalo na sa nangangawit niyang likod at batok."Sino bang makakapansin sa ora
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: CHAPTER 10Nakangiting pinagmasdan ni Miles ang ibinigay kanina ni Jeffry sa kanya na bracelet habang komportable siyang nakahiga sa kama. Hindi niya lubos akalain na maging siya ay naisip nitong bilhan niyon at ang mas nakakagulat pa ay siya ang naisipan nitong bigyan ng kapareha nito. Maliit, simple, at mura lamang iyon pero napakahalaga na para sa kan'ya ang ibinigay nito. Sabi nga nila, "It's the thought that counts". Ito ang kauna-unahang bagay na naibigay ni Jeffry sa kan'ya kaya pahahalagahan niya ito lalo pa't batid niyang walang kasiguruhan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagkakaibigan. Pinakamatagal na kasi ang sampung buwan ng kanilang pagtatrabaho na magkasama at kapag natapos na ang kanilang proyekto ay babalik na naman sila sa dati, balik trabaho na naman sa Maynila at muling itatapon sa lugar kung saan nakaabang ang susunod naman niyang assignment."Hala, hala! Ang ngiti mo, dai. Mapupunit na ang bibig sa lapad ng pagkangisi mo habang tinitigan ang accesory na iyan. Pati
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: CHAPTER 9Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton.Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hindi siya matutunton nito ngayon. Ang pagmumukhang iyon pa ba na halatang allergy sa mga simbahan? Kung sa bars siguro ay kaya siya nitong i-trace pero sa mga ganitong klaseng lugar ay talagang malabo. Ka
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: CHAPTER 8Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay dumiretso ang mga mata niya sa mga babaeng nasa likod. Saka lang niya napansin ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa kasama niya. Sino ba naman kasing hindi mahuhumaling sa kanyang kausap? Gwapo na nga, ang ganda pa ng pangangatawan.Muli niyang naalala na hindi pa pala nito nasagot ang tanong niya kanina kaya muli niya itong tinanong. Kasalanan talaga ito ni Jeffry, masyadong epal ang mokong na iyon kasi.“I’m sorry. Nasaan na nga ulit tayo?” ani niyang inisip ang huli nilang pinag-usapan hanggang sa maalala na nga niya. “Ah! Naaalala ko na. Bakit ka nga rin pala narito sa Bohol? Namamasyal or dito ka na rin namalagi? Ang galing mo na kasing magtagalog, eh.” Mahina itong tumawa na tila ba nagdulot ng kiliti sa kanyang mga tainga. “Alam mo, natutuwa ako sa iyo, honestly. Didn’t you notice that you repeated what I asked to you earlier?” malawak ang ngiti nitong sabi sa kan’ya kaya sandali siyang napamaang. Nang luminaw sa kanyang isipan ang ib
Huling Na-update: 2023-08-22