Share

In the Arms of a Possessive Billionaire
In the Arms of a Possessive Billionaire
Author: Hikikomori

Prologue

Author: Hikikomori
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Life is full of surprises. Sometimes life gives us a story we didn’t expect to get or didn’t intend to make, very so often life will throw us a gigantic ball that we just weren’t quite prepared for.

In real life, we don’t know what’s going to happen next. But you know what? Sometimes life isn’t about figuring out what to do next. The real challenge is simply doing the things we know we should be doing.

Malalim akong napabuntong hininga at nagmadali sa paglalakad para sana mag-follow up ng order sa kitchen ngunit napahinto ako nang makitang nagtaas ng kamay ang customer na bagong upo.

“Miss.” Agad ko itong nilapitan bago inilabas ang order slip at ballpen ko mula sa bulsa ng suot kong uniform.

“Good afternoon, sir. My name is Kharris, I will be your server for today. Are you ready to order?” nakangiting sambit ko ng greeting script na halos minu-minuto kong sinasabi, medyo hinihingal pa ako dahil hindi na ako nahinto sa paggalaw simula nang pumatak ang alas dose ng tanghali.

“Hi, Kharris. What a beautiful name. Pwede bang ikaw ang order-in ko?” ani ng matanda bago kagatin ang kanyang maitim at tuyong labi. He’s probably in his late 50’s at pamilyado na.

Kanina lang ay kinailangan kong magtiis sa pagtataray sa akin ng matapobreng teenager at pagrereklamo noong matandang masungit, nowㅡI need to deal with a freaking pervert.

“Sorry sir, I’m not included on the menu. Hindi po ako pagkain.” nanatili akong nakangiti at siniguradong hindi iyon mawawala kahit ano pang gawin o sabihin niya sa akin. Paulit-ulit ko na lamang sinabi sa sarili ko na customer is always right, kahit hindi naman ako naniniwala roon.

I badly need this job, hindi ako pwedeng matanggal dahil nawalan na ako ng trabaho noong nakaraang buwan matapos kong gawing ashtray ang pagmumukha ng client ko dahil sa panghihipo na ginawa niya sa akin. This time, hindi ko hahayaan na lamunin ako ng emosyon ko dahil alam kong masusuntok ko ang customer kapag nangyari iyon.

“Can I get your number instead? Regular customer ako rito and I guess you’re a new employee? Bibigyan kita nang malaking tip. May boyfriend ka?”

“Sorry sir, may anak na ho ako.” nakangiting tugon ko.

“Really? Ilang taon ka na ba?”

“30 po, sir.”

“Ka-edad mo ‘yong panganay ko. By the way, asawa? May asawa ka?” Bahagyang kumunot ang noo ko ngunit agad akong pilit na ngumiti para mawala iyon.

“Wala po at wala po akong balak na maghanap, sir.” As much as possible, sinusubukan kong maging magalang pero unti-unti na akong napipikon dahil nasasayang ang oras ko. May ilang customer na ang nagtatawag ngunit walang lumalapit dahil puno ang restaurant at hindi na magkandaugaga ang mga katrabaho ko kung ano at sino ang dapat na unahin. Marami na rin ang nagco-complain na late at mali ang order nila.

Kung bakit kasi kailan peak hours ay saka ako makaka-encounter ng customer na ganito. Damn it! I knew luck isn’t my side today right from the get go. Kaninang umaga lang ay na-late ako ng gising kaya na-late ng pasok si Ashan sa daycare, nalimutan ko pang ipasok ang mga sinampay ko kahapon kaya nabasa iyon nang umulan.

“Why is that? Bata ka pa. Susustentuhan ko kayo ng anak mo. Don’t you need a sugar daddy?” Wala sa sarili kong nakuyom ang mga kamay ko kaya nalukot ang hawak kong order slip. Malalim akong bumuntong hininga at pilit ikinalma ang sarili. It’s ridiculous how I suddenly remember a certain someone when I heard the word sugar daddy.

“Hindi po, sir.” nakangiting wika ko.

Hold it in, Kharris. Don’t snap, you have bills to pay.

“May I take your order now, sir?” magalang kong tanong dahil ramdam ko na mapapatid na ang pasensya ko, mawawalan pa ako ng trabaho pag nagkataon. Maswerte na nga na natanggap ako rito sa restaurant despite having no experience in the hospitality industry.

Kung hindi ba naman kasi nuknukan ng siraulo ang dati kong boss, ako na itong na-harass ng client, ako pa ang may kasalanan. Hindi pa siya nakuntento na tanggalin ako sa trabaho at ginawa pa akong blacklisted. Nowㅡkahit anong apply-an kong architecture firm, hindi na ako tinatanggap.

