Third Person's POVTHE thickness of the mist is almost blinding. The dark waters seems to move like a serpent, ready to attack. Agad na napansin ni Sudanni na ibang dimensyon na ang pinapasok nila. Ito ang dimensyon ng Scylla ngunit hindi pa nila ito nakikita dahil sa kapal na hamog na bumabalot sa kapaligiran. Ang tunog ng alon lang ang kanilang naririnig."Remain in silence. We are already in the lair of Scylla." Saad ni Elijah sa kanilang mga isipan. Agad naman na nahulaan iyon ni Elijah dahil ramdam nito ang presenya ng dalawang titan. Hindi niya lang mapunto kung nasaan ang mga ito.Walang nagtangkang mag-ingay. Lahat ay halos hindi gumagalaw at halos hindi na humihinga upang hindi makagawa ng ingay. Papasok sila ng papasok at unti-unting nababawasan ang kapal ng hamog hanggang sa nakikita na nila ng malinaw ang paligid.Hindi nagbago ang panahon. Makulimlim ang paligid, nagmumukhang itim na ang tubig na parang ano man oras ay may lalabas doon at kakain sa sino man lalagpas. Nap
Alessia's POV"STEFANO, I don't understand what's happening." I acted like I am concerned. "I waited for you the whole day but you didn't come. I thought the whole plan was changed so I stayed here." With my clueless tone, it added the the play better than I initially planned."Preposterous! You were there in the hidden room together with that servant girl and Mureles!" Biglang sumabog si Natalia sa galit. Her face was contorted with anger, trying to throw some shade. Natalia is just digging her own grave. Kahit sino ang tatanungin, iisipin na mas gusto niyang mamatay ako.Nagbigay naman ako ng nagugulohan na ekspresyon. "Stefano? Maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari?" Tiningnan ko si Stefano at agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin."Isinama kita kanina papunta sa tagong silid, milady." Sagot ni Stefano at yun naman ang gusto kong marinig mula sa kanya."See? You were there! I saw you died!" Para itong nanalo sa lotto dahil sa naging sagot ni Stefano. Nakangi
Alessia's POVLUMIPAS ang buong araw at gabi, wala nang naging atake mula sa mga demons at lumipas na din ang bagong buwan. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Elijah. Walang nakakaalam kung ano na ang nangyayari sa kanila.Dahil sa pag-aalala ay napagdesisyonan ko na bisitahin ang lokasyon ng ski resort para matingnan ang estado nito. Titingnan ko din ang tinutukoy ni Favian na mainit na lupa para nakumpirma ito."Stefano, pupunta ako sa lokasyon ng ski resort. Maaari mo ba akong samahan?" Tanong ko naman kay Stefano na ngayon ay nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto namin ni Elijah."Maaari. Hindi pa ako nakapunta doon. Ngayon na ba?" Kumpirma naman nito.Tumango naman ako. "May kailangan kasi akong kumpirmahin doon sa lokasyon." Usal ko sa kanya. Hindi ko akalain na maluwag si Stefano lalo na at katatapos lang ng bagong buwan."Sige, mauuna na ako sa labas para ihanda ang masasakyan mo. Isama mo rin si Estrebelle at Sushi dahil baka may gawin ang reyna habang w
Alessia's POV"YOUR highness." Bati ko kay Natalia at yumukod ako.Hindi maalis ang pangamba ko dahil sa kanyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay may masamang balita siyang hatid. Ngunit sana ay nagkakamali lang ang nararamdaman ko."Natanggap ko na ang balita sa paglalakbay ng Hari patungo sa Scylla." Usal ni Natalia at pareho kami ni Stefano na nanahimik at naghintay sa kasunod niyang sasabihin. Bumuntong hininga si Natalia bago niya dinugtungan ang kanyang sasabihin. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Alam ko na ilang araw na tayong walang balita tungkol sa hari. Pero dumating ang balita ngayon lang. Nawawala ang hari at mga kasamahan niya."Ang balitang kanyang inihatid ay tila isang kidlat na tumama sa katawan ko. Tila namanhid ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay nabibingi lang ako at nagkamali ako ng dinig."Y-your highness, p-pardon?" Hindi ko mapigilan itanong iyon dahil baka nagkakamali lang ako. Pati si Stefano ay hindi din magawang magsalita at lumar
