Katatapos lang niyang mag-lunch break nang tawagan siya sa telepono ng kanilang Executive Director na si Sir Vince. Pinapaakyat siya sa opisina nito sapagkat may mahalaga raw itong sasabihin sa kan'ya. Mabilis ang kilos na tinungo niya ang elevator at pinindot ang numerong siyam.
Nang marating niya ang palapag na kinaroroonan ng opisina nito ay agad niyang tinungo ang pinto na may nakapaskil na Executive Director's Office. Kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang siradura nang marinig ang sagot nito mula sa loob. Pagpasok niya ay nadatnan niya itong nakaupo sa harap ng computer.
“Magandang umaga po, Bossing.” Nakasanayan na niyang tawagin itong gano’n, na siyang nais naman nito sapagkat ayaw nito ng masyadong pormal.
Bahagya nitong itinaas ang tingin sa kan’ya at ngumiti. “Oh, ikaw pala iyan. Please have a sit, Arch Muñoz.” Arch for Architect. Umayos ito ng upo.
"Salamat po.” Tumalima siya at umupo nang nakade-kwatro. Sa ganoong porma kasi siya komportable at hindi na rin siya nag-iilang dahil sanay na ang mga tao sa galaw niyang astigan, lalo na itong taong kaharap niya ngayon.
“I just want to inform you about the next project assigned to you. It'll gonna be far from here but sure enough to capture your excitement since the location is in Bohol. So close to your province,” nakangiti nitong saad.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
“Talaga, Bossing? Yes!” Sa sobrang saya niya ay naisuntok niya kanang kamao sa ere. Narinig niya ang pagtawa ng kausap at naaaliw na pinagmasdan siya. “Thank you po nang sobra!” Tuwang-tuwa siya sapagkat mabibisita na rin niya sa wakas ang kanyang nanay anumang oras.
Tumango ito. Ilang detalye pa ng proyekto ang kanilang pinag-usapan.
“So, I guess you are very much ready to visit the site. Better start preparing your needed equipments now with your assistant and ring me a bell if everything is all set.”
“I will, Bossing. Mauna na po ako.” Tumayo na siya at akmang tatalikod nang muli itong magsalita. “By the way, Miles. You will be working with the COO of J&J Engineering, si Engr. Villafuente. Pero hindi kayo magkakasabay sa paglipad pa-Bohol. Baka sa site na lang kayo magkikita. And I must warn you to be vigilant. Nangangagat kasi iyon, lalo na sa mga dalagang kasing ganda at seksi mo,” biro ng kwarenta anyos na lalaki na sinabayan ng pagtawa.
“Basta ba hindi bampira at walang rabis, Bossing, walang problema sa akin,” sakay niya sa biro nito. ‘Di nagtagal ay nagpaalam na siya.
Habang naglalakad ay napailing siya sa huling sinabi nito.
'Kung kasing gwapo at hot ba ni Jamie Dornan ang engineer na iyon ay kahit ako pa ang luluhod upang magpakagat,' pilyang saad ng isip niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang pagngisi.Pagkalipas ng tatlong araw ay lumipad na sila sa Bohol at narating ang site. It took her two days to prepare the materials needed. Pagdating nila ng site ay sila pa lang tatlo ng foreman at ng assistant niyang si Jema, ang babaeng bersiyon ngunit Jimmy sa totoong buhay. Sinipat muna niya ang area at nang magsawa ay umupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga.
"Jemma, ano na? Na-contact mo na ba ang paespesyal na mokong na iyon? Aba'y magdadalawang oras na tayong naghihintay rito, ah!” Malapit nang uminit ang ulo niya sa tagal ng engineer.
“Oo nga po, ma’am, eh. Kanina ko pa nga rin po tinatawagan si sir pero hindi sumasagot,” segunda naman ng foreman.
