Alessia's POVHATI ang buong nararamdaman ko sa ngayon. Nalaman ko na ako pala ang totoong nakatakda kay Elijah. Ang pangit na nakaraan namin na wala naman akong ala-ala. Ang pagkawala nila sa Venossa at ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko magawang ilabas ang saloobin ko kahit kanino. Kung sasabihin ko kay Stefano, hindi ko alam kung malilinawan ba ako sa mga magiging sagot niya. Kahit hindi ko tanungin, alam ko na may alam si Stefano. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila kahit gustohin ko man. Their lies did not hurt me that much.Napabuntong hininga na lamang ako. Apat na araw na lang ay magpapasko na. Hindi pa rin sila nakakabalik. Hindi ko lubos maisip na ganito ako ka kalmado sa lahat ng mga nalaman ko. I'm supposed to be angry and hate him like a normal damsel in distress princess after knowing that they were lied and killed by the person they love. Ngunit kakatwang hindi ko maramdaman ang tuluyang magalit. Oo, meron namuo ngunit nawala naman kaagad iyon dahil inintindi
Third Person's POVILANG araw na rin si Elijah sa loob ng dimensyon na iyon at wala pa rin siyang mahanap na palatandaan kung nasaan ang relikya. Kakatwang may mga hayop doon kagaya ng mga ibon, unggoy at mga baboy ramo. Hindi alam ni Elijah kung totoo ang mga iyon o ilusyon lang.Mga normal din doon ang mga prutas na kinakain din ni Elijah dahil kailangan niya ito para magpatuloy sa paghahanap ng relikya. Ngunit hindi naman nababalewala ang paghahanap ni Elijah dahil may nakikita siyang mga bakas ng naninirahan sa lugar.Hindi pa lang nagkakataon na nakasalubong ito o nakita sa isang lugar. Masyadong malawak ang lugar para makita kaagad ito ni Elijah. Iba din ang prayoridad niya sa pagpunta dito at iyon ay ang relikya.Hindi na rin alam ni Elijah kung ilang araw na ang lumipas, kung pareho din ba ang oras nito sa labas. Kung tama ang hinala ni Elijah, ay walong araw na siyang nasa loob ng Charybdis at wala pa rin siyang nahahanap.Patuloy sa paglalakad si Elijah. Ang mga hayop sa lug
Third Person's POVNARATING nila Elijah ang lugar na tinutukoy ni Erenea. Isa itong kubo na gawa sa mga tuyong mga sanga at dahon. Hindi maisip ni Elijah kung paano ito binuo ni Erenea ngunit hindi na niya iyon pinag-aksayahan ng panahon para isipin.Papadilim na rin ang paligid at hindi na mainam para maglibot si Elijah para hanapin ang relikya. "H-hindi n-naman m-marami ang mga g-gamit na dadalhin k-ko." Turan ni Erenea. Hindi nagbigay tugon si Elijah dahil inasahan na niya na wala itong mahalahang gamit dito..Inilibot lang ni Elijah ang kanyang tingin sa paligid. Wala siyang maramdaman na panganib. Masyadong payapa ang lugar, hindi kagaya sa labas."Bukas na tayo aalis. Papagabi na at kailangan mo ng pahinga." Turan naman ni Elijah pagkatapos suriin ang kapapaligiran."S-sabay na t-tayong m-magpahinga." Usal naman nito. Ang mga mata ni Erenea na tila nangungusap habang nakatingin ito kay Elijah.Walang reaksyon si Elijah. Alam niya sa sarili niya na may atraksyon siyang nararamda
