Alessia's POVNAUNA na akong natulog dahil pag-aaralan pa ni Elijah ang gagawing pagpunta sa Venossa. Napagpasyahan na lang niya na siya ang gagawa dahil marami siyang bagay na ikokonsidera. Kailangan niya ng mabisang plano lalo na at hindi madali ang misyon na ito.Ang alam ko lang sa plano niya ay maghahanap siya ng Navigator na papalaot papunta sa destinasyon ng Scylla. May tiwala ako kay Elijah na maganda ang planong mabubuo niya. Kaya kahit papaano ay mahimbing akong nakatulog. Hindi ko na alam kung anong oras na natulog si Elijah, o kung natulog ba siya dahil pagkagising ko ay nasa lamesa pa rin ito at abala sa pagsusulat sa papel.Napatingin naman ako sa tabi ko. Medyo magulo iyon, senyales na natulog nga si Elijah ngunit mukhang sandali lang iyon at maaga din itong gumising para ipagpatuloy ang ginagawa."Morning..." bati ko sa kanya at humikab naman ako.Mabilis naman na tumayo si Elijah at lumapit sa akin at tsaka hinalikan ako sa aking labi ng magaan bago bumulong."Morning
Alessia's POV"THIS IS the winter horse, it's taller than the regular stallion but their breed cannot survive other season but winter." Paliwanag ni Elijah habang nasa kwadra kami ngayon at nakaharap ako sa isang matikas na winter horse.Namamangha naman akong nakatitig dito. Ang mga mata nito ay kulay asul at ang balat nito ay tila gawa sa niyebeng asul na maputla. Ang kanyang buhok sa ulo at buntot ay tila gawa sa salamin dahil translucent ang mga iyon."Pwede ko ba siyang hawakan?" Hingi ko ng permiso kay Elijah. Kailangan ko iyon dahil hindi ko alam kung pwede ba iyon gawin lalo na at hindi naman ito normal na kabayo. Tumango naman si Elijah bilang tugon sa hinihingi ko.Ngumiti naman ako kaya dahan dahan ko itong inabot at lumapat ang kamay ko sa noo nito. Hindi ko siya ramdam sa aking balat dahil may suot akong gwantes. Naiisip ko kung malamig din ba ang katawan nito o kagaya lang din ng normal na kabayo.Narinig ko naman na humalinghing ang kabayo pero hindi naman ito umiwas. H
Alessia's POVNAKABALIK na kami sa palasyo at iginugol nga namin ang natitirang oras sa kung anu-anong bagay, kagaya ng kasabay sa pagkain ng snack sa alas tres ng hapon o kaninang tanghalian. Nagawa din namin ang umidlip ngunit hindi naman iyon mahaba dahil nagising din naman kami pagkatapos ng isang oras. Mabibilang lang sa kamay ang pagkakataon na magkasabay kaming kumain. Ngayon lang naging madalas dahil iisa lang ang aming kwarto.Mabilis ang oras na lumipas at naging takip silim na. Agad naman akong naligo dahil nag-eempake na si Elijah ng mga dapat niyang dalhin patungong Venossa. Konting kagamitan lang naman ang kanyang dadalhin, mga importanteng bagay na magagamit niya doon.Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at natapos naman kaagad ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumapit naman ako kay Elijah para tumulong sa pag-aayos ng kanyang gamit. He brought a couple of clothes with him. May mga compass din kaya may kinuha din ako sa kagamitan ko na alam kong kakailanganin nila. Hind
Alessia's POV"LADY Alessia, kailangan mo pong uminom ng gamot." Saad ng isang boses nang magising ako at ramdam ko presenya nito.Napaungol ako dahil nagising ako sa isang panaginip na tila nilalamon ako ng isang nakakahilong tubig, paikot ikot iyon at ngayon ay sumasakit ang ulo ko kahit kagigising ko lang. Nagkasakit ba ako? Ngunit biglang pumasok naman sa aking ala-ala na ngayon na aalis sina Elijah kaya pwersahan kong minulat ang aking mga mata at akmang babangon ako ngunit hindi ko magawa. Masyadong nananghihina ang katawan ko. Masakit ang katawan ko, lalo na ang ibabang bahagi na pakiramdam ko parang sasabog iyon sa sakit.Nakita ko si Estrebelle, medyo umiikot siya sa paningin ko. Nag-aalala ang kanyang mukha. Nahihilo pa rin ako kaya ilang beses kong ipinikit at iminulat ang aking mga mata ngunit wala pa rin nagbabago."Lady Alessia, huwag po kayong bumangon. Kailangan niyo pong magpahinga." Nag-aalalang saad niya sa akin habang may dala itong gamot na gusto niyang ipa-inom