“Hay naku, Arch. Kapag iyon talaga hindi darating in thirty minutes, paniguradong tatadtarin ko siya ng halik mula sa ulo hanggang sa mga daliri niya sa paa!”
“Yucks! Kadiri ka. Pano kung nakatapak pala ‘yon ng ipot? ‘Di magmistula pang vacuum iyang bibig mo!” Minsan talaga ay dinadaig ng baklang ito ang mahalay niyang utak.
“Okay lang basta malaki at matigas 'yong kan’ya, 'yung braso I mean. Ay!" ani nitong tumili nang pagkalandi-landi.
Napailing na lang siya at tumawa dahil sa itsura nito. Agad silang natigilan nang isang baritonong boses ang biglang nagsalita sa kanilang likuran.
“Therefore, I must apologize ngayon pa lang dahil five minutes mula nang sabihin mo iyon ay nakarating na ako.” Mababa ang boses nito. Hindi niya alam kung natuwa ba ito o nairita dahil sa takbo ng kanilang usapan patungkol dito.
Magkasabay silang tatlo na lumingon upang tingnan ang may-ari ng boses na iyon. Her heart jumped when she saw the jaw-dropping complexion in front of her. So manly, from his broad shoulders down to his wide hips, back to his pompadour hairstyle, sharp jaw, and angular cheekbones. Hindi niya makita ang mata nito dahil sa nakatakip na tinted shades. Ang matangos nitong ilong ay mas nakadagdag sa kagwapuhan ng lalaki.Habang tinititigan niya ito ay nagsimula na namang gumana ang kapilyahan ng kanyang utak.
‘Dios ko po, Miles. Kay gwapong nilalang naman nitong nasa harap mo. Makalaglag panty, Inday! But I think it would be better if he looked down for a second, pour himself a drink, and bring the alcohol into his lips using his index finger and gaze at me seductively.’
“Sir! Kayo na po pala ‘yan. Mabuti naman po at dumating na kayo. Kanina pa po kasi kami naghihintay rito kaya kung anu-ano na po ang pinagsasabi nitong si Jemma.”
Mas lalo pa siyang natulala nang dahan-dahan nitong inalis ang shades na nakatakip sa mata nito. Nagmistulang nag-slow motion ang paligid.
“Pasensya pala kung pinaghintay ko kayo rito. May importanteng bagay lang kasi akong dinaanan. I'm Jeffry Villafuente by the way.” Inilahad nito ang kamay na agad din namang tinanggap ng foreman. Pagkatapos ay kay Jemma na halatang tulala pa. Pagkatapos ay itinuon nito ang tingin sa kan’ya… nang matagal. Mula sa mukha ay ibinaba nito ang tingin sa kanyang katawan, specifically sa dibdib pababa sa beywang hanggang sa paa at pabalik. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang.
“Miles Muñoz.” Ginawa niyang pormal ang tono at pagsasalita.
Ngumiti ito kaya nahantad ang maputi at pantay nitong ngipin. Kasabay ng magandang arko ng labi ay siya ring pagngiti ng mga mata nito.
‘Diyos ko pong mahabagin, bakit n’yo naman po ako binigyan ng kasamang engkanto rito? Paano pa po ako makakapagtrabaho nang maayos kung ganito ka sagabal sa mata ang makikita ko sa araw-araw?’ litanya ng isipan niya.
Sumilay ang ngiti sa gilid ng labi nito. “Then, you must be Miles the architect, right?”
Tumango siya. “I am.” Binitiwan niya agad ang kamay na hawak nito at mabilis na tumalikod. Kailangan niyang itago ang kanyang reaksyon baka isipin nitong pinagpapantasyahan niya ito. Well, slight lang naman.
“Okay. Let’s start,” narinig niyang sabi nito mula sa kanyang likuran.
