Hope you enjoy reading this. Sorry for long wait. Have a nice and stay safe! —Jaypei
ZANEVY FREALIZA“MA'AM, alam ko na nagkikita kayo ni Boss Thyme.”Natigilan ako sa pag-aayos ng kama ng magsalita si Becca na naglilinis ng sahig dito sa kwarto ko. Nilingon ko siya at nakita ko na naghihintay siya ng sagot mula sa akin.Kanina niya ako kinukulit tungkol sa nangyari tatlong araw ang nakalipas. Panay ang kwento niya maya-maya magtatanong kung saan kami galing. Kung hindi naman napupunta kay Thyme ang usapan.“Paano mo naman nalaman?” Nanlaki ang mata niya dahilan para mapatakip ako sa sarili kung bibig sa biglang pagsagot ko ng hindi nag-iisip. Nagkatinginan kami ni Becca, may ngiti sa kaniyang mukha na napalitan ng malalim na tingin sa akin.Kinulit niya ako ng kinulit na sabihin sa kaniya ng nangyari. She promise that she won't tell anyone specially Papa, I trust her that's why I told her everything from the first time Thyme show up himself until what happened three nights ago.“Sinasabi ko na nga ba! Siya talaga ang prince charming mo!” Kinikilig na niyakap niya an
ZANEVY FREALIZAHINDI ko alam kung anong sinabi ni Ivan para maging masungit siya. Ilang beses ko siyang kinulit pero wala siyang ibang sinabi kundi layuan ko si Ivan at wag na wag akong makikipagkita dito.Iniwan ko siya sa kwarto habang pinagmamasdan niyang natutulog si Baby Fria. Bumaba ako para maghanda ng almusal. Wala si Manang dahil day off nito at nagsabing bibisitahin niya ang kaniyang kapatid. Si Becca naman may mensahe sa akin na maaga siyang umalis dahil may dadalhin siyang documents kay Papa na nakalimutan nito.Sulo ko ang kusina at wala akong kaagaw. Wala ring ibang tao dito sa mansion kundi ako, si baby at ang magaling niyang daddy. Wala rin pala ang mga bantay dahil karamihan palaging nakabuntot kay Papa maliban na lang doon sa guard sa ibaba.Nagsuot ako ng apron at nagsimulang magluto. Kung ano ang nakita ko sa fridge iyon ang niluto ko. Hinain ko na sa mesa ang omelette egg, ham and rice. Umakyat ako sa kwarto pagkatapos ko magluto.Hindi ko pa nararating ang kwarto
ZANEVY FREALIZA NAGMAMADALING binuksan ko ang pinto at isang malakas na sampal ang bumungad sa akin na halos matanggal ang ulo ko sa aking leeg. Napahawak ako sa pisngi kung saan lumapat ang kaniyang palad bago ko ito tinapunan ng tingin. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Ang huli sa aking listahan na makikita ko sa araw na ito.“G-Grace?”Itinulak niya ako at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng mansion. Inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid bago siya muling humarap sa akin.“Na saan si Thyme?” Ibinaba niya ang bag sa sofa. “Hangang kailan mo ba siya balak na itago sa akin, malandi ka! Na saan ang finance ko?!”Natigilan ako at napaawang ang labi ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Grace na pulang-pula ang mukha sa galit.Isang linggo na ang nakalipas mula ng saktan siya ni Papa. Iyon ang huling araw na nakita ko siya at hindi na nagparamdam pa. Hindi ito dumadalaw o kaya tumatawag sa akin, basta bigla n
ZANEVY FREALIZANasa passenger seat ako ng sasakyan ni Tristan habang siya'y nagmamaneho. Galing na kami sa pinakamalapit na clinic—minor injury lang naman ang natamo ko kaya hindi ko kailangang manatili. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Iyong ang dami kung gustong itanong sa kaniya pero hindi ko magawang magsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang tumulong sa akin. Possible ba na maramdaman ko ang ganu'ng bagay sa kaniya?“Anong ginagawa mo sa lugar na iyon ng ganu'ng oras? Masyado ka ng malayo sa rancho.” Basag ni Tristan sa katahimikan. Nilingon ko siya, nakatutok ang mata niya sa pagmamaneho.“Doon ako dinala ng mga paa ko ng tumakas ako sa mga lalaking humahabol sa akin. Hindi ko alam kung anong atraso ko sa kanila para pagtangkaan nila ako.” Muli kung nilingon si Tristan ng wala akong matanggap na sagot mula sa kaniya. Tumingin siya sa akin dahilan para magtama ang mata naming dalawa.Ang nakilala kung Tristan ibang-iba sa nakita ko kanina. Hindi