“Ikaw nga ang gusto kong order-in, come on. Stop being so hard to get, hindi ka bagay rito sa casual dining.” ani ng matanda, balak pa sana niya akong hawakan ngunit umatras ako nang bahagya. Hindi ko pa napansin na dadaan ang katrabaho kong may dalang tray na puno ng juice kaya naman nang mabangga ko siya ay nagsitapunan ang lahat ng iyon.

“Oh my God! Sorry!” Agad na paghingi ko ng tawad bago mabilis na maupo at tulungan si Elijah na pulutin ang mga nabasag na baso.

“Wait, ‘wag mo hawakan. Baka masugatan ka.” Pigil niya sa akin kasabay nang paghawak nito sa palapulsuhan ko. Mabuti na lang at walang nabasa na customer, but stillㅡilang baso ang nabasag, dagdag pa sa trabaho ang paglilinis noon and worse, baka ma-charge pa sa ‘kin since ako ang may kasalanan.

“Sorry talaga, hindi ko sinasadya.”

“Okay lang, ako na bahala rito.” sabi niya at marahan naman akong tumango bago harapin ulit ang customer. Nakagat ko pa ang labi ko nang lumapit ang manager namin sa mga kalapit na mesa para mag-sorry dahil sa nangyari.

“See? Kung pumayag ka na sa alok ko, hindi mo na kailangan magtrabaho rito.” Pilit sa akin ng matanda kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

Never sumagi sa isip ko na ipaako sa iba ang responsibilidad ko sa anak ko, hangga’t kayang kong magtrabaho at kumayod ay gagawin ko para lang makasiguradong mabibigay ko ang mga pangangailangan ni Ashan. Wala akong pakialam kahit na marami ang nagtatanong kung bakit sa pagiging waitress ako bumagsak gayong graduate ako sa isa sa mga top university sa Pilipinas.

Sa panahon ngayon, hindi na importante kung saan ka grumaduate at kung anong kurso ang natapos mo. As long as may trabaho ka ay sapat na iyon dahil mahirap ang kumita ng pera, hindi ka pwedeng maging ma-pride lalo na kung mayroon kang binubuhay.

May naipon naman ako sa dalawang taon kong pagtatrabaho bilang architect pero nabawasan din iyon ng magka-pneumonia si Ashan noong nakaraang taon. Ang ibang savings ay ilalaan ko sa pag-aaral niya and for emergency just in case na magkasakit siya ulit.

“Kung naghahanap po kayo ng sa-satisfy sa sexual needs niyo, sa strip club po kayo magpunta... ‘Wag dito sa restaurant. Also, think about your family.” Hindi ko na napigilang sabihin iyon and it’s funny how I could still smile knowing that I’ll be fired today.

“What? Seryoso ka ba?!” tanong sa akin ni Reo sa kabilang linya. Abala akong nakikipag-usap habang naglalakad na pauwi, as soon as I clocked out ay kwinento ko agad sa kanya ang nangyari. Na nagreklamo ang customer na binastos ko raw siya at kahit anong explain ko ng totoong nangyari sa manager ay hindi sila naniwala sa akin dahil mabait daw ang customer na ‘yon at VIP pa. Bukod doon ay ginisa nila ako dahil sa aksidente kong pagkabangga kay Elijah.

“Yeah, so I need to find a new job.” Bumuntong hininga ako at napatingala sa langit nang kumulog at lumiwanag dahil sa kidlat. “Tulog na ba si Ashan?”

“No, he’s waiting for you.” ani Reo at tumango naman ako bago mapatingin sa dala kong gummy bears.

“Sabihin mo sa kanya may pasalubong akㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang may sumalubong sa akin sa pagliko ko sa madalim na iskinita. Balak ko pa sanang magsalita ngunit may nagtakip ng panyo sa bibig ko mula sa likuran, before I knew it... I already lost consciousness.

“Hmm.” Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko at kahit nahihirapan ay pilit kong binuksan ang mga mata ko, everything’s blurry but I still tried to slowly focused my vision and saw an unfamiliar face.

“S-Sino ka?” kinakabahang tanong ko.

“The name’s Leon. Ikaw ba ‘yong anak ni Dimetre Villa Luna na si Kharris?” Bahagya akong napapitlag nang marinig ang pangalan ng walang kwenta kong ama.

“A-Ako nga, bakit?” Kumunot ang noo ko at napalingon sa kamay kong nasa likuran nang mapansin na nakatali ang mga iyon mula sa sandalan ng inuupuan ko. Damn it, what’s going on? What did my father do? I’ve already cut ties with him long ago!

