Share

Chapter 3: Old Self

Naglahad ng kamay ang babae paglapit nito sa kaniya. Audrey looked at her with a calm expression. Hindi siya nag abala na tanggapin ang kamay nito. She ignored that and looked at their faces.

Si Gayle naman ay tila napahiya at napalingon kay Lawrence ngunit hindi nito 'yon napansin.

"Nalaman ni Lolo ang napagkasunduan nating divorce at gusto niya makasama ka sa dinner tonight. Your phone is turned off and I've been contacting you. Saan ka ba galing? It's hard to reach you kaya pumunta na ako para sunduin ka," mababa ang boses na sinabi ni Lawrence.

Audrey shrugged. "Kailangan ko pa i-charge ang phone ko, susunod na lang ako."

Ayaw niyang makasama ang dalawa sa maliit na space.

Kumunot ang noo ni Lawrence. "Hihintayin na lang kita—"

Umiling siya. "No, I can go by myself."

Hindi agad nakasagot ang lalake sa pagputol niya sa sasabihin nito. Napasulyap si Audrey kay Gayle na pinagmamasdan sila kapagkuwan ay nilingon muli si Lawrence. "And tomorrow, nine o'clock, let's go and finalize the divorce."

She knew that their divorce will be prioritized. Mabilis lang ang proseso dahil maliban sa wala namang tutol sa kanilang dalawa, may estado rin sa buhay ang mga Villafuente. Rich people can make things move faster.

Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Lawrence. "Is it that urgent?"

Audrey nodded without hesitation, her face was serious. "Yes, it is."

Tumiim ang bagang ni Lawrence at umiwas ng tingin kapagkuwan ay inakay na paalis do'n si Gayle. Pinagmasdan niya ang paglayo ng dalawa. Ilang hakbang pa lang nakalalayo ang dalawa ay huminto ang mga ito nang hawakan ni Gayle sa braso ang lalake. Then she turned around to glance at Audrey.

Her eyes were gentle while looking at her. "Audrey, I just wanna say thank you. I owe you one."

Audrey was a little puzzled for a while. "For what?" takhang tanong niya.

Nilingon ni Gayle si Lawrence at nabahiran ng ngiti ang labi kapagkuwan ay muling tinignan si Audrey. Hinawi pa nito ang buhok at inilagay iyon sa likod ng kaniyang tenga. Her smile was sweet and she sighed gently.

"Three years ago, naghiwalay kami kahit hindi namin gusto. Pagbalik ko rito sa Pilipinas last week, akala ko wala ng pag-asa na magkabalikan kami dahil kasal kayo at alam kong... mahal na mahal mo siya. But here we are, we have our second chance. If it weren't for your help, hindi 'to mangyayari na magkakaroon ulit kami ng chance." Her eyes were sparkling as if she was dreaming something beautiful.

Tinitigan ni Audrey ang babae saka nagsalita. "You're wrong." Napakurap si Gayle at tila nahinto sa pag-daydream niya. "I divorced him not to help you. Hindi ako gano'n kalalim para gawin 'yon. Pumayag ako na mag-divorce kami dahil ayoko na sa kaniya at gusto ko na makalaya," diretso niyang sinabi.

She spent three years trying to be the perfect wife for him but she failed miserably, wasting her time, energy, and effort.

Sa tatlong taon na 'yon, mas malaki pa yata ang chance na manalo siya sa lotto kaysa ang magustuhan siya ni Lawrence. Kaya hindi niya na patatagalin pa ito. If he wanted it, she would gladly divorce him.

She's ready to let go.

Ang dami niyang ginawa para kay Lawrence. She knew she did her part and her best but he gave her nothing, not even respect. Pinakita na rin talaga nito sa kaniya ang babae nito. Kaya wala siyang panghihinayangan.

Tila nabigla si Gayle sa sinabi niya samantalang si Lawrence na nasa tabi nito ay tuwid na nakatayo at hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha.

Iniwas ni Audrey ang tingin sa dalawa at tinalikuran na ang mga ito bago malamig ang boses na nagsalita. "Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa ngayon, wala akong kinalaman do'n."

Past eight pa ang dinner time sa Villafuente mansion at alas-sais na siya nakapasok sa apartment niya.

Ngayon na nakahiwalay na siya sa pamilyang 'yon, malaya niya ng magagawa ang gusto niya. She took a long time in the shower, relaxing herself while her phone was charging. Maaga pa naman at marami pa siyang oras.

The clothes and bags that Lucy bought for her were delivered. Sakto pa iyon na may pupuntahan siya. Pag-check niya ng shopping bags ay nakita niya ang kulay pula na dress. It was a bit body hugging and just above her knees. Iyon ang sinuot niya at gumamit na rin siya ng clear contact lense na binili niya kanina para sa malabo niyang mata. She put a simple make up on her face, enough to enhance it.

These are the things she was not able to do when she was in Villafuente mansion. Those women there were nothing but hypocrites. They were controlling her, calling her bad names kapag nag-aayos siya ngunit ang mga ito ay araw-araw puno ng kolorete ang mukha at ang damit ay palaging postura.

Nahinto siya sa pag -aayos ng sarili nang makasal kay Lawrence dahil hindi nagugustuhan iyon ng mga tao ro'n. And she was so naive and weak-minded during those times to let them control her. Talagang hindi naging maganda ang epekto na nainlove siya sa lalake.

 

Ngayon, magagawa na niya muli ang mga gusto niya.

"Madam, please come this way," saad ng maid matapos nitong makabawi sa gulat nang makita siya sa may pinto. Nanibago ito sa hitsura at ayos niya.

Dinala siya nito sa dining area. May ideya agad siya kung ano ang mayroon ngayong gabi. Siguradong hindi natuwa si Lorenzo Villafuente sa desisyong paghihiwalay ni Audrey at ng apo niyang si Lawrence.

At tama nga siya...

Pagpasok niya ay bumungad sa kaniya ang lolo ni Lawrence na siyang head of family ng mga Villafuente. Hindi mapinta ang hitsura nito, hindi natutuwa na makita na magkatabi si Lawrence at Gayle sa harap ng mahabang mesa. The atmosphere was heavy and uncomfortable.

When Lorenzo saw her, the old man's gloomy expression lit up. Ngumiti ito at binati siya nang marahan na boses nito.

"Yanna, come here, hija. Ngayon na lang ulit kita nakita after my long business trips abroad," masayang bati nito.

Tila wala sa sariling napatingin si Lawrence kay Audrey, hinahatak ng presensya nito ang atensyon niya. His expression looked stunned for a while after seeing her.

Now that she's not wearing her thick eyeglasses anymore, her hazel almond eyes were revealed. Her eyes looked livelier and now, he's realizing why he didn't like her face, especially her gaze. Her eyes were naturally seductive. And tonight that she's back on her natural self, she looked proud and charming.

Someone who's far from his type... He liked women who were submissive and would only obey him. And Audrey didn't look like that, especially now... But he felt proud knowing that he was able to tame her for the past three years.

And he's sure that until now, he has power over her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status