Nagsimula na silang magtrabaho. Tiniis niyang hindi ma-distract sa kagwapuhan nito. He's too catchy to be ignored yet she managed to keep her distance from him. Natawa pa siya dahil nagmukhang linta si Jemma sa kaaaligid dito. Minsan naman ay naiinis siya sa tuwing nagpakawala ito ng napakatamis na ngiti sapagkat nahihirapan siyang iiwas ang kanyang tingin lalo na sa mapula at mamasa-masa nitong labi.Her heart pounds so fast everytime he's near especially when she smells his manly scent. God knows how it drives her mind crazier. Naghuhurumentado naman ang puso niya sa mga pagkakataong inilalapit nito ang mukha sa kan’ya kapag may ipinapakita ito sa hawak na bondpapers. Tuloy, nadedemonyo ang kanyang isipan dahil hindi maiwasan ng kanyang mata na mapagawi sa kumikibot nitong labi.Nagliligpit na sila ng gamit nang magtanong ang assistant niya. “Miss Miles, saan tayo magdi-dinner mamaya?” “Doon na lang tayo sa sikat na beach dito, Jem. Ang alam ko maganda raw roon ‘pag gabi dahil may
Dahan-dahan siyang tumingala sabay pakawala ng hilaw na ngiti na sa kanyang palagay ay nauwi pa nga yata sa ngiwi.“H-hi, Engr. Villafuente. Narito ka rin pala. Please have a seat!” Tang’na, huwag kang umupo! Ngunit nadismaya siya nang mabilis nitong inupuan ang isang silya na sa katabi pa talaga niya.“So glad na narito din pala kayo. At least hindi na pala ako mabo-boring habang umiinom.”‘Boring mong mukha mo! Sa bilis mong makadakma ng mga babae, mabo-boring ka pa sa lagay na iyon? Utot mo, Jeffry!’ “Same,” tanging sagot na lang niya. Paano ba siya makakaalis sa mesang ito ngayon? Habang nag-iisip kung paano makalalayas ay bigla na lamang nagpaalam si Jemma na may kukuyuging Afam. Halos sabunutan niya ito sa labis na inis. Ngayon ay obligado pa tuloy siyang samahan si Jeffry sa mesa kahit atat na atat siyang iwasan ito.“Good luck, Jem!” sigaw ni Jeffry sa assistant niya. Aba’y supportive din sa kalandian ang hinayupak na ‘to!Panay lang siya sa pag-inom. Wala rin siyang balak na
Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang nagkakilala sila ni Jeffry pero sa inakto nito ay tila close na close na sila nito pati na kay Jemma. Napailing siya para sa sarili. Naiinis pa rin siya sa katotohanang unang araw at unang gabi pero nakuha na kaagad nito ang first kiss niya. Ang lalaking ito lang ang nakagagawang gibain ang pader na kanyang ginawa sa loob ng ilang taon para sa mga lalaki. For the first time.‘Pambihira ka, Miles. Ang rupok mo, ‘di mo man lang sinampal nang makabawi ka man lang sa dignidad mo,’ lihim niyang kastigo sa sarili. Pero paano nga ba niya magagawa ang litanya ng kanyang utak gayung sarap na sarap nga siya at nalulunod sa galing ng lalaking iyon na humalik? Idagdag pa ang kakaibang karisma na taglay nito.Jeffry is quiet good in talking and negotiating people. His jolly movements and sweet reactions specially his smile makes it all perfect. Gaya ngayon, lihim niyang binantayan ang bawat galaw nito habang masayang kinakausap ang assistant niya. Watching