“We’ve been looking for you.” ani ng lalaking naka-suit at may itim na eye patch sa kaliwang mata bago niya tawagin ang lalaking nasa likuran niya. I don’t know what exactly is going on but one thing for sure, I’m in danger. Marahas akong napalunok nang mapansin ang nakasukbit na baril sa lalake, and somehow—I’m having a sense of déjà vu.

Hindi ito ang unang beses na may dumukot sa akin pero grabi-grabing takot ang nararamdaman ko dahil baka kung ano ang mangyari sa akin at maiwan ang anak ko. Unlike my past, alam ko na may magliligtas sa akin ngunit hindi na ‘yon ang kaso ngayon. My savior’s protecting another woman now.

“Here, read this. Agreement namin ng tatay mo.” sabi noong Leon matapos niya ipakita sa akin ang papel na inabot sa kanya ng lalaking tinawag niya. Naningkit ang mata ko at binasa ang nilalaman noon, pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit sa bawat salitang nababasa ko. Just what the hell was my father thinking? How long does he intend to make me suffer?

“Collateral ka sa utang niyang sampong milyon, hangga’t hindi nababayaran ang hiniram niya sa ‘king pera. Magtatrabaho ka para sa ‘kin.” Napapikit ako nang mariin sa sobrang galit, gusto kong manakit ng tao. I knew my father’s not right in the head pero hindi ko alam na ganito kalala. Paano niya nagawang ipagkalulong ang anak niya sa loan shark? Paano niya nagawang ipasa sa akin ang utang niya?

He mistreated me for years, he tormented and gaslighted me. Isn’t that enough for him? Nakuyom ko na lamang ang mga kamao at tiningnan ang lalaking nasa harapan. Kung tutuusin ay mukha pa siyang bata, he’s probably in his late 30’s—just like the father of my son.

“Hindi ako ang umutang sa ‘yo so, why would I work for you?” matapang kong tanong, dahilan para ngumisi si Leon.

“Your father made you the collateral for his debt, he went missing and until now hindi pa rin namin siya nahahanap.” Kinuha niya ang cellphone niya at awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan nang ipakita niya sa akin ang picture ng anak ko.

“He’s your son, right? Sigurado ako na ayaw mo siyang madamay sa problemang kinasasangkutan mo ngayon, but don’t worry... Hindi ko siya gagalawin as long as gawin mo ang ipapatrabaho ko sa ‘yo. Hindi barya ang sampong milyon, Kharris.” Marahas akong napalunok at naramdaman ang pagtulo ng pawis mula sa patilya ko. I can’t think straight, my mind’s going blank.

“A-Anong trabaho ang gagawin ko?” kinakabahang tanong ko dahil pakiramdam ko ay illegal iyon.

“Hostess, all you need to do is entertain a VIP guest whenever they need one. And if they demanded you to sleep with them, you need to give them your service.”

“What?!” bulyaw ko. “Are you insane?”

“Think about your son.” nakangisi niyang sabi, dahilan para makuyom ko ang mga kamao ko at mapapikit nang mariin.

“Damn it!” I cursed, never sumagi sa isip ko na pagkakitaan ang katawan ko sa gano’ng paraan. Just thinking about sleeping with different and several men makes me puke.

“Choose, Kharris.” ani Leon.

“Kailan ako mag-uumpisa?” Ngumisi ulit siya at tinangkang hawakan ang laylayan ng buhok ko pero mabilis kong iniwas ang ulo ko.

“Tonight, may important client ako na pupunta rito. May meeting ako sa kanya but I need to go somewhere else so, habang wala ako... You need to entertain him.”

“Wala bang ibang trabaho? Kahit anong ipagawa mo, gagawin ko. ‘Wag lang ‘to.”

“Nope, you fit perfectly for this job. You’re beautiful and sexy, just like what your father told me.” aniya, dahilan para samaan ko siya ng tingin. I can’t snap at him, he might do something to Ashan if I continued to disrespect him.

“Fine.” tipid kong sabi kahit sa totoo lang ay gusto ko nang maiyak. Just what the hell am I doing? Nabablangko ang isip ko, wala akong ibang maisip na paraan kung hindi ang tanggapin ang trabaho. I need to think of Ashan’s safety first.

“Wait! Hindi mo ba ako pwedeng ihatid ng hindi hinahawakan?” iritang tanong ko sa lalaking maghahatid sa akin patungo sa kwarto ng ka-meeting ni Leon. Pagtapos na pagtapos kong pirmahan ang kontrata ay pinabihisan at pinaayusan niya agad ako sa babaeng kasama namin sa office kanina.

