"What brings you here? Hindi kita kailangan dito." Sa tono pa lamang ng pananalita ni Raven ay galit na agad ang mababanaag doon. "Rave, please talk to me. Marami akong nais na sabihin at ipaliwanag sa’yo." Pakiusap naman ni Tyrone. Sa totoo lamang ay hindi niya alam kung paano kikilos ngayon sa harapan ng dating kasintahan.This used to be a home for him. This is a place where he feels he can be himself; whenever he is with Raven, there are no extreme pressures, but at this moment, everything seems to be just a distant memory of his past."Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa'yo, Raven. Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo ang mga sasabihin ko pero sapat na sa akin na mabigyan mo ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa’yo."Walang naging tugon ngunit isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Tyrone matapos niya na sabihin ang pakiusap na iyon kay Raven. Aaminin niya na hindi niya iyon inaasahan, pero gano’n pa man ay naiintindihan niya ang galit nito para
"What brings you here, my dear husband?" Kakapasok pa lamang ni Ivory sa kanilang bahay ay si Tyrone na agad ang nabungaran niya na mukhang kanina pa rin siya hinihintay. "Naramdaman mo ba na narito ako? Gano'n ba kalakas ang pakiramdam mo pagdating sa akin o baka naman ipinagtabuyan ka lang ni Raven kaya naisipan mo na ako na hanapin?"Yes, Ivory is staying back at their old house. Sa bahay nila ni Tyrone kung saan sila unang bumuo ng isang pagsasama na nababalot ng mga kasinungalingan. Ayaw sana niya na bumalik dito pero wala siyang ibang pupuntahan. Hindi siya makakabalik sa mansyon ng mga Lorenzo lalo na at sigurado siya na alam na ng mga magulang ng asawa niya ang mga katotohanan sa mga ginawa niya.Makapal nga siguro ang mukha niya dahil dito pa niya naisipan na manirahan, pero panghahawakan niya na lamang na legal pa rin naman siya na Lorenzo dahil may bisa pa ang kasal nila ni Tyrone kaya may responsibilidad pa rin sa kan’ya ang asawa niya hindi man maayos ang relasyon nila sa
"I know what I did, and I am sorry for everything, Ivory. Patawarin mo ako dahil nasaktan kita. Heaven knows how much I wanted our marriage to work, but in the end, I still failed, because just as you have said, I am selfish."Lihim na napangiti si Ivory nang marinig niya ang mga tinuran na iyon ng asawa niya. Ito talaga ang plano niya: ang patuloy na isisi kay Tyrone ang nangyari sa relasyon nila at isumbat sa asawa ang mga sakit na natamo niya dahil sa mga panloloko nito.Yes, she may have a hand in all of these problems; yes, she is in one way or another a contributor to this chaos, but she will not willingly admit that. Hindi niya kailanman aakuin ang partisipasyon niya sa malaking kaguluhan na ito dahil kailangan niya na ipamukha kay Tyrone ang mga pagkakamali nito.She is guilt-tripping him because that is her only way to stay as Tyrone’s wife. She had lost everything after her plans didn’t work. Wala na siyang ibang maaasahan pa kung hindi ang pagiging asawa lamang ni Tyrone. Ha
"Trey, can we talk?""Raven, may problema ba?""Trey, Raven, I’m glad that you have time today. I am sorry for the short notice. Late na rin namin na natanggap ang mga dokumento."Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ang dalawa para sa pag-uusap na nais ni Raven dahil sa pagpasok sa eksena ni Lance. Nag-aatubili naman na sumulyap na lamang sa kan’ya ang kaibigan bago nito inilipat ang atensyon sa kaibigang abogado. "Lance, anong balita? Bakit biglaan ang pagpapatawag mo ng meeting? May problema ba tayo sa kaso?" Sunod-sunod ang pagtatanong ni Trey bagama’t may kutob na siya sa kung ano ang pag-uusapan nila na iyon. "On the contrary, walang problema, Trey. It’s actually good news that I’m bringing to the both of you.""Good news?""Katatanggap lamang namin ng balita na umuurong na ang kapatid mo sa kaso na isinampa nila laban kay Raven. Nag-file na siya ng affidavit of desistance at tinanggap na rin iyon ng piskal. Ito ang kopya ng mga dokumento na natanggap ng opisina ko buhat sa kani
"Ma, Pa." Seryoso ang pagbati na iyon ni Trey sa mga magulang niya nang makapasok sila sa mansyon ng mga Lorenzo. "I am here with Raven. Hindi ninyo ba ako matawagan kaya kailangan pa na ipadaan kay Lance ang pagkikita natin na ito?""Your mother was left with no choice. Anyway, thank you for coming, Trey, and how have you been, Raven?" Ama na ni Trey ang unang bumati sa kanila at iminuwestra pa ang upuan sa kanila.Bagama’t kinakabahan sa paghaharap na ito ay pinipili ni Raven na iwaglit sa kan’yang isipan ang takot na nararamdaman niya. May dahilan kung bakit sila pinapunta ng mga magulang ni Trey at sigurado siya na iyon ay upang ayusin ang mga gulo na kinasangkutan niya sa magkapatid."Trey, Iho, thank you for being here." Maluha-luha na agad ang ina ni Trey hindi pa man sila nagsisimula sa kanilang usapan. "Thank you for accepting our invitation, Raven. And apologies that I have to do this through Lance. He is the only one I can think of that can make you agree with this meeting."
