"Sinungaling ka!" Agad na napatayo si Ivory sa kan'yang kinauupuan habang kitang-kita pa rin sa reaksyon niya ang gulat niya sa sinabi ni Miko. "Hindi kita kilala. Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong kalaguyo!""Gago ka ba! Anong kalaguyo?! Asawa ko ang pinagbibintangan mo!" Agad din na tumayo si Tyrone at akma na susugurin si Miko pero agad din siya na pinigilan ni Ivory. Nagkakagulo na sa mansyon ng pamilya Lorenzo pero hindi ko magawa na makakilos sa aking puwesto. "Anong katarantaduhan na naman ito, Trey?" Baling pa niya sa kapatid niya."Anong katarantaduhan, Tyrone? Nandito kami para bigyan linaw ang mga kaguluhan na ginagawa ni Ivory. Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?""Sinungaling ka!" Sabay turo sa akin ni Ivory. "Ikaw na naman na babae ka ang gumagawa ng kuwento! Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagtangkaan mo ang buhay ko?!" Dinuduro niya pa ako habang patuloy siya na umiiyak. "Wala akong kasalanan sa'yo, Raven. Hindi ako ang nagdesisyon sa kasal namin ni Tyrone pero ba
"Tyrone, please listen to me." Pagmamakaawa ni Ivory sa kan’yang asawa. "Pabayaan mo muna ako na magpaliwanag. Nagsisinungaling ang lalaki na iyon. Nagsisinungaling ang kabit mo. Nagsisinungaling ang kapatid mo! They are all lying about me. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa akin, pero sinisira nila ako!"Walang salita na maibulalas si Tyrone dahil siya man ay gulong-gulo sa nangyayari. Ayaw niya na maniwala sa mga paratang nina Trey at Raven laban kay Ivory at lalo nang ayaw niya na maniwala sa mga kasinungalingan ng Miko San Gabriel na iyon. He doesn’t want to; he wants to side with his wife, but sadly, a part of him believes everything."Ty, baby, please tell me that you believe me. Sabihin mo sa akin na ako ang pinapaniwalaan mo at hindi sila! You have to believe me. Wala kaming relasyon ng lalaki na iyon! Raven is destroying me to get you back. Nagsisinungaling ang babae na iyon dahil nais niya na maagaw ka sa akin. Huwag mo siyang hayaan na sirain tayo sa pangalawang p
Kanina pa paikot-ikot si Ivory at hindi mapalagay. Today will clearly be her day of destruction. Malalim na buntong-hininga na lamang ang napakawalan niya dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya. Inis para sa iisang tao lamang: Raven De Ocampo.Wala siyang nagawa nang sabihin ni Tyrone na kailangan niya na magpa-check upang patunayan na hindi siya nabuntis at nagkaanak. Of course, she agreed right away. Kailangan niya na pumayag upang hindi lalo na maghinala sa kan’ya ang asawa niya.And now that day has arrived, and yet she doesn't know how she can get through it. Walang binigay na impormasyon sa kan’ya ang kan’yang asawa kaya hindi rin siya makagawa ng mga hakbang niya, kaya naman ang lahat ay hinahayaan na lamang niya sa tadhana. Haharapin na lamang niya ang lahat kapag oras na, pero sa ngayon ay maninindigan muna siya sa sariling kuwento niya. Gano’n pa man ay hindi niya maiwasan ang sobrang galit na nararamdaman niya para kay Raven. That bitch has ruined everything for her. Ra
"Hindi na tayo pupunta sa doktor, Ivory."Nagulat man si Ivory sa sinabi na iyon ng kan’yang asawa nang makalabas siya ng silid ay hindi siya nagpahalata. Normal pa rin ang reaksyon ng mukha niya kahit na nais na niyang lumundag sa tuwa. Kakampi pa rin niya talaga ang pagkakataon at mukhang inililigtas siya ng tadhana sa tuluyan na pagkakabuko sa mga kasinungalingan niya. There is still hope for her after all."Naniniwala ka na ba sa akin ngayon, Tyrone?" tanong niya na lamang. "Naisip mo na ba na higit kanino man ay ako ang dapat na kinakampihan mo at hindi ang ibang tao dahil ako ang asawa mo? If that is the case, I am glad that you do. Mabuti naman at nahimasmasan ka na at nakapag-isip ka na ng tama. Admittedly, I am hurt by your actions, but I can forgive you. Kaya ko na kalimutan ang lahat para muli tayo na makapag-umpisa ng maayos.""Mag-uusap tayo." Iyon lamang ang naging tugon nito sa kan’ya at saka siya mabilis na tinalikuran nito. And that action caused her heart to start thu
