"Tyrone, what is this? Do you know anything about this? Have you seen this?" Hindi makapaniwala si Ivory sa nakikita niya habang hawak-hawak niya ang kopya ng dokumento na inabot sa kan'ya ng katulong kanina lamang. "That bitch! That mistress of yours! Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babae na iyon!""Ano ba iyon? Anong problema?" Nag-aalala agad na tanong ni Tyrone habang lumalapit sa asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito pero sigurado siya na ang dahilan ng pagwawala nito ay ang hawak-hawak nito na papel. "Ano ba iyan hawak mo? Ano ba ang nangyayari?"Hindi na siya sinagot pa ni Ivory at ipinasa na lamang nito ang papel sa kan’ya. Agad naman niya iyon na tiningnan at hindi pa man niya nabasa ng buo ang nilalaman noon ay nag-init na rin agad ang ulo niya. Agad siya na napakuyom ng kan'yang kamao dahil sa nabasa niya na demanda ni Raven laban sa kan'ya at kay Ivory. Sigurado siya na ang counter-charges na iyon na libel laban sa kan’ya at slander at physical injuries
"How are you?" Kadarating pa lamang ay may bahid na agad ng pag-aalala ang tanong na iyon ni Trey para kay Raven. "May nangyari ba kaya pinapunta mo ako agad dito? Nasaan si Ashley?"Pag-iling ang naging tugon ni Raven dahil iba ang rason kung bakit niya pinapunta ang kaibigan niya sa apartment niya. The past few days have been erratic for both of them, but she made it through despite everything because of his presence, kaya naman nais niya na pasalamatan si Trey dahil alam din naman niya na marami rin responsibilidad ito pero sa kabila noon ay hindi umalis ang lalaki sa kan’yang tabi at patuloy siya na sinusuportahan at inaalagaan.And she is glad that she made the decision to tell him everything. Aminado naman siya na noon una ay wala na talaga siyang balak pa na ipaglaban ang sarili niya, pero matapos siya na sugurin ni Roxy ay nag-iba ang pananaw niya sa lahat. Kaya naman laking pasasalamat din niya sa pinsan ni Trey dahil kung hindi siya nito tinarayan ay baka hanggang ngayon ay n
"Ivory, what brings you here?" Laking gulat ni Trey nang pagbukas niya ng pintuan ay asawa ng kapatid niya ang nabungaran niya roon. Hindi niya inaasahan ang panauhin niya lalo na at nagiging komplikado na ang mga impormasyon na nalalaman niya. "If this is about the case, I don’t want to discuss it." Pangungunang paalala na niya.Hindi pa man sinasagot ni Ivory ang tanong niya ay alam din naman niya na natanggap na nito at ni Tyrone ang balita tungkol sa kaso na isinampa nila ni Raven at ayaw na niya na pag-usapan pa iyon sa labas ng korte dahil simula ngayon ang lahat ng transaksyon niya sa kan’yang pamilya ay magiging sa loob na lamang ng korte."Hindi mo ba ako iimbitahan sa loob? May kasama ka ba? Nariyan ba si Raven?" Ivory is being direct about everything. Alam naman niya na hindi kaya ni Raven na labanan ang pamilya Lorenzo ng mag-isa, kaya sigurado siya na tama si Tyrone ng hinala na nakakapit ang walanghiyang babae na iyon sa isa rin na Lorenzo: si Trey. "Why would Raven be h
Miko San Gabriel. Siya ang lalaki na kaharap namin ngayon ni Trey. Siya ang posibleng solusyon sa mga problema na hanggang ngayon ay ginugulo ako. Siya lamang ang maaaring makapagbigay liwanag sa mga akusasyon na ibinibintang sa akin ni Ivory kaya umaasa ako na sa araw na ito ay magkakaroon na rin ng matinong kasagutan ang mga katanungan sa aking isipan. Walang kasiguraduhan ang kahihinatnan ng usapan namin sa kan’ya pero umaasa ako na sa kan’ya na matatapos ang mga kasinungalingan ng asawa ni Tyrone."Miko San Gabriel." May angas ang pagkakabigkas na iyon ni Trey sa pangalan ng lalaki sa harap namin. Hindi man lamang siya kumukurap at nakatitig lamang sa tao na katabi ng imbestigador at abogado na kasama namin ni Trey. "Are you ready to tell us the truth?" "Mr. Trey Lorenzo." Pagbanggit din naman nito sa pangalan ni Trey. Wala rin gaanong emosyon ang lalaki, pero gaya ni Trey ay may angas din ang tugon nito at hindi rin naman kinakitaan ng takot man lamang. Mukhang handa rin siya par