Isang nakakapagod na araw iyon para kay Miles. Pagkauwi niya galing sa trabaho ay agad niyang ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan at nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Nag-aagaw na gutom at antok ang kanyang naramdaman nang sa wakas ay nakapag-relax na siya. Gustuhin man niyang tumayo para magpalit ng damit ay ‘di na niya magawa dahil sa pagkawili sa malambot na higaan. Pati mata niya ay halos ayaw na ring dumilat. Dahil sa labis na init kanina sa site ay tila naubos ang buong lakas niya, pati ang kanyang balat ay nanghahapdi rin kahit pa nakasuot siya ng sweatshirt at hard hat kanina. Mabuti na lang at Sabado bukas dahil walang pasok. Makakapag-relax na rin siya sa wakas.‘Saan kaya ako gagala bukas?’ pikit-matang tanong niya sa isipan. Sandali siyang nag-isip ng lugar na pwedeng pasyalan hangggang sa may naalala siyang sikat na tourist destination. “Alam ko na!” bigla niyang bulalas. Napapitik pa siya sa hangin dahil sa ideyang biglang nabuo sa kanyang isipan
Pagka-park niya ng kanyang sasakyan ay lumabas na rin siya at nagbayad kaagad ng entrance fee. Pumasok siya at agad na inilibot ang paningin sa lugar. Hindi niya mapigilang mamangha at mapangiti. The place is very therapeutic. Ngayon pa lang ay napagaan na nito ang kanyang pakiramdam. Ilang metro mula nang siya’y nakapasok ay sinalubong na kaagad siya ng mini restaurant na halos lahat ay gawa sa kahoy at bamboo ang mga kagamitan na tila ba classic ang tema ng mga ito. May iilang tao na ring nakaupo roon habang nag-a-almusal. Nilagpasan niya ang mini restaurant at nagmasid-masid pa sa paligid hanggang sa naagaw ng kanyang tingin ang kanang parte na may mga nakatanim na pine trees. Napangiti tuloy siya nang maalala ang Baguio. Batid niyang maganda ang parteng iyon para sa picture taking. Sa kabilang bahagi naman ay may iba't ibang Disney characters at iilang mga hayop na gawa sa bato, saktong sakto para sa mga bata. Halata pa sa mukha ng mga bata ang pagka-enjoy habang sinasakyan ang m
Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay dumiretso ang mga mata niya sa mga babaeng nasa likod. Saka lang niya napansin ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa kasama niya. Sino ba naman kasing hindi mahuhumaling sa kanyang kausap? Gwapo na nga, ang ganda pa ng pangangatawan.Muli niyang naalala na hindi pa pala nito nasagot ang tanong niya kanina kaya muli niya itong tinanong. Kasalanan talaga ito ni Jeffry, masyadong epal ang mokong na iyon kasi.“I’m sorry. Nasaan na nga ulit tayo?” ani niyang inisip ang huli nilang pinag-usapan hanggang sa maalala na nga niya. “Ah! Naaalala ko na. Bakit ka nga rin pala narito sa Bohol? Namamasyal or dito ka na rin namalagi? Ang galing mo na kasing magtagalog, eh.” Mahina itong tumawa na tila ba nagdulot ng kiliti sa kanyang mga tainga. “Alam mo, natutuwa ako sa iyo, honestly. Didn’t you notice that you repeated what I asked to you earlier?” malawak ang ngiti nitong sabi sa kan’ya kaya sandali siyang napamaang. Nang luminaw sa kanyang isipan ang ib
Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton.Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hindi siya matutunton nito ngayon. Ang pagmumukhang iyon pa ba na halatang allergy sa mga simbahan? Kung sa bars siguro ay kaya siya nitong i-trace pero sa mga ganitong klaseng lugar ay talagang malabo. Ka
Nakangiting pinagmasdan ni Miles ang ibinigay kanina ni Jeffry sa kanya na bracelet habang komportable siyang nakahiga sa kama. Hindi niya lubos akalain na maging siya ay naisip nitong bilhan niyon at ang mas nakakagulat pa ay siya ang naisipan nitong bigyan ng kapareha nito. Maliit, simple, at mura lamang iyon pero napakahalaga na para sa kan'ya ang ibinigay nito. Sabi nga nila, "It's the thought that counts". Ito ang kauna-unahang bagay na naibigay ni Jeffry sa kan'ya kaya pahahalagahan niya ito lalo pa't batid niyang walang kasiguruhan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagkakaibigan. Pinakamatagal na kasi ang sampung buwan ng kanilang pagtatrabaho na magkasama at kapag natapos na ang kanilang proyekto ay babalik na naman sila sa dati, balik trabaho na naman sa Maynila at muling itatapon sa lugar kung saan nakaabang ang susunod naman niyang assignment."Hala, hala! Ang ngiti mo, dai. Mapupunit na ang bibig sa lapad ng pagkangisi mo habang tinitigan ang accesory na iyan. Pati