It’s not even my first time wearing a revealing dress pero iba ang kaso ngayon dahil konting hawi lang ay makikita na agad ang d****b ko sa sobrang baba ng pagka-A line noon. Sobrang igsi pa na konting yuko lang ay makikita na ang suot kong underwear.

“Damn it! Let go—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang makitang pagpasok namin sa kwarto ay may tao na roon. Nakatalikod ito at nakaharap sa bintana habang nagyoyosi. Simple lang ang buong kwarto, isang malaking L-shape couch lang ang narito at mesa. Bukod doon ay may malaking TV at chandelier—nothing special.

Balak ko na sanang magsalita ngunit nakaamoy ako ng pamilyar na pabango. Dahil doon ay tiningnan ko ulit ang lalake na hanggang ngayon ay nakaharap sa bintana at mukhang may kausap sa phone. Unti-unti ay nakaramdam ako ng kaba nang ma-realize kung gaano kapamilyar sa akin ng likod niya.

He had his back to me but I could still see how gorgeous he looked. My mind was reeling, I couldn’t figure out if it was him or not. Am I hallucinating or what?

“Sir Uno.” Bigla akong kinabahan nang marinig ang sinabi ng lalaking katabi ko, hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang braso ko pero hindi na ako nag-abalang makipagtalo sa kanya na bumitaw.

“What’s with the fuss—” Hindi naituloy ni Uno ang kanyang sasabihin nang sa paglingon niya ay nagtama ang paningin namin, marahas akong napalunok nang bigyan niya ako ng isang mapanuring tingin bago tingnan nang masama ang lalake sa tabi ko.

“What’s going on? I’m here to see Leon, not some random woman.” Bahagya akong napapitlag nang sabihin niya iyon na para bang hindi niya ako kilala. Maybe he doesn’t recognize me, malaki na rin ang ipinagbago ko sa loob ng ilang taon. For a moment, nakahinga ako nang maluwag because I’m too ashamed that he has to see that I look like a slut after we broke up five years ago.

“Male-late lang po si Sir Leon nang kaunti sa napag-usapang oras kaya pinadala niya si Kharris para i-entertain kayo.” Nag-iwas ako ng tingin at napakapit sa laylayan ng dress ko, walang pakialam kahit na malukot pa iyon. Damn it! Why does he need to mention my name! Now, I could feel Uno’s anger oozing from here.

“Kharris? How dare you utter her name that casually.” Mabilis kong nilingon si Uno ng hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Nakatingin pa rin siya sa lalake, sa kamay niyang nakahawak sa akin to be exact. “Let go of her.”

Nag-aalangan akong binitawan ng lalake at marahas naman akong napalunok. He knew it’s me, he recognized me but still called me a random woman. Well, I guess I deserved that. I’m the one who left him, it’s only natural for him to disregard me. 

“Touch her again or you won’t have any hands next time.” Banta ni Uno, “Now fuck off and leave us alone.”

Mabilis na lumabas ang lalake at pakiramdam ko ay namamawis ang mga kamay ko. Bahagya pa akong napalunok nang makitang unti-unting lumapit sa akin si Uno.

His face became more manly, his shoulders broader. His hair longer and he became more masculine, his presence was very powerful. Ibang-iba na siya kumpara noon. It was difficult to ignore his physical appearance when I’m just standing right in front of him.

Ito ang muli naming pagkikita matapos ang limang taon. Normal lang na kabahan ako, normal lang na pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit o baka sadyang malakas pa rin talaga ang epekto niya sa akin. Marahas akong napalunok at gusto siyang sabihan na huminto sa paglapit ngunit hindi ko magawa.

Before I knew it, n*******n na niya ako sa labi. I stood there in shock, not able to speakㅡwell, I wouldn’t have known what to say anyway. Ang alam ko lang ay gusto kong tumakbo palayo but I’m too stunned with his aura, ni hindi ko man lang nga magawang magpumiglas nang hawakan niya ang likuran ko at hatakin iyon nang sa gano’n ay magdikit ang katawan namin. For a moment, huminto ang tibok ng puso ko at bahagyang napapikit nang ilapit niya ang bibig niya sa tainga ko upang bumulong.

“Long time no see, baby girl.”

“S-Stop calling me that, may asawa ka na.” sabi ko nang hawakan ko ang matigas niyang d****b at nang balak ko na sana siyang itulak palayo ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Leon na halatang nagulat dahil sa sobrang lapit namin ni Uno.