Third Person's POVNARATING nila Elijah ang Venossa at kagaya ng sinabi niya ay lumapag sila doon para makapaglinis ng katawan. Medyo nagkagulo ang mga taga Venossa dahil sa biglaang pagdating ng mga sentinels at ng hari. Kadalasan sa panahon ngayon ay walang naglalakbay dahil panahon na ng pagbibigay pasalamat, ngunit nandito sila ngayon.Pumasok si Elijah sa isang hostel kung saan ay pwede siyang maligo at magpahinga. Hindi pa rin nagigising si Erenea kaya inihabilin niya ito sa mga tagapagsilbe. Hindi naman magkandaugaga ang mga tagapagsilbe sa hostel lalo na at nakilala nila si Elijah. Halos halikan ng mga ito ang nilalakaran ng hari sa pagpupugay.Naging malamig naman ang ekspresyon ni Elijah, hindi na iyon kagulat-gulat pa. Pumasok si Elijah sa isang kwarto na hindi kalakihan ngunit sapat na iyon para makaligo at makapagpahinga siya sandali.Agad naman na naligo si Elijah at medyo nagtagal siya sa loob dahil ilang araw din siyang hindi naligo. Siniguro niya na malinis na malini
Alessia's POVNAPUNO ng tawanan ang hapag lalo na at nandoon ang mga builders. Maraming pagkain na nakahanda. Sandali lamang na sumali si Natalia para lamang sa pormal na pagselebra ngunit umalis din ito pagkatapos dahil marami pa daw itong gagawin.Ginusto ko naman iyon na umalis siya dahil mababawasan ang tensyon na nararamdaman ko tuwing nasa iisang silid kaming dalawa ni Natalia."Lady Alessia, maraming salamat sa napakagandang plano at ideya mo." Tuwang saad sa akin ng isang builder na hindi ko kilala.Napangiti naman ako sa kanya. "Walang ano man." Tugon ko sa kanya at tsaka uminom ako ng inumin doon. Masasabi ko na alak iyon, ngunit lasang beer lang naman. Hindi mataas ang alcohol content kaya alam ko na hindi ako malalasing sa inumin na ito."Alistair, wag mong solohin si Lady Alessia at nais ko din siyang makausap." Dumating naman si Favian na tuwang tuwa at may bitbit din itong inumin. Iba ang kulay ng kanyang inumin at naaamoy ko din ito. Sa amoy na pinaghalong ubas at alco
Alessia's POVNAGISING na lang ako dahil sa sigawan na nagaganap sa aking paligid. Masakit ang aking ulo at ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan. "Elijah, please stop!" Saad ng isang boses na kilala ko.Napakunot noo ako at hirap akong bumangon. Hindi ko agad maaninag ang paligid dahil hindi pa iyon malinaw. Matindi ang pagod na nararamdaman ko kaya napakusot ako sa aking mga mata at nagtataka ako sa mga nangyayari.Ilang sandali pa ay luminaw na ang paningin ko. Nakita ko si Elijah, nakatayo at may hawak hawak itong isang lalaki na tila papatayin nito. Napatingin ako sa lalaking hawak niya at agad kong nakilala ito. Si Favian iyon, na hindi ko na mailarawan ang mukha dahil sa mga pasa nito.Ngunit naibalik ko ang tingin ko kay Elijah. Hindi ako makapaniwala na nakabalik na siya. Tila nilukob ng tuwa ang aking puso, ngunit nagtataka ako kung ano ang nangyayari.Binitawan ni Elijah si Favian at sumalampak ito sa sahig. Dahan dahan na dumapo ang tingin sa akin ni Elijah. Sa
Alessia's POVLUMABAS ako ng kwarto at wala doon si Stefano. Naisip ko na baka kasama na ito ni Elijah. Nanlalamig ang kamay ko na tinalunton ang daan patungo sa kwarto na tinutuluyan ni Elijah.Hindi ko mapigilan na isipin ang babaeng kayakap ni Elijah. Kahit malaki ang kasalanan ko ay hindi ko mapigilan na sumama ang loob. Ngunit ayokong magalit dahil wala akong karapatan sa bagay na iyon. Gustohin ko man ngunit mas prayoridad ko ngayon na maging malinaw ang lahat. Pagkatapos nito, kung ano man ang magiging sagot ni Elijah, doon na ako gagawa ng desisyon.Narating ko ang kwarto ni Elijah at nasa harap ako ng pintuan. May nakabantay doon na sentinel. Nakita naman nila ako kaya agad silang yumukod sa akin."Nandiyan ba si Elijah?" Mahinahong tanong ko sa kanila. Ngunit bago pa man sila nakasagot ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang babaeng kasama niya. Pakiramdam ko ay kinapusan ako ng hangin nang nakita ko ito ng malapitan. Masyado itong maganda.Biglang hinalukay ng samu't-sar