ZANEVY FREALIZANIYAKAP ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. Nasapo ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Masama ang pakiramdam ko pero pilit kung alalahanin kung bakit ako napunta sa lugar na ito.Nasa isang malawak na kwarto ako na walang kabinta-bintana kaya hindi ko alam kung anong nasa labas nito. May suot akong damit na sobrang nipis kaya damang-dama ko ang lamig. Kung ano man ang dahilan kung bakit ako nandidito, sigurado akong hindi maganda ang nangyari.Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki. Agad akong napatayo sa takot. Napatakip ako sa bibig ng familiar sa akin ang pigura at ang kaniyang panlalaking amoy.“Glad you're awake. Drink some water,” Lumapit siya sa akin at inabot ang baso.“T-Thyme?”Bumuntong hininga siya. “Wag mong sabihin na wala kang maalala?”Natigilan ako saglit ng unti-unting pumasok sa isipan ko ang nangyari. Nanlaki ang mata ko at gad akong napatakip ng bibig ng bumalik sa akin ang nasaksihan ko.“S-Si... Papa? Na saan si Papa?! Gusto ko siy
ZANEVY FREALIZA“Aren't you going to escape again?”Ngumiti ako at inabot ko sa kaniya ang plato na may lamang hiniwa na apple. “May mapapala ba akong mabuti kapag ginawa ko ulit?”Walang araw na hindi niya ako tinatanong ng ganiyan sa tuwing nandidito siya. Tinanggap niya ang inabot ko at kumain ng apple. Ngumiti ako sa ginawa niya. Kinuha ko si Baby Fria bago umupo sa tabi niya sa sofa. Nakatutok ang mata niya sa TV habang kumakain. Bahagya akong umusog palapit sa kaniya. Huminga ako sa sofa at ginawa kong unan ang hita niya. Pinaupo ko si Baby Fria sa aking tiyan at nilalaro ko ito. Nabigla naman si Thyme sa ginawa ko at natigilan siya sa pagkain. Nang una akala ko itutulak niya ako palayo pero inilapag niya lang ang plato sa armrest ng sofa.“Why are you so kind these past few weeks?” “Ayaw kong mawala sa paningin ko ang anak ko. Bakit? Hindi mo ba gusto ang mga ginagawa ko?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nagkatitigan kami pero agad ring naputol ng mapunta kay Baby Fria ang
ZANEVY FREALIZA“GAGO KA! GAGO!” Sobra akong nangigigil sa kaniya. Sa isip ko sinasabunotan ko siya hangang sa mahiwalay ang buhok niya sa kaniyang anit! Inis na nagpapadyak-padyak ako na parang bata na hindi malaman kung ano ang gustong gawin.“Zane?” Naikuyom ko ang kamao ko at gigil na gigil na pumikit upanh pakalmahin ang sarili ko ng marinig ang boses ng lalaking ang sarap kalbohin. Pabagsak akong umupo sa sofa at inirapan siyang nakatayo hindi kalayuan sa akin.“Have you decide already?” He smirked.Sa dalawang araw na nawala siya, talagang pagdating na pagdating niya ‘yan agad ang itatanong niya? Hindi ba pwedeng kami muna ni Baby ang kamustahin niya? Hindi niya man lang ba itatanong kung gaano ako buwisit na buwisit sa kaniya nitong nakaraan?“Nakabalik ka na pala, gusto mo ba ng maiinom? Ikukuha kita.” Nakangiting presenta ko at nagtungo sa kusina. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkadismaya sa sagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang inumin o kung gusto niya nga
ZANEVY FREALIZAPagkalipas ng mahabang byahe nakarating kami sa isang dock. May kinausap siyang dalawang lalaki hindi kalayuan sa kinaruruonan. Bitbit ko si Baby Fria dahil nasa loob pa rin siya ng duffle bag. Gusto ko na sana siyang ilabas pero hindi pumayag si Thyme dahil hindi pa raw kami nakakasigurado na walang nakasunod sa amin. Walang nakakaalam tungkol kay Baby Fria kaya mas mabuti na hindi siya makita.Tinawag ako ni Thyme kaya naglakad ako papalapit sa kaniya pero agad rin akong natigilan ng may umakbay sa akin at isang matulis na kutsilyo ang nakatutok sa leeg ko.“Sumama ka ng maayos kung ayaw mong magkaroon ng marka.” Napalunok ako at mas lalong humigpit ang kapit ko sa duffle bag.“Thyme!” Mangiyak-iyak kung tawag sa kaniya. Nagtakbuhan ang mga tao. Mabilis na binunot ni Thyme ang kaniyang baril at itinutok sa direction namin.“Let her go!” Tumawa ang lalaking nakahawak sa akin. “Ibaba mo ang baril mo! Baka manggigil ako bumaon ito ng tuluyan.” Napadaing ako sa sakit ng