“Oh, you bewitched him—” Naputol ang sasabihin niya ng sa isang iglap ay nasuntok siya ni Uno. Napahawak na lamang ako sa bibig ko dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Just what the hell is going on?

“Man, what’s your problem?” tanong ni Leon habang nakahawak ito sa panga niya, dinilaan pa niya ang dugo sa labi niya at ngumisi. This is giving me headache.

“Bewitch me? You kidding me? I didn’t signed up for this bullshit.” madiing sambit ni Uno bago niya hubarin ang suot na suit at ipatong iyon sa balikat ko, “Let’s go.”

“Woah there! Relax, Uno. What are you doing?” Humarang si Leon sa pinto at tumingin sa akin na para bang nagkainteres siya lalo sa akin.

“I’m taking her with me.”

“No man, you can’t take what’s mine.”

“What? Say that again, I dare you.” madiing hamon ni Uno kaya naman binitaw ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa palapulsuhan ko at bahagyang lumayo sa kanya. Nilingon niya ako at itinago ko lang ang labi ko. I already signed the contract, I can’t leave or elseㅡmadadamay ang anak ko sa lahat ng gulong nangyayari.

“Hindi siya pwedeng umalis hangga’t hindi niya nababayaran ang utang ng tatay niya. She’s working for me.”

“How much she owes? I will pay for it.” ani Uno, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin niyang maka-daddy sugar vibes. Balak ko na sanang magsalita ngunit naunahan ako ni Leon.

“Hmm, I see. Parang importanteng importante sa ‘yo si Kharris... Are you perhaps the father of her son? You are the spitting image of him.”

“No!” Agad na tanggi ko ngunit mas lalo akong nagmukhang defensive. Shit! Why is this happening?

“Father of her son?” Binaling sa akin ni Uno ang tingin at mabilis naman akong umiwas, pakiramdam ko ay nanikip ang d****b ko. I’ve been doing a good job hiding my whereabouts for five years, masasayang lang ba ang lahat ng iyon? Ayoko nang ma-involve ulit kay Uno, not after we broke each other’s heart.

“Kharris Villa Luna, look at me and explain what’s going on.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jen La
the professor's unwanted wife yung story po ni nigel or kht sa anak po nila ... thank you po miss A. finally mabbasa kuna po ang stories nyo po dto ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 1

    7 years earlier.Have you ever been in love with someone who is in love with someone else?And have you ever wished to be that someone else?It’s really painful to think about it but my mind was full of questions about how love can be cruel sometimes. I can’t help but close my eyes and let out a deep fucking sigh.“Hey, ‘wag kang bumuntong hininga sa engagement party ko. Malas ‘yon.” Para akong nakuryente nang maramdaman kong akbayan ako ni Dos at magtama ang balat namin. Marahan ko itong nilingon at tila ba kinabahan nang makita ang malawak niyang ngiti. Damn! that’s illegal. “Nabo-bored ka na ba?”“No, marami akong nakain. Pinapakiramdam ko ‘yong tiyan ko. Baka bigla ako mag-number 2, e.” Bahagya siyang natawa sa sinabi kong iyon bago tumingin sa likuran at tawagin ang fiancée niyang busy rin sa pakikipag-usap sa bawat bisita.

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 2

    Ramdam ko ang pagkahilo nang pabagsak akong mapaupo sa kama at matanggal ang suit sa balikat ko. I’m drunk but I’m still pretty aware of what’s happening. I’m about to do it with my greatest enemy but I don’t care.Still, hindi ko pa rin maiwasang lumunok nang marahas nang makitang tinatanggal niya ang pagkakabutones ng suot niyang itim na business vest.“I know you’re not thinking straight because you’re devasted and drunk, but are you sure about this?” He asked and I could see his muscles flexing when he removed his shirt, showing off his muscled tattooed chest and abs.“I might regret this afterwards, but yeahㅡmake me forget your brother. Kahit isang gabi lang.” desidido kong sabi.“Kharris, pwede ka pang umatras hangga’t may self-control pa ako. I’m just kidding when I asked you earlier.”“You didn’t sound like you’re joking, an