Alessia's POV"ESTREBELLE, papasukin mo si Stefano." Utos ko sa kanya nang makabalik ito dala ang mga libro na hiningi ko. Mga limang libro ang dala nito at hindi ko alam kung matatapos ko ba ang lahat ng iyon lalo na at tila may mangyayaring masama."Masusunod, Lady Alessia." Tugon naman nito at lumabas ulit ito ng kwarto para papasukin si Stefano. Hindi sumunod si Estrebelle at nanatili ito sa labas na nakatayo.Pumasok naman si Stefano at patungo ito ngayon sa akin habang nakaupo ako at tinitingnan ang libro na nasa lamesa."May problema ba?" Tanong ni Stefano sa akin nang nakalapit ito. Nagtaas naman ako ng tingin at seryoso ko siyang tiningnan. "Wag mong sabihin na namimis mo na si Elijah at gusto mong sumunod doon sa Venossa? Ales, mahal kita pero mas mahal ko ang buhay ko." Nakataas kilay na saad nito. He said naturally but I was not bothered with the term of his love because I know it is just a love between friends.Parang gusto ko naman pukpokin ito ng martilyo dahil sa pangh
Alessia's POVNAGISING na lamang ako dahil sa kakaibang ingay. Napakunot ang noo ko dahil sa malalakas na putok at medyo yumayanig ang lupa. Agad na hinanap ko si Stefano at nakita ko naman siya na nakatayo pa rin sa dating pwesto pero medyo nakakunot noo na ito. Mukhang nababahala ito sa nangyayari sa labas lalo na at wala si Elijah."Kailan nagsimula ang atake?" Agad na tanong ko at si Sushi naman ngayon ay nasa sahig na nakatayo ngunit tuta pa rin ito. Nakatingin lang ito sa bakal na pintuan na tila may hinihintay. Alerto ito, lalo na at naririnig nito ang kagulohan sa labas."Around 10 minutes already, milady." Sagot niya sa akin. Binalewala ko na lang ang pagtawag niya sa akin ng milady kahit gusto ko siyang pandilatan.Napatingin naman ako sa dako ni Natalia na ngayon ay napansin ko na tulog na tulog. Ang tagapagsilbe na si Aliyah naman ay inaantok habang nakatayo. Itinuon ko ang tingin ko sa sahig at pinakinggan ang ingay sa labas.Sampung minuto na ang nakakaraan na nagsimula
Third Person's POVNAGISING ng maaga si Elijah kahit kaunti lang ang naging tulog niya. Agad na dumerekta ang mga mata niya sa babaeng katabi niya na mahimbing na natutulog. Her heavy breathing and slight snore shows how exhausted she was when they made love last night.Napangiti si Elijah at masuyo niyang hinagkan ang noo ni Alessia. He's going to miss her, so bad. Ayaw niyang gisingin ito dahil alam niya na pagod na pagod ito kagabi. Alam niyang napaka-inconsiderate niya sa ginawa niya. It was Alessia's first time, but he was a bit rough and they did it countless times until Alessia passed out.He remember how tight she was and took him whole. A sensation crawled again, making his manhood stiff in a mere imagination. Before he can ravish again the exhausted lady beside him, he stood up and went to the bathroom to cool down. Another love making will only strain Alessia more. He doesn't want her to be that exhausted.He took a long shower to calm down. Nagbihis na rin siya at kumuha d
Third Person's POVTHE thickness of the mist is almost blinding. The dark waters seems to move like a serpent, ready to attack. Agad na napansin ni Sudanni na ibang dimensyon na ang pinapasok nila. Ito ang dimensyon ng Scylla ngunit hindi pa nila ito nakikita dahil sa kapal na hamog na bumabalot sa kapaligiran. Ang tunog ng alon lang ang kanilang naririnig."Remain in silence. We are already in the lair of Scylla." Saad ni Elijah sa kanilang mga isipan. Agad naman na nahulaan iyon ni Elijah dahil ramdam nito ang presenya ng dalawang titan. Hindi niya lang mapunto kung nasaan ang mga ito.Walang nagtangkang mag-ingay. Lahat ay halos hindi gumagalaw at halos hindi na humihinga upang hindi makagawa ng ingay. Papasok sila ng papasok at unti-unting nababawasan ang kapal ng hamog hanggang sa nakikita na nila ng malinaw ang paligid.Hindi nagbago ang panahon. Makulimlim ang paligid, nagmumukhang itim na ang tubig na parang ano man oras ay may lalabas doon at kakain sa sino man lalagpas. Nap