Share

Chapter 5: Opponent

Audrey didn't expect na makikita niya ang lalakeng 'yon sa bahay ng kaniyang professor. Kahit nakaalis na ito ay parang ramdam pa rin niya ang presensya nito. Remembering his face and physique, no one would expect him to be in that place.

   "Kumusta na ang paborito kong estudyante?"

Umupo siya sa kaharap nitong upuan at do'n nagsimulang magkwento. Hindi maipinta ang mukha ng professor nang marinig ang mga detalye ng kwento niya tungkol sa naging buhay niya sa tatlong taon na kasal siya kay Lawrence.

    Napailing-iling ang professor sa mga naririnig. Back then, Audrey was a really excellent student of him. Kaya nga naging paborito niya ito. Kaya gano'n na lang ang panghihinayang niya nang malaman niya na muntik pa nitong hindi matapos ang pag-aaral dahil maagang nagpakasal at nag-asawa. She had a bright future ahead of her but she dropped it all just to be married to a man who treated her badly.

    Ngayon na magdi-divorce na sila, hindi naman mukhang depressed si Audrey kaya nabawasan ang pag-aalala ni Professor Henry. He felt relieved knowing that the divorce won't leave his favorite student devastated.

"You were the best student in the psychology department, Audrianna. Kung hindi ka nag-asawa at nagpatuloy ka sa tinatahak mong landas sa mundo ng Psychology, tiyak na marami ka ng naabot. Now that you're finally free, have you considered working in the psychology field to finally use what you studied?"

Audrey swallowed hard after hearing that. Her professor's words made her think deeply.

Kung hindi sila nagpakasal ni Lawrence, baka hanggang ngayon ay pinupursue niya na maging pyschologist habang ginagamit na rin ang pinag-aralan niya. Ngunit tatlong taon na ang lumipas. She already missed a lot about that field. Makababalik pa ba talaga siya?

Napansin agad ni Professor Henry ang pagkalito sa kaniyang ekspresyon. He immediately comforted her with his gentle voice. "You have a lot of time to think about this, we don't need to rush anything. If you're interested and finally decided, I am here to help you start over again. Our department is just waiting for you, Audrey."

    Dahan-dahang napangiti si Audrey habang nakatitig sa matanda. Her heart warmed. Hindi niya nabisita nang matagal ang professor ngunit hindi pa rin ito nagbago. He's still thoughtful and caring to her.

"Thank you, Prof."

    Doon na naghapunan si Audrey dahil na rin sa pag-aya ng professor. He made her stay there until dinner so they could talk even longer. Pinag-usapan nila ang kondisyon ng matanda at nag-catch up na rin para mga lumipas na taon na hindi sila nakapagkita.

    Pag-uwi niya ay tinawagan siya ni Lucy para paalalahanan sa lakad nila bukas. Halata namang excited na ang bestfriend niya.

Lucy squealed then giggled. "Ready na rin ang car mo. I have it checked and ready sa shop."

Audrey smiled and shook her head. "Thank you, Lucy."

    Kinabukasan ay wala siyang ginawa kung hindi hintayin na dumating ang oras ng pag-alis nila ni Lucy. Bandang hapon ay naghanda na siya. She wore her racing suit which fit her perfectly. Kitang-kita ang magagandang kurba ng katawan niya sa suot niya. Her wavy hair looked smooth and soft. For the past years, palagi 'yon nakatali lang ngunit ngayon ay inilulugay niya na ulit 'yon. She even styled it to accentuate the natural waves.

Maya-maya ay dumating na si Lucy para sunduin siya. Sinabi nito na ang sasakyan niya ay hinatid na sa arena. Mas excited pa ang bestfriend niya sa kaniya at halos hindi na ito mapalagay sa upuan nito kaya natatawa na lamang si Audrey.

"Finally! After three long years, you'll be back to the racing arena!" Lucy said as she drive.

"But this is nothing serious, right? Three years na akong walang practice, Lucy. Baka nga nakalimutan ko na magmaneho," aniya.

Umirap si Lucy. "OA! Ikaw pa ba? But yeah, katulad lang ng usual, this is just for fun. Patagong laro lang ng mga rich kids." Sinundan ito ng tawa ng kaibigan.

Audrey smirked. "Except we are not kids anymore. And hindi na rin ako rich katulad no'n, Lucy," natatawa niyang sinabi.

Napasimangot ang kaibigan. "Well, I can feel mababawi mo pa ang dapat na sayo, Yanna. Just wait and see!"

    Pagdating nila roon ay maraming hindi pamilyar na mukha. Audrey expected it since she's been out the racing arena for the past 3 years, marami ng nagbago. Ang mga pamilyar na mukha na nakakita sa kaniya ay talagang nanlaki ang mga mata nang mapansin siya, malamang ay hindi siya inaasahan. She acknowledged their stares with a nod.

Nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang mga pamilyar na boses.

    "We didn't expect na makikita ko kayo rito Lawrence. Kasama mo pa si Gayle. Hindi ka naman interested dito, bro!" Natatawang boses ng isang lalake.

Lawrence laughed a bit. "Gayle told me that she missed watching car racing, nahiligan niya kasi panoorin while she's abroad. Justin mentioned this event to me kaya naisipan kong dalhin siya rito."

    

Audrey resumed walking and saw her soon-to-be ex-husband and his first love being greeted by their friends enthusiastically. Si Lucy na katabi niya ay napasimangot na at humigpit ang hawak sa braso niya.