"Peste! Bakit ayaw mo sagutin?!" Inis na inis na naibato na lamang ni Ivory sa kama ang kan’yang telepono. "Why don’t you answer the damn phone?!" Kanina pa siya nanggigigil dahil hindi niya matawagan ang taong nais niya na makausap. "I badly need to talk to you.""Argh!" Muli na sigaw niya kasabay sa bahagya na pagsabunot niya sa kan’yang sarili. "I hate you!" Muli na sigaw pa niya. "How dare you?! You can’t do this to me! Talk to me, dammit!" Normal na reaksyon ito dahil napupuno ng galit ang puso ni Ivory dahil sa balitang natanggap niya kanina lamang. Hindi niya akalain na tototohanin ni Tyrone ang mga napag-usapan nila kahit na tahasan niya iyon na tinutulan.Nagngingitngit ang kalooban niya dahil itinuloy nga ng asawa niya ang mga sinabi nito sa kan’ya: inurong nito ang demanda nila laban kay Raven at bukod pa roon ay tuluyan na nga na nakipaghiwalay sa kan’ya si Tyrone.Her husband is hurting her on purpose. He retracted the case against Raven, showing her how much more his mis
"Ivory." Agad na napasinghap si Ivory nang marinig niya ang pagtawag na iyon sa pangalan niya. It’s not as if she wasn't expecting it, but because she was actually anxious about what was about to happen. "Hi. Thank you for agreeing to see me." "Sa totoo lamang ay wala sana akong balak na harapin ka, pero kailangan ko na siguraduhin na hindi ka mag-uumpisa na naman ng gulo kaya kahit na ayaw ko ay kailangan ko na gawin ito.""Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?""You want the truth? Yes. Ang tingin ko sa'yo ay isang ahas na naghihintay lamang ng pagkakataon para tuklawin ang mga nakapaligid sa kan'ya.""You're being harsh. Wala akong plano na manggulo. I just need your help.""Makapal din talaga ang mukha mo para hingan pa ako ng tulong. Is this just a joke to you?" Halata na sa tono ng boses ng kausap niya ang inis na nararamdaman nito para sa kan’ya pero hindi na lamang niya iyon pinansin. "Hindi ko na rin talaga alam kung saan ka kumukuha ng tigas ng mukha para humarap pa sa ak
"Ano ang ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Raven nang ang mabungaran niya sa may pintuan ay isang hindi inaasahan na bisita. Bisita o buwisita nga ba? "Let’s talk." Dalawang salita lamang ang naging tugon nito saka marahan na itinulak ang pintuan para pumasok. "I am assuming that you don’t want your neighbors to hear us this time around, so I am inviting myself in."Ang buwisita na dumating at walang sabi-sabi na pumasok sa kan’yang apartment ay walang iba kung hindi si Ivory Lorenzo. Hindi niya alam kung ano ang sadya ng babae at wala na rin siyang balak pa na alamin iyon."Ano ang ginagawa mo rito? Kung narito ka para guluhin na naman ako at ipahiya, puwes huwag ka na magsayang pa ng effort dahil sinasabi ko sa’yo na hindi ko na hahayaan na gawin mo iyon ulit sa akin. Makakaalis ka na dahil may gagawin pa ako."Nagkibit-balikat si Ivory at binalewala ang sinabi niya saka dumiretso sa may sala at naupo. Inilibot pa nito ang paningin sa kabuuan ng apartment habang siya naman ay nak
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n