Share

Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire
Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire
Penulis: charmainglorymae

Prologue

last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-08 20:36:28

Third Person's POV

"YOUR majesty, patay na po si Lady Elena." Hayag ng manggagamot ng Palasyo na si Anisto pagkatapos ng pagbagsak ni Elena, sa unang pagkakataon na nakita ito ni Elijah.

Lumukob ang pagsisisi sa mukha ni Elijah habang nakatingin siya sa walang buhay na katawan ni Elena. Ang babaeng hindi niya ginustong pakasalan at kailanman ay hindi sinubukan kausapin at kitain.

Labis na pagsisisi ang kanyang nararamdaman ngayon. Noon ay hindi siya nagka-interes na kitain si Elena. Ang alam niya lang ay may taglay itong ganda na namumukod tangi sa lahat. Bagama't hindi siya nagkakainteres kahit gaano pa kaganda ang itsura ng isang nilalang. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkagusto nino man. Hindi mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo, dahil kapakanan ng Valeria ang lagi niyang inuuna.

Ang buong plano niya ay si Natalia ang kanyang pakakasalan, para mas paglawigin ang kapayapaan ng Wysteria. Kahit ang mga matataas na opisyales ay iyon din ang gusto. Ang pakasalan si Natalia. Tanging ang heneral ng digmaan lamang ang hindi sumangayon na pakasalan si Natalia. Kailangan, kung sino man ang nakatakda ay siya ang dapat pakakasalan. Hindi ibang nilalang.

Pero ngayon, sa unang pagkakataon na dumapo ang kanyang mga mata sa babae, tila huminto ang kanyang mundo sa unang pagkakataon. Tumibok ang kanyang puso, labis na pagtibok na hindi pa niya naramdaman kahit kailan.

Pero bago pa niya nalaman na ang babaeng nasa harapan niya, ay ang babaeng dapat pakasalan niya ay huli na ang lahat. Nawalan siya ng buhay, sa isang iglap lang. Wala man lang siyang nagawa para mapigilan iyon.

Nagtagis ang bagang ni haring Elijah at napapikit siya ng mariin. Tumayo si Elijah at binuhat niya ang walang buhay na katawan ni Elena. Pakiramdam niya ay nilamukos ang kanyang puso sa sobrang sakit.

Naglakad si haring Elijah at hindi na niya namalayan na tumutulo na ang kanyang mga luha. Lahat ng mga sentinels at mga serbidora ay nakayuko dahil sa kalungkutan. Tahimik ang lahat at pumasok sa isang silid si Elijah, at inihimlay niya si Elena sa isang higaan na gawa sa isang malambot na tela at kulay itim at ginto.

Hindi iyon kwarto, kundi isang silid kung saan ang himlayan ni Elijah kung siya ay babawian ng buhay. Hindi niya iyon nagamit, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya doon.

Isang kuwarto na kulay itim at ginto. Isang malapad na kama at nakahimlay doon si Elena. Para lang itong natutulog sa kanyang paningin. Hindi masasabing wala na itong buhay.

"I-I'm sorry..." Naibulong niya sa hangin at napaluhod siya sa gilid ni Elena. "Kasalanan ko lahat ng ito. Kung pwede ko lang bawiin ang lahat." Humikbi si Elijah na punong puno ng pagsisisi at paghihinayang. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng labis na pagsisisi si Elijah. Ang klase ng pagsisisi na kinakain ang kanyang kalooban.

Nakaluhod lang si Elijah doon, tumutulo ang luha at hindi alam kung kailan siya makakaahon sa labis na pagsisisi at kalungkutan na nararamdaman niya. Hindi na napansin ni Elijah kung gaano siya katagal doon sa loob. Nakatingin lang siya sa walang buhay na katawan ni Elena at humihiling na sana ay panaginip lang ang nangyayari. Sana ay gigising na lang siya dahil panaginip lang ito at ang una niyang gagawin ay ang huwag ituloy ang orihinal na plano.

Napalingon naman si Elijah nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang babaeng kilala niya. Si Natalia, ang reyna ng Mythion.

"I heard she's finally dead. You're free now." Paunang saad ni Natalia pero hindi siya pinansin ni Elijah. Ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nakahimlay ngayon sa kanyang harapan. "Why do you look so sullen all of the sudden?"

"Not today, Natalia. Please, give me peace." Hiling ni Elijah. Hindi niya gustong bastusin ang reyna pero nawawalan siya ng pasensya ngayon. Lalo na at mas lalo lang pinagmumukha sa kanya ang sitwasyon.