Alas otso na ng gabi at kasalukuyan silang nanunuod ng telebisyon ni Jemma sa sala nang biglang tumunog ang door bell. Mabilis namang tumayo si Jemma upang silipin kung sino ang nasa labas. Rinig niya mula sa kinauupuang sofa ang malakas na boses nito sa labas na halatang nasorpresa sa taong napagbuksan ng gate.Lihim siyang napangisi. Ito ang plano niya bilang pambawi kay Jeffry. Pinagbigyan niya ito sa request nitong bonding nilang tatlo at dahil matalino siya ay sa apartment nila ito gagawin. Siguro naman ay wala nang rason si Jemma upang makaalis o maisahan siya sa pagkakataong ito."Hi! Bumili na ako ng mga ito para hindi na tayo lalabas pagdating ko rito," bati sa kan'ya ni Jeffry at ipinakita ang bitbit nitong plastic na may laman ng mga bote ng alak at iilang mga junk foods bilang pulutan."Boyscout na boyscout tayo ngayon, ah!" sagot niya rito nang nakangiti. "Kumain ka na?" tanong naman niya. Baka kasi sasalang ito sa inuman nang walang laman ang tiyan. May tira pa naman sil
Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang pagpitik ng kanyang pulso nang huminto ito sa kanyang tagiliran, kaya ang resulta ay patagilid din siyang nakatingala kay Jeffry habang maang na nakamasid sa ikinikilos nito.Mas lalo siyang nangilabot nang yumuko ito habang itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang lamesa. Nang mapantayan ang kanyang mukha ay mariin siyang tinitigan nito kaya bahagya siyang nailang sa lapit ng kanilang mga mukha."T-teka lang, pag-usapan natin nang maayos 'to." Kabado at nauutal niyang reklamo sa kaibigan. Hindi na niya mawari ang sarili kung bakit ba iyon ang kanyang nasabi. Hanggang sa nanigas na ang kanyang leeg sa mga oras na iyon dahil sa pagpilit niyang iatras ang kanyang ulo upang mas lumawak pa ang distansya ng kanilang mga mukha. "Are you mad at me? As far as I can remember, wala naman yata akong ginawang kasalanan sa iyo kanina."Sandali siya nitong tinitigan sa mga mata na lalong mas nagpailang sa kan'ya. Pagkaraan ng ilang segundo ay b
Magdadalawang linggo nang hindi nakakapunta sa site si Miles dahil sa opisina lamang siya namamalagi. May nais kasing ipadagdag ang kliyente nila sa outside structure ng building at sa interior nito na siyang tinutukan niya. Sandaling nakalimutan niya ang taong halos buong araw na nakikita niya noon at panay na nangungulit sa kan'ya na si Jeffry."Break time na muna, madam!" pukaw sa kan'ya ni Jemma na noo'y nakatayo na pala sa kanyang tagiliran ng hindi niya namamalayan na lumapit pala sabay tapik sa kanyang balikat. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at diretsang itinuon ang mga mata sa kulay puti at hugis bilog na wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding na nasa kanyang harapan mismo. Saka lamang niya napagtanto na alas-onse y medya na pala."Oy! Lunch break na naman? Ang bilis ng oras, ah! Parang kakakain lang natin kanina tapos ngayon ay kakain na naman ulit." Tumayo siya at nag-inat lalo na sa nangangawit niyang likod at batok."Sino bang makakapansin sa ora