Alessia's POV"ALES, please kumalma ka muna tapos mag-usap tayo ulit." Ramdam ko na kabado si Stefano kahit hindi niya pinapahalata."Hhmm..." Tugon ko na lang para tumahimik na ito. Hindi ito titigil kung hindi ako sasangayon sa sinasabi niya."S-sige, lalabas na muna ako. Dadalhan kita ng pagkain dito." Paalam naman niya sa akin ngunit nagmamadali itong lumabas.May ideya na ako na hindi sa kusina ang tungo nito kundi kay Elijah. Hindi ko naman hahayaan na magtagumpay si Stefano."Sushi, help me escape this place. It is time to leave." Mahinahon na saad ko kay Sushi at otomatikong nagising ito at tumalon pababa. Nakita ko naman na umuusok ang katawan nito at tumunog ang mga buto nito. Ilang segundo lang ay malaki na si Sushi, mas malaki pa sa akin.Is this thy real desire, mine own mistress?"Yes, I want to leave this place, far away from Elijah where he will never be able to find me." Yan ay kung hahanapin niya ako. Tugon ko kay Sushi at isinuot ko na ang makapal na balabal.Oft, a
Alessia's POVLUMIPAS ang ilang buwan at sumapit na ang buwan ng septyembre. Unti-unti ko na rin natatanggap ang kapalaran ng anak ko sa hinaharap. I will not be able to see him grow up and turn into a man. But I have to accept everything because this is my only choice for him to suffer less.Marami din akong nababalitaan tungkol sa kaharian. Medyo magulo ngayon ang kaharian dahil maraming nagsilabasan na katiwalian at mga hindi mapagkakatiwalaan na mga imortal. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kung bakit sila nagkagulo ngunit hindi na ako nagka-interes na alamin pa iyon. Ang mahalaga ay wala itong kinalaman sa akin. I already gave up on Elijah. It's been months since he stopped the search. He never appeared in front of me. He was not there when I need him the most. So I decide to let go of this feelings. Mahal ko pa rin siya, ngunit tumigil na akong umasa.It was not easy for me to forgive him no matter how sinful he was. I forgave him countless times before he can apologize. Hi
Alessia's POV"MERLIN, I'll do anything for my son. So tell me what are those ways for me to save him." Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.Iniisip ko pa lang na mahihirapan ang anak ko sa kanyang hinaharap ay tila pinipiga na ang puso ko sa sakit. I don't want him to suffer anything. I want him to live a comfortable life. I want him to be happy.Nakatingin si Merlin sa akin at bumakas ang awa sa kanyang mga mata. Somehow, he felt my despair."If you really love your child and you don't want him to suffer. Kill him while he's still in your womb." Saad niya sa akin na tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking katawan. Tila ayaw tanggalin iyon ng aking pandinig."What?" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa kanyang sinabi ay hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Did he just said that I need to kill my own child? "Are you saying that I need to kill my child?" Nagsisimulang bumangon ang matinding disgusto ko kay Merlin. How can he say th