"Why? Isn't this what you want? You want her to be gone, I just—"

Lahat ng sasabihin ni Natalia ay nalunok ulit ng biglang dakmalin nito ang leeg ng reyna at ibinalya siya ni Elijah sa dingding. Malakas na napadaing ang reyna dahil doon.

"Shut your mouth, Natalia. If you are smart enough to see, I am not a bit happy, not at all." Banta ni Elijah kay Natalia. Kung naging babae pa lang si Natalia ay baka nasuntok na niya ito.

Hindi natakot si Natalia, imbes na tumahimik ay nagsalita ulit siya.

"What's wrong? You're the one who ask to kill her, now it was done successfully. Are you not satisfied on how she was killed?" biglang nawalan ng hangin ang lalamunan ng reyna at lumarawan doon ang lagim sa kanyang mukha na maaari niya itong ikamatay sa kamay ni Elijah.

"Yes. I killed her, I killed the one I love!" Sigaw ni Elijah na halos mawarak ang tenga ni Natalia. "Our agreement is cancelled. I will never marry you Natalia." At binitawan niya si Natalia na ngayon ay naging kulay ube na dahil sa kawalan ng hangin.

Parang naging hayok na hayok sa hangin si Natalia nang pakawalan siya ni Elijah. Nagtagis ang kanyang mga panga dahil sa ginawa ni Elijah sa kanya.

"Wag mong ibunton sa akin ang galit mo. You're the one who hired a sorcerer to kill her. Don't pretend that you're regretting all of this. This is what you want, Elijah. You wanted this. Kung sino man ang may kasalanan dito, siguradong hindi ako yun. You killed Elena for your greed—"

"Get out!" Dumagundong ang boses ni Elijah at biglang bumukas ang pintuan kahit walang nagbukas nun at biglang lumitaw sa hangin si Natalia at patilapon itong lumabas sa silid na iyon.

Napasandal si Elijah sa dingding at dahan dahan siyang dumausdos pababa. Ramdam ang pagsisisi, panghihinayang at galit sa sarili. He's been too cruel for thousands of years. Wala siyang pakialam kung sino man ang masasagasaan niya, basta matupad lang lahat ng kanyang mga gusto.

Ngayon ay natupad na nga ang kagustohan niyang mawala sa landas niya ang nakatakda para sa kanya, ngunit para naman siya ngayong nalunod sa pagsisisi. Galit na galit siya sa kanyang sarili at hindi niya kailanman mapapatawad ang mga kasalanan nagawa niya kay Elena. Hindi aiya karapat dapat na sumaya dahil sa nagawa niya.

Nanatili siyang ganoon nang matagal. Hindi siya nakakaramdam ng gutom hanggang pumasok na si Stefano, ang kanyang kanang kamay na ngayon ay nag-aalala na kay Elijah.

"Kamahalan, kailangan na pong ilibing si Lady Elena." Saad ni Stefano kay Elijah na ngayon ay nakaupo lang sa sahig, nangangalumata at hindi makausap.

Hindi sumagot si Elijah. Nakatingin lang siya sa walang buhay na katawan ni Elena. Nang walang nakuhang sagot si Stefano ay pinalapit na niya ang mga sentinels para buhatin si Elena pero mabilis na tumayo si Elijah at pinigilan ang ginagawa ng mga sentinels.

"Don't touch her!" Dumagundong ang boses ni Elijah at nakaramdam ng takot ang mga sentinels.

"Kamahalan, kailangan na natin siyang ili—" naputol naman ang dapat sabihin ni Stefano nang biglang may pumasok na nag-aalab ang galit.

"Pinatay mo ang anak ko!" Sigaw ng ina ni Elena na ngayon ay umiiyak at naghihinigpis. "Namatay ang anak ko, hindi mo ako hinayaan na makita siya. Hindi mo ginusto ang pakasalan siya, kaya ka nagbayad para patayin ang anak ko." Galit na galit na saad ng ina ni Elena.

"Lady Felicidad, huminahon ka—" biglang sinampal ni Felicidad si Stefano.

"Ayokong marinig ang mga paliwanag niyo. Sapat na sa akin na alam ko na pinatay niyo ang anak ko! Mga wala kayong puso! Ang anak ko na lang ang natitirang pamilya ko!" Humihiyaw na saad ni Felicidad at galit na galit itong tumingin kay Elijah. "Sana dumating ang araw na pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Isinusumpa ko na hindi ka magiging masaya!" At bigla na lang may hinugot na itim na bote si Felicidad at ininom nito ang laman. Agad nitong nabitawan ang bote at huli na para malaman nila na nakakamatay iyon na lason para sa isang imortal.