"Ready?" Isang salita lamang iyon ni Trey pero labis-labis ang dala na kaba nito sa akin. Halos dumadagundong sa lakas ang tibok ng puso ko at marahil ay nakita ni Trey ang reaksyon ko na iyon kaya hinawakan niya ang kamay ko kasabay sa masuyo niya na pagngiti sa akin. "We can do this, Raven. Kasama mo ako kaya wala kang dapat na ikatakot.""Pero natatakot talaga ako, Trey. Hindi ako sigurado kung tama ang gagawin natin. Hindi ko alam kung mas lalong magkakagulo dahil sa gagawin natin." "Rave, your feelings are valid. Normal lamang na makaramdam ka ng takot, pero kailangan mo na magpakatatag at talunin ang takot na iyon. Nandito ako sa tabi mo at hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit, Rave. Laban nating dalawa ito kaya umasa ka na hindi kita iiwan." Panandalian muna ako na napapikit upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung tama itong gagawin namin pero buo ang tiwala ko kay Trey, kaya bagama’t namamayani ang takot at pag-aalinlangan sa akin ay dahan-dahan pa rin ako na tum
"Sinungaling ka!" Agad na napatayo si Ivory sa kan'yang kinauupuan habang kitang-kita pa rin sa reaksyon niya ang gulat niya sa sinabi ni Miko. "Hindi kita kilala. Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong kalaguyo!""Gago ka ba! Anong kalaguyo?! Asawa ko ang pinagbibintangan mo!" Agad din na tumayo si Tyrone at akma na susugurin si Miko pero agad din siya na pinigilan ni Ivory. Nagkakagulo na sa mansyon ng pamilya Lorenzo pero hindi ko magawa na makakilos sa aking puwesto. "Anong katarantaduhan na naman ito, Trey?" Baling pa niya sa kapatid niya."Anong katarantaduhan, Tyrone? Nandito kami para bigyan linaw ang mga kaguluhan na ginagawa ni Ivory. Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?""Sinungaling ka!" Sabay turo sa akin ni Ivory. "Ikaw na naman na babae ka ang gumagawa ng kuwento! Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagtangkaan mo ang buhay ko?!" Dinuduro niya pa ako habang patuloy siya na umiiyak. "Wala akong kasalanan sa'yo, Raven. Hindi ako ang nagdesisyon sa kasal namin ni Tyrone pero ba
"Tyrone, please listen to me." Pagmamakaawa ni Ivory sa kan’yang asawa. "Pabayaan mo muna ako na magpaliwanag. Nagsisinungaling ang lalaki na iyon. Nagsisinungaling ang kabit mo. Nagsisinungaling ang kapatid mo! They are all lying about me. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa akin, pero sinisira nila ako!"Walang salita na maibulalas si Tyrone dahil siya man ay gulong-gulo sa nangyayari. Ayaw niya na maniwala sa mga paratang nina Trey at Raven laban kay Ivory at lalo nang ayaw niya na maniwala sa mga kasinungalingan ng Miko San Gabriel na iyon. He doesn’t want to; he wants to side with his wife, but sadly, a part of him believes everything."Ty, baby, please tell me that you believe me. Sabihin mo sa akin na ako ang pinapaniwalaan mo at hindi sila! You have to believe me. Wala kaming relasyon ng lalaki na iyon! Raven is destroying me to get you back. Nagsisinungaling ang babae na iyon dahil nais niya na maagaw ka sa akin. Huwag mo siyang hayaan na sirain tayo sa pangalawang p
Kanina pa paikot-ikot si Ivory at hindi mapalagay. Today will clearly be her day of destruction. Malalim na buntong-hininga na lamang ang napakawalan niya dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya. Inis para sa iisang tao lamang: Raven De Ocampo.Wala siyang nagawa nang sabihin ni Tyrone na kailangan niya na magpa-check upang patunayan na hindi siya nabuntis at nagkaanak. Of course, she agreed right away. Kailangan niya na pumayag upang hindi lalo na maghinala sa kan’ya ang asawa niya.And now that day has arrived, and yet she doesn't know how she can get through it. Walang binigay na impormasyon sa kan’ya ang kan’yang asawa kaya hindi rin siya makagawa ng mga hakbang niya, kaya naman ang lahat ay hinahayaan na lamang niya sa tadhana. Haharapin na lamang niya ang lahat kapag oras na, pero sa ngayon ay maninindigan muna siya sa sariling kuwento niya. Gano’n pa man ay hindi niya maiwasan ang sobrang galit na nararamdaman niya para kay Raven. That bitch has ruined everything for her. Ra
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n