   Gayle giggled softly because of Lawrence's words saka yumakap sa braso nito. Lawrence glanced at the woman with gentle eyes.

Audrey saw it all but she kept her heart hard. Napansin siya ng isa sa mga kaibigan ni Lawrence. Kumunot ang noo nito at tila hindi makapaniwala nang makita ang mukha niya.

"A-audrey? Audrey, ikaw ba 'yan? You're here and..." Bumaba ang tingin nito sa katawan niya na nakasuot ng racing suit.

Lahat ng naroon ay napatingin sa kaniya pati na rin si Lawrence at Gayle. May sumipol pa kapagkuwan. Taas-noong nagpatuloy siya sa paglalakad at huminto sa harap ng mga kaibigan ni Lawrence.

    

Kahit sinong nakakakilala sa kaniya bilang asawa ni Lawrence ay talagang matutulala sa hitsura niya ngayon. Kaunti man ang nagbago pero sa paraan ng pagdadala niya sa sarili, malaki ang binago niya. She's now back on her old self, oozing with confidence and the way she carried her self was really sexy and eye-catching. Ngayon ay kitang-kita na rin ang napakaganda niyang mukha na dati ay pilit niyang binago para maitapat sa gusto ni Lawrence.

Lawrence then frowned after a while. "Why are you here? Sinusundan mo ba ako, Audrey?"

Lucy snorted then glared at Lawrence. "Ikaw lang ba at ang babae mo ang pwede rito para mag-enjoy? Pwede ba, huwag kang feeling, Lawrence!" Iritadong sinabi ng bestfriend niya.

    Sumabat naman si Gayle na talagang maamo ang mukha. Salubong ang kilay nito na sumulyap kay Audrey. "Hindi naman 'yon ang ibig sabihin ni Lawrence. It's just that, he and Audrey are getting divorce tapos pumunta rin siya rito when surely, wala siyang alam sa car racing. Isn't it just inappropriate na... i-stalk niya kami?" mahinahon ang boses na sinabi ni Gayle.

    Malamang ay inaakala talaga ng mga ito na naroon siya para sundan si Lawrence at ang babae nito. Lawrence even looked at her with disgust, as if he's really believing Gayle's words... that she's stalking them.

Ang iba ring naroon na nakakakilala sa kanila ni Lawrence bilang mag-asawa ay tiyak na iniisip na pumunta nga lang si Audrey para sundan ang mga ito. They knew a little to nothing about them. For the past years, never siyang dinala sa mga ganitong lugar ni Lawrence. Hindi rin siya isinasama nito sa mga event and it was equivalent to never recognizing her as his wife. Now for them, it is a shameless action of Audrey that she's here and stalking her soon-to-be ex-husband who's with his first love. Sa paningin tuloy nila ay naghahabol siya.

    Pikon na pikon si Lucy at akmang magsasalita ngunit pinigilan niya ito. Audrey held her arm gently then she faced Lawrence and Gayle. Her lips curled into a smirk.

"You guys are overthinking. If it isn't obvious with my outfit, I am here to race..."

    Kumunot ang noo ng mga naroon, lalo na si Lawrence. "What?" he whispered.

Inayos ni Audrey ang gloves niya habang nanatiling nakatingin sa dalawa. "Kung hindi kayo naniniwala, you guys can try to race against me, para mapanood ng mga tao rito kung paano ko kayo tatalunin."

After that, they went silent. Kahit ang mga kaibigan ni Lawrence ay natahimik. Naputol lang ang katahimikan nang may sasakyan na huminto sa may harap nila. It was a red racing car with really cool design of dark roses. Nilingon ni Audrey ang sasakyan at napangiti. Awtomatikong naglakad siya paalis sa harapan nina Lawrence at nilapitan ang sasakyan. Hinawi niya ang buhok habang palapit sa kotse at sumunod sa kaniya si Lucy.

"Hindi ko 'yan pinabayaan. I had it checked and maintenanced from time to time kahit kinalimutan mo na siya. Alam ko kasing babalikan mo ang baby mo na 'yan," ani Lucy, tinutukoy ang sasakyan ni Audrey.

Bumaba ang driver at pabatong binigay sa kaniya ang susi. Audrey effortlessly caught it with her hand, not removing her eyes on her race car.

   

Nagbulung-bulungan sa likod niya, hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Lawrence na may ganitong hobby si Audrey.

"I didn't know she's this cool!?" bulong ng isa.

"And was she really not pretty or hindi lang marunong mag-alaga si Lawrence? Because look at her man, d*mn!"

Nawala lang ang atensyon ni Audrey sa sasakyan niya nang marinig ang magandang ugong ng papalapit na isa pang race car. Tumaas ang kilay niya nang eksakto itong huminto sa tapat ng kotse niya. Bago pa niya hangaan ang magandang sasakyan ay bumukas ang pinto at bumaba ang pamilyar na pigura. On a full black racing suit, the man stood tall and his gaze immediately found Audrey.

His dark eyes were deep and his red lips had a ghost of a mysterious smile.

"So you're one of my opponents today, huh?"

Kumunot ang noo ni Audrey, hindi makapaniwala. Is he really acknowledging her? The crowd went silent and all eyes were on them.

"I am Regan Amadeus, by the way," saad nito sa baritonong boses.

Hindi nakapagsalita si Audrey at natulala lang. The ever mysterious man was really talking to her!? She can't believe it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status