Mabilis na dinaluhan si Felicidad nang bigla itong natumba at nangisay. Bumubula ang bibig nito hanggang sa tumigil na ito sa paggalaw.

Natahimik ang lahat. Pati si Elijah na nagulat. Sinubukan ni Anisto na ibalik ang buhay ni Felicidad pero naging bigo ito. Nagpakamatay si Felicidad dahil hindi nito kinaya ang pagkamatay ng anak, lalo na at nalaman nito kung sino ang nag-utos na ipapatay si Elena. Walang ibang maisip si Elijah kundi si Natalia ang nagsabi kay Felicidad kung sino ang pumatay kay Elena. Walang ibang nakakaalam nun, kundi si Natalia at Stefano.

"Call the sorcerer." Utos ni Elijah at hindi niya hinayaan na kunin nila ang katawan ni Elena. Nakabantay siya sa gilid ng higaan.

Naintindihan naman ni Stefano ang ibig niyang sabihin kaya mabilis na lumabas si Stefano para ipadala ang mensahe sa pamamagitan ng isang phoenix na sa isang iglap lang ay matatanggap na ng kung sino man ang padadalhan ng sulat.

Ang nais ni Elijah ay kausapin ang salamangkero, kung may posibilidad pa ba na maibalik ang buhay ni Elena. Ipinagdarasal niya na sana ay mayroon paraan para doon.

Naiwan siya sa loob ng silid. Ang mga sentinels naman ay dinala ang labi ni Felicidad na mauunang ilibing kaysa kay Elena.

Trienta minutong lumipas ay dumating na ang salamangkero na kasama ni Stefano. Agad na napatingin si Elijah doon. Tinitigan niya ang matandang salamangkero na si Sicario. Siya ang pinakaunang salamangkero at isa sa mga hindi bumigay sa kasamaan. Kaya mapagkakatiwalaan niya ito.

"Ikinagagalak ko po kayong makita muli, mahal na hari." Pagbibigay pugay ni Sicario at yumukod ito.

Tumango lamang si Elijah dito at pinagmasdan pa rin niya ito. Mahaba ang puti nitong buhok dahil sa katandaan at kulubot ang mga balat. Minsan lang nakikita ang mga ganitong klaseng nilalang sa Wysteria, dahil walang tumatanda sa mga imortal, maliban sa mga salamangkero na tumatawid sa mortal na mundo.

"Wala na siyang buhay." Mahinahon na saad ni Sicario at mukhang nakilala kaagad nito kung sino ang babaeng nakahimlay ngayon sa higaan.

"Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, Sicario. May paraan ba na maibabalik ang buhay ni Elena?" Matiim na tanong ni Elijah rito.

Bumadha naman ang gulat sa mga mata ni Sicario dahil sa narinig mula sa hari. Hindi nito inaasahan na sasabihin ito ni Elijah, sapagkat ang puno't-dulo nang pagkamatay ng itinakda ay si Elijah. Nag-utos ito na tapusin ang buhay ni Elena.

"Ikinakulungkot ko mahal na hari, pero hindi na sakop ng aking kapangyarihan ang bumuhay ng patay." Nanghihinging paumanhin ni Sicario dito. Mas lalong nagtaka ang matanda kung bakit ganito ang inaakto ng hari. Pero hindi niya sinubukan na magtanong.

Bumuntong hininga naman si Elijah bago nagsalita. "Wala ba talaga? Kahit ano? Nagsisisi ako sa lahat ng naging desisyon ko. Kung may paraan, kahit ano pa man, gusto kong panghawakan iyon." Tila nawawasak si Elijah at namamalimos ng pag-asa.

"Meron isang paraan, kamahalan." Usal ni Sicario na agad na kumuha ng atensyon ni Elijah. "Kailangan niyong hintayin ang muling kapanganakan ng itinakda." Saad ni Sicario na mas lalong napakunot noo si Elijah.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Elijah, na ngayon ay tuluyan ng lumapit kay Sicario.

"Muling ipapanganak ang itinakda, isang daan taon mula ngayon." Usal ng matanda na tila nagbabasa ito ng isang propesiya. Ikinumpas niya sa ere ang kamay at may lumitaw doon na isang kuwintas na kulay jade na hugis bilog at may mga desenyo ng gintong dragon at umiilaw ito. "Ito ang magiging palatandaan ng itinakda. Ipapanganak siya sa bagong pagkatao at pagkakakilanlan. Makakamit niya ang kuwintas na ito, sa ika dalawampo na kaarawan niya. Ang itinakda lamang ang tanging makakapagpailaw sa kuwintas na ito, oras na suot na niya ito." Mahabang saad ni Sicario at itinatak ni Elijah iyon sa kanyang balintataw ang kuwintas at naglaho iyon sa kanyang paningin.