Alessia's POV"LOLO, malayo pa ba tayo?" Hindi ko mapigilan na magtanong dahil mahigit isang oras na kaming naglalakad at ramdam na ramdam ko na rin ang pagod. Nananakit na din ang mga paa ko dahil nagsisimula na silang mamaga."Malapit na apo, pasensya na ngunit para sa ikabubuti mo rin ang paglalakad na ito." Tugon naman sa akin ni Lolo at lumiko kami sa isang magkasangang landas.Mas mapapadali sana kung nagteleport si Lolo kasama ako ngunit hindi na iyon maaaring gawin dahil buntis ako. Masyadong malakas ang puwersa at tensyon ng teleportation na maaaring ikasama ng anak ko. Kaya wala kaming magagawa kundi ang maglakad. Mas lalong hindi din ako pwedeng sumakay ng kabayo dahil magalaw ang kabayo.Pinakiramdaman ko ang paligid. Mas nagiging makulimlim iyon at pakiramdam ko ay nagiging pamilyar sa akin. Ang mga buhay na puno ay nagiging patay. Makulimlim at mas malamig ang paligid.Napasinghap naman ako nang maalala ko na nakapunta na ko dito noon una kong nakilala sina Elijah at Ste
Alessia's POV"ALES Condor?" Gulat na sambit ko habang nakatitig sa kanya. "Ikaw ba ang pamangkin ni Honey at Falix?!"Nagulat din ito at halatang kilala niya si Honey at Falix."Kilala mo ang mga kamag-anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ales sa akin. His eyes are wide as saucers because of surprise.It's weird to call him Ales because I am used to be called Ales as well. Pero siya ang totoong Ales Condor at ako naman ay si Alessia Andromeda Condor. I am aware from the very beginning that I am only borrowing his identity.Tumango naman ako. "Nakatira ako dati sa Samona. Sa makatuwid, sila ang kumupkop sa akin noon may nangyari sa akin at napadpad sa Samona." Kwento ko sa kanya. I am just telling the truth and I don't think it's bad.Naalala ko pa na inakala nila Honey na nawalan ako ng ala-ala at doon nila napagdesisyonan na gamitin ko ang katauhan ng pamangkin nila. They said, Ales was sickly until his family move to Waldorf. Right now, he no longer looks like sickly at all.Lu
Alessia's POVNANGHIHINA ang katawan ko ngayon at baon na baon pa sa isipan ko ang mga nangyari sa solstice kung paano ako naghirap na tila paulit ulit akong pinapatay. Lumipas na ang solstice at lumipas na din ang aking kaarawan na hindi ko man lang nagawang iselebra. Nananakit ang buo kong katawan ngayon at hindi ko magawang bumangon. Nanghihina ang katawan ko ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil buhay pa ako.Tila nakaukit sa aking isipan ang sakit na naramdaman ko sa sumpa na akala ko ay hindi ko kakayanin. Buong araw akong nagdusa. Umiyak ng umiyak sa sakit hanggang sa umiiyak na akong walang luha mailabas. It was the worst experience at nanatili si Papa Elias at Lolo sa aking tabi. Para din silang tinamaan ng sumpa habang wala silang nagagawa upang maibsan man lang ang aking nararamdaman.Akala ko mawawala na ang takot ko pagkatapos ng sumpa, ngunit may namumuong panibagong takot sa aking isipan at puso. Dahil oras na maipanganak ko ang bata sa sinapupunan ko ay siya na ang bu
Third Person's POVNAGKULONG sa silid si Elijah dahil inihanda na niya ang kanyang sarili sa parating na hagupit ng sumpa. Kahit uminom na siya ng gamot ay makakaramdam pa rin siya ng matinding sakit ngunit hindi katulad ng normal. Nakatingin si Elijah sa orasan, at oras na lumapag iyon ng hating gabi ay magsisimula ang sumpa.Sanay na si Elijah sa ilang taon na nararanasan ito ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng matinding sakit. Ngunit kahit minsan ay hindi niya hiniling na mamatay, dahil higit na mas matimbang sa kanya ang makasama si Alessia.Ngunit natatakot siya dahil kung hindi siya makakaramdam ng sakit ngayon ay natitiyak niya na buntis si Alessia. Hindi niya ikakatuwa iyon dahil alam niyang si Alessia ang bubuhat ng sumpa at masasaktan ito. Walang problema sa kanya kung buntis si Alessia, basta mangyari lang iyon pagkatapos ng solstice.Kaya ang kanyang mga mata ay hindi humihiwalay sa orasan at bawat patak ng segundo ay nagbibigay kaba kay Elijah. Unti-unting kumukuy