"What did you say? So, is it true? Are you telling us that everything that Trey had discovered about Ivory is true?" Iyon ang sunod-sunod na mga katanungan na narinig ni Tyrone buhat sa kany’ang ina matapos niya na sabihin ang lahat ng mga natuklasan niya na mga katotohanan tungkol sa kan’yang asawa."Inamin na ba ito sa’yo ni Ivory?" Dagdag na tanong naman ng kan’yang ama na kanina pa rin puro pagbubuntong-hininga na lamang ang nagagawa. "Or just like what we did with Raven, we are again relying on the words and accusations without basis?" Sa sinabi na iyon ng ama ay bahagya na nakaramdam ng pagkapahiya si Tyrone. Alam niya na malaki ang mga pagkakasala niya kay Raven dahil sa naging pagpanig niya agad kay Ivory, kaya naman balak din niya talaga na makabawi sa dating kasintahan sa lahat ng mga akusasyon na ginawa niya rito. "What I told you just now is the truth, backed up with evidence." sagot niya. "Sana lamang ay sigurado ka sa mga ebidensiya na ito na sinasabi mo."Naiintindiha
"Ano ang ginagawa mo rito?" Hindi inaasahan ni Trey na ang mabubungaran niya sa kan’yang pintuan ay ang kapatid na si Tyrone. Hindi niya alam kung ano na naman ang sadya nito pero sa punto na iyon ay wala na siyang balak na patulan pa ang panggugulo ni Tyrone. "Ano na naman ang sadya mo rito? Puwede ba, Tyrone, wala akong balak na pumatol at makipagtalo na naman sa’yo." "Let’s talk." Matipid na sagot ni Tyrone sa kan’ya.Nakatitig lamang sila sa isa’t-isa matapos nito sabihin ang dalawang salita na iyon. Ayaw na niya talaga na makipag-usap pa sa kapatid dahil alam niya na mauuwi na naman sila sa pagtatalo. Nasabi na ni Miko sa nakaraan na paghaharap nila ang mga katotohanan na nais niya na malaman ng pamilya nila, kaya sa ngayon ay nais na lamang niya na abogado sa abogado ang mag-usap patungkol sa kaso."Wala naman na rin tayong dapat pa na pag-usapan, Tyrone. Gumugulong na ang mga kaso at hahayaan ko na lamang ang mga abogado natin ang mag-usap. Miko has said his piece, and he will
Napa-iling na lamang siya sa kapatid kasunod ng pagsambulat niya sa katanungan sa kan’yang isipan. "Why? Do you honestly think that everything can be fixed with just a mere apology? Maliit na bagay lamang ba para sa’yo, Tyrone, ang lahat ng nangyari na ito? Buhay ang nasira dahil sa mga ginawa mo. Buhay na pilit ko na inaayos ngayon dahil sa kasamaan mo, tapos gusto mo dahil sa isang sorry ay magiging ayos na ang lahat?""Marami akong kasalanan sa’yo at sa pamilya natin kaya nais ko na ituwid ang mga pagkakamali na iyon. Nangako ako sa mga magulang natin na aayusin ko ang lahat ng problema na ito, kaya nandito ako ngayon, lowering my pride just to ask for an apology.""May mga bagay na kapag nasira na ay hindi na kayang ayusin pa, Tyrone. Huwag kang humingi ng tawad para lamang mabawasan ang guilt na nararamdaman mo."Sa totoo lamang ay hindi niya alam kung dapat ba niya na paniwalaan ang mga salita ng kapatid. Nais niya na maniwala pero hindi niya makita ang tunay na sinseridad ni Tyr
"Rave, tama na ‘yan." Kanina pa natataranta si Ashley dahil buhat din kanina pa ay hindi na tumigil sa pag-iyak si Raven. Hindi niya malaman kung ano na naman ang nangyari at bigla na lamang na umuwi na luhaan ang kaibigan. "Ano ba talaga ang nangyari? Nag-away ba kayo ni Trey? Si Ivory at Tyrone na naman ba? Tungkol ba ito sa kaso?"Nanatili lamang na walang imik si Raven at patuloy sa pag-iyak. Wala siyang maisagot sa kaibigan niya dahil napupuno ng galit ang puso at isipan niya. Napapakuyom na lamang siya ng kan’yang palad habang paulit-ulit na binabalikan sa kan’yang alaala ang tagpo na iyon na naabutan niya kanina."Hindi ko ginusto ang mga nagawa ko. Heaven knows how much guilt I am feeling. Hindi ko nais na siraan ka sa kan’ya; hindi ko ginusto na agawin siya sa’yo, pero hulog na hulog ako sa kaibigan mo at alam ko na hindi niya ako magugustuhan kailanman hangga’t nariyan ka. I needed you out of the picture so that Raven can see how much better I am than you. Kailangan kita na s
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n