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 3

    Napahawak ako sa pisngi ko nang pag-akyat na pag-akyat ko sa itaas ay ang mabigat na palad ni dad ang sumalubong sa akin. Malalim akong bumuntong hininga at saka siya tiningnan.“What did I do?” mahinahong tanong ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang sigawan. If I only had the guts to fight him, I would have done it a long time ago.“Are you really asking because you don’t know?”“Magtatanong ba ako kung alam ko?” tanong ko pabalik, dahilan para ang kabilang pisngi ko naman ang sampalin niya. Nakagat ko na lamang ang labi ko at inayos ang buhok ko dahil napunta ang ilang hibla noon sa mukha ko.“You are foul-mouthed just like your whore mother.” Agad kong sinamaan ng tingin ang walang kwenta kong ama nang sabihin niya ang bagay na iyon.“You can say whatever you want to say to me but don’t you dare insult my mother. She’s already dead! Kailan mo siya titigilanㅡ” Hi

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 4

    “What are you on about?” seryosong tanong ni Uno habang nakasandal siya sa swivel chair habang ako naman ay masamang nakatingin sa kanya mula sa couch. I can’t believe na pinasundo niya ako sa tauhan niya at dinala rito sa mismong office niya para rito mag-usap. It’s my first time coming here and I hate the attention I got when his right-hand man was escorting me.“Do we really need to talk here?” tanong ko.“I told you I’m a busy man. Do you expect me to make time for you and go outside?” seryoso niyang tanong, dahilan para tumayo ako at lumapit sa mesa niya. Marahas kong pinatong ang kamay ko roon sa mismong harap ng desk name plate niya kung saan nakalagay ang pangalan niya at ang title na president.He’s really different from his twin brother, same age naman sila pero sa kanilang dalawa ay mas matured siya. I mean, they are both matured but in a different ma

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 5

    “Ris!”“Kharris!”“Kharris Villa Luna!” Sunod-sunod akong kumurap nang marinig ang baritonong boses ni Uno. Tumingin ako sa labas at doon lang na-realize na nakahinto ang kotse niya.“Ah, were you saying something?” Binalik ko ang tingin kay Uno at tinagilid ang ulo ko nang tumitig lang siya sa akin. “W-What?”“You’re staring at me for minutes now, what kind of dirty things are you imagining?” tanong niya bago mag-abot ng tissue sa ilong ko at punasan ang basang likido doon. Nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo na iyon. The heck? When did I have a nosebleed?“Sorry, naalala ko ‘yong nangyari kagabi.” pagsasabi ko ng totoo bago kuhain ang tissue sa kanya at ituloy ang pagpupunas sa ilong ko. That was mortifying! I need to change the topic.“Oh right, nagkita kami ni D

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 6

    **This chapter contains suicide that may be triggering. Read at your own risk.The sound of loud thunder wakes me up from my sleep. Marahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot ‘yon nang makitang malakas ang ulan sa labas. Kinapa ko ang ilalim ng unan ko at bumangon nang maalalang naiwan ko nga pala ang phone ko sa attic. Marahan akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto ngunit pagpasok ko sa attic ay awtomatiko akong napaupo nang paatras kasabay nang malakas na kidlat at kulog.Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimulang tumulo ang luha ko habang naka-angat ang tingin sa umugoy-ugoy na katawan ng pamilyar na pigura sa loob. Nakasabit ang katawan nito mula sa kisame habang dilat ang mga mata. Napatakip na lamang ako sa bibig ko at nang muling kumulog at kumidlat ay mas nakita ko nang malinaw kung sino iyong nakasabit.At that exact moment, a shiver went down my spine.“Mommy!”I woke up gasping for air as I t

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 6.5

    “Kharris, we’re here.” ani Reo at doon lang napansin na nasa parking lot na kami ng school. Inalis ko ang pagkakasuot ng seatbelt ko ngunit nagkamali ako nang paggalaw ng braso ko kaya napadaing ako sa sakit.“Shit.” mura ko nang mapikit ako nang mariin.“What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Reo. Balak ko pa sana siyang sagutin pero nakahalata na siyang may mali sa braso ko. Kumunot ang noo niya at marahang hinawakan ang palapulsuhan ko.“It’s nothing—”“What the actual hell?” hindi makapaniwalang singhal niya nang iangat niya ang sleeve ko at makita ang mga mahahabang pasa roon gawa nang paglatay ng belt ni dad doon. Naitago ko na lamang ang labi ko at kahit masakit ay binawi ko ang palapulsuhan ko at ibinaba ang sleeve ko.“I’m okay.” tipid kong sabi, “I’m really okay.”“There’s no