"Sinasabi mo ba na lilitaw siya, isang daan taon mula ngayon?" Paglilinaw ni Elijah kay Sicario.

"Hindi siya lilitaw, kamahalan. Mahahanap mo siya, sa isang tagpong hindi mo aasahan." Sagot ni Sicario at naglaho na lang ito sa kanyang harapan. Nakuha na niya ang sagot na kailangan niya. Isang daang taon mula ngayon, ay ipapangank muli si Elena sa ibang pagkatao at pagkakakilanlan. Ang kuwintas na tumatak na sa kanyang isipan ay siyang magiging palatandaan.

Napalingon siya sa walang buhay na katawan ni Elena. "It's not yet goodbye, sweetheart. It's see you again, hundred years from now."

©️charmaineglorymae

Bab terkait

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 1

    Alessia's POVHINDI naging madali ang lahat, lalo na at isang napakalaking eskandalo ang nangyari sa kaharian. Kumalat sa buong Valeria ang hindi natuloy na pagpapakasal ni Elijah kay ate.Nagkulong naman si ate sa kanyang kwarto at hindi tumatanggap ng kahit na sinong panauhin. She was shutting us down and we all know the reason.I felt guilty for what happened. Alam ko na parte ako sa kasalanan dahil hinyaan ko si Elijah. My agreement to entertain his feeling was the root of this mess. Kung hindi ako pumayag, kung nagmatigas ako, siguro ay masaya na ngayon si ate.Hindi ko alam kung malaking kaginhawaan ba sa pakiramdam na hindi nila alam na ako ang dahilan. But for some reason, I know my sister is suspecting me. Hindi niya lang magawang komprontahin ako dahil sa nagpapagaling pa siya sa pinsalang natamo galing sa malaking kahihiyan na iyon.Nagbalik ulit sa normal ang lahat pagkatapos nun. Umakto si Elijah na tila walang nangyari. Bumalik ang sina Rostov at Natalia sa kani-kanilang

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-08
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 2

    Alessia's POV"WALA akong oras sa ganitong usapan, Stefano." Saad ko at mabilis akong tumayo at kinuha ang mga libro para ibalik iyon sa shelves.Naramdam ko ang init sa aking pisnge dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan.Mabilis akong lumayo sa lamesa ngunit agad naman sumunod sa akin si Stefano, tila ayaw niyang magpapigil."Kailan ka pa magkaka-oras? Hindi ko talaga alam kung ano ang pumipigil sa iyo. You just have to go with the flow. Ang buhay kasi, parang baha lang yan, kung sasalungatin mo mas mahihirapan ka. Kaya sabayan mo na lang ito sa agos, enjoy the flood instead, there might be some debris but at least, you won't be hurt badly." Saad niya sa akin na nakasunod pa rin. He's really insisting that I should do it with Elijah. We already cheated, hindi niya lang alam at wala akong balak ipaalam iyon kanino man. Ano ba ang nakakatuwa sa pagtataksil? Hindi yun nakakproud."Tama ka nga, ang buhay ay parang baha, pag-inenjoy mo, magkaka-leptospirosis k

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-08
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 3

    Alessia's POVMAGKASABAY kaming naglakad ni Elijah pero sa akin naman siya nakasunod. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin sabay yukod. Pareho kaming hindi nagsasalita ni Elijah.Ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang aking kwarto. Agad na natanaw ko ang pintuan ng kwarto ko kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at inabot ko ang hawakan at pinihit iyon upang bumukas.Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng bulaklak. No, it's my fragrant lingering in this room. Hindi ko alam pero ganoon ang amoy ko, amoy sampaguita na hindi ko alam kung bakit.Agad na tumayo si Estrebelle at binati kaming dalawa ni Elijah."Estrebelle, maaring ba na lumabas ka muna?" Hingi ko sa kanya. Wala naman akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata at mabilis na tumalima si Estrebelle na parang kailangan na kailangan niya iyong gawin.Mabilis na isinarado ni Estrebelle ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang nasa loob ng kwarto. Napatingin ako sa puno, al