Alessia's POV"SUSHI, you've been spending your time in the forest these days." Puna ko naman kay Sushi. Lagi itong lumalabas at sumasama ito kay Papa Elias tuwing nangangahoy ito. Matagal na rin na hindi nakapagpalit ng anyo si Sushi dahil ayaw namin matakot si Papa Elias, ngunit nakakatuwa na sumasama ito ng kusa, dahil dati ay halos nakadikit ito sa akin at hindi humihiwalay.Hindi naman ako nito pinansin at mas pinagtuunan pa nito ng pansin ang isang ligaw na bulaklak na nasa bakuran namin. Pinaglalaruan nito iyon at akmang kakagatin tapos hindi naman itutuloy."Hayaan mo na siya, nabuburo na din yan sa loob ng bahay kaya sumasama sa akin sa kakahuyan." Puna naman ni Papa Elias. Kasalukuyan na nagsisibak ito ngayon ng kahoy at ako naman ay naggaganchilyo ng gwantes para sa anak ko."Pa, makulit ito minsan si Sushi, kaya wag mong asarin ito lalo na kung kayo lang dalawa." Turan ko naman sa kanya. Natatakot ako na baka bigla na lang dagmalin ito ni Sushi dahil naasar. Alam ko na ma
Third Person's POVDUMATING ang inaasahang panauhin sa palasyo. Isa itong grupo ng mga salamangkero na inatasan na siyang gagawa sa gamot para hindi gaanong maapektohan ang Hari sa darating na solstice.Ilang taon din na nagdusa ang hari sa hagupit ng sumpa tuwing solstice. Ngunit dumating din ang araw na nagkaroon iyon ng gamot upang maibsan ang kanyang pagdurusa. Ngunit hindi iyon lubusan na nawawala. Ngunit kahit papaano ay hindi na kasing sakit ng karaniwan.In every solstice, Elijah's body will become weak and covered with shattering and endless pain. The pain which feels like his bones are being crushed and flesh are teared up. Kung ordinaryong imortal lang ang makakaranas ng sumpa ay hindi nito kakayanin at ikakamatay nito ang sakit.Lahat ng iyon ay tiniis ng Hari dahil alam niya na kabayaran iyon sa kasalanan na nagawa niya kay Elena. The solstice will always be the reminder on how he killed her. Now, he lost her again."Kamahalan, ito na po ang gamot niyo para sa darating na
Alessia's POVNAKAUWI na kami sa bahay. Naabutan ko naman si Lolo na nagdidikdik ng halamang gamot. Napakunot ang noo ko dahil masyadong maaga na umuwi si Lolo. Lagi itong gabi na umuuwi dahil maraming bumibili sa mga gamot na ibinebenta niya. Kaya nakakapagtataka na nakauwi na siya ng ganito kaaga."Lolo, bakit maaga kayong umuwi?" Tanong ko sa kanya at umupo ako sa sofa. Medyo pinahid ko ang kaunting pawis ko sa aking noo."Ilalagay ko muna ito sa storage, anak." Paalam naman sa akin ni Papa Elias at naglakad naman ito patungong storage room.Our house is not the typical Wysterian style. Kapareho ito sa bahay namin sa Pilipinas. Sinadya ito ni Lolo dahil inisip niya na hindi ako sanay sa bahay ng Wysteria. I prefer it this way too. I grew up in this kind of lifestyle at kahit ayos lang sa akin ang bahay sa Wysteria ay mas maayos pa rin sa akin ang bahay na nakasanayan ko."May dumating na mga sentinels at muntikan na nila akong nakita. Mukhang alam na ng hari na kasama kita Apo kaya