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 7

    “Hi, Kharris.” bati sa akin ng schoolmate ko nang madaanan niya ang mesang kinauupuan ko. “Hello.” Bati ko pabalik, matapos noon ay nagtulakan sila ng kasama niya na akala mo’y elementary school na nag-aasaran dahil napansin ng crush. Napailing na lamang ako at tiningnan si Reo na naghihintay sa counter para kuhain ang pagkain na in-order niya. Imbes na sa cafeteria ay mas pinili naming kumain sa labas dahil baka magpakita na naman sa akin si Kathy. I don’t want to deal with her right now, hindi ngayong wala ako sa mood makipagtalo. Quota na sila sa akin kahapon, I need a Goddamn break! “Sigurado ka bang hindi ka kakain ng kanin?” tanong ni Reo nang ilapag niya ang tray sa mesa at maupo siya sa tapat ko. “Yeah, wala akong gana kumain.” sabi ko bago kuhain sa tray ang fries at sundae na pina-order ko sa kanya. “You should at least eat this burger, para may

Latest chapter

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 8

    I took a glance into one of the mirrors. My hair was surprisingly neat considering the massive wind outside. Inayos ko ang suot kong sweater na hiniram ko kay Reo para matakpan ang suot kong uniform, matapos noon ay nilingon ko siya na hanggang ngayon ay nakasilip pa rin sa bintana ng kotse niya“I’m going to be okay.” Paninigurado ko. Tipid siyang tumango at nag-okay sign sa akin kahit alam ko na nag-aalala pa rin siya.“Okay, message me if something happens.” aniya at ngumiti naman ako. Hinintay ko siyang makaalis bago ako tuluyang pumasok sa hotel kung saan sumalubong sa akin sa entrance si Siegren. How did he know that I’m here already? More importantly, why do I need to meet his boss at the hotel?“Where’s Uno?” tanong ko na lamang nang ipasok ko ang kamay ko sa bulsa ng suot kong sweater.“Naghihintay siya sa rooftop.” ani Siegre

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 7

    “Hi, Kharris.” bati sa akin ng schoolmate ko nang madaanan niya ang mesang kinauupuan ko. “Hello.” Bati ko pabalik, matapos noon ay nagtulakan sila ng kasama niya na akala mo’y elementary school na nag-aasaran dahil napansin ng crush. Napailing na lamang ako at tiningnan si Reo na naghihintay sa counter para kuhain ang pagkain na in-order niya. Imbes na sa cafeteria ay mas pinili naming kumain sa labas dahil baka magpakita na naman sa akin si Kathy. I don’t want to deal with her right now, hindi ngayong wala ako sa mood makipagtalo. Quota na sila sa akin kahapon, I need a Goddamn break! “Sigurado ka bang hindi ka kakain ng kanin?” tanong ni Reo nang ilapag niya ang tray sa mesa at maupo siya sa tapat ko. “Yeah, wala akong gana kumain.” sabi ko bago kuhain sa tray ang fries at sundae na pina-order ko sa kanya. “You should at least eat this burger, para may

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 6.5

    “Kharris, we’re here.” ani Reo at doon lang napansin na nasa parking lot na kami ng school. Inalis ko ang pagkakasuot ng seatbelt ko ngunit nagkamali ako nang paggalaw ng braso ko kaya napadaing ako sa sakit.“Shit.” mura ko nang mapikit ako nang mariin.“What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Reo. Balak ko pa sana siyang sagutin pero nakahalata na siyang may mali sa braso ko. Kumunot ang noo niya at marahang hinawakan ang palapulsuhan ko.“It’s nothing—”“What the actual hell?” hindi makapaniwalang singhal niya nang iangat niya ang sleeve ko at makita ang mga mahahabang pasa roon gawa nang paglatay ng belt ni dad doon. Naitago ko na lamang ang labi ko at kahit masakit ay binawi ko ang palapulsuhan ko at ibinaba ang sleeve ko.“I’m okay.” tipid kong sabi, “I’m really okay.”“There’s no

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 6

    **This chapter contains suicide that may be triggering. Read at your own risk.The sound of loud thunder wakes me up from my sleep. Marahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot ‘yon nang makitang malakas ang ulan sa labas. Kinapa ko ang ilalim ng unan ko at bumangon nang maalalang naiwan ko nga pala ang phone ko sa attic. Marahan akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto ngunit pagpasok ko sa attic ay awtomatiko akong napaupo nang paatras kasabay nang malakas na kidlat at kulog.Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimulang tumulo ang luha ko habang naka-angat ang tingin sa umugoy-ugoy na katawan ng pamilyar na pigura sa loob. Nakasabit ang katawan nito mula sa kisame habang dilat ang mga mata. Napatakip na lamang ako sa bibig ko at nang muling kumulog at kumidlat ay mas nakita ko nang malinaw kung sino iyong nakasabit.At that exact moment, a shiver went down my spine.“Mommy!”I woke up gasping for air as I t