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 4

    Alessia's POVNAKATAYO ngayon si Anisto sa aking harapan at may inilapag itong isang bote ng gamot na gawa sa kristal. Naging pamilyar sa akin ang gamot na iyon at naalala ko na. Nakita ko ito na isa sa mga gamit na iniinom ni Elijah.Ang alam ko ang gamot na ito ay iniinom niya upang hindi nagwala ang kanyang kapangyarihan. Nagkaroon na noon ng insidente na kumawala ang kapangyarihan ni Elijah at muntikan nang nabura ang buong Valeria, o mas tamang sabihin na ang buong Wysteria. Pero matagal na panahon na daw iyon at parang naging isang alamat na lang.May mga panahon na hindi nakokontrol ni Elijah ang kanyang kapangyarihan at nakakaramdam siya ng sintomas kaya umiinom kaagad siya ng gamot upang kumalma siya at pati na rin ang kanyang kapangyarihan.Makapangyarihan siya, pero isang paghihirap din iyon ang kontrolin niya ang kanyang kapangyarihan, bago pa siya ang kontrolin nito."Ubos na ang gamot niya, Ales. Natatakot ako na ang misyon na ito ay magiging mitya upang magising ulit an

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 5

    Alessia's POVHINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 6

    Alessia's POVHINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dah

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 7

    Alessia's POVNAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya."Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako."Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon."Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik b

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 8

    Alessia's POVNATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita."T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon."I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar."U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11

Bab terbaru

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Epilogue

    Alessia's POVNATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing."Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 50

    Alessia's POVDUMATING na kami sa harap ng pintuan kung saan pansamantalang tumutuloy si Sudanni. Hindi na ako kinibo pa ni Stefano, mukhang nagtatampo ito sa akin pagkatapos ako nitong pagalitan.Ayaw ko naman siyang pilitin na maging maayos kami dahil ramdam ko na masama ang loob niya at ayaw na niya muna akong kausapin. Nailalarawan ko na rin sa isipan ko ang takot ng mga sentinels at tagapgsilbe dito kanina dahil sa pangyayari. "Salamat." Saad ko kay Stefano ngunit hindi man lang ako nito nilingon at tila wala itong naririnig.Napanguso naman ako kaya wala akong magawa at akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla naman itong bumukas at agad na nakita ko si Sudanni na maayos na maayos ang itsura. His pointy ears and glowing golden eyes are striking with his long black hair."Ales." Usal nito sa akin na tila inasahan na niya ang pagdating ko.Lumunok naman ako dahil mula sa Callora Grande ay ito ang unang beses na nakita ko siya ulit."Maaari ba kitang makausap?" Tanong ko s

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 49

    Alessia's POVUMINOM ako ng pumpkin juice na hindi ko nakasanayan na lasa. Ito ang inomin sa kainan na ito at sarap na sarap ang lahat habang ako naman ay pinipigilan na mapangiwi. There is this distinguish pumpkin taste that makes me think that I am drinking a vegetable juice which I don't really like.Pero pinigilan ko na ngumiwi lalo na at nilibre na nga lang ako at magiging maarte pa ako. I'll just remind myself not to drink pumpkin juice in the future. I know that this is a healthy drink, but it doesn't suit my taste."Binibini, bumalik na tayo sa palasyo, baka hinahanap na tayo doon." Yaya naman sa akin ni Estrebelle.Napanguso naman ako. Hindi pa naman ako uwing-uwi. Gusto ko pang maglakad lakad at tumingin sa paligid. Not everyday, I can go to this place."Mamaya na. Masyadong abala ang Hari para malaman niya na tumakas tayo." Saad ko naman sa kanya at inilipat ko ang tingin ko sa gitna kung saan ang asul na bato nakaposisyon."Pero baka kasi hanapin kayo ng kamahalan." Tugon

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 48

    Alessia's POVMABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria."L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya."Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya."Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patun

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 47

    Alessia's POVABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar."Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan."Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikad

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 46

    Alessia's POVAGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin."Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko."Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia."He's not normal to begin with..."

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 45

    Alessia's POVAGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Ag

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 44

    Alessia's POVPIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop,

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 43

    Alessia's POVWHO could have thought that death itself will come to me. To take away my soul without any reason? Hindi dapat ganito ang nangyayari. Ang isang reaper, kumukuha lang ng isang kaluluwa kung patay na ang isang imortal. Buhay na buhay ako at hindi pa ako patay para sunduin na niya! Does his eyes been defective somehow?"N-no. Why are you taking someone else soul who's not even dead in the first place!" Hindi ko mapigilan na maisigaw. I am very much alive to be treated this way. I am not dead and definitely will not be! This reaper might be dreaming or something.You believe that in this world, you are alive. You are a scarped soul, child. It's time for you to go back to where you are supposed to be. Defying your fate will only cause misery to the living. Saad ng reaper at napaatras ako dahil sa sinabi niya.I am what? A scarped soul? Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang sabihin na isa lamang akong takas na kaluluwa? Hindi ako patay para sabihin niya iyon. Paanong is

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status