Alessia's POVHATI ang buong nararamdaman ko sa ngayon. Nalaman ko na ako pala ang totoong nakatakda kay Elijah. Ang pangit na nakaraan namin na wala naman akong ala-ala. Ang pagkawala nila sa Venossa at ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko magawang ilabas ang saloobin ko kahit kanino. Kung sasabihin ko kay Stefano, hindi ko alam kung malilinawan ba ako sa mga magiging sagot niya. Kahit hindi ko tanungin, alam ko na may alam si Stefano. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila kahit gustohin ko man. Their lies did not hurt me that much.Napabuntong hininga na lamang ako. Apat na araw na lang ay magpapasko na. Hindi pa rin sila nakakabalik. Hindi ko lubos maisip na ganito ako ka kalmado sa lahat ng mga nalaman ko. I'm supposed to be angry and hate him like a normal damsel in distress princess after knowing that they were lied and killed by the person they love. Ngunit kakatwang hindi ko maramdaman ang tuluyang magalit. Oo, meron namuo ngunit nawala naman kaagad iyon dahil inintindi
Third Person's POVILANG araw na rin si Elijah sa loob ng dimensyon na iyon at wala pa rin siyang mahanap na palatandaan kung nasaan ang relikya. Kakatwang may mga hayop doon kagaya ng mga ibon, unggoy at mga baboy ramo. Hindi alam ni Elijah kung totoo ang mga iyon o ilusyon lang.Mga normal din doon ang mga prutas na kinakain din ni Elijah dahil kailangan niya ito para magpatuloy sa paghahanap ng relikya. Ngunit hindi naman nababalewala ang paghahanap ni Elijah dahil may nakikita siyang mga bakas ng naninirahan sa lugar.Hindi pa lang nagkakataon na nakasalubong ito o nakita sa isang lugar. Masyadong malawak ang lugar para makita kaagad ito ni Elijah. Iba din ang prayoridad niya sa pagpunta dito at iyon ay ang relikya.Hindi na rin alam ni Elijah kung ilang araw na ang lumipas, kung pareho din ba ang oras nito sa labas. Kung tama ang hinala ni Elijah, ay walong araw na siyang nasa loob ng Charybdis at wala pa rin siyang nahahanap.Patuloy sa paglalakad si Elijah. Ang mga hayop sa lug
Third Person's POVNARATING nila Elijah ang lugar na tinutukoy ni Erenea. Isa itong kubo na gawa sa mga tuyong mga sanga at dahon. Hindi maisip ni Elijah kung paano ito binuo ni Erenea ngunit hindi na niya iyon pinag-aksayahan ng panahon para isipin.Papadilim na rin ang paligid at hindi na mainam para maglibot si Elijah para hanapin ang relikya. "H-hindi n-naman m-marami ang mga g-gamit na dadalhin k-ko." Turan ni Erenea. Hindi nagbigay tugon si Elijah dahil inasahan na niya na wala itong mahalahang gamit dito..Inilibot lang ni Elijah ang kanyang tingin sa paligid. Wala siyang maramdaman na panganib. Masyadong payapa ang lugar, hindi kagaya sa labas."Bukas na tayo aalis. Papagabi na at kailangan mo ng pahinga." Turan naman ni Elijah pagkatapos suriin ang kapapaligiran."S-sabay na t-tayong m-magpahinga." Usal naman nito. Ang mga mata ni Erenea na tila nangungusap habang nakatingin ito kay Elijah.Walang reaksyon si Elijah. Alam niya sa sarili niya na may atraksyon siyang nararamda
Third Person's POVNARATING nila Elijah ang Venossa at kagaya ng sinabi niya ay lumapag sila doon para makapaglinis ng katawan. Medyo nagkagulo ang mga taga Venossa dahil sa biglaang pagdating ng mga sentinels at ng hari. Kadalasan sa panahon ngayon ay walang naglalakbay dahil panahon na ng pagbibigay pasalamat, ngunit nandito sila ngayon.Pumasok si Elijah sa isang hostel kung saan ay pwede siyang maligo at magpahinga. Hindi pa rin nagigising si Erenea kaya inihabilin niya ito sa mga tagapagsilbe. Hindi naman magkandaugaga ang mga tagapagsilbe sa hostel lalo na at nakilala nila si Elijah. Halos halikan ng mga ito ang nilalakaran ng hari sa pagpupugay.Naging malamig naman ang ekspresyon ni Elijah, hindi na iyon kagulat-gulat pa. Pumasok si Elijah sa isang kwarto na hindi kalakihan ngunit sapat na iyon para makaligo at makapagpahinga siya sandali.Agad naman na naligo si Elijah at medyo nagtagal siya sa loob dahil ilang araw din siyang hindi naligo. Siniguro niya na malinis na malini