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 5

    “Ris!”“Kharris!”“Kharris Villa Luna!” Sunod-sunod akong kumurap nang marinig ang baritonong boses ni Uno. Tumingin ako sa labas at doon lang na-realize na nakahinto ang kotse niya.“Ah, were you saying something?” Binalik ko ang tingin kay Uno at tinagilid ang ulo ko nang tumitig lang siya sa akin. “W-What?”“You’re staring at me for minutes now, what kind of dirty things are you imagining?” tanong niya bago mag-abot ng tissue sa ilong ko at punasan ang basang likido doon. Nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo na iyon. The heck? When did I have a nosebleed?“Sorry, naalala ko ‘yong nangyari kagabi.” pagsasabi ko ng totoo bago kuhain ang tissue sa kanya at ituloy ang pagpupunas sa ilong ko. That was mortifying! I need to change the topic.“Oh right, nagkita kami ni D

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 4

    “What are you on about?” seryosong tanong ni Uno habang nakasandal siya sa swivel chair habang ako naman ay masamang nakatingin sa kanya mula sa couch. I can’t believe na pinasundo niya ako sa tauhan niya at dinala rito sa mismong office niya para rito mag-usap. It’s my first time coming here and I hate the attention I got when his right-hand man was escorting me.“Do we really need to talk here?” tanong ko.“I told you I’m a busy man. Do you expect me to make time for you and go outside?” seryoso niyang tanong, dahilan para tumayo ako at lumapit sa mesa niya. Marahas kong pinatong ang kamay ko roon sa mismong harap ng desk name plate niya kung saan nakalagay ang pangalan niya at ang title na president.He’s really different from his twin brother, same age naman sila pero sa kanilang dalawa ay mas matured siya. I mean, they are both matured but in a different ma

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 3

    Napahawak ako sa pisngi ko nang pag-akyat na pag-akyat ko sa itaas ay ang mabigat na palad ni dad ang sumalubong sa akin. Malalim akong bumuntong hininga at saka siya tiningnan.“What did I do?” mahinahong tanong ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang sigawan. If I only had the guts to fight him, I would have done it a long time ago.“Are you really asking because you don’t know?”“Magtatanong ba ako kung alam ko?” tanong ko pabalik, dahilan para ang kabilang pisngi ko naman ang sampalin niya. Nakagat ko na lamang ang labi ko at inayos ang buhok ko dahil napunta ang ilang hibla noon sa mukha ko.“You are foul-mouthed just like your whore mother.” Agad kong sinamaan ng tingin ang walang kwenta kong ama nang sabihin niya ang bagay na iyon.“You can say whatever you want to say to me but don’t you dare insult my mother. She’s already dead! Kailan mo siya titigilanㅡ” Hi

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 2

    Ramdam ko ang pagkahilo nang pabagsak akong mapaupo sa kama at matanggal ang suit sa balikat ko. I’m drunk but I’m still pretty aware of what’s happening. I’m about to do it with my greatest enemy but I don’t care.Still, hindi ko pa rin maiwasang lumunok nang marahas nang makitang tinatanggal niya ang pagkakabutones ng suot niyang itim na business vest.“I know you’re not thinking straight because you’re devasted and drunk, but are you sure about this?” He asked and I could see his muscles flexing when he removed his shirt, showing off his muscled tattooed chest and abs.“I might regret this afterwards, but yeahㅡmake me forget your brother. Kahit isang gabi lang.” desidido kong sabi.“Kharris, pwede ka pang umatras hangga’t may self-control pa ako. I’m just kidding when I asked you earlier.”“You didn’t sound like you’re joking, an

  • In the Arms of a Possessive Billionaire    Chapter 1

    7 years earlier.Have you ever been in love with someone who is in love with someone else?And have you ever wished to be that someone else?It’s really painful to think about it but my mind was full of questions about how love can be cruel sometimes. I can’t help but close my eyes and let out a deep fucking sigh.“Hey, ‘wag kang bumuntong hininga sa engagement party ko. Malas ‘yon.” Para akong nakuryente nang maramdaman kong akbayan ako ni Dos at magtama ang balat namin. Marahan ko itong nilingon at tila ba kinabahan nang makita ang malawak niyang ngiti. Damn! that’s illegal. “Nabo-bored ka na ba?”“No, marami akong nakain. Pinapakiramdam ko ‘yong tiyan ko. Baka bigla ako mag-number 2, e.” Bahagya siyang natawa sa sinabi kong iyon bago tumingin sa likuran at tawagin ang fiancée niyang busy rin sa pakikipag-usap sa bawat bisita.

DMCA.com Protection Status